Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.

Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.
Ganap na sabong site. Forums, kaalaman, balita, at iba pa para sa inyong kasiyahan at kapakanan.

Sunday, March 29, 2009

Llamado Tayo nasa LARGA na!

LLAMADO TAYO
Kamana Rey Bajenting

Larga na!

Taos-puso pong pagbati at pagpasalamat sa pahayagan Larga sa pagbigay sa atin ng pagkakataon na makapagsulat at makapagpahayag. Sa mga di pa nakakaalam, ang pitak Llamado Tayo ay dating lumalabas sa pahayagang Tumbok. Mula Disyembre 20, 2006 hanggang Dec 31, 2008 arawaraw po ang labas ng pitak na ito. Mula Enero, 2009 nag-linggohan nalang po ang labas ng Tumbok, kaya linggohan nalang rin ang Llamado Tayo hanggang nang tuluyang namaalam ang Tumbok noong Feb. 28, 2009.

Ang pitak na ito ay nagtatalakay sa iba’t-ibang aspeto ng sabong. Mga balita; kaalaman; at plain chicken talk. Kung may mga katanungan kayo i-text nyo lang at sisikapin nating masagot.

Ang Llamado Tayo din ang naging tulay sa pagkatatag ng Masang Nagmananok (MANA).
Ang ipaglaban ang sabong at itaguyod ang kapakanan ng kapwa masang sabungero ang simulain ng Masang Nagmamanok (Mana)

Sa loob ng maikling panahon ang MANA ay nakapagdaos ng mga libreng seminar at trainings; naka-pagtalakayan ng husto hinggil sa wastong pagmamanok; nakapunta at nakapamahagi ng kaalaman sa ilang farm sa iba’t-ibang lugar ng bansa para sa hands-on- at-farm technology transfer. Natugunan ang daan-daang tanong ng mga mambabasa ng Llamado tayo. May blog ang MANA sa internet, ang tilaok.blogspot.com.

Ngayon 2009, may dalawang malalaking proyekto inumpisahan ang MANA. Ang buwanang pasabong sa Pasay City Cockpit at ang Gamefowl Dispersal Program sa Teresa, Rizal. Bawat pangatlong Miyerkules ng buwan ang pasabong ng MANA sa Pasay.

Inasahan na sa tulong ngayon ng Larga, mas lalo pang lalago ang mga serbisyo ng MANA.

Pasay pasabong.
Simula noong Enero may pasabong ang MANA sa Pasay Cockpit bawat pangatlong Miyerkules ng buwan. Tatlong pasabong na ang naganap. Ang pang apat ay sa April 15 na naman. Sa pasabong na ito at sa bawat pasabong ng MANA invited po ang lahat, kamana man (kasapi ng MANA) o hindi. Sana’y mapaunlakan nyo kami. 1-cock ulutan; P1,100 lang ang entry fee at P2,200 ang minimum.

P100 thousand ang guaranteed prize. May gintong Singsing ng Kagalingan pa na maaring mapanalunan ng MANA Fighter of the Month. Ang singsing na ito ay nagkakahalaga ng P10 libo.

Sa kasalukuyan, tatlo ka tao palang ang may suot ng singsing na ito. Mapapanalunan ito ng sinumang may pinakamabilis na combined time ng tatlong sunod-sunod na panalo sa partikular na pasabong. Ang pinakamabilis po sa tatlong MANA Fighters of the Month mula Enero hanggang Marso ay si kamanang Ed Genova, ang nagwagi sa buwan ng Pebrero. Naipanalo niya ang tatlong manok sa loob lang ng 48 seconds . Congrats at salamat kamanang Ed. Naipakita mo ang MANA power, at ang power ng Taguig chapter. Talagang maasahan naman ang Taguig chapter ninyo ni kamanang Mhon Dayao.

MANA-Cavite
Ipinagbibigay alam ng MANA-Cavite na pinaigting nila ang membership drive at activities ng MANA sa area nila. May scheduled seminar sa May at pasabong sa June sa Cavite. Announcement of exact dates and venue to follow according to kamananang Isagani Dominguez. At, tulad ng Comelec continuing registration sila sa gustong mag pamembro ng MANA sa Cavite. I-text nyo lang ang inyong pangalan, address, at kontak number kina:
Kamana Isagani Dominguez, 0928-521-2513; kamana Andoy Malinao, 0919-320-2808; kamana Noel Pili, 0921-764-0768 at kamana Bong Ferreras 0921-332-2231.


Kaalaman: Urban Conditioning
Nakasanayan ng Llamado Tayo na mamahagi ng kaalaman sa pagmamanok, doon pa man sa dating pahayagan. Ganito din ang gagawin natin dito sa Larga. Kung may mga katanungan kayo i-text nyo lang at sisikapin nating masagot.
Sa ngayon tatalakayin muna natin ang tinatawag nating urban conditioning.

Ang urban conditioning ay bagay satin, mga karaniwang sabungero na nasa lungsod. Mga sabungero na malimit sa hack fights lang lumalaban.

Una sa lahat, purgahin ang mga manok at paliguan ng anti-mite shampoo. At saka tingnan kung di ba sobrang mabigat o payat ang mga manok. Kapag ayos lang, samakatuwid ay handa na sila isabak sa ating urban conditioning
Ito’y matipid sa pera, sa panahon, at sa lugar. Kaya natin itong gawin kahit nag-iisa. Ang kakailanganin lang ay ang cord o talian na hindi aabot sa P20 ang halaga; 3x3 folding wire pen na mabibili sa halagang P200; kulungan na siguro'y gagasta ka ng P100 bawat isa; at maliit na sulok sa iyong bakuran na mai-ilawan kung saan pwede pakainin at bahagyang i-exercise ang manok kung gabi. Dahil hindi naman tayo mapera at walang sapat na lugar hindi na tayo gagasta para sa conditioning at running pens, flying pen, pointing pen, scratch box, at ano pa.

