Tuesday, June 2, 2009
Mga piling tanong at kasagutan
Tanong: Gud pm ano po ba ang lahi ng manok ang magagandang pumalo at madiskarte sa laban? (02:45:05AM feb 27-2007)
Napakahirap sagutin ang mga ganitong katanungan. Lalo na kung sa pamamagitan lang ng pagtetext.
Oo, ang iba’t-ibang lahi ng manok dapat ay may kani-kanilang istilo sa paglaban.
Halimbawa ang lemon ay dapat mautak at magaling sa cutting. Ang hatch naman ay malakas at matibay.
Ngunit ang totoo ay hindi sa lahat na pagkakataon ay nagkakatotoo ito. May lemon na di gaanong mautak. May hatch naman na hindi matibay.
Kahit anong lahi o linyada ay may magagaling at may mga bulok. Kaya hindi tama na ibatay natin ang ating pagpili ng manok sa pangalan o sa katanyagan ng lahi.
Dapat ang pagpili natin ay batay sa kakayahan at katangian ng indibidwal na manok. Huwag pangalan ang habulin natin. Dapat ang kagalingan ang ating gawing batayan sa pagpili.
Hindi kasi garantisado kung sa pangalan ng lahi natin ibatay. Una, kung hindi tapat ang nagpapalahi ay pwede niyang sabihin na ang kanyang manok ay pure lemon, kahit ito’y may halo. Pangalawa, wala naman talagang puro na genes kung manok ang pag-uusapan.
Lahat naman ng lahi ng manok ay nagsimula sa paghalohalo ng dalawa, tatlo, o mas marami pang lahi.
Kaya, huwag na nating isipin kung ano ang pangalan ng lahi ng manok. Hanapin natin ang magaling na manok, hindi ang katanyagan ng pangalan ng lahi.
Katawan ng sweater
Tanong: Gud am mr bajenting. I once had a talk wid a handler and during d course of our conversation, he told me dat d secret of condtioning d sweater to win is to fight it na hindi masyadong malapad ang katawan ung di cya punongpuno . Any comment on dis? TY. (09:41:33AM Mar-6-2007)
Sagot natin: I dont know if it cud b generally stated dat way. I wud say it may vary from one family of sweater to another. Also if i cud avoid it i wont fyt chickens na manipis ang katawan.
Oo. Ang pagkakaalam ko hindi pareho ang characteristics ng lahat ng pamilya at uri ng sweaters. Posible tama ang sinabi ng handler na nakausap ng nagtanong sa atin na gusto ng sweater na ilaban na di malapad ang katawan, kung ang batayan ay ang kanyang sariling karanasan.
Ngunit hindi naman siguro lahat-lahat ng sweater ganito ang gusto. Kasi napakarami na ng pamilya at uri ng sweaters sa ngayon at ibaiba ang kanilang genetic na kumposisyon kaya malamang ibaiba rin ang kanilang ugali at pangangailangan.
May nabasa akong artikulo tungkol sa isang pamilya ng sweater ng isang tanyag na manlalahi kung saan nakasaad na ang kanyang sweater ay dapat ilaban na puno at buka ang katawan ngunit dapat ay magaan at tuyo.
Ang akin namang sariling pamilya ng sweaters na ang tawag ko ay “ponkans” ay kailangan na ilaban na puno pero medyo may konting moisture ang katawan.
Sa palagay ko, tulad ng iba pang lahi, ang sweater ay may ibat-ibang pamilya at uri, na hindi magkakatulad ang kumposisyon, samakatuwid ibaiba rin ang characteristics.
Kaya siguro dapat kilalanin natin ang indibidwal na pamilya o indibidwal na manok at huwag natin ibatay ang ating paghahanda sa pangalan ng lahi.
Epekto ng inbreeding
Tanong: Ok lng po bng ipares ang inahin ko sa kanyang pamangkin? Sir hindi po ba maka apekto sa genes ng aking mga sisiw dahil ang brodcock ko anak ng kaptid ng inhin ko? Gus2 ko i2ng mga lahi na ito dahil madlas manalo, hindi ba ito makapek2 sa kanilang winning %? (10:48:35AM feb 27-2007)
Ang pamamaraang ito sa pagpapalahi ay isang uri ng inbreeding, bagaman hindi gaano ang tindi. Ok lang ito. Lalo na kung sadyang inbred ang gusto mong ipalabas.
