Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.

Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.
Ganap na sabong site. Forums, kaalaman, balita, at iba pa para sa inyong kasiyahan at kapakanan.

Wednesday, August 19, 2009

Congrats kay kamana Marlon Mabingnay

Congratulations kay kamanang Marlon Mabingnay. Bahagi na po siya ng team Pit Games. Bukod sa kanyang tungkulin sa MANA ay maglilingkod narin siya sa inyo bilang bahagi ng staff ng Pit Games Magazine.
Congratulations din at maraming salamat kay Kamana Marlon at kamana Bong Ferreras sa kanilang napagkasunduan sa programang Isyu at Punto sa radyo DWSS. Ito ang balita ni kamanang Marlon:
“kamana good day po isang mapagpalang umaga po ang aking bati sa inyo at sa inyong buong pamilya,maging sa lahat po ng ating mga kamana.. Naging matagumpay po ang ating guesting sa isang radio station na maririnig every saturday from 10am-12pm sa ISYU at PUNTO DWSS 1494 Khz. Tayo po ay nagpapasalamat ng malaki at taos puso sa mga tao sa likod po nito sa kanilang pag imbita sa grupo ng MANA sa kanilang radio program na ang topic po ay ang ating kinagigiliwan at itinuturing na pamana ng ating ninuno at kasaysayan ang SABONG..bilang kinatawan po ng MANA ating pong panarinig sa kanila ang maganda at pangunahing layunin ng ating grupo isa na po dito ang matulungan ang maliit na sabungero o tinatawag na backbone ng sabong at ipaglaban ang sabong sa lahat na gustong magpabagsak at alisin ang sabong sa ating bansa tulad ng ginawa ng grupong ito sa U.S. ang grupo po na aking binabanggit ay walang iba kundi ang PETA (people of the ethical treatment of animals).sa loob po ng isang oras na binigay satin ay napakagandang move po ito para sa lhat,at isa po talaga sa ikinatutuwa ng mga program host na sina Mr.Joy Navarro at Mr.Dennis Barrios ay ang malamang may ganito po palang grupo na handang tumulong sa masang sabungero at ipagtanggol ang SABONG.
“Kanila rin pong nalaman na hindi lang po dito nagtatapos ang pagtulong ng Mana, nilahad din po natin ang mga project mula Luzon,Visayas at Mindanao at ang patuloy na pagdami ng mga gustong mag pa member at yong tinatawag nating text at email brigade at sa tilaok.blogspot.com.
Sa susunod ay baka ang grupo naman ng PETA ang syang guest at inaayos na rin po nila ang paghaharap ng grupo po natin ang MANA at PETA sa isang forum na gaganapin sa danara hotel kasama ang mga LIGA ng mga broadcaster ng PILIPINAS..sa lahat po ng ating kamana suportahan po natin ang magaganap na forum na ito..pinasasalamatan din po natin ng malaki kamana si kamanang BONG FERRERAS siya po ang gumawa ng paraan para eguest ang MANA sa radio program den tuloy tuloy na po yon at sa lahat po ng nakinig na kamana thank you po dami po kasing txt n pumasok habang tyo po ay nka air..”

Tuesday, August 18, 2009

Cockers file for party list

POLITICAL DERBY?
Cockers enter party-list contest

By Kristine L. Alave
Philippine Daily Inquirer
First Posted 03:42:00 08/18/2009


MANILA, Philippines—Now you can really call it a political “derby.”

A group claiming to represent cockfighting aficionados was among the organizations that have asked the Commission on Elections (Comelec) for a slot in next year’s party-list race.

When told that a group called “Alyansa ng mga Sabungero” had beaten Monday’s deadline for registration, Comelec Chair Jose Melo was dumbfounded.

“A group of cockfighters? Why are they [considered] marginalized when they have the money?” Melo said.

According to a four-page petition that the group filed with the poll body, Alyansa is seeking a congressional seat on behalf of workers in the cockfighting industry, such as the kristo (bet taker), kasador (bet manager), asistante (assistant), takilyero (ticket dispenser) and backyard breeders.

The group said its members could be considered marginalized because “they live a hand-to-mouth existence, earning only if the tahor (cockfighting expert) they work for wins.”

Alyansa identified its president as Nid Amad and said the group is based in Sucat, ParaƱaque City.

A Comelec employee tasked with receiving the petitions said the group submitted incomplete documents yet insisted that the Comelec accept Alyansa’s papers.

Monday, August 3, 2009

Mga bagong kamana sa Bmeg seminar


Ito ang mga bagong members ng MANA na nagparehistro noong seminar na ginanap sa Malate, Manila Aug. 31. Ang Bmeg ang nagpaseminar. Si kamanang Jun Santos at Marlon Mabingnay naman ang mga kinatawan ng MANA na dumalo.






MANA New Members
MALATE,MANILA
JULY 31,2009
Mana No. NAME

m-11040 ROBERTO TRIBUNSAY
m-11041 ENRIQUE EDUARTE
m-11042 ENRICO JEMIERA
m-11043 RONALDO DULATRE
m-11044 LYMEL BALBAS
m-11045 WALTER BURGOS
m-11046 ARVIN DACILLO
m-11047 LAURO ASPIRAS
m-11048 JOEY OCAMPO
m-11049 OMAR OBUMANI
m-11050 ROLANDO RICARTO
m-11051 ALVIN DOCIL
m-11052 LEANDRO GANZON
m-11053 JUNNY GARBO
m-11054 MARK ANTHONY QUIAMBAO
m-11055 MARCELO RINGOR III
m-11056 GERRY VALDEZ
m-11057 EDWIN PANTAO
m-11058 BOY BERNARDO
m-11059 RAMIR ROSALES
m-11060 ADAN PASCUAL
m-11061 REDANTE TORIANO
m-11062 MANUEL UNISA
m-11063 AGUSTIN SANTOS
m-11064 RENANTE TORIANO
m-11065 BEEJAY REYES
m-11066 ROGELIO GERHIN
m-11067 PEDRO MARANDIP
m-11068 WENIE REPONTE
m-11069 MOISES BAUTISTA
m-11070 RICK JAVIER
m-11071 EMIL TRINIDAD
m-11072 LITO LUZARES
m-11073 MAR CARINO
m-11074 REYNALDO RACO
m-11075 RAMIL GALON
m-11076 JORGE UNISA
m-11077 MACARIO ARGULUS
m-11078 WILLY INORENCIO
m-11079 RICO ALACIDA
m-11080 ROLANDO BERMUDEZ
m-11081 ANTHONY SANGALANG
m-11082 FRANK ORDILLA
m-11083 NORIEL ORDILLA
m-11084 ODIK ORDILLA

Sunday, August 2, 2009

Keep on Learning

Keep On Learning
(By Rey Bajenting & Steve del Mar; from the coming book: The Edge)



In cockfighting the more you know, the more you should know you still have a lot more to know.

The biggest problem anyone can have in the chicken game is to think one knows it all (Floyd Gurley, The Scientific Breeding of Gamefowl, 1992).
After understanding the basics do not stop learning. Cockfighting is a continuing education.
It is a truism in cockfighting, as in life, that he who thinks he already knows much actually understands less. He will be a loser. He who knows he knows less understands much. He will be a winner.
As you go along in this game you will find that answers lead to more questions. Because in the journey through the world of Sabong, there is neither absolute right nor absolute wrong.
If you will not stop seeking you will continue to find more education, more information, more knowledge. You will continue to learn more techniques, systems and methods. You will not only learn more, you will also enjoy the sport even more. You will enjoy the challenges, the victories and even the setbacks.
The way to enjoy the game is to believe in yourself, believe in your birds. But never make believe you’re the best. More than anything else, a cockfighter’s most dangerous enemy is his ego.
Thus, don’t look up to someone because he may not be always right. Nor look down on anyone for he may not be always wrong.
Learn enough. For in cockfighting one is like a mason piling blocks for a structure of seemingly boundless specifications.

Saturday, August 1, 2009

MANA Visayas inilatag mga balak

Mga pasabong, seminars at chicken fair ang mga inihanda ng MANA Visayas na gaganapin sa huling mga buwan ng taong ito.Ipinagbigay alam ito nina kamana Arturo Mosqueda, chairman ng MANA Visayas at ni kamana Frank Rebusora, member ng Board of Trustees. Ang dalawa ang nakipagugnayan sa lahat ng chapters sa Cebu, Bohol at Samar upang isagawa ang mga balak ng MANA.

