Tuesday, November 4, 2008
Cockfighting engrained in cultures
Cockfighting has also been mentioned in songs such as Kings of Leon's Four Kicks and Bob Dylan's song "Cry a while" from the album Love and Theft. The story song El Gallo del Cielo by Tom Russell is entirely about cockfighting, and the lyrics utilize detailed imagery of fighting pits, gamecocks, and gambling on the outcome of the fights.
The Expressionist painter Sir Robin Philipson, of Edinburgh, was well known for his series of works that included depictions of cockfighting.
Wilford Brimley is a high profile supporter of cockfighting.[21] He campaigned unsuccessfully in Arizona and New Mexico against laws banning cockfighting.
The computer game Deus Ex: Invisible War contains a pub that holds "greasel fights", where escaped transgenic creatures ("greasels") are used in place of gamecocks.
Origins
Cockfighting was a pastime in the Indus Valley Civilization by 2000 BC.[3] The Encyclopedia Britannica (2008)—on the origins of cockfighting—holds:[4]
The game fowl is probably the nearest to the Indian red jungle fowl (Gallus gallus), from which all domestic chickens are believed to be descended.
The sport was popular in ancient times in India, China, Persia, and other Eastern countries and was introduced into Greece in the time of Themistocles (c. 524–460 BC). The sport spread throughout Asia Minor and Sicily. For a long time the Romans affected a despisement of this “Greek diversion,” but they ended up adopting it so enthusiastically that the agricultural writer Columella (1st century AD) complained that its devotees often spent their whole patrimony in betting at the side of the pit.
[edit] Regional variations
Spurs taped and tied onto legs
In some regional variations, the birds are equipped with either metal spurs (called gaffs) or knives, tied to the leg in the area where the bird's natural spur has been partially removed. A cockspur is a bracelet (often made of leather) with a curved, sharp spike which is attached to the leg of the bird. The spikes typically range in length from "short spurs" of just over an inch to long spurs almost two and a half inches long. In the highest levels of seventeenth century English cockfighting, the spikes were made of silver. In the naked heel variation, the bird's natural spurs are left intact and sharpened: fighting is done without gaffs or taping, particularly in India (especially in Tamil Nadu) There it is mostly fought naked heel and either three rounds of twenty minutes with a gap of again twenty minutes or four rounds of fifteen minutes each and a gap of fifteen minutes between them.[5]
Nicaragua, Venezuela, Colombia, France, Mexico, Dominican Republic, Italy, Philippines, Peru, Puerto Rico, Canary Islands and Guam have arenas with seats or bleachers for spectators surrounding the ring. In many countries, the spectacle of cockfighting is as popular as baseball and American football are in the United States. Among the competitors who raise fighting cocks, there is great pride in the prowess of their birds and in winning a championship.
[edit] Latin America
[edit] Mexico
Cockfight in Querétaro, Mexico
In Aguascalientes, a state capital, one of the city's principal concert halls is the cockfighting arena, the palenque. During the San Marcos Fair, well-known throughout Mexico, cockfights alternate with important concerts, where the singers or dancers perform from the cockpit. Many popular singers have performed there, e.g. Latin Grammy winners Alejandro Fernandez and Alejandra Guzman [6].
[edit] Asia
[edit] Southeast Asia
Cockfighting is common throughout all of Southeast Asia, where it is implicated in spreading bird flu.[7] Some local terms for cockfights:
* Thailand, Thai: ตีไก่ Tee ky;
* The Philippines, Sabong.
[edit] India
A cockfight in India, 2008
Cockfighting (Vetrukkaal seval porr in Tamil which means "naked heel cock fight") (Kodi Pandem in Telugu) (Kori katta in Tulu) is favourite sport of people living in the coastal region of Andhra Pradesh, Dakshina Kannada and Udupi districts of Karnataka, India. Three or four inch blades (Bal in Tulu) are attached to the cocks' legs. Knockout fights to the death are widely practised in Andhra Pradesh. In Tamil Nadu, the winner is decided after three or four rounds. People watch with intense interest surrounding the cocks. The sport has gradually become a gambling sport.
[edit] Tamil Nadu
Cockfighting in Tamil Nadu is mentioned in ancient literature like Manu Needhi Sastiram, Kattu Seval Sastiram, and other sangam-age literature, 2,000 years old. It is referred to as the favourite past-time for Maravars or the warriors of Tamil Country. It is acknowledged as one of the 64 "arts" widely spoken by the scholars and mastered by the ancestors/scholars of this part of the world. In earlier days they were fighting with the jungle fowl and its variants later, due to the naval expeditions to Java and Malay by the Pandian Rulers the local poultry of that land might have found its way to Tamil Nadu and a new strain/breed started its development in here which later spread to many places such as India. The newer breeds which are known now are The "Reja" (which is a short Variety),"Sonatol","Calcutta Asil","Madras ASil","Kalkatiya" (Also known as "Kadhar" synonymous to Black Asils), The Reds (Also known locally as "Yakuth"),The Yellow Variants (Also known as The "Peela" Asil), The Grey is known locally as "Java" and its variants reddish grey as "Dummer". Also they have a "henny" variety cock known locally as "Pettai Madhiri" the literal meaning is "it looks like a hen", though this variety is said to have come from "Singala Island", or Sri Lanka.
[edit] Pakistan
A cockfight on the outskirts of Kabul, Afghanistan
Cockfighting is popular in Pakistan.[citation needed] Betting is illegal, but police often turn a blind eye towards it. In Sindh (one of 4 major provinces), people are fond of keeping fighting cock breed, known as "Sindhi aseel" in Pakistan. These cocks are noted being tall, heavy and good at fighting. Cock-fighting is popular in rural areas, despite the fact that animal-fighting is banned under Islamic Law.
[edit] Philippines
Cockfighting in the Philippines is called "Sabong". It is one of the Philippines' national sport. There are illegal and legal cockfights. (Even the Filipino boxer Manny Pacquiao has a cock called "Pac-Man".) Many would gamble on the fight.
Legal cockfights are held on cockpits every week. Illegal cockfights, called tupada, happen any time in open areas. In both kind of cockfights, knives are used. Gloves are used for training purposes only.
Derbies are also held. These are cockfights where owners will field a fixed number of cocks. (e.g. 3-cock derby or 6-cock derby). The one with the most wins, wins the jackpot. The Philippines has hosted several World Slasher Derby.
There are 2 kinds of knives used in Philippine cockfighting. The single blade (use in derbies) and double blades.
All knives are attached on the left leg of the cock. But depending on the agreement between owners, blades can be attached on the right leg, or even on both legs.