Ang inbreeding ay ang pagpapalahi ng magkamag-anak. Ibig sabihin ay ang tat-yaw at ang inahin ay may magkaparehong ninuno sa loob ng 4-6 henerasyon o salinlahi.
Ginagawa ang inbreeding upang maisapuro ang mga katangian na ibig nating isalin sa susunod na henerasyon. Ito ang tinatawag na “to purify”.
Ang pagpurify ng mga magagaling na katangian upang ang mga itoy mas madaling maisalin sa mga sumusunod na henerasyon, ay ang layunin ng pag in-breeding.
Subalit, may malaking posibilidad din na sa halip na ang mga positibong katangian o kakayahan, ang mga negatibo ang mapurified. Kapag ito ang mangyari ay masama ang epekto ng inbreeding. Ito ngayon ang tinatawag na “inbreeding depression”.
Kaya ang sagot sa katanungan ng nagtext sa akin kung diba makakaapekto ang kanyang pagpares ng tiyahin at pamangkin ay oo, makakaapekto.
Ang epekto ay maaaring mas makakabuti sa kanyang nagpapanalo nang lahi, o maaari ding makakasama.
Ganyan lang naman talaga ang pagpapalahi. May grasya, may disgrasya.
Monday, June 1, 2009
Nilikhang Palaban
Para mas malinaw sa atin kung ano talaga ang totoo, kung pagmamalupit ba sa manok ang pagsasabong o hindi, dapat siguro na alamin natin kung ano talaga ang manok.
Ang manok ay ibon. Isa sa pagkakaiba lang nito sa ibang ibon ay ang palong sa ibabaw ng ulo at palabit sa ilalim. Mas halata at malalaki ang palong at palabit sa mga lalaking manok. Ang palong ay ang batayan ng tawag sa manok ng salitang Latin. Ang salitang Latin na gallus ay nangangahulugang palong. Kaya ang domestic chicken ang tawag ay Gallus domesticus. Sa Red Jungle Fowl naman, kung saan nanggaling ang ating manok pansabong, ay Gallus bankiva.
Ang manok ay may dalawang paa at dalawang pakpak. May mga uri ng manok na hindi na nakakalipad. Ang iba ay nakakalipad ng malapit at mababa, hindi kagaya ng karamihan ng mga ibon. Ang paa ng manok ay may kaliskis.
Ang paghinga ng manok at pulso nito ay mas mabilis kaysa mga mas malalaking hayop. Pati na nag pagtunaw ng pagkain. Ang temperatura ng katawan ng manok ay 107-107.5 farenheit o 41-42 kung sa celsius. Ang tao kung umabot ng 37 celsius ay nilalagnat na.
Ang manok ay napipisa, hindi pinanganganak.
Ang katawan ng manok ay puno ng balahibo. May mga buhok din ito, hindi lang natin halata. Ang manok ay may tuka, walang ngipin. Magagaan ang buto at kalansay ng manok kaya hindi pa rin lubusang nawala ang kakayahan nitong makalipad. May mga labintatlong air sacks sa katawan ng manok kaya gumagaan ito, at ang mga air sacks ay ginagamit din sa proseso ng paghinga.
Ang mga lahi at sari ng mga manok ngayon, pati na ang gamefowl ay pinaniwawalaang nanggaling sa Red Jungle Fowl o Gallus bankiva, na tinatawag din na Gallus gallus na nabubuhay dito sa atin sa Southeast Asia ng may ilang libong taon na, at hanggang ngayon ay nanatili pa. May mga manok na sa Asia sa 3,200 B.C., and may records pa na may manok na rin sa China at Egypt sa taong 1,400 B.C.
Nakakasiyang isipin na unang hinuli at inaalagaan ang mga labuyong manok para sabong, hindi para pagkain. Kaya lang ang sabong ay ipinagbawal sa maraming bansa kaya sa halip na nagpapalahi ng pansabong ang mga nagaalaga ng manok ay nagpalahi na lang ng mga para poultry exhibition. Dahil dito naglabasan ang iba’t-ibang sari ng manok para sa iba’t-ibang gamit, mula uri na para hapag kainan hanggang laruan at pangdekorasyon. Ngayon may higit kumulang 175 ka sari ng manok, na nagbubuo ng higit kumulang 60 ka lahi at 12 klase.