Ang pakain naman natin ay karaniwang grain concentrate, maintenance pellets at hi-protein conditioner pellets. Hindi puro hi protein ang ginagamit natin para makamura tayo. Tiyakin lang natin ang pigeon pellets o maintenance pellets ay may mataas na crude protein contents o mataas ang porsyento ng protina 17 o 18%. Kung ang isang kilo nito ay hahaluan natin ng isang kilo ring concentrate magkakaruon na tayo ng pagkain na may 15-16% protein, tulad ng mga pre-mix maintenance feeds na mabibili sa mga agrivet supplies. Kung haluan pa natin ng kunting hi-protein pellets o yong protein expander lalo pang tataas ang crude protein at maging sapat na para panlaban.

Karamihan sa atin ay nasa lungsod o bayan nagmamanok at wala sa malalayong farm sa probinsya, tulad ng malalaking manukan. Ang lupa sa lungsod ay hindi kasingyaman sa minerals. Kaya pinapayo na gamitan natin ng mineral supplement ang ating mga manok. May mga multivitamins with electolites (MVE) o kaya’y concentrated liquid mineral na available sa merkado.

At sa lungsod mas matindi ang air pollution kaya kailangan ng manok ang anti-oxidant tulad ng Vits A, C at E. Makukuha ito sa mga MVE o sa multivitamin tablets. Makakatulong kung haluan natin ng kunting gulay, sibuyas at kamatis ang ating pakain.

Dahil walang tiyak na schedule ang laban ng ating manok, dapat ay ito ay isang boy scout, laging handa. Mas mainam na sa kulungan lang ito patulugin sa gabi upang hindi mabasa kung umulan at mahirap pa nakawin. Ilabas ito kina-umagahan mga bandang alas singko ng umaga at ilagay sa cord. Bandang alas-sais ikahig at isampisampi ito ng dalawa o tatlong minuto. Kung tayo lang mag-isa at wala katulong sa pagkakahig doon na lang ikahig at isampi sa isang manok na nakatali. Yung hindi pa ilalaban o isang reject o baldado na. Pagkatapos ay ilagay mo sa 3x3 na may lamang tuyong dahon ng saging. Bigyan ng iilang pirasong cracked corn at pabayaang mag scratch ng 10 minuto. Pagkatapos ay ibalik ito sa cord.

Pakainin alas-siyete at huwag kalimutang bigyan ng tubig. Pabayaan lang sa talian hanggang tanghali. Kung ikaw ay may pasok siguruhin na palaging may masisilungan ang manok sakaling uminit o umulan. At ihabilin sa iyong asawa o anak o sino man ang maiiwan sa bahay na tingnan na walang aksidenteng mangyayari sa manok.

Mas mainam kung tayo ay makakauwi sa tanghali. Pag-uwi sa tanghali hilamusan agad ang manok at ilagay sa 3x3 na may tuyong dahon ng saging at bigyan ng kaunting pakain at hayaang kumaskas habang tayo ay nananghalian. Pagkatapos ay ibalik sa cord buong maghapon.

Paguwi natin sa hapon pakainin ang manok. Kung ang uwi natin ay palaging maaga at maliwanag pa duon nalang pakainin sa cord. Pagkatapos hayaan sa talian. Pag itoy humapon na ibalik sa lupa at hayaang humapon uli. Ulit-ulitin ng apat o limang beses ang pagbaba sa gayon ay mapilitan itong lumipad at humapon uli pabalik at ma-ehersisyo ng husto. Para na ring nasa flypen ito. Kung medyo madilim na ang dating natin, kailangan natin ang lugar na may ilaw at doon pakainin.

Ganito lang ang gagawin mula Lunes hanggang Biyernes. Tuwing Sabado ipahinga na si manok matapos ang pananghalian. Ilagay sa kulungan buong hapon at ilabas sandali sa oras ng kanyang pagkain sa hapon. Sa Linggo, ilabas ito at ilagay sa cord mga alas-sais ng umaga. Pakainin alas-siyete at paglipas ng 30 minuto ibalik sa kulungan. Handa na si manok kung sakaling ilalaban natin sa araw na ito. Kung hindi mailalaban dahil kulang ang pamusta o kaya natalo tayo sa ibang manok, ibitaw o ispar ito bandang alas-tres o alas-kwatro ng hapon.

(Para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagmamanok o kaya’y sa MANA si Rey Bajenting ay pwedeng i-text sa mga numerong ito: 0927-995-4876 o 0908-980-8154)

Ponkan broodcock

Ponkan broodcock
One of the ponkan broodcocks being readied by RB Sugbo for the incoming breeding season. RB Sugbo is among the gamefowl farms very much involved in the Masang Nagmamanok (MANA) Inc. nationwide gamefowl dispersal program.

Another ponkan

Another ponkan
Another ponkan broodcock in the trio pen.

Mana: Dami at Pagkakaisa

Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.

Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan. Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.

Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.

Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:

1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.

2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.

3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.

4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.

Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito, noon, ay arawaraw na lumalabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications. (Ngayon mababasa ang Llamado Tayo sa dyaryong Larga Weekly.)

Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.

Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.