Sabong and illegal tupada, are judged by a referee called sentensyador, whose verdict is final and not subject to any appeal.[8]
[edit] Pacific Islands
In Guam the sport of cockfighting has been accepted as a cultural tradition dating back to the Spanish rule. Cockfighting became more popular with an influx of Filipino immigrants to the island before and after World War II. Cockfighting events are held throughout the week at a government licensed pit in the village of Dededo and in other villages during fiestas where a patron saint of that village is celebrated. Imported roosters and hens from the U.S. fetch a heavy price.
[edit] Legal issues
Cockfight in Otavalo, Ecuador
In many places, cockfights and other animal fights have been outlawed, often based on opposition to gambling or animal cruelty. In the United States cockfighting is against the law. It is also illegal to possess, raise, train, advertise, or trade cocks or accoutrements that could be used for cockfighting. Also, participating in a cockfight in any manner is illegal: advertising, transporting participants or spectators, placing wagers, hosting an event, etc. It is common for law enforcement to impound property associated with any cockfighting activity [9].
[edit] Europe
[edit] United Kingdom
Cockfighting was banned outright in England and Wales and in the British Overseas Territories with the Cruelty to Animals Act 1835. Sixty years later, in 1895, cockfighting was also banned in Scotland, where it had been relatively common in the eighteenth century.[10] . The Museum of Welsh Life contains a reconstructed cockpit[11] and a reference exists in 1774 to a cockpit at Stanecastle in Scotland.[12]
According to the RSPCA, cockfighting in England and Wales still takes place, but has declined in recent years.[13]
[edit] France
Holding cockfights is a crime in France, but there is an exemption under subparagraph 3 of article 521-1 of the French penal code for cockfights and bullfights in locales where an uninterrupted tradition exists for them. Thus, cockfighting is allowed in the Nord-Pas de Calais region, in Metropolitan France, where it takes place in a small number of towns including Raimbeaucourt, La Bistade[14] and other villages around Lille.[15] On Réunion Island, there are five officially authorized gallodromes (i.e. cockfighting arenas).
[edit] United States
Cockfighting club in Puerto Rico
Cockfighting has a tradition in some American cultures and history. It is said that some founding fathers participated in cockfighting including Washington and Jefferson.[16] With the influx of immigrants from Central America and Asia, they have each added new forms of cockfighting.
In the United States, cockfighting is illegal in all 50 U.S. states and Washington, D.C.. The last state to implement a state law banning cockfighting was Louisiana; the Louisiana State Legislature voted to approve a Louisiana ban in June 2007. The ban took effect in August 2008. Thirty-three states and the District of Columbia have made cockfighting a felony, and it is illegal in 40 states and the District of Columbia to be a spectator at cockfights. Animal welfare activists continue to lobby for a ban on the sport. Cockfighting remains legal in the United States territories of Puerto Rico, the U.S. Virgin Islands, and Guam, although in 2006, the Virgin Islands adopted a law banning the use of artificial spurs.
The Animal Fighting Prohibition Enforcement Act, a federal law that made it a crime to transfer cockfighting implements across state or national borders and increasing the penalty for violations of federal animal fighting laws to three years in prison became law in 2007. It passed the House of Representatives 368-39 and the Senate by unanimous consent and was signed into law by President George W. Bush.[17]
[edit] Cocke County, Tennessee arrests
On June 11, 2005 a number of law enforcement agents raided a cockfighting pit in Del Rio, Tennessee.[18]. Authorities claim this was one of the largest and oldest cockfighting operations in the United States. The agents arrested 144 people, killed over 300 roosters, and confiscated $40,000 in cash. The 144 people arrested were booked on charges of being spectators at a cockfight, a misdemeanor. In Tennessee, defendants found guilty of those charges face up to eleven months and twenty-nine days in jail, plus fines up to $2,500.[19]
Sunday, November 2, 2008
Mana: In defense of cockfighting ( Updates about Mana)
Mana gains progress
The Masang Nagmamanok or Mana organization is gaining headway in carrying out its objectives. It got a strong boost from an agreement with a major cockpit in Metro Manila.
The agreement will allow Mana to hold one benefit cockfight every month starting January 2009. The benefit cockfights are expected to raise much needed funds for the operation of Mana's Gamefowl Dispersal Program.
In a related development, an area in Teresa, Rizal, a province bordering Metro Manila has been made available for the program. The area is courtesy of Col. Tito Corpuz(ret.)who is an old timer in sabong and now one of the prime movers of Mana.The area will be managed by kamana Jun Santos of B-meg and Derby Ace lines of feeds.
The organization continues to grow both in membership and in support as the idea of mounting a defense to the threat posed by the anti-sabong forces now invading the Philippines catches fire.
Another area will soon be developed in Gubat, Sorsogon, part of the Bicol region, for a similar dispersal program. It is owned by Kamana Bong Ferreras.
Mana has an existing dispersal program in City of Naga, Cebu in Central Visayas region. Another is being set up in Lawaan, Eastern Samar, in Eastern Visayas Region.
Mana's presence is now slowly being felt in several regions in the country.
WHAT IS MANA?
Mana is Masang Nagmamanok, an organization of common sabungeros all throughout the Philippine Islands.
It was loosely formed a few months ago on a suggestion by a reader of Llamado Tayo, “ The column Llamado Tayo, is read daily by over a hundred thousand cocking afficionados, mostly in Metro Manila. It is a daily feature of the tabloid “Tumbok” which is owned by the Philippine Daily Inquirer group of publications.
The reader who suggested that readers of the column formed themselves into an orgnization was Boying Santiago, of Camarines Sur,a member of the Bicol Gamefowl Breeders Association (BIGBA).
In July 2008 MANA had a membership of around 2,500, when its primemovers started a program to recruit as many as 100,000 members in a year’s time.
Now, less than two months later MANA has a membership of over 7,000 and is on track to double it every two months, hitting the targetted 100,000 members in less than a year.
Members of MANA call each other kamana.
The objectives of MANA are:
1. To provide welfare to the hundreds of thousands of common sabungeros in the Philipines and workers in the gamefowl industry;
2. To fight for the preservation of sabong as a sport, livelihood, and heritage of the Pilipino culture.
3. To cooperate with other pillars of the gamefowl industry to the benefit of sabong and the sabungeros.
MANA vows to be in the forefront of the fight for the preservation of sabong. Animal rights group now threatened to do in the Philippines what they have done in other countries, most noteworthy, the US, where they succeeded in outlawing the sport.
MANA prime movers are banking on show of force by numbers. They reckon politicians will think twice before passing a law against sabong when they will be face with the possibility of losing too many votes.