Nabuo ang mga balak na ito noong meeting ng MANA at mga kinatawan ng Bmeg na ginanap sa City of Talisay, Cebu noong July 29.Napagkasunduan sa pagpulong na iyon na magtutulungan ang Bmeg at MANA para itaguyod ang kapakanan ng masang sabungero at ang mga adhikain ng MANA sa buong Bansa.

Nandoon din sa pagpupulong na yon si kamana Glen Lim, ang national president ng United Gamecock Breeders Association (UGBA).Ang mga dunalo para sa BMeg ay si Paolo Abenes ng Bmeg Luzon; Apollo Neil Medado ng Bmeg Northern Mindanao; Sublime Altavas Jr., ng Bmeg Western Visayas; Al Caballero ng Bmeg Cebu; at Ms. Amory Sotto, product manager.Sa bahagi naman ng MANA dumalo si kamana Rey Bajenting, national coordinator;kamana Jose Claudio at si kamana Frank Rebusora, representing the Board of Trustees.

Hinikayat din ng MANA coordinating center ang mga coordinating committees sa ibat-ibang lugar na ihanda ang kani-kanilang mga balak at proyekto para sa natirang mga buwan sa taong ito.

May mungkahi din si kamana Glen na magsagawa ang UGBA ng gamefowl fair at bahagi ng kikitain ay ibibigay nila sa MANA bilang pagkilala sa mga mabuting layunin ng MANA para sa mga karaniwang sabungero.

Kamana Tito Corpuz, chairman ng MANA NCR-Calabarzon

Nabuo na ang komite na mamahala sa mga pagkikilos at mga proyekto ng MANA sa NCR at Calabarzon, at itinalaga si kamana Constancio Corpuz ng Rizal bilang chairman. Si kamana Isagani Dominguez ng Cavite ang vice-chairman.
Ang ibang bumubuo ng komitiba ay sina Anthony Mendoza kinatawan ng pasabong sa Pasay; Jun Santos, kinatawan ng dispersal project sa Teresa, Rizal; , Ed Genova ng Taguig, at Mhon Dayao, bilang kinatawan ng national coordinating center ng MANA. Para ganap na mabuo ang 9-man committee may tatlo pang membro ng komitiba na pipiliin ng chairman at vice-chairman.
Si kamana Army Celis ng Quezon ang adviser ng grupo.
Ang komitiba ang siyang mangangasiwa sa pag plano at pamamahala ng mga proyekto ng MANA sa nasabing mga lugar.
Ang komitiba ay binuo kasunod ng pagparehistro ng Masang Nagmamanok (MANA) Inc. sa Securities and Exchange Commission. Naunang nabuo ang mga komitiba sa Visayas at Mindanao. Magbubuo din ng katulad na grupo para sa Bicol, Northern Luzon at iba pang lugar na may mga chapters ang MANA.

LLamado Tayo sa Larga for July, 2009



Larga 15 july 6
Llamado Tayo
Rey Bajenting

Pagpili Part 2
Noong nakaraang linggo’y inumpisahan natin ang pagtalakay ng iba’t-ibang speto sa pagpili ng manok panabong. Tatapusin natin ngayon.
Oo napakamahalaga talaga ang kaalaman sa wastong pagpili. Iba-iba ang mga pamantayan ng sabungero sa pagpili. Karamihan ito ay batay sa kanilang sariling karanasan at impluwensya ng mga kaibigan at kabarkada sa pagsasabong. Ang tinalakay natin ay sarili nating pamantayan at batayan na isinulat natin sa Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon.
Hindi ibig sabihin na ang atin ay mas tama. Maraming tamang pamamaraan na siya namang sinusunod ng iba. Ang atin ay batay sa sarili nating pagaaral at karanasan sa loob ng mahabahabang panahon na iginulgol natin sa sabong. Naging mabisa ito sa aking pagmamanok, nawa’y makatulong din ito sa inyo.
Ang una nating batayan ang kagalingan ng manok sa pagpaa. Cutting ability. Killing is the name of the game. Our first and foremost consideration is the ability of the chicken to kill the opponent.
Sunod ay ang tapang, tibay at lakas. Kailangan ang manok ay matapang. Ngunit aanhin naman ang tapang kung ito ay marupok at bagsak agad kahit hindi gaanong matindi ang sugat. Aanhin naman ang tapang at tibay kung ang manok ay walang lakas? Ang manok kasi kapag nasusugatan ng matindi ay nababawasan ng lakas. Samakatuwid kung dati nang kulang sa lakas ang manok, ito ay lalong mawawalan ng lakas pag nasugatan.
Kailangan magkasama ang tatlong kakayahang ito. Aanhin ang tibay at lakas kung aayaw na ang manok. Aanhin naman ang tapang at lakas kung walang tibay at lugmok o lupaypay kaagad ang manok sa unang tama pa lang. Bale wala naman ang tapang at tibay kung walang sapat na lakas ang palo ng manok upang makapatay o makasugat man lang ng malubha sa kalaban.
Kapag magkasama ang tatlong ito, ang manok ay may kakayahang manatili sa laban hanggang sa kahulihulihang sandali, at maaring pang makabalik kahit malubha na ang tama.
Ang sunod na pamanatayan ay utak, liksi at bilis. Kung ang manok ay matalino, malalaman nito ang dapat gawing. Alam nito kung bagay bang pumalo, o mag-abang muna. Dapat bang umangat o umilag. O kaya’y umatras o umabante.
Ang liksi naman ang magbibigay paraan upang magawa ng manok ang nararapat at ninanais nitong gawin. Iutos man ng utak na dapat umangat o pumalo, hindi ito magagawa ng manok kung itoy walang sapat na liksi. Halimbawa dahil matalino ang manok ay alam nito na sa partikular na sitwasyon kailangan niyang umangat. Ngunit kung kulang ito sa liksi upang gawin ang pag angat, hindi ito makakaangat.
Bilis ang kinakailangan upang magawa ng manok ang dapat gawin bago ito maunahan ng kalaban. Gustuhin man ng utak ang umangat, may sapat naman sanang liksi ang manok na gawin ito, ngunit kung kulang sa bilis maaring patamaan na ito ng kalaban bago makaangat.
Tulad ng tapang, tibay at lakas, dapat ang utak, liksi at bilis ay parehong taglay ng manok.
Ang mga ito ay mga pamantayan natin sa pagpili batay sa bitaw. Bago ang lahat,
Ay bigyan natin ng kahalagahan ng mga konkretong katangian tulad ng uri o kalidad, hugis ng katawan at balanse, tamang tangkad, at kisig.
Alamin kung ang mga manok na pagpipilian ay nanggaling sa mahusay at nagpapanalong linyada. Alamin kung sa pagpalaki ang mga ito’y naalagaan ng husto, at hindi malubhang nagkasakit. Dapat ay napagala ang mga ito mula edad dalawang buwan hanggang sa maglabanlaban, at nang mahuli ay sa angkop na kapaligiran naka-cord. Hindi lang na basta nakakulong. Alamin din kung maganda ang pagpakain at pagbigay ng gamot. Pagkatapos suriin ang mga pisikal na katangian at kisig ng anyo.
Ang mga konkretong katangian ay ang bloodline o linyada; pagpapalaki; at ganda ng pisikal na anyo.
Unahin ang mga konkretong katangian dahil hindi na ma-iiba ang mga ito hanggang sa araw ng laban, samantalang ang kagalingan sa pakikipaglaban ay paibaiba, depende sa galing ng kalaban o sa kundisyon ng ating manok.
Huwag na huwag pipili ng manok na may kakulangan sa mga konkretong katangian dahil lang nakita natin itong nagpamalas ng kagalingan sa pakikipaglaban sa isa o dalawang pagbitaw. May mga manok na nanghihiram ng gilas.
Pagkatapos mapili ang manok batay sa mga positibong mga katangian, ingatan naman natin na ang manok ay walang negatibong kaugalian. Ipagpatuloy natin ang ating talakayan:

Bagong konsepto sa pagpili: Katangian, hindi istilo
Ang wastong pagpili ng manok pang sabong ay ang pinakasusi sa tagumpay. Kaya sa ating pitak na Llamado Tayo, na lumalabas arawaraw sa pahayagang Tumbok, marami sa mga katanungang natatanggap natin ay hinggil sa pagpili.
Oo, mga katanungang tulad ng alin ang pinakamahusayng laro ng manok? Ang abang at angat? Ang agresibo at mabilis? O, ang mailag at nagaantay lang sa ibaba?
Ang mga ito’y istilo sa pakipaglaban, at tayo’y may kanya-kanyang hilig na istilo. Malamang tayo’y naimpluensyahan ng ating mga malimit na kasama at kabarkada sa sabong. Maari ring sa ating panay na pagpunta sa sabungan at pag panuod ng laban ay nakabuo tayo ng sariling pamantayan sa pagpili.
Halimbawa, marami sa mga baguhan ay mahilig sa manok na agresibo, yong palo ng palo. Samantalang ang mga matagal-tagal na sa pagmamanok ang gusto naman ay ang abang at angat.
Kung istilo ang paguusapan, mahirap masabi alin talaga ang pinakamaige. At saka mahirap kung istilo ang ating gawing batayan sa pagpili dahil, halimbawa, may abang na magaling, may abang din na mahina. Ganoon din sa mga agresibo, at iba pang mga istilo. Kaya tayo sa RB Sugbo mas binibigyan natin ng kahalagahan ang mga katangian kaysa istilo. Halimbawa bangitin natin dito na ang manok na sugod ng sugod ay malimit matalo sa manok na nag-aabang. Totoo. Pero hindi ang pagiging agresibo ang nagpatalo sa manok na sulong ng sulong kung di ang pagiging bobo nito. Sumusulong kahit hindi dapat. May manok na agresibo ngunit matalino. Sulong ng sulong nga pero panay naman ang patama sa kalaban.
Cutting ability; tapang, tibay at lakas; at utak, liksi at bilis. Ang mga ito ang mga kanaisnais na katangian na gusto nating taglay ng manok sa kanyang pakikipaglaban.
Hindi ang istilo sa pakikipaglaban, kung di ang mga katangian ang mas maigeng gamiting batayan sa pagpili ng manok base sa kagalingan sa bitaw. May mga nagmamanok ng binabatay ang kanilang pagpili sa istilo na nakakahiligan nila. May mga sabungero na ang gusto ay manok na angat sarado. Ang iba naman ay yong agresibo at palo ng palo ang hilig. Delikado ito. Dahil kalimitan nabubulagan sila sa mga kahinaan na taglay ng manok kung ang istilo nito’y angkop sa kanilang gusto. Mas mahalaga na taglay ng manok ang mga kanaisnais na mga katangian, na nabanggit natin, maging ano pa man ang istilo nito sa pakipaglaban. Ang istilo, tulad ng angat, ay maapektuhan ng istilo ng kabilang manok, halimbawa, kung ang kalaban ay hindi rin papasok. Samantalang ang mautak na manok ay mananatiling mautak kabila ng pagiging mautak din ng kalaban. Ganoon din ang manok na matapang, malakas, mabilis at maliksi. Mananatili itong taglay ang katangian ano paman ang istilo ng kalaban o ano pa man ang kakayahan nito.
Hindi ang pagiging angat o pagiging shuffler ang dahilan bakit manalo ang isang manok, kung hindi ang cutting ability, tapang, tibay at lakas, at utak, liksi at bilis. Sa pagpili ng manok panlaban, katangian at hindi istilo ang mas bigyan halaga.

Negative selection
Kabilang din sa mga makabagong pamamaraan sa pagpili ang pagbantay sa mga negative traits. Hindi dahil ang manok ay may cutting ability, may tapang, tibay at lakas, may utak, liksi at bilis, itoy isa nang alas. Ang isang malaking pagkakamali ng marami ay ang kamangmangan pagdating sa mga negative traits. Maraming sabungero ang sanay na tumingin ng mga kanaisnais na katangian ng manok sa pakipaglaban, ngunit wala silang ideya na naipag-sawalang bahala pala nila ang nga negatibong kaugalian.
Makikita ang kamaliang ito kahit sa mga malalaking derby tulad ng world slasher Cup at ibang international derby. Marami ito sa mga labanan ng stag tulad ng Bakbakan at Heritage Cup. Hindi kasi ito madaling mapansin, lalo na kung ang manok ay nagtataglay ng mga kanaisnais na katangian. Ang bilis, halimbawa, ay makakapagtago sa ilan sa mga kapintasan, dahil mabubulagan tayo sa bilis at hindi na natin mapansin ang negative traits ng manok.
Anu-ano ang mga negatibong katangian?
Una lahat ng kabaligtaran sa mga tinutukoy nating na kanaisnais na katangian. Yong manok na mahina sa cutting; kulang sa tapang, tibay at lakas; kulang sa talino at liksi, at mabagal. Ngunit hindi ang mga ito ang problema. Kung sanay tayo sa pagtingin kung taglay ba ng manok ang mga natukoy nating mga katangian, madali nating makita kung ang manok ay kulang sa mga katangiang ito. Ang mahirap ay yong mga iba pang negatibong kaugalian na mahirap matukoy.
Halimbaw, magingat tayo sa mga masamang kaugalian tulad ng pagkamahilig sa billhold o tuka-kapit bago pumalo; yong humahakbang bago pumalo kahit malapit ang kalaban; yong aakma; yong mabilis nga pero walang posisyon o walang target kung pumalo; at yong sobrang tagal sa hangin bago bumaba. Iilan lang ito sa mga dapat bantayan.
Ang mahilig sa billhold, ang humahakbang at umaakma muna bago pumalo ay malamang na maunahan ng kalaban sa pagpalo.Yong mabilis ngunit wala sa posisyon kung pumalo ay hindi makasugat na makakamatay sa kalaban.Yong nagtatagal sa hangin ay aabangan lang ng kalaban sa baba. Ganoon din ang mga sobra ang taas ng lipad kahit hindi na kinakailangan.
Bantayan ang manok na sobra ang pagapay ng pakpak. Bawat buka ng papak ay paglantad ng tagiliran na pwede nang patamaan ng kalaban. Ang magaling na manok ay yong nakakaangat na hindi gaanong pumapagapay ang pakpak. Ang hinahanap natin hindi high flyer kung di high leaper.
Nakita nating ang ganitong mga high leaper sa palahi ng isang kaibigan, si Glenn Lim, ang bise presidente ng United Gamefowl Breeders Association (UGBA). Walang ingay kung pumatay ang mga manok ni Glenn dahil nga sa hindi masyadong gumagamit ng pakpak pero diin kung pumaa. Sabi ni Glenn, dahil ito sa oriental blood sa kanyang mga palahi. Siguro nga. Pero maaring may iba pa siyang sekreto sa kanyang pagpili ng brood fowl at sistema sa pagpapalahi na naging dahilan.
Ang katangian kasi ng manok ay nasa manok na mula sa pagsanib ng semelya at itlog. Kaya tama lang na pagaralan muna natin ang paglalaban para malaman natin ang pagpili. Saka na tayo magpapalahi kung bihasa na tayo sa paglalaban at pagpili. Sa ganoon, alam na nating anong uri ng manok ang dapat ipalabas sa ating pagpapalahi.

MANA
Sa buwang ito ang regular na pasabong ng Masang Nagmamanok (MANA) sa Pasay City Cockpit ay gaganapin sa July 22 at hindi sa nakaugaliang ikatlong Miyerkules ng buwan. May derby kasi sa Pasay cockpit sa ikatlong Miyerkules, July 17.
Ipinagbigay alam din ni kamanang Gani Dominguez na sa October 15 ay may pasabong ang MANA Cavite. Pangalawa nilang pasabong ito. Ang una ay noong June 20 sa Cavite Coliseum sa Imus. Ang sa Oct. 15 ay sa Arcontica gaganapin.
Sa buwan din ng Octobre ay may stag derby ang MANA sa Cebu. Ang grupo ni kamanang Steve Sarmago ang magpapaderby. Maaring sabay ito sa pasabong sa Cavite sa Oct. 15.