Ang klase ay binabatay sa lugar kung saan unang nanggaling ang isang uri ng manok. Halimbawa: Asiatic, American, Mediterranean, at iba pa. Ang lahi ay isang pangkat ng manok na may magkatulad na malawakang katangian, tulad ng hugis ng katawan, kulay ng balat, laki at tindig, at iba pa. Ang sari ay nakikilala batay sa madetalyeng katangian tulad ng hugis ng palong, kulay ng balahibo, kulay ng paa, at iba pa. Samakatuwid ang isang manok ay maaring sweater ang sari, gamefowl o pansabong ang lahi at Amerikano ang klase.
Ang strain naman ay pangkat ng manok na ang linyada ay binuo galing sa isang sari upang nagkaroon ng ibang kanaisnais na katangian o para sa partikular na hangarin. Halimbawa ang 5,000 dollar line ay isang strain ng saring sweater na lahing pansabong, sa klaseng Amerikano.
Mali ang sabi ng mga kumukontra sabong na tao ang gumawa ng manok pansabong upang gawing palaban at maglalabanlaban. Ang kaunaunahang mga manok ay dati nang naglalabanlaban kaya hinuli ng tao upang gawing isport at libangan.
At, pinakamahalaga, ang nervous system ng manok ay hindi gaanong sensitibo sa sugat at sakit. Kaya kalimitan, lalo na sa Pilipino knife fighting, ang manok ay namamatay na hindi nakakaramdam ng kirot. Ang totoo mas masakit pa sa manok ang magpatayan na walang tari kaysa patayan sa gradas.
Pagpapalahi: Wastong Pagumpisa
Ang mga bagay na dapat tiyakin ay ang mga sumusunod:
Na tayo ay may sapat na kabuohang kaalaman sa pagmamanok, hindi lang sa pagpapalahi;
Na may mailalaan tayong panahon sipag at salapi na batay sa ating hangarin sa pagpapalahi;
Na makahanap tayo ng kahit maliit ngunit angkop na lugar, at kaya natin itong paunlarin;
Na may makukuhang katulong na mapagkakatiwalaan;
Na makakahanap tayo ng makukunan ng magagaling na pangasta.
In na in ngayon ang pagpapalahi ng sasabunging manok. Napakarami na talaga ang nagpapalahi ngayon. May mga nagpapalahi upang magkapera. Sa tingin nila ang pagpapalahi ay negosyo o trabaho lang. May nagpapalahi naman upang malibang. Sa kanila ang pagpapalahi ay libangan. Ang iba naman ay seryosong nagpapalahi at talagang dibdiban ang kanilang pagnanais makabuo ng sariling magaling na linyada. Anuman ang hangarin, iisa lang ang dapat gawin. Ang magumpisa ng tama. Walang tiyak sa pagpapalahi ngunit ayon sa mga esperto makakatulong ng malaki kung ikaw ay mag uumpisa ng tama, kumuha ka ng mga materyales na subok. Subok na magagaling at subok na nagpapanalo.
Sa aklat na “Lihim sa Pagbuo ng Sariling Linyada” ni Dr. Andrew T. Bunan, PhD, ay mababasa ninyo ang payo ng tanyag na breeder ng lemon guapo at Aguirre grey na si Mayor Juancho Aquirre ng La Carlota, Negros Occ.
Ito ang sabi niya:
“Mag-umpisa ng tama at kumuha ng mga lahi sa mga taong matagal na sa industriya at may magandang record sa loob o labas ng sabungan. Matagal bumuo ng isang linyada subalit ang paghihintay ay masusuklian ng tuwa kapag nakita mong tama ang iyong ginagawa. Sabi nga, pareho ang mga pagkain sa mahina at magaling na manok, subalit mahirap kumuha ng tunay na linyada kung tayo ay hindi mamumuhunan at kukuha ng mga material sa mga breeder na ating mapagkakatiwalaan.Maaring mahal sa una, pero pag sinuma mo ang tagal ng panahon sa pagbuo ng linyada dito mo makikita, malaki pala ang natipid mo at mas maikli ang panahong gugulgulin mo para makapagpalabas ng mahuhusay na mgamanok-panabong”. (Lihim sa Pagbuo ng Sariling Linyada; Bunan; Llamado Publications; p.83)
Editoryal: Balik Sigla
Sa nakaraang mga buwan nakaranas ang Masang Nagmamanok (MANA) ng mga pagsubok. Nahirapan tayo ng namaalam ang pahayagang Tumbok at nawalan tayo ng epektibong tulay ng kumunikasyon. Dahil dito nahirapan tayong makipagugnayan sa marami nating mga kamana na umaasa lang sa pitak na Llamado Tayo sa pahayagang yon para sa mga pahayag hinggil at mga kaganapan sa MANA.