“Actually it’s not so much of showing our numbers, as every body knows we are so many, as showing unity,” they said.
Among the primemovers of MANA are Boying Santiago; councilor Jessie Abonite of Iriga City; Frank Rebosura, secretary of the Central Visayas Breeders Association (CVBA); Jovy Templo and Clem Ramos of Cagayan Valley Gamefowl Breeders Association ( CVGBA); former Surigao del Sur board member Manny Lumanao; Engr. Fred de Asis of Pampanga Backyard Breeders Association; Councilors Jojo Sosobrado and Vicente Gaquing of Ronda, Cebu; Isagani Dominguez of Cavite; and Ferdie Sarino of Manila.
Dan Baltazar is the group’s main spokesperson, while Steve del Mar is the head of its public relations bureau and main author of this blog.
.—Sep 14, 2008 Gamefowl Research, Information & Training (GRIT) News & Features
>MAGTATAG TAYO NG CORE GROUP
Noong Martes ay nag meeting kami sa Cebu at nag assess sa mga developments ng Mana sa Visayas. Maganda po ang basa natin sa pagsulong ng Mana. Lalo na nang tumawag si kamanang Dan Baltazar at ibinalita na tuloy na po ang ating programa sa radyo.
Masaya tayo mga kamana. Patuloy ang pagdami natin. Tinatayang di magtatagal ay makakamit na natin ang ating minimithi, pamamagitan ng pagpapakita natin ng dami, at pagkakaisa.
Iilan sa mga isusulong ng ating kilusang Masang Nagmamanok ( MANA ) ay ang sumusunod:
8. Ang pagpigil sa ano mang hakbang laban sa sabong;
9. Insurance o kung maaari'y pension plan para sa mga manggagawa ng industriya na hindi saklaw ng proteksyon ilalim ng ating labor laws, tulad ng mga sentensyador, casador, kristos, mananari, handlers, at farm hands;
10. Panlawakang gamefowl dispersal program upang ang mga karaniwang sabungero ay makakapagmay-ari ng magagaling na breeding materials;
11. Maayos na pagpapamahagi ng kaukulang kaalaman sa pagmamanok;
Upang mapatupad ang mga ito, kakailanganin natin na makipagtulungan sa ibang sector ng industriya tulad ng mga samahan ng malalaking breeders at mga kumpanya ng pakain at gamot pangmanok.
Sila ang may kakayahang tulungan ang masang nagmamanok. Sa kabilang daku naman, maari natin itong gantihan pamamagitan ng pagtatangkilik ng kanilang mga pa-derby at mga produkto.
Dapat lang na ang lahat ng sektor ay magtulungan. Tungkulin ng bawat sabungero na ipaglaban ang karapatan natin na patuloy na masiyahan sa larong sabong na mana natin sa ating mga ninuno. Tungkulin din natin na tugunan ang pangangailangan ng maliliit na sabungero at ang mga naghahanapbuhay sa sabong.
Sila ang gulugod o backbone ng industriya.
Upang masundan po ninyo ang pag-unlad at mga gawain ng MANA patuloy po tayong magbasa ng Llamado Tayo at ng pahayagang Tumbok, ang dyaryo ng masang nagmamanok. Kumusta nga pala kayo dyan sa Camarines Sur. Masaya na nagtext sa atin si kamanang Boying Santiago kasi bumalik na raw ang sirkulasyon ng Tumbok doon.
Mayroon na tayong Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon. Kung gusto nyo pong bumili mag text lang kayo sa akin. Kung kayo’y nasa Metro Manila pwedeng kay kamanang Dan magtext, 0910-485-2134
May blog tayo sa internet. Ang tilaok.blogspot.com. At malapit na tayo magka-programa sa radyo. Sa sports radio ang ating programa.
Patuloy din natin ang ating pag-seminar. May advanced seminar tayo sa Nov 8 sa seminar hall ng Quezon Memorial Circle. At magandang balita, nag-confirm na si kamanang doctora Nieva Arieta na makadalo siya. Hindi kasi siya sana makakadalo kung Sabado ang seminar, Linggo lang siya libre. Ngunit sinikap nya na magpaalam sa kanyang work upang makapiling tayo.
Si Dra. Nieva ang magsasalita tungkol sa health at nutrisyon ng manok pang sabong.
Pagkatapos ng pagkatapos ng seminar na ito ay pagusapan natin ang mga proyekto natin sa Metro Manila. Magtatag tayo ng core group upang mangasiwa. Kabilang sa ating paguusapan ay ang gamefowl dispersal program para sa chapters sa Metro Manila at kalapit na mga lugar.
Kaya hinihiling po natin sa mga directors, coordinators at sa mga gustong makabilang sa core group na manatili pagkatapos ng seminar pare sa pagpupulong natin.
Sana po’y patuloy ang ating pag dami, dahil ang ating dami at pagkakaisa ang siyang susi sa ating tagumpay.
Sa mga nagnanais na maging miyembro ng MANA ay etext lang ang inyong buong pangalan, tirahan, at hanapbuhay sa 0917-967-7353. Wala po kayong babayaran o obligasyon maliban sa inyong pagmamahal sa sabong.
( By Rey Bajenting published in LLamado Tayo; Tumbok)
Saturday, November 1, 2008
Llamado Tayo sa Tilaok( Updated Nov Dec 6 , 2008)
Balikbalikan nyo po ang pitak na ito ni kamanang Rey Bajenting patuloy po itong may bagong dagdag.
Rey b art650
For nov 24
Iba-ibang diskarte para sa Mana
Kabuhayan: Mana cockbox
Si kamanang Isagani Dominguez ay may naisip upang makatulong sa sino mang kamana natin na marunong gumawa ng karton na sisidlan ng manok o travelling cockbox.
Marami kasi siyang supply ng magandang quality na karton na pwedeng gawing cockbox. Magiging munting livelihood ito sa simumang marunong gumawa at gustong maging kapartner ni Kamanang Gani.
Siya ang mag-supply ng karton, kayo ang gagawa, at siya naman ang bahalang mag-market. Sino man ang interesado ay i-text lang si kamanang gani sa 0928-394-7130.
Papangalanan ni kamanang Gani na Mana cockbox ang produktong ito at bahagi ng kikitain ay gagamitin nila upang makatulong sa mga proyekto ng Mana chapter nila sa Cavite. Sa Bacoor, Cavite po si kamanang Gani.
Makakapagkakitaan po ito at makakatulong pa sa Mana.