Tilaok.blogspot.com
Na update na po natin ang tilaok.blogspot.com para sa buwan ng Hulyo. Mababasa nyo po doon ang mga kaganapan sa MANA at maraming kaalaman sa pagmamanok.
(Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman magbasa sa blog natin tilaok.blogspot.com. Para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagmamanok o kaya’y sa MANA magi-text: 0927-995-4876 o 0908-980-8154 o mag-email: mba1220bemin@yahoo.com)






Larga 16 july 13
Llamado Tayo
Rey Bajenting

Pagpili ng Pangasta
Maraming salamat po sa inyong pagtugon at pakikiisa sa mga simulain at adhikain ng Masang Nagmamanok (MANA). Ang sumusunod ay ating editoryal hinggil sa pagpasok ng MANA sa isang bagong yugto. Ito at marami pang ibang impormasyon at kaalaman sa pagmamanok ay mababasa nyo sa tilaok.blogspot.com ang blog ng MANA sa internet.
“Ang Masang Nagmamanok (MANA) ay nakapag-parehistro na sa Securities and Exchange Commission (SEC) para kilalanin na isang Non-Stock-Non-Profit Corporation. Itoy mangangahulugan na ang MANA ay maging isang ganap na samahan at kilusan na kinikilala ng batas. Ang MANA ay magkakaroon na ng legal and juridical personality.
Papasok ang MANA sa isang bagong yugto. Kung noong una tayo ay isang masigasig ngunit informal na kilusan upang itaguyod ang kapakanan ng masang sabungero at ipaglaban ang sabong bilang isport, industriya at mana ng ating kultura, ngayon ang MANA ay isa nang legal na kilusan at samahan na malayang isulong ang mga adhikain at tuparin ang mga layunin alinsunod sa mga pamamaraan na pinapayagan ng batas ng bayan.
Inaasahan na may iilang pagbabago na magaganap. Halimbawa, ang pagbabago sa istraktura ng ating samahan. Alinsunod sa batas, ang isang korporasyon na non-stock-non-profit at dapat pamamahalaan ng isang Board of Trustees na kabibilangan ng hindi kukulang sa limang membro (5) at hindi lalampas sa labinlima (15). Ang mga ito ay hahalalin ng lahat ng mga voting members ng korporasyon.
Kaya ang una nating ginawa ay ang manawagan sa lahat ng chapters na i-submite sa MANA National Coordinating Center ang listahan ng lahat ng membro nila. Ang lahat ng mga nagpamembro pamamagitan ng pag text o pag email ay nakatala na sa MAN- NCC at di na kailangang magpatala muli. Walumpo’t limang porsyento (85%) ng nagpasapi sa MANA ay pamamagitan ng pag text at email. Habang sinusulat ang editoryal na ito, may limang bagong membro na sunod-sunod na nagparehistro. Ang mga ito ay sina: Noel Bitic ng Caloocan, T-10915; Romeo Nillo Jr na nasa abroad na nakaalam sa MANA dahil sa Tilaok.blogspot.com, E-10916; Carlos Ryan Nollan ng Laguna, E-10917; Julius Rey Custudio ng Masbate, na sa Tilaok.blogspot.com din nakaalam sa MANA,T-10918; at Luis Epili Jr ng Paranaque na tulad ng karamihan sa pahayagang Larga nakaalam hinggil sa MANA, T-10919.
Ang huling numero ay 10,919. Yan po ang dami ng kasapi ng MANA na nagpamembro pamamagitan ng pag text o pag email. Lampas 2,000 naman ang mga membro ng chapters ng MANA. Kaya sa kabuuhan may 13,000 kamana na sa buong Pilipinas.
Mabuhay ang MANA. Mabuhay ang masang sabungero!!!”

Manwal ng MANA 1 & 2
Sa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon tinalakay natin doon kung paano ang pagpili ng magaling na panlaban. Sa nakarang dalawang linggo, tinalakay din natin dito sa llamado tayo kung paano nga ang pagpili ng manok pang laban. Ngayon, ang paguusapan natin ay kung paano naman pumili na magandang pangasta. Ito ay nilalaman naman ng Manwal ng MANA sa Praktikal na Pagpapalhi. Ang dalawang manwal na ito ay unti-unti nyong mababasa dito sa Llamado Tayo sa Larga. Ipapalabas po natin dito paunti-unti upang mabasa nyo ang nilalaman na hindi na kayo kailangang bumili pa o maghanap ng kopya.
Sa pagpili natin ng manok panlaban ang ating unang batayan ay ang linyada o bloodline. Kasali dito ang pagpapalahi at kung paano pinalaki ang ating pinagpipilian, at ang winning percentage ng mga ninuno at kapatid. Kung nasisiyahan na tayo sa aspetong ito, tinitingnan natin ang ganda ng pisikal na anyo ng manok . Pagkatapos sinusubukan natin ang galing nito sa bitaw.
Ganito rin sa pagpili ng manok palahiin. Kaya lang dapat idagdag pa natin dito ang potensyal ng indibidwal na maging pre-potent. Lalo na sa mga inahin, dahil sa mga inahin hindi natin makikita ang kagalingan sa pakigpaglaban pamamagitan sa pagbitaw. Ang kagalingan ng isang linyada o bloodline ay isang konkretong aspekto na taglay ng manok mula maghalo ang semelya ng ama at itlog ng ina. Ang linyada ang pundasyon ng ating pagpili.
Pagdating sa pagpili ng palahiin una ay alamin kung ito’y nanggaling sa isang linyada na nagpapanalo. Pagkatapos kilatising mabuti ang hugis at hipo ng katawan, ang balanse, ang gara ng lakad at galaw, at iba pang katangiang pisikal at kakisigan. Dapat ang mga itoy tugma sa mga katangiang pisikal ng magaling na manok. Pag nasiyahan na tayo sa linyada, pagpapalaki, pagpapanalo, kakisigan at iba pang konkretong katangian, saka lang natin ibitaw ang manok upang tingnan kung kasiyasiya ba rin ang kagalingan nito sa pakipaglaban. Ibitaw natin at alamin kung ang galing at istilo nito sa pakipaglaban ay tugma sa ating hinahangad.
Subalit ang pinakamahalaga sa lahat ay kung ang manlalahi na bibilhan mo ay mapagkakatiwalaan ba. Marami kasi sa mga dapat alamin, tulad ng pagka puro ng pangasta; kung ito ba’y inbred o hindi; patina kung ito nga bay nanggaling sa linyadang lamang sa panalo, ay mga impormasyon na ang manlalahi lang ang nakakaalam at makakapagsabi. Tandaan na ang salita ng isang manlalahi ay singhalaga lang ng kanyang katapatan at reputasyon. Kung sabagay, karamihan sa mga tanyag na manlalahi ay mapagkakatiwalaan. Dahil kung hindi pa sila tapat at mapagkatiwalaan, sana’y di na sila nagtatagal sa larangan ng sabong.