Sinubukan nating gawan agad ng remedyos. Pinaigting natin ang pagpaseminar at pagbuo ng mga chapters sa pagaakalang sa pamamagitan nito mapunan ang puwang na naiwan sa pagsara ng Tumbok. Ngunit hindi pala.
Napakakunti ng mga kamana at ng mga nais maging kamana na maabot natin sa mga pagpupulong at pagpapaseminar. Sa isang seminar marami na po ang may isang daan ka tao ang dadalo, kasama na dyan ang mga dati nang kamana. Kalimitan nasa 40 hanggang 60. Napakakunti po. Samantalang ang nagbabasa sa isang pahayagan tulad ng Tumbok ay daang libo bawat araw.
Isipin po natin na halos 90 porsyento ng may 12 libong kasapi ng MANA ay mga mambabasa ng pitak na Llamado Tayo at nagparehistro lang pamamagitan nang pag text ng kanilang pangalan, address at hanapbuhay at nabigyan agad ng MANA membership number.
Ang mga membro ng chapters ay lampas lang kunti ng 2 libo. Ang may pinakamarami po ay ang Visayas na may 1,400 members na ngayon. Ito ay galing sa mga chapters sa Cebu (900), Bohol at Eastern Samar. Ang Mindanao ay may 300 members ng chapters. Sa Luzon, ay may 400.
Sa Luzon ang Cavite chapter ni kamanang Gani Dominguez ay may mahigit isang daan ka members kung ibatay natin sa attendance ng seminar noong nakaraang May 18. (Wala pang opisyal na numero ng membro na binigay ang Cavite). Ang Camarines Sur nina kamanang Jessie Abonite at Boying Santiago ay may mga isang daan din. Ang Pasay-Taguig ay may 80 members. Ang Monumento ay may 70 members. Ang higit kumulang 50 members ay galing sa mga chapters ng Sampaloc, Tondo at Mandaluyong.
Ngunit isipin natin na sa 9 na libo na mga nagpamembro pamamagitan ng pag text, lampas 6 na libo ang ang galing ng Luzon. Bakit, habang nasa 400 lang ang membro ng mga chapters sa Luzon?
Dahil ang karamihan ng sirkulasyon ng nagsarang Tumbok ay sa Metro Manila, Calabarzon at Bicol. Kaya napakarami ang nakabasa sa pitak na Llamado Tayo habang ito'y nasa Tumbok pa.
Sa mga numerong ito nakita po natin na sa Metro Manila, at karatig na lugar mas epektibo ang membership drive pamamagitan ng mass media. Samantalang sa Visayas, dahil walang gaanong sirkulasyon ang Tumbok doon, mas epektibo ang mga personal na paghikayat. Sa Visayas habang 1,400 ang chapter members, wala 800 ang nagpamembro pamamagitan ng text. Ang marami pa dito ay hindi galing Cebu kundi sa Leyte-Samar area kung saan may sirkulasyon din noon ang Tumbok.
Ngayon magpasalamat tayo sa pahayagang Larga. Dahil sa nakaraang ilang linggo muli na pong bumilis ang pagdami ng mga kasapi natin na nagparehistro pamamagitan ng pagtext. Dahil libo-libo din ang nagbabasa ng Larga. Hindi nga lang ito araw-araw, kundi isang labas lang isang linggo. Ngunit habang ang Tumbok ay general publication, ibig sabihin ang mga mambabasa ay sarisari, ang Larga ay pahayagang hinggil sa sabong lang at karamihan kundi man lahat ng mambabasa ng Larga ay sabungero at interesado sa mga adhikain ng MANA. Kaya bumalik napo ang sigla ng ating membership drive pamamagitan ng pagtext lang.
Magpasalamat po tayo sa Larga at nawa'y patuloy nating itangkilik ang Larga, bilang pahayagan ng mga sabungero, pahayagan na matatawag na sariling atin.
At, upang may katuwang ang ating pitak dito sa Larga sa paghikayat ng mga kasapi at paglathala ng ating adhikain at kaganapan, gumawa tayo ng blog sa internet, ang tilaok.blogspot.com na pwede nating basahin ano mang oras. Marami tayong makukuhang impormasyon at kaalaman hinggil sa pagmamanok sa tilaok.blogspot.com.