Mana fighters of the year, at benepisyo
Si kamanang Anthony Espinosa naman ay nagiisip kung paano makapakinabang ng husto ang mga kamana sa darating nating mga pasabong sa Pasay Cockpit. Simula Enero po, ay may buwanang pasabong tayo sa Pasay. Kaya sa taong 2009 kung idudulot ng Maykapal, ay may labing dalawang pasabong tayo.
Pinagaralan na ni kamanang Anthony na dapat magkakaroon tayo ng Mana Fighters of the Year. May premyo po ang mga magwawagi nito. Ito ay bukod sa regular na guaranteed prize na P100,000 sa bawat pasabong.
At hindi lang yan, maaring makapagbibigay rin tayo ng insurance o pension plan sa mga handlers at gaffers na regular na lalahok sa ating pasabong.
Magagawa natin ito kung susuportahan natin ang ating mga pasabong sa Pasay. Ang kikitain sa mga pasabong ito ay ibabalik din po sa mga kamana natin pamamagitan ng ibat-ibang uri ng benepisyo.
Gamefowl dispersal
Isa sa mga proyekto na matutulungan ng ating pasabong ay ang ating gamefowl dispersal program. Si kamanang Jun Santos naman ang mamamahala nito. Ang balak po natin ay ang mamahagi ng tig-iilang pirasong baby trios para breeding sa mga qualified na kamana. Pinagaaralan na ni kamanang Jun ang mekanismo ng pagpamahagi.
Kaalaman para kabuhayan, radio, monthly seminar
At, ipagpatuloy po natin ang pamamahagi ng kaalaman sa pagmamanok na maaring mapagkakitaan. Nangunguna po sa aspetong ito ay ang ating pitak dito sa Tumbok. Kaya magpasalamat po tayo sa Tumbok.
Mayroon din po tayong Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at sa Pagkundisyon.
At, di magtagal ay magkakaroon tayo ng programa sa radyo. Sa DZSR, Sports Radio 918 khz po tayo.
Patuloy din ang ating mga paseminar. Ang balak ay may isang libreng seminar tayo bawat buwan. Sa bawat araw ng Linggo matapos ang ating buwanang pasabong. Hindi lang seminar sa pagpapalahai at paglalaban ng manok kundi pati mga kabuhayan sa sabong, tulad ng pagtari, paggamot, pagsentensya, pagawa ng mga parafernalia at iba pa.
Sa labas ng ka-Maynilaan
Sa Visayas at Mindanao naman ay todo rin ang kayod nila kamanang Steve del Mar, Frank Rebusora, Ryan Lim, Manny L, Butsoy Maglinte at Norbie Inciso ng Eastern Samar, at iba pa nating mga core group. Inaabangan din nila ang programa natin sa radio at ipinamalita na. May mga lugar kasi sa Visayas at Mindanao na walang Tumbok kaya ang inaabangan nila ay ang mga anunsyo sa blog ng Mana, ang tilaok.blogspot.com.
Marami ring kopya ng Manwal ang nadistributed doon. At may balak sila na magpalabas ng magazine ng Mana.
Ganoon din po sa Bicol. Malakas din ang Mana doon. Naroon sila kamanang Jessie Abonite, Boying Santiago at Patrick Lee.
Siyanga pala si kamanang Alan Yaplito ng Ozamis City ay may kaibigan sa Cavite na may mga available imported materials. May nangyari kasi sa kanyang farm at gusto niyang mamahinga muna sa pagpapalahi. Kung sinong may nais na mag-inquire sa mga stocks, kontakin nyo lang si Billy Villalobos SPV Farm, 0920-909-0323.
Magtulungan po tayo. Sana’y Tuloy-tuloy na itong pagusad ng Mana.
Rey b art651
For nov 25
Ayaw nating gumamit ng dummy cock
Kamana napanuod ko sa TV noong nakaraang Sabado yong tinuturo mo palagi na sa hapon paglipad ng manok sa hapunan ay ibaba muli upang humapon ulit ito, at ibaba na naman. Nang gayon ay maehersisyo ang pakpak. Talaga sigurong epektibo ito kamana? (RTD 4-0972)
Bakit kamana, hindi ka naniwalang epektibo yan hanggan nang napanood mo sa TV? Oo kamana epektibo yan. Matagal na nating tinuturo yan at ilang dekada na nating ginagamit yan.
Noong tayo medyo batabata pa, nagsilbe din nating ehersisyo yan hindi lang sa manok kundi pati na sa tao. Professional trainer at handler tayo noon at marami sa kumuha sa atin ay mga malalaking sabungero sa Cebu at maraming manok.
May mga pagkakakataon na naghahanda tayo ng, halimbawa, 50 ka manok. Tuwing hapon ay ginagawa natin ang pagbabalik-balik ng mga manok sa hapunan. Hindi na natin kayang magisa ang ganyang dami kaya pati mga assistants natin ay tumutulong.
Kung tig-sampung manok ang bawat isa sa amin at limang balik ang bawat manok, samakatuwid may tig-50 na dampot at balik ng manok ang bawat isa sa amin. Idagdag pa natin ang paglakad papunta sa kasunod na teepe, di ba sapat na na ehersisyo ang mangyayari, maging para sa aming mga nagaalaga?
Maganda yan kamana at tipid pa. Hindi na natin kailangan ang maraming fly pens. Bagay na bagay ito sa atin mga maliliit na sabungero dahil tipid at hindi na kailangan ng malaking lugar. Kaya palagi natin tinuturo ito sa ating mga artikulo at seminar.
Nakita ko rin po sa programang iyon ang pag hand spar gamit ang dummy cock. Ok rin po ba ang hand spar o catch cock? (RTD 4-0972)
Oo kamana okey yang hand spar. Sa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon kabilang yan sa mga ehersisyo na ating renekomenda.
Pero iba-iba talaga ang pamamaraan kamana.
Tayo, hindi natin renerekomenda ang paggamit ng dummy cock sa ating pag handspar. Ang katwiran po natin ay hindi kasi focus ang manok kung dummy cock ang gagamiting catch cock. Obserbahan nyo kamana, di ba matagal bago papalo ang manok sa dummy cock.
Oo kalimitan ay magsasayawsayaw muna ang manok bago pumalo sa dummy, hindi tulad kung totoong manok ang gagamiting catch cock. Kung ganito hindi natin mapaunlad ang liksi at killer instinct ng manok na siyang gusto nating gawin pamamagitan ng hand spar.
At iniiwasan din natin na baka makaugalian ng manok ang maging kampante sa totoong laban sa pagaakala na ang kalabang manok ay dummy pa rin.