Sa Paghanap ng magaling na palahiin, unang-una ay huwag tayong magdalawang isip na gumasta ng malaking halaga, hanggang sa abot ng ating makakaya, sa pagbili ng mga pangasta o palahiin. Kung may isang bagay saan hindi tayo dapat magtipid, ito ay ang pagdating sa pagbili ng broodcock at broodhens.
Ang inisyal na halaga ng breeding materials, gaano man ito kamahal, ay kalaunan ay napakaliit na lang kung ihahambing sa ibang gastos tulad ng sa mga pabahay, pasilidad at mga gamit sa manukan, pakain, at sahod ng mga tauhan. Lalo na ang panahon na masasayang pag lumabas di mabuti ang ating mga palahi dahil bulok ang materyales na nakuha natin.
Huwag tayong matakot na magbayad hanggang abot-kaya natin, ngunit hindi ibig sabihin na basta na lang tayo susugod. Ang praktikal na manlalahi ay wais na manlalahi. Lalo na pagdating sa gastos. Ilagay natin sa isip na hindi porke mahal ang materyales ay magaling na ito. Hindi rin na dahil mura lang ang materyales na ito ay hindi magaling. May pagkakataon na ang binabayaran natin ay ang katanyagan lang ng manlalahi kung saan natin kinuha ang materyales.
Ngayon hindi na mahirap maghanap ng materyales. Madali nang makuha nang mga numero ng telepono ng mga sikat na manlalahi dahil sa nagsilabasang aklat, magazine at programa sa telebisyon tungkol sa larong sabong.Ang gawin lang natin ay ang magpasya kung anong uri ng manok ang gusto natin. Pagdating sa pagpasya hindi ang pangalan ng linyada o kasikatan ng manlalahi ang gawing batayan.
Ang problema ng maraming baguhan ay binabatay nila ang bloodline selection sa mga bantog na pangalan ng lahi. Kung sikat ang sweater, hanap tayo ng sweater. Kung sa panahon na lemon ang bantog, lemon naman ang hanap natin. Pero ang totoo ang kagalingan ay wala sa pangalan ng lahi. May sweater na magaling, may sweater na bulok. Ganon din ang lemon, roundhead, hatch, kelso, clarets, at iba pang mga lahi.
Sa ating pagpili ng panlaban batay sa bloodline, hindi ang pangalan, kundi ang performance ng indibidwal na pamilya ang ating pag-ukulan ng pansin. Dapat nanggaling sa isang mahusay at nagpapanalong linyada kahit ano pa man ang tawag nito.
Kaya mahalaga na ang manlalahi ay may kaalaman sa sabong, "in general", at hindi lang sa pagpapalahi. Dahil kung di natin alam kung anong uri ng manok ang nagpapanalo ay hindi rin natin malalaman kung anong manok ang ipalabas sa ating palahian.
Kung naitakda na natin ang hangarin sa ating pagpapalahi ay mag-umpisa tayong magmasid kung sinu-sino sa mga manlalahi ang mga ganitong palahi. Alamin natin ang presyo ng kanilang mga pangasta at nang malaman natin kung alin sa mga ito ang abot-kaya natin. Kung makakaya natin ang presyo ng mga malalaki at kilalang manlalahi, mas mabuti na doon na kumuha. Dahil kung magbebenta tayo ng ating mga palahi, magagamit na puhunan at makadagdag presyo kung makatotohanan nating masabi na ang ating palahi ay galing sa isang tanyag na breeder. Kung hindi abot-kaya ang presyo ng mga tanyag na palahian, huwag mawalan ng pag-asa sapagkat may mga maliliit o hindi pa gaaanong kilala na palahian na maaaring may magagaling na linyada na angkop sa ating hinahanap.
Oo, madali na ngayon makahanap ng mga materyales para sa pagpapalahi. Ang dami nang mga napakagaling na linyada na nasa kamay na ng mga Pinoy na manlalahi. Ang iba sa mga manlalahi na ito, ay hindi mahal kung mag benta.
Wika nga, pera na lang ang kailangan. Ngunit ganito ba talaga ito kadali?
Hindi. Kailangan din ang sapat na kaalaman sa pagpili. Ang wastong pagpili ay siyang susi sa tagumpay sa sabong. Ito ma’y mapa sa pagpapalahi o sa paglalaban sa sabungan. Ito ang dahilan kaya inuna natin sa pagpalabas ang Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon, bago ang manwal na ito. Payo natin na dapat maging bihasa muna sa pagpili at paglalaban bago pasukin ang larangan ng pagpapalahi.
Ang pagpili ng tatyaw ay tulad ng pagpili ng panlaban.Kaya lang ikunsidera natin ang kakayahan ng indibidwal na nagustuhan natin na isalin sa anak ang magagandang katangian. Ito ang tinatawag na pre-potency o kakayahan sa pagsalin ng mga katangian sa anak. Makakakuha tayo ng ideya sa pre-potency ng isang indibidwal kung alam natin kung paano ipinalabas ang indibidwal na ito. May mga manok kasi na makisig at magaling sa bitaw ngunit hindi ito homozygous o puro sa mga magagandang katangiang taglay niya. Pag ginawa itong tatyaw maaring magkataon na ang nakatagong recessive genes na hindi kanaisnais ang maibato nito sa anak. Kapag homyzygous ang indibidwal para sa isang magandang katangian wala na itong ibang ibabato sa anak kundi ang genes para sa katangiang iyon. Magiging magandang tatyaw o inahin ang indibidwal na ito.
Pagdating sa pagpili ng inahin lalo pang mahalaga ang kagalingan ng linyada at kagandahan ng anyo dahil hindi natin mapili ang inahin batay sa kagalingan nito sa pakipaglaban. Ang pinakamaige nating gawin pagdating dito ay ang tingnan ang kagalingan sa bitaw ng mga kapatid at ng ama nila. Isa pang mahalagang bagay ang tingnan kung ang istilo sa pakipaglaban at hitsura ng mga kapatid ng tatyaw o inahin na napupusuan natin ay,higit kumulang, magkatulad at magkamukha. Ito ay nagpapakita na ang mga katangiang nagustuhan natin ay nakatakda na sa kanilang linyada at hindi tsambang lumabas sa isang indibidwal lang. Kung ang kagalingan nila ay nakatakda na sa kanilang linyada malamang na malamang maitapon ito sa susunod na salinlahi o henerasyon. Kung tsamba lang lumabas sa isang indibidwal, ay baka patsamba lang rin kung lalabas ito sa susunod na henerasyon
(Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman magbasa sa blog natin tilaok.blogspot.com. Para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagmamanok o kaya’y sa MANA magi-text: 0927-995-4876 o 0908-980-8154 o mag-email: mba1220bemin@yahoo.com)






Larga 17 july 20
Llamado Tayo
Rey Bajenting

Pagalaga ng stag

Uulitin po natin ang pagpasasalamat ng Masang Nagmamanok (MANA) sa pahayagang Larga. Maraming nagparehisro sa ating samahan pamamagitan ng pag text at email dahil nabasa nila ito dito sa Llamado Tayo sa Larga.
Inuulit din po natin na mas maige kung sa pagparehistro ninyo ay ibigay nyo ang inyong email ad dahil may mga babasahin at mga kaganapan na regular na ini-email natin ng libre sa mga kamana na nakapagbigay na ng email ad. Maramirami na rin po ang email ad na naipon natin.
Patuloy na umuusad ang MANA. May isang matalinong tao po na minsan ay nabasa natin, kung di ako nagkakamali si Napoleon Hill, na nagsabing “ nothing is more powerful than an idea which time has come.” Ibig sabihin isang ideya na napapanahon. Ang MANA ay ganito kaya ito ay umuusad at patuloy na uusad.
Ang MANA ay ideya, adhikain, simulain. Hindi ito tao o iilang tao lang. Ang MANA ay pagkakaisa ng napakarami upang itaguyod ang kapakanan ng ordinaryong sabungero, na siyang gulugod ng industriya; at ang ipaglaban ang sabong bilang isport, hanapbuhay, industriya at mana ng ating kultura.
Ngunit hindi ito magawa natin mga ordinaryong sabungero kung wala ang tulong ng mga haligi ng industriya, tulad ng mga kumpaniya, breeders and cockers associations, mga sabungan, at ng media. Malaking bagay ang tulong nila para maipasatupad ang mga layunin, adhikain at simulain ng ating samahan at kilusan. Ang lakas ng masang sabungero ay nasa dami at pagkakaisa. Ang dami ay walang saysay kung ito ay hindi maipon sa likod ng pinagkaisahang layunin. Dito kinakailangan ang pakipagtulungan ng mga masang nagmamanok at ng ibang haligi ng industriya tulad ng mga kumpaniya; malalaking samahan ng mga breeders at cockers; at mga sabungan sa bansa. Ang media, tulad ng Larga, naman ang maging tulay upang ang mga layunin at simulain ay marinig at malaman ng nakararami.
Oo mga kamana, nakararami. Hindi isa o iilang tao lang. Kaya ang kontribusyon namin-- ng inyong lingkod o nino man sa ating mga chapter chairmen, coordinators at prime movers-- ay katumbas lang ng kontribusyon ng bawat isa sa inyo na nag text o nag-email upang makiisa.