Nagumpisa narin tayong magipon ng email address ng ating mga kamana. Hindi paman libolibo, daandaan na sa ating mga kamana ang nagbigay ng kanilang email address. I-niemail na din po natin sa mga kamana ang mga impormasyon at kaalaman. Halimbawa, pwede kayong magtanong na mas detalye pamamagitan ng email kaysa text. Pwede rin kayong humingi ng kopya ng kahit anong aklat, pamphlet, manwal, at artikulo ng RB Sugbo at MANA. I-email namin ang mga ito at libre.
Kaya mga kamana etext po sa 09279954876 o 09089808154 ang inyong email address. Ang hindi pa membro at gustong magpamembro itext lang ang pangalan, address, kontak no., at email ad kung mayroon.
Maraming salamat sa inyo.
Conditioning: The art of least intervention
Over-feeding and over-training can’t make
an ace out of a bum cock, but can make
a bum cock out of an ace
After you know your cock, leave him alone. Yes, do not push your cock too hard.
There was a scientific study that showed birds (gamefowl are birds) have little room in the brain for learning new tricks. They mostly act on instinct. So, you cannot teach a cock how to fight, you cannot train a cock to break high, you cannot tell the cock to shuffle hard. Just know if a cock can do any or all of these, and thus, try to naturally enhance these attributes through ample exercise, good care, right nutrition and an ideal environment.
Some cockers in an effort to dramatically improve their cocks’ performance resort to heavy table workouts. Others give their birds steroids, hormones and stimulants.
But what I learned from the masters is that no amount of feeds, additives or training can make a good cock out of a bad one. Over feeding and over training will never make an ace out of a bum cock. On the contrary, it can easily make a bum cock out of an ace.
After years of keenly observing, asking around and learning, I have formulated a cocking principle which I called the art of least intervention.
Once I find a good cock, I proceed to know it from head to toe, so to speak. I would learn what kind of body feel and in what weight it fights best. I would learn whether it loves to be well rested or it fights best when made hyper active. Then I give exactly what it wants.
In the later part of this book, you will read my pre-conditioning and conditioning methods. You will find mine simpler than most other systems.
I do not table-work my cocks. Except those with very low metabolism or those that love to be over exercised. If I do table exercises, it is only when necessary to fine tune the wing and leg muscles.
My exercises are mainly limited to rotation from tie cord to conditioning pens to fly pens to scratch box to 3x3 wire pens. In the early morning before sunrise, I do a little salida, kahig at sampi under artificial light in the sparring pit.
For overweight cocks, I put them back down the ground every time they try to perch at sundown. When they fly up the roost I place them back on the ground. When they fly again I put them down again. Five or six repetitions of this every day will help the cock lose weight.
I spar my cocks once a week, for two or three rounds every session. In sparring I put premium on developing the cocks’ alertness and focus. I do this by pitting them close, three feet apart, in the first round and allowing only two buckles or hits. In the second round I set them about six feet apart and for four buckles. I rest them for a couple of minutes and then spar them again this time far apart and for a longer period. However, I always make it a point to break them as soon as either of the cocks manages a bill hold.
As to conditioning aids, I don’t use any steroids, hormones or stimulants. I inject vitamin b complex every 15 days and give regularly other vitamin and mineral pills, directly or through their drinking water; and some electrolytes on hot days. Other than those, I rely on my regular feeds.
I love to just watch my cocks, to observe them how they are doing going through the count down to fight day. I love to watch them scratch, watch them fly, watch them walk inside the conditioning pen, and watch them gobble up all the feeds. I specially love to watch them at sunrise, when they seem to be at their best.
I don’t push my cocks. I don’t even condition my cocks. I just watch them condition themselves—this I learned from the masters; and this I call the art of least intervention.(From the book, The Edge By Rey Bajenting and Steve del Mar)
Llamado Tayo sa Larga, May issues
Llamado Tayo
Rey Bajenting
Nasa manok din yon
Sa nakaraang mga labas ng Llamado Tayo untiunti nating linathala dito ang nilalaman ng Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon. Naka-post din po ito sa blog ng MANA sa internet, ang tilaok.blogspot.com na maari nyong bisitahin anytime.
Ang Manwal na ito ay nagkakahalaga ng P300 kasama na ang mailing. Ngunit ng mabayaran na po natin ang printing press dahil marami po sa ating mga kamana ang agad na nagorder, maari na po ninyo itong makuha ng libre sa ating mga pasabong at seminars.
Dito rin sa Llamado Tayo at sa tilaok.blogspot.com ay libre ninyong mababasa ang nilalaman ng Manwal na ito. Kabilang sa mga hangarin ng Masang Nagmamanok (MANA) ang mamahagi ng kaalaman, na kung maari ay sa pamamaraan na hindi mabibigatan ang mga kapwa natin pangkaraniwang sabungero.