Pero iba-iba ang pamamaraan kamana, baka may nakita sila na hindi natin nakita. Kaya di natin masabi na mas tama tayo. Ang masasabi lang natin na epektibo naman ang ating pamamaraan.
Noong isang linggo may nagtext sa akin na mga taga-Sampaloc, Manila na gustong sumapi sa Mana. Ang sabi ni kamanang Loreto na may headquarters tayo sa Sampaloc sa Trabajo. Basvill Poultry Supply, 1717 J. Fajardo St. Pwedeng doon na kayo magparehistro. Hanapin nyo lang po ang may-ari si kamanang Nilda Villar.
Kung may mga itatanong din po kayo hinggil sa gamot o pangangailangan nyo sa inyong pagmamanok ay masasagot po ito ni kamanang Nilda.
Pwede ring mag-text kayo kay kamanang Loreto 0918-271-3548.
Rey b art655
For nov 29
Mga entry ng Mana
Gud pm kamana. May entry kami sa Dec 3 sa pasay cock pit 1-cock ulutan fastest kill ano ipangalan namin sa entry (Kamanang Loreto)
Lagyan nyo lang ng Mana ang entry nyo kamana. Kung me pangalan kayong gagamitin dugtungan lang natin ng Mana para maipakita naman natin ang ating suporta sa Pasay cockpit.
Ang Pasay cockpit ay sumusuporta din sa Mana. Simula Enero may buwanang benefit na pasabong na tayo sa naturang sabungan, Ang kikitain nito ay makakatulong sa ating mga proyekto tulad ng gamefowl dispersal natin at mga training at seminars.
Sa inyo pala ni Kamanang Jeff Urbi ang mga manok na ilalaban ng Mana sa Dec 3. Salamat sa inyo kamana at sa mga iba pang mga kamana natin na naglaban at maglalaban pa sa mga fastest kill ulutan sa Pasay bawat Miyerkules.
Sa nakaraang Miyerkules sina kamana Army Celis ang naglaban. Salamat sa iyo kamanang Army.
Ang unang fastest kill ng Mana ay sa 3rd week of January. Kundi Jan 17 sa Jan 19. Paghandaan natin ito mga kamana. Malaki ang maitutulong nito sa ating mga adhikain.
Noong nakaraang Miyerkules nag meeting nga pala tayo sa Pasay Cockpit. At inumpisahan na nating binuo ang management team ng Mana sa Metro Manila-Calabarzon area.
Inaasahan na sa Dec 20-21, kung kailan may pagpupulong at seminar na naman tayo, ay makukumpleto na ang ating pag organisa. Kailangan na ito dahil marami na tayong gagawing mga proyekto sa darating na taon.
Sa Bicol ay pinagbigay alam ni kamanang Jessie Abonite at kamanang Boying Santiago na may Mana 3-cock fastest kill ulutan sila sa Iriga City sa Enero 16. halos kasabay ito sa unang Mana fastest kill sa Pasay
Sa Cebu ay may trainors seminar tayo na gagawin sa Dec 13-15. Bago tayo pupunta ng Maynila. Mag-train tayo ng mga coordinators upang may kaalaman sila sa pagpapalahi, pagkundisyon at health management ng manok upang maipamahagi nila sa kanilang mga members.
Hindi na kailangan na sa atin pa o sa iba magtanong ang mga miembro kung ang kanilang coordinators ay marunong na.
Gud pm may sisiw po ako 23 pcs. 2-day old pagka gabi nilalagay ko sa kahon kasi wala pa po me ilaw di po kaya maka apekto ang amonia pag kinukulong ko na sa kahon?( Jeff 3-000)
Oo kamana, makakasama sa sisiw ang amonia. Hindi mabuti kong ang kinalalagyan ay walang gaanong ventillation. Huwag mong itagal sa ganyang sitwasyon kamana. Parami nang parami ang ipot habang palaki ang sisiw.
Palaging sa malinis na brooder ilagay ang mga sisiw.
Dito sa Manwal natin ask ko lang kung pwede hindi na gumamit ng grower maintenance pellets kundi ang mga high protein pellets na lang na nakalagay doon sa Manwal? Thank you (George Garcia 001709)
Oo kamana. Mas maige kung mga high protein pellets ang gamitin. Kaya lang tataas ang cost ng ating feeds.
Kung puro high protein pellets ang gamitin natin tataas ang bahagdan ng protein kaya pwede nating dagdagan naman ang proporsyon ng grains sa ating mix.
Kamana ask ko lang kung pwede ba painumin ng tubig ang manok kahit may sipon? (Ronulfo Arruejo, MANA Sampaloc chapter)
Pwede naman kamana. May mga gamot nga sa sipon na hinahalo sa tubig at pinapainom sa manok. Mahalaga ang tubig kamana lalo na kung tag-init.
Fastest –Kill ulutan lang muna
Kamana hindi po ako nakadalo sa advanced seminar noong Nov 8. Nanghihinayang po ako dahil sabi ng isang kamana natin napakaganda daw ng talakayan. Praktikal at maging ang mga teknikal daw. Kailan kaya magkakaroon uli ng ganoong seminar? (GH 4-0156)
Oo kamana. Dahil na rin sa napakagandang mga katanungan ng ating mga kamana.
Maganda talaga, pero kinapos tayo sa panahon, Hindi nga natalakay ang pagpatuktok at ang conditioning pyramid. Bagaman napagusapan ng husto ang glycemix index at carboloading.
May balak sina kamanang Marlon Mabingnay at kamanang Joel Guimaray na magkakaroon tayo ng ganoong seminar sa Nasugbo, Batangas. Sisikapin natin mga kamana na magkakaroon tayo sa December kundi sa January.
Pansamantala, basahin nyo muna ng maige Ang nilalaman ng Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon. Nasa Manwal kasi ang pundasyon ng ating pamamaraan na tatalakayin sa mga pa-seminar natin.
Ang wala pang Manwal pwedeng diretsa kayong mag-order sa atin o kay kamanang Marlon, 0929-723-3573 o kaya’y kay kamanang Dan 0910-485-2134.
Habang wala pa ang seminar patuloy lang po kayong magtanong pamamamagitan ng pag text o kaya’y bisitahin nyo ang blog ng Mana, ang tilaok.blogspot.com sa internet.
Dapat po mga kamana, sa susunod na seminar workshop natin ay di na tayo kakapusin sa panahon. Kaya ang balak ay 2-day stay-in seminar tayo. Dalawang buong araw at isang gabi.
Sabi ni kamanang Bhong Ferreras na tamang-tama ang dalawang araw na seminar at may isang gabi pa tayo na maka-pagbonding ng husto. Ang mungkahi nya po ay maghanap tayo ng sponsors para sa venue at iba pang speakers para ang sasagutin ng mga miembro ay ang pagkain na lang.