Pasay Cockpit July 22
Ngayong Miyerkules na ang pang-pitong pasabong ng MANA sa Pasay Cockpit. Dapat sana bawat pangatlong Miyerkules ng buwan ang pasabong ng MANA Pasay –Taguig Chapter. Ngunit sa buwang ito ang anniversary derby ang Pasay Cockpit na nataon sa pangatlong Miyerkules kaya July 22 ang schedule ng pasabong nina kamanang Anthony Espinosa at ang kanyang co-promoter na si Jovito “Vito” Magadia. Inaasahan na mas sasaya pa ang pasabong na ito dahil si kamanang Vito ay kilala at maraming kakilala sa mga sabungan sa Metro Manila. Isa siyang mahusay na pit manager, kasador at promoter. Maraming salamat kamanang Vito sa pagtulong mo sa MANA Pasay-Taguig.
Ang MANA Cavite naman nina kamana Gani Dominguez ay nag paschedule na ng pasabong sa Oct. 15 sa Arcontica Col. sa Dasmarinas, Cavite. Ito ang maging pangalawang pasabong ng MANA Cavite. Ang una ay ginanap sa Cavite Coliseum noong nakaraang June 10.
Sa Cebu ay may stag derby din ang MANA sa darating na Octubre at baka magkasabay pa ng sa Cavite sa Oct. 15.

Stag Conditioning
Malapit na ang stag season. Marami na tayong natanggap na mga katanungan kung paano ang pag alaga o pag-kundisyon ng stag kung ito’y ilalaban sa stag derbies. Tama po, kung ito’y ilalaban bilang stag. Kasi may kaibahan ang pagalaga ng stag na hindi pa ilalaban. Kung hindi pa ilalaban mas maige na hayaan lang natin ang mga stag na mag mature at maging bullstag sa natural na pamamaraan.
Hinahayaan lang natin sa cord. Linilipat lang natin sa ibang cord dalawa o isang beses bawat linggo. Paminsanminsan ay sinasamahan natin ng inahin para naman sumigla at magnanais na maging mas makisig. Binibitaw natin isang beses isang linggo. Ang pakain natin ay maintanance feed lang at hinahayaan natin na lumaki ang katawan na natural. Iba naman ang pamamaraan kung ang stag ay ilalaban bilang stag at hindi na papagulangin.
Iba ang paraan sa pagalaga ng stag na ilalaban. At may iba’t-ibang pamamaraan naman sa paggawa nito. Ang tatalakayin natin dito ngayon ay hindi ang mga specific na gagawin sa pagkundisyon ng stag. Hindi natin ililista dito kung ano ang gawin sa day 1 , day 2 hanggang day of the fight. Ang tatalakayin natin ay ang mga ideya sa likuran ng pagkundisyon ng stag para ilaban. Dahil kung alam natin ang mga ideya at katwiran bakit ang isang bagay ay ginagawa, madali nalang natin matutunan kung paano ang paggawa nito.
Bago magumpisa ilagay sa ating isip na sa pagkundiyon ng stag ay nais nating isiksik sa loob ng tatlong buwan ang sana’y dpat mangyayari sa loob ng dalawang taon kung ang manok ay pagugulangin. Anu-ano itong mga dapat natin isiksik?
Una ang tinatawag na personality development. Ang stag ay bata pa. Hindi pa nabuo ang tunay na personalidad nito. Pangalawa ang tapang; pangatlo ang focus sa pakikipaglaban; saka pa ang pagkundisyon. Pagkatapos nito ay ang problema naman sa stress management dahil ang stag ay mas madaling manibago, uminda at ma-stressed. Ang lahat na ito ay isisiksik natin sa loob ng humigit-kumulang tatlong buwan mula sa paghuli nito sa edad na 6- 7 months hanggang sa mailaban ito sa edad na wala pang 10 buwan.
Ang tinatawag na personality development ay naguumpisa bago pa hulihin ang stag. Kung maari huwag munang hulihin ang stag hanggang ito ay mag papakita na ng tapang at yabang. Kung maaari palang ang huhulihin natin ay yong nakatikim na sa pagiging hari ng range. Pwede ito kung kukunti ang stags natin. Pero kung marami hindi ito pwede dahil may mga pagkakataon na magkakagulo ang pecking order at maglalabanlaban na ang iilang stags para sa karangalang maging hari kaya sabay natin ang mga ito hinuhuli.
Pagkahuli ay pinapatuloy natin ang personality development nito pamamagitan ng paglagay sa pen na may kasamang pullet. Dito ay nadedevelop din ang sex hormone nito, ang testosterone, na kaugnay sa pagtapang ng isang hayop. Ang pagsama ng pullet ay bahagi sa prosesong tinatawag na hardening. Dito ay pinaliliguan, pinupurga, at bina-bacterial flushing natin ang mga stag. Pagkatapos ay bibibigyan ng bitamina at mineral. Sa maiksing salita ay pinatitigas natin ang mga ito. Pag astig na saka natin pinupungasan.
Bahagi ng hardening process ang personality development at ang pagpatapang ng husto. Pagkatapos nito ay kinakayod naman natin na mabigyan ng sapat na focus ang stag sa pakipaglaban. Sa stag kasi hindi pa fully developed ang kakayahan sa pakipaglaban. Kulang pa nga ito sa desire o pagnanais na magkipaglaban ng husto. Kaya kulang sa focus ang stag. Hindi pa kasi alam ng stag na ang trabaho niya ay ang makipaglaban. Kaya tuturuan pa natin.
Ang pinakamaigeng pamamaraan upang ang stag ay natutong makipaglaban ay ang malimit na pagbitaw. Ibitaw natin ang stag tatlo, apat na beses isang linggo o kahit araw-araw sa umpisa ng ating pagsasanay. Hanggang tatlo o apat na hatawan lang awat agad. Bitin kaya gigil sila sa susunod na bitaw. Hindi rin sila mabugbog masyado na siyang mangyari kung tagalan natin ang pagbitaw. Paalala lang na kung sa palage nating pagbibitaw ay may stag na nagpapakita na ng galing, huwag tangkaing i-maintain ang timbang nito upang gawing target fighting weight. Lumalaki pa ang stag kaya ang timbang nito sa pito o walong buwan palang ito ay hindi ang tamang timbang kung ito ay siyam o sampung buwan na.
Ganun din sa pagpakain. Dapat mas mataas ng kunti ang protena ng pakain ng stags. Dahil hindi lang maintenance o subsistence ang enerhiya at sustansya na kailangan ng katawan ng stag kundi pati na ang pagpatubo o pagpalaki pa nito. Lalo na sa mga stags na ilalaban na pagdating sa edad na sampung buwan.
Isa pang masilan na bahagi sa paglaban ng stag ay ang stress management. Dahil maapektuhan ang stag kahit sa mga munting pagbabago at pagiba ng kapaligiran at kagananapan. Kaya medyo sanayin natin ang mga stags sa mga inaasahan nating mangyayari sa araw ng laban o habang palapit ang laban. Halimbawa medyo sanayin natin sa ingay at dami ng tao at sa iba-ibang kulay na makikita nila sa sabungan. Sanayin natin na ilagay sa box at isakay sa sasakyan. Sanayin natin sa pagpasok sa kulungan na madilim. Sanayin natin sa paglakad na may tali at weight ang kaliwang paa para masanay ito na may tari. Sanayin natin sa mga iba pang bagay na tiyak mararanasan nito sa araw ng laban. Sa pagpakain sa araw ng laban, tandaan na huwag masyadong gutomin ang stag.
Para sa mga kamana na gustong sumubok maglaban ng stag may inihanda na pamphlet ang RB Sugbo. Mababasa nyo ito sa susunod na pag update natin sa unang linggo ng susunod na buwan sa tilaok.blogspot.com at dito rin sa pahayagang Larga.