Ang ating hangad na ito ay nasusuklian naman ng mga pasasalamat galing sa ating mga kamana. Ito po ang iilian sa mga pasasalamat na hindi natin nailathala noon sa dating Llamado Tayo:
Gud pm kamanang Rey. Salamat sa mga natutunan ko sa manwal natin, kasi tatlo stag magkapatid nilaban ko, Isa panalo, isa tabla, isa talo. Ngunit lahat ay maganda ang galaw na pinakita. ( Eduardo Bertulfo of Quezon City)
Gud am kamanang Rey. Magandang balita. Nagchampion ako sa derby dito sa Ilocos Norte. Mana ang name ng entry ko. Ginawa ko yong conditioning pyramid sa Manwal. TY (GGG 1709)
Good am sir Rey. Ang ganda ng resulta ng pyramid conditioning. 1st fight panalo; 2nd fight, draw; 3rd fight panalo. Happy ako sa performance ng manok. (LE 4-0006)
Gud am kamana. Si kamanang Mario Arruejo ito. Nag champion ako dito sa probinsya namin sa Vigan, Ilocos Sur. Gamit ko yong mga itinuro mo sa Manwal. B50, b15, ribose, creatine at mga feeds na nasa Manwal. Ang lalakas ng mga manok ko kamana.
Gud pm kamana. Ibahagi ko lang ang karanasan ko. Dati kasi naglalaban ako 2 o 3 kadalasan isang panalo dalawa talo. Kahapon natuwa po ako dahil sa pinakita ng mga manok ko gamit ang pamamaraan nyo sa pagkundisyon. Nanalo ang dalawa kong manok kahapon. (RC Talosig 001349)
Good day kamana. Maganda ang epekto ng conditioning pyramid kasi last Sunday 2-cock ulutan, double entry; 3 wins 1 loss. Di naman madugo kahit marami ang tama. (MB3-0011)
Magandang gabi kamanang Rey. Salamat po kasi nanalo manok ko sa pasabong natin sa Pasay. 32 seconds patay ang kalaban. Halos walang sugat ang manok ko. Salamat po sa Manwal na ginawa nyo. (Ed Bertulfo)
Good day boss rey. Kung di dahil sa aral ng MANA di ko makuha ang swerte na iyon. Mabuhay lahat ng kamana. Thanks. ( kamanang Ed Genova ng makuha nya ang
Ring of Excellence sa pasabong ng Mana sa Pasay sa buwan ng Pebrero. Sa record time na 48 seconds sa tatlong panalo.)
Kamana gud pm. Alam mo sa totoo lang kagigising ko lang. Hangover. Nanalo kahapon 3 hits. Gamit ko yong pamamaraan sa manwal. Super talaga. Napaka epektib. Ang sayasaya namin. ( kamanang Dhong Palermo, Caloocan)
Hindi po natin mailathala ang lahat, ngunit kahit sa mga hindi nailathala, maraming salamat sa inyo. Mga mensaheng ganito ay nakatataba ng puso at maiisip natin na may hahantungan din pala ang ating pagsisikap na makatulong. Maraming salamat sa inyong pagbigay ng malaking halaga sa nilalaman ng Manwal ng Mana. Ngunit ang mga ito ay gabay lang. Napakalaking bagay rin ang kagalingan ng inyong manok na pinairal siguro ng ating pamamaraan. Ang ating pamamaraan ay isa lang sa napakaraming pamamaraan ng pagkundisyon.
Nasa manok din po iyon. Kaya sa Manwal ay binigyan din natin ng halaga ang pamamaraan ng pagpili.
May 20 sa Pasay
Malapit na ang pasalamat edition ng pasabong ng MANA sa Pasay cockpit. May 20, 1-cock timbangan. Ang entry fee ay P1,100 tulad ng nakasanayan sa ating buwanang na pasabong na ito, ngunit P200 thousand ang papremyo sa May 20 at hindi P100 thousand.
May correction nga pala si kamanang Anthony Espinosa, ang namahala ng ating pasabong sa Pasay. Noong nakaraang linggo nasabi kasi natin dito na may cash benefit ang mga membro ng MANA na P500 sa bawat entry nila o entry na kanilang makumbida. Hindi pala P500 bawat entry kung di P500 bawat manok.