Bright idea kamanang Bhong dahil ang pagkain ay hindi naman dagdag-gastos kasi kahit wala tayo sa seminar kakain din tayo.
Gud day kamanang Rey. Kailan po ang unang pasabong ng Mana sa Pasay at nang mapaghandaan. At ano po ito derby o ulutan? Hindi pa po ako membro ng Mana pero talagang balak kong magpa-membro. ( 08:57:12am Nov 13 2008).
Maraming salamat kamana.
Wala pa pong tiyak na petsa pero simula Enero may isang pasabong tayo sa Pasay cockpit bawat buwan.
Sa unang pasabong natin, Enero po yan, ay fastest-kill ulutan. Napakaganda raw po ng regular na fastest-kill ulutan nila sa Pasay bawat Miyerkules. Kaya ganoon na lang din muna ang ating gagawin.
Sisikapin lang natin na makakuha tayo ng suporta sa ating mga kamana. Napakarami po natin sa Metro Manila. Kahit ilang porsyento lang sa atin ang magdala ng kahit isang manok lang bawat isa, napakasaya na.
Sisikapin din po natin na may mga sponsors na makapagbigay ng dagdag na give-aways maliban sa regular na premyo sa fastest kill.
Gagawin din po natin na manghikayat ng mga bagong membro sa bawat pasabong natin sa Pasay. Sa kasalukuyan kung may nais sumapi sa Mana na taga dakong Pasay maaring i-text nyo na lang kay kamanang Anthony Espinosa, 0906-238-8363.
Mabilis na umusad ang Mana
Balik na po tyo sa Cebu mga kamana, pagkatapos ng mahigit isang linggo nating pagbisita sa iba’t-ibang lugar na may kaganapan kaugnay sa Masang Nagmamanok o Mana. Sa Kamaynilaan tayo nagtagal dahil doon ang pinakamarami nating gawain.
Nagkaroon ng entry ang Mana sa Bakbakan eliminations noong Nov 6 sa Pasig. Ngunit isa lang ang nanalo at dalawa ang natalo.
Ang pagkatalo nating yon ay sobra namang binawe ng magandang kinalabasan ng ating seminar at pagpupulong noong Nov 8.
Napakaganda ng talakayan natin sa nilalaman ng Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon. Ito rin ay dahil napakagaling ng mga katanungan na galing sa ating mga kamana na nakabasa na sa nasabing Manwal. Kasama po natin sa pagsagot sa mga katanungan si Dra. Nieva Arieta, at ang isa sa mga magagaling na technical man ng RB Sugbo si kamanang Marlon Mabingnay.
Tumulong din po si Boss Manny Berbano na nagbigay ng kanyang mga kaalaman at karanasan sa pagmamanok.
Masabi natin na matagumpay ang seminar na yon bagama’t kinapos ng panahon. Nagumpisa tayo ng wala pang alas 9 ng umaga at natapos lampas alas 6 ng gabi. Ngunit kinapos pa rin ng panahon. May mga mahahalaga pang bagay na hindi natin natalakay.
Kung sa bagay kung kinapos man tayo sa seminar, ang ating pagpupulong ay nagbunga ng mga magagandang bagay. Kahapon naisulat natin dito na isa sa nakinahangtungan ay ang paguusap namin ni mang Roming Vergara ng pasay cockpit na simula Enero ay magkakaroon ang Mana ng isang pasabong bawat buwan sa nasabing sabungan.
Isa pa po ay na magkakaroon na tayo ng area para sa ating gamefowl dispersal program. Dulot po sa magandang loob ni kamanang Col. Tito Corpuz. Agad po nating pinuntahan ang area sa Teresa, Rizal at nagustuhan natin. Angkop sa ating hinahanap.
Paghanda na po ang lugar, magpapadala agad tayo ng mga materyales o broodfowl. Nangako rin po si Boss Manny na tutulong pagdating sa materyales pang-breeding.
May mga marami pang mungkahi si Boss Manny at ang mga ito ay pagaaralan ng core group.
Umuusad na talaga tayo mga kamana. Dahan-dahan lang ngunit kita na ang pagusad ng Mana.
Ngayong Sabado ay magpupulong ang core group at isa sa mga tatalakayin nila ay ang ating programa sa radyo.
Ang tatlong proyektong ito—pasabong, gamefowl dispersal at programa sa radyo-- ay napakagandang balita para sa ating mga kamana.
Ang iba pang napagusapan sa pagpupulong ay:
1. Na lalong pagpatibayin ang mga chapters at ipatuloy ang paghikayat ng bagong mga kasapi;
2. Na sana’y magkaroon pa ng 2-day stay-in seminar upang hindi kapusin sa panahon. Hahanap tayo ng sponsor sa seminar na ito. May magandang venue na alam si kamanang Marlon sa Nasugbo, Batangas.
3.Na magkakaroon ng munting kaganapan sa Dec 20 bilang Mana Day. Ito kasi ang anibersaryo ng Llamado Tayo sa Tumbok. At, ang Llamado Tayo ang naging tulay sa pagbuo ng Mana.
Sa awa ng Diyos, mga kamana, unti-unti nang nagiging konkreto ang ating mga inaasam. Makakapit natin ang ating layuning mga kamana pamamamagitan ng inyong suporta.
Ang suporta ng mana ay hindi lang galing sa core group, sa mga aktibong dumalo sa mga seminar at pagpupulong, kundi galing din sa libo-libong nagbabasa ng tumbok at nagmamasid lang ngunit buo ang suporta sa ating mga layunin.
Sa inyong lahat maraming salamat.
Lakbay Mana
Sa pagsusulat po natin nito ay nagumpisa na ang isa pang round ng ating pagbisita sa mga chapters ng Mana sa ibat-ibang lugar, sa Visayas, Mindanao at Luzon.
Parehong mahalaga ang lahat na ito ngunit ang pina-kapakay natin ay ang advanced seminar workshop natin sa Nov 8 sa Quezon Memorial Circle, Quezon City.
Inaasahan po natin na marami tayong magkikitakita doon. Pagkatapos ng pagkatapos ng seminar ay itatatag natin ang core group para sa Metro Manila.
Para kasi maka-kilos tayo ng husto balak natin na magtatag ng core group sa bawat rehiyon ng Pilipinas. Ang mga core groups na ito ang siyang magaaral, magbabalak at ang makapagsabi kung ano ang dapat gawin sa kanilang area. Ang mga ito rin ang mangangasiwa sa mga gawain at proyekto sa kanilang lugar.