Bakbakan 2009
Kaugnay narin sa stag season, natanggap na ng MANA ang buong schedule ng Bakbakan 2009, mula eliminations hanggang finals. Si Ginoong Manny Berbano po ang nag-email ng schedule satin. Kinumbida nyang maglaban ang MANA ng ilang entries sa Bakbakan. May iilang mga kamana rin ang naghahanda para sa Bakbakan, ang pinakamalaking derby sa buong mundo. P30M ang gantimpala sa taong ito.
Si kamana Steve del Mar, ang pangulo ng MANA, ay agad na nagpasabi na sa ngayon ay may iilang kamana na ang naghahanda para sa pinakamalaking derby sa buong mundo. Karamihan sa mga tinutukoy kamana Steve ay mga kasapi ng Central Visayas Gamefowl Breeders Association (CVBA). Sila ang magdadala ng bandila ng MANA. Ang CVBA ay affiliate ng National Federation of Gamefowl Breeders (NFGB) na siyang namamahala sa taonang Bakbakan.
Sa taong ito inaasahan na tatlo o apat ang entries na magdadala ng pangalan ng MANA. Sa nakaraang taon isang entry lang ng MANA ang sumabak. Iyon ay ang entry ng RB Sugbo-RTE na nagdala sa pangalan ng MANA at sa Pasig Square Garden nag-eliminations. Nag score lang ito ng isang panalo at dalawang talo.
Ang Mana Cebu group ng RB Sugbo, Steve Sarmago, at Jason Garces na nagkampeon sa CVBA Directors Cup ay kabilang sa mga kamana na naghahanda sa 2009 Bakbakan. Iba pang grupo sa Cebu na sasabak ay ang Y-Com nina Mayor Butch Sepulveda, at Gallera de Naga ni Mayor Val Chiong.
Si kamana Ben Dimaano ng Zamboanga ay ang kakatawan ng MANA Mindanao. Inaasahan din na may entry ang MANA Cagayan nina kamana Jun Ramos. Samantalang sina Kamana Gani Dominguez ng MANA-Cavite ay may mga Bakbakan banded stag na maari ding ilaban.
Ang 2009 Bakbakan ay may premyo na P30M. Inaasahan na record breaking na naman ang dami ng sasali sa Bakbakan 09.
(Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman magbasa sa blog natin tilaok.blogspot.com. Para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagmamanok o kaya’y sa MANA magi-text: 0927-995-4876 o 0908-980-8154 o mag-email: mba1220bemin@yahoo.com)






Larga 18 july 28
Llamado Tayo
Rey Bajenting

Pagpakain at Nutrisyon
Kamana pwede bang turuan mo ako ng tamang pagpakain ng manok mula sisiw hanggang sa ilaban? Iba-iba kasi pamamaraan sa pagpakain ang nakikita ko sa iba. Alin kaya ang tama.
Palagi tayong nakakatanggap ng ganitong uri ng mga katanungan. Mga katanungan tulad nito, tulad ng kung paano pagkundisyon ng manok, at kung paano ang wastong pagpili ng manok.
Bagama’t ang mga ito ay nilalaman ng Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon, isang booklet na tayo ang may akda, mahirap masagot ang ganitong mga tanong dahil mahaba ang kasagutan.
Mahaba po hindi magkakasya sa kahit marami at paulitulit na pagtext. Kung may email ad kayo mas mabuti dahil ma i-mail natin sanyo ang mga babasahin hinggil sa mga aspetong ito. O kaya’y bumisita sa tilaok.blogspot.com mababasa nyo ang mga paksang ito.
Sa katanungan sa itaas, hindi na gaanong problema ang gamefowl nutrition ngayon mga kamana. Marami nang mabibili na pre-formulated feeds sa merkado. At maari kang humingi ng feeding program sa agrivet. May mga kanya-kanyang programa ang mga feeds manufacturers.
Kung titingnan mong maige, halos magkatulad lang ang mga feeding program. Ang kaibahan lang ay ang brand ng pakain. Dahil kanya-kanya silang nag-recommend ng kanilang produkto. Magkatulad lang ang mga rekomendasyon. Halo ng mash, crumbles o pellets at grains. Sa isang banda ay may chick booster, starter, developer, maintenance, conditioning at laying na mash, crumbles o pellets. Sa kabila naman ay ang mga grains tulad ng concentrate at conditioner. May iba-ibang brands ng mga ito na gawa ng iba’t-ibang kompaniya. Kaya ang gawin natin ay mamili na lang.
Noong nag-uumpisa pa lang akong mag manok, isa sa malaking problema namin sa panahong iyon ay ang maghanap at magtimpla ng wastong pakain.
Growing mash at mais lang ang pinapakain namin noon sa mga tinali. Kalaunan natuto kaming haluan ng ibang grains tulad ng wheat, barley at oats. May peas at mongo na rin. Subalit kami lang ang nagtitimpla ng mga ito batay sa aming malabong kaalaman hinggil sa taglay na protina at sustansya ng bawat isa sa mga ito.
Ngayon, wala na tayong problema. Nagdagsaan sa mga tindahan ang mga pre-formulated at pre-mixed feeds. Kailangan lang nating gawin ay ang tingnan ang guaranteed content analysis at piliin ang ating pakay.
Hindi kagaya ng dati, tayo ngayon ay wala nang kahiraphirap sa pagpakain ng manok panabong. Kung alam lang natin ano ang dapat ibigay, mahahanap at agad natin itong mabibili. Kailangan lang ay kaunting patnubay hinggil sa uri ng pakain na dapat ibigay.
Sa sisiw mula pagkapisa hanggang isang buwan ang crude protein (CP) na taglay ng pakain ay dapat nasa 21-22%. Makukuha natin ito sa mga tinatawag na chick booster.
Sa pangalawang buwan maari ng ibaba ito sa 19-20%, kaya starters naman ang ating binibigay.
Tatlong buwan hanggang anim habang nasa pawalaan o range ang manok, 16-18% CP naman ang rekomendado. Stag developer o pullet developer na ang binibigay.
Pagdating ng 6 na buwan, 14-16% CP ay sapat na. Sa panahon na ito pigeon pellets o maintenance pellets ang dapat gamitin.
Tandaan lang natin na ang mash, crumble o pellets na ating gagamitin dapat ay may taglay na mas mataas na bahagdan ng protina kaysa CP na gusto nating makamit upang maari nating haluan ng kaunting grains ang ating pakain.
Ang katawan ay nangangailangan ng sustansya upang gumana. Ito ay ang carbohydrate, protein, fats, at vitamins and minerals. At saka, tubig. Ibigay sa manok ang lahat ng mga ito sa tamang proporsyon.
Ngayon mabibili na sa merkado ang mga pakain na taglay ang mga nutrisyong ito, at sa tamang proporsyon para sa manok panabong. Hindi katulad noong araw na tayo pa ang gumagawa ng sariling halo na sa palagay natin ay angkop. Noong araw napakaraming pang food suplement ang pinaghalohalo natin tulad ng dog food, carrots, kamatis, iba’t-ibang grains, mga juice at pati na milk, na hindi pala dapat ipakain sa manok. Ngayon impraktikal na ang ganito. Maliban sa nakakapagod, hindi pa tiyak kung tama ba ang proporsyon ng sustansya. Makabibili na tayo sa merkado kumpletong pakain sa tamang proporsyon pang manok. Ang hangganan lang ay ang ating kakayahang pinansyal. Tuwi-tuwina’y kailangan pa rin natin magsuplemento, pero hindi na marami at iba’t-iba.
Sa mga pakain na mabibili sa merkado ay may mamahalin yong pangkundisyon. May medyo mura naman, yong pang pre-con at maintenance. Kung magtitipid tayo pwede nang pangkundisyon kahit yong mga pang maintenance na sinasabi. Kung hindi naman tayo sa big time maglalaban, at hindi naman kalakihan ang ipupusta natin, bakit pa tayo gagastos ng malaki?
May mga conditioning pellets. Matataas ang crude protein (CP) content ng mga ito, nasa 22%. Ngunit may kamahalan din. May mga ordinaryong pellets naman tulad ng PDP (Pullet developer pellets) pigeon pellets, at mga maintenance pellets. Nasa 16-18% lang ang CP ng mga ito. Kung ang mga ito ang gagamitin natin at ang nais natin ay taasan ang protina sa ating pakain pwede tayong magsuplemento ng atay ng baka o kaya’y itlog. Pwede rin na haluhan natin ng BSC (Broiler starter crumbles) dahil 22% ang protina nito. O kaya’y haluan ng kaunting protein expander pellets. Mas makatipid pa rin tayo kaysa puro hi-protein pellets ang gamit natin.
Talagang angat sa kalidad ang mga mamahalin na pakain ngunit hindi ibig sabihin na hindi uubra ang mga pangkaraniwang pakain.
Suplemento
Kung tayo’y magsusuplemento, iwasan nalang siguro nating ang mga hormone, steroid, stimulant at iba pang uri ng mga druga.Mahirap maperpekto ang paggamit sa mga ito. Iba-ibang indibidwal ay may iba’t-ibang pagtanggap at reaksyon sa druga. Maaring ang dami o dosis na maganda ang epekto sa isang manok ay makakasama naman sa ibang manok. Kahit ngayon, sa panahon ng makabagong pamamaraan, hindi pa sapat ang pagsasaliksik upang maging tiyak ang magandang epekto ng druga sa manok pansabong.
Multi vitamins, minerals at mga natural na nutrisyon lang ang idagdag natin. Halimbawa ang atay ng baka at itlog ng manok ay mga maiigeng protein supplement. Para sa bitamina at mineral may mga MVEs. Hindi mahal ang mga ito at napakamadaling ibigay dahil ihalo lang sa tubig.
Maari natin itong gamitin mula sa mga sisiw hanggang sa kinukundisyon. Wala kasing delikado ang bitamina at mineral. At tulad ng mga bitamina, ang mga mineral, hindi man mapaghimala, ay mahalaga sa pangangatawan ng manok.
Walang sekretong at mapaghimalang gamot na mag-isang magiging sanhi ng pagpanalo. Bitamina man ito o mineral, B complex, B15 o ano man. May kanya-kanyang gamit at kailangan magtulungan ang mga ito upang umubra ng husto ang katawan.
Lalo nang walang magic na druga, maging hormone, steroid, stimulant man o ano pa, na makatiyak ng panalo.
Blood conditioning
Ang dugo ang nagdadala ng sustansya, enerhiya at oxygen sa kalamnan at iba’t-ibang parte ng katawan kaya napakamahalaga na ito’y nasa tamang kundisyon. Ang mga bitamina B complex, partikular ang B12, at mineral na iron ay maiigeng blood conditioner. Pinaparami ng mga ito ang hemoglobin sa dugo. Ang hemoglobin ang nagdadala ng oxygen sa iba’t-ibang parte ng katawan, pati na ang utak. Ang kakulangan ng oxygen sa utak ay isa sa mga sanhi kung bakit ang manok ay mag pass out.
Ang B15 o pangamic acid ay makakatulong bilang vasodilator. Pinaluluwang nito ang mga blood vessels at tissues at maging mas marami at malakas ang daloy ng dugo.At dahil maluwang ang blood vessels mas marami ding body heat ang maipalabas ng manok at makakatulong sa thermal regulation o ang pagkontrola sa init sa katawan.
Ang ibang nagkukundisyon ay ginagawang pamalit ng B complex ang B15. Tayo sa RB Sugbo, natuklasan natin na mas maige na sabay ang paggamit sa mga ito. Ang B complex at iron ay nagkukundisyon sa dugo. Sa kabilang panig naman, ang B15 ang nagkukundisyon sa dadaluyan ng dugo. Aanhin ang hi-octane fuel kung wala sa kundisyon ang karborador?
Energy boosting
Sa pag-ehersisyo, sa aktwal na laban, at sa ano mang gawain na gumagamit ng enerhiya, ang katawan ay umaasa sa tatlong magkaibang proseso. Ang mga ito’y ang ATP-CP pathway, ang glycolysis, at ang electron transport chain.
Ang pagaaral ng RB Sugbo sa mga ito ay kabilang sa mga sanhi ng pagdagdag natin ng ilang makabagong dimensiyon sa pagkundisyon. Subalit masyado nang teknikal kung tatalakayin natin ang mga ito ng husto. Mahalaga lang na malaman natin na sa tatlo ang ATP-CP pathway ang mas kinakailangan ng manok sa uri ng laban natin dito sa Pilipinas na ang ginagamit na sandata ay ang slasher o long knife.
Sabihin na lang natin na ang ATP (Adenosine Triphosphate) ang panggatong sa apoy ng enerhiya sa katawan. Sa unang mga saglit ng labanan ang ginagamit ng katawan ay ang ATP na laman na ng muscles sa panahong iyon. Kapag nagamit na ang ATP, ito’y magiging ADP (Adenosine Diphosphate) Dalawang phosphate molecules na lang sa halip na tatlo sa ATP. Sa kabutihang palad, maaring maagapan ito ng creatine phosphate (CP) pamamagitan ng pagbigay ng phospate molecule nito sa ADP. Ngayon, ang ADP ay balik sa pagiging ATP at maari na namang gamiting panggatong upang makagawa ng enerhiya ang kalamnan.
Ang kinakailangan naman upang maging mas mabilis ang prosesong ito ay ang ribose. Kung mapabilis ang proseso sa pag recycle ng ATP hindi agad maubusan ng ATP ang kalamnan.
Kapag naubusan ng ATP sa muscles, ang katawan ay aasa na sa dalawang iba pang proseso ang glycolysis at electron transport chain. Medyo mabagal ang mga prosesong ito kaya lalabas na pagod ang manok habang naghihintay sa panggatong sa paggawa ng enerhiya.
Kaya mas maige na paigtingin natin ang ATP-CP energy pathway pamamagitan ng pagbigay ng creatine at ribose. May mga nagkukundisyon na ang ginagamit ay ang creatine na pang tao. Sa katunayan mabibili na ang mga creatine na pang tao sa mga agrivet outlets. Muli, babanggitin natin na delikado gumamit ng pang tao at baka, tulad ng paggamit ng druga, hindi natin makuha ang dosis na tama pang manok.