Ang labanan ay 1-cock kill quick ulutan, ngunit may malalaking papremyo para sa 2 wins at 3 wins kaya may mga magparehistro ng 2, 3 ka manok under isang entry name. Kung ang entry ng member o entry na kumbidado niya ay magparehistro ng tatlong manok. Hindi lang P 500 ang kanyang cash benefit kundi P1,500.
Ang sa May 20 ay ang panglimang pasabong ng MANA sa Pasay . Sa June 20 sa Cavite Coliseum naman ang una nating pasabong sa Cavite. 1-cock ulutan/timbangan. P1,100 ang entry fee. P150 thousand ang papremyo.
Bago ang dalawang pasabong na ito, may malaking seminar tayo sa Bacoor, Cavite. Inaanyayahan natin ang lahat. Para sa inyong mga katanungan hinggil sa mga kaganapan sa Pasay i-text nyo lang si kamanang Anthony Espinosa, 0906-238-8363. Sa Cavite naman si kamanang Gani Dominguez, 0928-521-2513.
Nilalaman ng Manwal: Abot Kayang Nutrisyon ng Kampeon
Ang katawan ay nangangailangan ng sustansya upang gumana. Ito ay ang carbohydrate, protein, fats, at vitamins and minerals. At saka, tubig. Ibigay sa manok ang lahat ng mga ito sa tamang proporsyon.
Ngayon mabibili na sa merkado ang mga pakain na taglay ang mga nutrisyong ito, at sa tamang proporsyon para sa manok panabong. Hindi katulad noong araw na tayo pa ang gumagawa ng sariling halo na sa palagay natin ay angkop. Noong araw
napakaraming pang food suplement ang pinaghalohalo natin tulad ng dog food, carrots, kamatis, iba’t-ibang grains, mga juice at pati na milk, na hindi pala dapat ipakain sa manok. Ngayon impraktikal na ang ganito. Maliban sa nakakapagod, hindi pa tiyak kung tama ba ang proporsyon ng sustansya. Makabibili na tayo sa merkado kumpletong pakain sa tamang proporsyon pang manok. Ang hangganan lang ay ang ating kakayahang pinansyal. Tuwi-tuwina’y kailangan pa rin natin magsuplemento, pero hindi na marami at iba’t-iba.
Sa mga pakain na mabibili sa merkado ay may mamahalin yong pangkundisyon. May medyo mura naman, yong pang pre-con at maintenance. Kung magtitipid tayo pwede nang pangkundisyon kahit yong mga pang maintenance na sinasabi. Kung hindi naman tayo sa big time maglalaban, at hindi naman kalakihan ang ipupusta natin, bakit pa tayo gagastos ng malaki?
May mga conditioning pellets. Matataas ang crude protein (CP) content ng mga ito, nasa 22%. Ngunit may kamahalan din. May mga ordinaryong pellets naman tulad ng PDP (Pullet developer pellets) pigeon pellets, at mga maintenance pellets. Nasa 16-18% lang ang CP ng mga ito. Kung ang mga ito ang gagamitin natin at ang nais natin ay taasan ang protina sa ating pakain pwede tayong magsuplemento ng atay ng baka o kaya’y itlog. Pwede rin na haluhan natin ng BSC (Broiler starter crumbles) dahil 22% ang protina nito. O kaya’y haluan ng kaunting protein expander pellets. Mas makatipid pa rin tayo kaysa puro hi-protein pellets ang gamit natin.
Talagang angat sa kalidad ang mga mamahalin na pakain ngunit hindi ibig sabihin na hindi uubra ang mga pangkaraniwang pakain.
Halimbawa sa RB Sugbo, ang ginagamit talaga natin ay ang mga hi-protein pellets. Tatlo o apat na klase ang pellets na pinaghahalo natin, dahil habol natin ang iba’t-ibang additives na taglay ng mga ito. Ngunit maraming pagkakataon na naglalaban tayo ng manok na ang pakain ay yong grower maintenance pellet. At sa talaan natin mas matatas pa nga ang winning percentage ng mga pinapakain ng GMP. Pero, ito’y hindi dahil na mas maige ang GMP kaysa hi-protein pellets. Mas mataas ang panalo ng pinapakain ng GMP dahil sa hackfights at small-time derbies lang nating inilaban ang mga ito. Mas mahina ang nakakalaban kaysa mga ginamitan nating ng hi-protein pellets na sa big time derbies natin inilaban.