Kaya kung sino man sa atin ang naniniwala na makakatulong tayo, mangyari'y mag-volunter tayo na maging membro ng core group.
_______________________________
Iwasan mag-peak ang manok ng maaga
Gud eve po mang Rey. Pwede po bang purgahin ang manok kahit umuulan? At kailan po mas maige, sa hapon o sa madaling araw? (08:08:23am Oct 13, 2008)
Kung umuulan kamana at pupurgahin ang manok, iyan a dagdag stress. Pero okey pa rin hindi naman gaanong malaking bagay yan sa manok na matagal pa ilaban. Basta lang malusog ang manok at hindi naman grabe ang pagkabasa nito sa ulan at baka sobrang stress na nga ang mangyayari.
Tayo, kamana, sa madaling araw o mga 6am natin pinupurga. Empty na ang manok sa oras na ito. Ang iba ay mas gusto sa hapon bago pakainin ang manok. Ang sa kanila naman ay dahil makakapahinga na ang manok sa gabi at di na ma-stress pa.
Parehong may punto kamana. Ang sa atin lang, sa manok na kinukundisyon, ang pagpurga ay kasali sa ating pamamaraan na ma-stress ang manok sa umpisa ng kundisyoning para bumaba ang energy level nito sa umpisa at paakyat habang palapit ang laban.
Ayaw nating mag-peak ang manok sa wala pa ang araw ng laban. Ang prosesong ito ay tinatawag natin na “zeroing” Gusto natin nasa zero tayo magumpisa at mag- peak sa araw ng laban.
Ang ginagawa natin sa umpisa ay bitaw na mas matindi kay sa nakasanayan. Kinabukasan ay purga at ligo ng anti mite, Sa susunod na dalawa o tatlong araw samahan natin ng inahin at i-bacterial flushing. Pagkatapos ng prosesong ito saka lang natin inuumpisahang i-kundisyon ang manok.
Sa mga may Manwal natin sa pagkundisyon, yan ay ang tinatawag na transition phase na bahagi ng ating conditioning pyramid. Kung inyong nanaisin tatalakayin pa natin ito ng husto sa darating na Mana advance seminar para sa mga may Manwal ngayong darating Nov 8 sa seminar hall ng Quezon Circle sa Quezon City.
Para sa detalye mag text lang kayo kay kamanang Dan Baltazar, 0910-485-2134.
Gud morning sir, ask ko lang advice anong magandang gawin sa pag breed, dapat ba sa pag-cross makagpareho ang kulay ng paa ng manok? (Lito from Manila 08:25:56am Oct 12 2008)
Depende kamana. Kung halimbawa ang cross mo ay upang gumawa ng panlaban at sa palagaymo ay terminal na. Terminal, meaning hanggang dyan na lang, wala ka nang planong dugtungan pa ito ng ibang cross, okey lang kung magkaiba ang kulay ng paa. Basta ba sa palagay mo lalabas pa rin sa iyong palahi ang mga katangiang may kinalalaman sa pagpapanalo.
Ang kulay ng paa kamana ay walang kinalalaman sa abilidad ng manok. May green legged na magaling may bulok. Ganon din ang yellow, white at blue legged. Ngunit ang kulay ng paa ay mahalaga kung may partikular na phenotype na gusto mong ipalabas sa iyong palahi, lalo na kung magbubuo ka ng bago at sariling linyada.
Kung ganito ang nasa isp mo, ibig sabihin ang cross mo ay hindi pa terminal. May karugtong pa yan na bahagi ng proseso ng pagbuo mo ng iyong linyada, mas maige na magkatulad ang kulay ng paa at tugma sa kulay na gusto mong ipalabas sa iyong binubuong linyada.
Isa pa kamana. May paniniwala ang marami sa mga nagpapalahi na mas magandang battlecross ang lalabas galing sa mga magulang na magka-iba ang kulay ng balahibo, paa at kahit ang hugis ng palong.
Para sa akin hindi naman ito totoo sa lahat na pagkakataon. Kaya lang naniniwala ako na diversity has more chances of a nick. Mas magkaiba ang katangian ng mga magulang mas malaki ang tsansa na mag-nick o magkaroon ng hybrid vigor ang anak.
“Although law of nature has a tendency toward the average, law of survival favors the strong.” Kaya naniniwala ako na kung ang katangian ay may kinalalaman sa pag-papanatili ng isang specie ng hayop sa mundo, ang dominante ay ang mas malakas, magaling at kananaisnais na katangian.
Kaya kung maraming magkaibang katangian ang pinaghahalohalo natin, mas malaki ang tsansa na ang pinaka-mainam sa lahat ang dominante, at ito ang lalabas na katangian ng ating palahi.
__________________
Dispersal program
Kamakailan ay marami tayong natanggap na request galing sa iilan nating mga kasama dito. Nais nilang makahingi ng manok bilang bahagi raw ng RB Sugbo Gamefowl dispersal program.
Hindi pa po natin magagawa iyan. Wala pa tayong mekanismo upang makapamahagi sa mga indibidwal. Ang ating kasalukuyang ginagawa ay ang makipag-ugnayan sa mga kooperatiba.
Ang nangyayari po dito sa pilot project natin sa isang munisipyo sa Cebu ay ganito:
1. Bubuo ng kooperatiba;
2. Ang pamhalaang lokal ay magpapahiram ng area para gawing manukan ay iba pang assistance;
3. Ang RB Sugbo ang magbibigay ng libreng pagsasanay sa pagmamanok sa mga miyembro ng kooperatiba;
4. Ang RB Sugbo ang magbibigay ng libreng materyales para briding at patuloy na magbibigay ng libreng technical assistance at gabay.
Wala pa pong kakayahan ang RB Sugbo na makapagpamigay direkta sa mga indibidwal na nangangailangan. Ang ginagawa natin ay ang makipag-ugnayan sa mga kooperatba o kaya'y sa mga pamahalaang lokal.
Ginagawa po natin ito upang maipamahagi sa mga ordinaryong sabungero ang sapat na kaalaman at kaunting materyales para sila'y makapag-umpisa ng isang proyekto na maaring maging dagdag-kabuhayan.
Ganoon pa man, alam natin na napakaliit lang ng ating magagawa sa aspetong ito. Kaya tayo'y umaasa na sa kalaunan ang mga malalaking asosasyon ng mga manlalahi at ang malalaking pagawaan ng feed and supplement ay magnanais na magsagawa ng kanilang sariling programa na may katulad na layunin.