Impormasyon sa media at internet
Patuloy po ang pagdagsa ng mga mambabasa ng tilaok.blogspot.com ang ating blog sa internet. Palagi na nating ina-update ngayon, hindi lang isang beses isang buwan, dahil nga napansin natin na marami ang bumabasa nito. Nakikita ito sa dami ng nagparehistro sa MANA na ang sabi ay sa tilaok nila nalaman ang hinggil sa MANA. Nalaman naman nila ang tilaok dahil sa mga text messages at email na pinu-forward ng mga kaibigan.
Marami din po ang nakakaalam hinggil sa atin pamamagitan ng pahayagang Larga. Kaya di talaga matatawaran ang papel ng media sa pagpakalat ng impormasyon. Kaya mayroon narin tayong Tilaok Newsletter Online at ini-email natin ito sa lahat ng kamana na nagpadala na ng kanilang email ad. Kung di pa kayo nakapagpadala samin ng email ad, mag-email lang kayo sa mba1220bemin@yahoo.com at i-rekord agad ito nina kamanang Joe Claudio sa ating national coordinating center upang mapadalhan kayo ng Tilaok Newsletter at alin man sa mga babasahin ng RB Sugbo at MANA na nais ninyong mabasa.
Noong nakaraang linggo ay naipangako natin na sa sunod na pag update natin ng tilaok.blogspot.com sa unang linggo ng August ay i-post natin ang pamphlet sa paghanda ng stag. Nandoon napo. Nakapost na sa tilaok ang “Mga Ideya sa Paghanda ng Stag.” Kahit wala pa ang August dahil ina-update na palagi ang tilaok.
Kabilang sa layunin ng MANA ay ang mamahagi ng kaalaman sa pagmamanok. Ginagawa natin ito pamamagitan ng Larga, mga babasahin ng Mana, at sa internet. Mahalaga rin ang ating pagbigay ng impormasyon sa mga kagananapan upang masundan ng mga kamana. Kaya hinihimok po natin ang lahat na ipamahagi rin sa iba ang mga impormasyon hinggil sa MANA at nang mas dumami at lumakas pa tayo. (Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman magbasa sa blog natin tilaok.blogspot.com. Para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagmamanok o kaya’y sa MANA mag-text: 0927-995-4876 o 0908-980-8154 o mag-email: mba1220bemin@yahoo.com)

Ponkan broodcock

Ponkan broodcock
One of the ponkan broodcocks being readied by RB Sugbo for the incoming breeding season. RB Sugbo is among the gamefowl farms very much involved in the Masang Nagmamanok (MANA) Inc. nationwide gamefowl dispersal program.

Another ponkan

Another ponkan
Another ponkan broodcock in the trio pen.

Mana: Dami at Pagkakaisa

Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.

Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan. Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.

Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.

Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:

1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.

2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.

3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.

4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.

Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito, noon, ay arawaraw na lumalabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications. (Ngayon mababasa ang Llamado Tayo sa dyaryong Larga Weekly.)

Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.

Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.