Ang Masang Nagmamanok (Mana) o mga chapters nito ay maaring magkakaroon ng ganitong uri ng dispersal program kung makatatag ng coop o kahit core group lang nga mangangasiwa at responsable sa pamalakad ng programa.
_________________________
Blackfowl duwag ba? (170)
#1 Sir gud pm, sa edad na naglalaban na ang manok kailangan na po ba na ipagbibitaw na ito?
Mas mainam kung i-hardening muna natin. Ilagay natin sa pen at samahan ng inahin o dumadalaga para lalo pang mapaigting ang tapang nito. Paglipas ng isang buwan pwede na itong ilipat sa cord. Pungasan natin at pag magaling na ang sugat ay saka natin umpisahang ibitaw. Ingatan na huwag ito ipagbitaw sa mas matatanda ang edad.
#2 Sir Rey, Lagi po akong nagtatanong sa inyo at nagpapasalamat po ako sa walang sawa nyong pagsagot. Bagito at batang bakyard brider lang po ako at mahilig sa dark fowl. Sabi po kasi ng matatanda dito mahina raw po sa sugat ang mga ito. Natutulog daw po sa laban. Totoo po ba yon? Marami pong salamat.
Totoo po na marami sa mga black fowl ay may problema sa gameness. Sa kabila ng kakulangan na iyan marami pa rin ang nagpapatuloy sa pagpapalahi ng itim dahil sa bilis at liksi ng mga ito. Ang mga bagong itim na bloodlines ngayon ay sadyang pinatibay at pinatapang na. Sa kasalukuyan ay hindi pa natin masasabi kung matagumpay na ba sa kanilang layunin ang mga nagpapalahi ng black fowl.
Ang RB Sugbo ay may nabuong sariling linyada na itim, ang blackliz. Iilan na ring blackliz ang nailaban natin at kontento pa naman tayo sa kanilang tibay at tapang.
#3 Gud am. Maganda ba ang may tumutubo na kuko sa pakpak? Sinyales ba yon? Ano ibig sabihin nyon?)
Hindi tayo nagpapaniwala sa senyales. May mga tinatawag ng iba na senyales ngunit deformities o kapinsanan pala.
__________________
Trimming
#1 Gud pm sir rey yong hatch at roundhead ay di po daw magandang combination. Grounder lang at maliit. Totoo po ba yan? TY.)
Hindi natin masasabi na ganyan na nga kung ang batayan natin ay pangalan lang ng lahi. Wala yan sa pangalan kundi nasa mga katangian ng mga indibidwal na pangasta. Hindi lahat ng hatch ay magkatulad ang katangian. Ganoon din po ang mga roundhead. Kung sabihin naman natin na typically ang hatch ay grounder, ang typical roundhead naman ay flyer. Eh bakit sa palagay ng nagsabi nyan ay grounder lang ang anak?
Kung typically ang hatch ay maliit, ang roundhead naman ay typically medium to high station. Eh bakit masasabi na maliliit lang ang anak ng hatch x roundhead.
Kung tutuusin nga bagay ang hatch x roundhead. Subalit hindi tayo sang-ayon sa mga generalization na tulad nito. Huwag natin ibatay ang ating pagpapalahi sa pangalan ng lahi. Suriin natin ang mga katangian ng indibidwal na pangasta. Kung sa tingin natin nababagay sila, ipares natin ano pa man ang tawag sa mga ito.
#2 Sir tanong ko lang kung kailangan ba na trim ang mga balahibo ng mga inihanda nating panlaban? Ano ang mga advantage ng pagtrim ng mga manok? Thanks.
Tayo po sa RB Sugbo ay maingat sa pagtrim ng balahibo. Naniniwala kasi tayo na mahalaga ang balahibo. Ang tinitrim lang po natin ay ang mga vent feathers o yong mga nasa bandang puwetan. Ito ay upang hindi marumihan ng ipot at saka may ventilation. Pinuputul din natin ang mga tailfeathers na sobra ang haba at baka maapakan ng manok habang nakikipaglaban.
Isa pang katwiran bakit ayaw nating itrim masyado ang balahibo ay kasi magsisilbeng depensa ito laban sa lamok at sa sugat at gasgas na maaring matamo ng manok habang eniehersisyo o kaya'y ibitaw.
_____________________
Dominanteng kulay
#1 Gud morning po sir rey tanong na naman ako,...nong July 5 po ay sabi mo na bawat manok ay ibaiba po ang tolerance sa druga. Paano po sir pagdating sa 0.4ml na injectible po, ok po ba ang dosage na ito kahit ano ang timbang ng manok?
Ang atin pong tinuturok ay bitamina po at mineral – B12 with iron. Wala pong problema kahit masobra ng konti. Ang kinatatakutan natin ay ang mga druga tulad ng hormones, steroids, stimulants at iba pa. Delikado po at makaksira sa manok kung sumobra ang dosage ng mga ito.
#2 Gud pm ho. Suki ho ako ng Tumbok at natuwa ho ako ng magkaroon ng column tungkol sa kaalaman sa manok panabong. Itanong ko lang kung pwede pang ibrudcock ang manok na lugon na. Totoo ho ba na mahina ang semilya ng manok na naglugon? Tnx and more power.
Posibleng hihina po talaga. Dahil may kasabihan tayo na “a moulting bird is a sick bird”. Kaya nga mas kailangan ng mas masustansyang pakain ang manok na naglulugon.
#3 Bakit po ang brudcock ay yellow legs ang inahin ay yellow legs bakit may anak po sila na green legs?
Parehong may genes na greenleg ang tatyaw at ang inahin. Ang bawat katangian kasi ay binubuo ng dalawang genes. Sa kaso ng kulay ng paa ng mga pangasta nyo, ay magkaparehong may gene na green at yellow ang tatyaw at ang inahin. Subalit yellow ang lumitaw na kulay ng kanilang paa dahil dominante ang yellow sa green pagdating sa kulay ng paa.
Kaya may 25 porsyento na magkakaroon sila ng anak na green leg. Kung ang ama ay magbabato ng yellow at ang ina ay yellow din ang ibabato, ang anak na ito, natural ay yellow leg. Kung ang ama magbato ng yellow at ang ina ay green, yellow ang paa ng anak dahil dominante ang yellow. Kung kabaliktaran naman ang ama ay green ang ibabato at yellow ang sa ina, yellow pa rin ang paa ng anak.
Subalit may pang-apat na posibilidad. Kung ang ama at ang ina ay magbabato ng green, ang paa ng anak ay green legged.
Welcome. To read the articles, please click post link or month, then subsequent post link.
Ponkan broodcock
Another ponkan
Mana: Dami at Pagkakaisa
Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.
2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.
3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.
4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.
Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.