Ang punto dito, mas mahalaga pa rin ang uri at abilidad ng manok kaysa pakain at gamot. Lalo na sa mga ordinaryong paderby at hackfights kung saan ang agwat ng kalidad at abilidad ng manok ay mas malayo kay sa doon sa mga big time derbies. Bagkus sa mga bigtime derbies kung saan halos magkapantay na ang mga manok sa kalidad at abilidad, mas malaki na ang kahalagahan ng pagpakain at pagkundisyon.
Suplemento
Kung tayo’y magsusuplemento, iwasan nalang siguro nating ang mga hormone, steroid, stimulant at iba pang uri ng mga druga.Mahirap maperpekto ang paggamit sa mga ito. Iba-ibang indibidwal ay may iba’t-ibang pagtanggap at reaksyon sa druga. Maaring ang dami o dosis na maganda ang epekto sa isang manok ay makakasama naman sa ibang manok. Kahit ngayon, sa panahon ng makabagong pamamaraan, hindi pa sapat ang pananaliksik upang maging tiyak ang magandang epekto ng druga sa manok pansabong.
Multi vitamins, minerals at mga natural na nutrisyon lang ang idagdag natin. Halimbawa ang atay ng baka at itlog ng manok ay mga maiigeng protein supplement. Para sa bitamina at mineral may mga MVE’s. Hindi mahal ang mga ito at napakamadaling ibigay dahil ihalo lang sa tubig.
May puro mineral supplement din.Maari natin itong gamitin mula sa mga sisiw hanggang sa kinukundisyon. Wala kasing delikado ang bitamina at mineral. At tulad ng mga bitamina, ang mga mineral, hindi man mapaghimala, ay mahalaga sa pangangatawan ng manok.
Walang sekretong at mapaghimalang gamot na mag-isang magiging sanhi ng pagpanalo. Bitamina man ito o mineral, o B complex, B15 o ano man. May kanya-kanyang gamit at kailangan magtulungan ang mga ito upang umubra ng husto ang katawan.
Lalo nang walang magic na druga, maging hormone, steroid, stimulant man o ano pa, na makakatiyak ng panalo.
(Basahin sa kabanata hinggil sa conditioning pyramid sa Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon).
Katanungan: Paano ba ang pagpili ng magagaling na pangasta?
Madali na ngayon makahanap ng mga materyales para sa pagpapalahi. Madali nang makuha ang mga numero ng telepono ng mga manlalahi, dahil sa naglabasang magazine at palabas sa tv tungkol sa sabong, kung saan ang mga ito’y nakalathala o makikita. Ang dami na rin ng mga napakagaling na linyada na nasa kamay na ng mga pinoy na manlalahi.
Wika nga, pera na lang ang kailangan. Ngunit ganito ba talaga ito kadali?
Hindi. Kailangan din ang sapat na kaalaman sa pagpili. Ang tugmang pagpili ay siyang susi sa tagumpay sa sabong. Ito ma’y mapasa pagpapalahi o sa labanan sa sabungan.
Paano ba ang tugmang pagpili ng pangasta?
Una ay alamin kung ang ito’y galing sa isang linyada na nagpapanalo.
Kilatising mabuti ang hugis at hipo ng katawan, ang balance, ang gara ng lakad at galaw, at iba pang katangiang pisikal. Dapat ang mga itoy angkop sa mga katangiang pisikal ng magaling na manok.
Ibitaw. Alamin kung ang galing at istilo ng laban ay batay sa iyong hinahangad.
Subalit ang pinakamahalaga sa lahat ay kung ang manlalahi na bibilhan mo ay mapagkakatiwalaan ba. Marami kasi sa mga dapat alamin, tulad ng pagka puro ng pangasta; kung ito bay inbred o hindi; patina kung ito nga bay nanggaling sa linyadang lamang sa panalo, ay mga impormasyon na ang manlalahi lang ang nakakaalam at makapagsabi.
Tandaan na ang salita ng isang manlalahi ay sing halaga lang ng kanyang katapatan at reputasyon. Kung sabagay, karamihan sa mga tanyag na manlalahi ay mapagkakatiwalaan. Dahil yong mga hindi tapat ay di nagtatagal sa larangan ng sabong.
(Para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagmamanok o kaya’y sa MANA si Rey Bajenting ay pwedeng i-text sa mga numerong ito: 0927-995-4876 o 0908-980-8154)
Larga 8 May 16
Llamado Tayo
Rey Bajenting
All-purpose chicken
Ngayong Lunes na, May 18 ang seminar ng Masang Nagmamanok (MANA) sa Cavite Coliseum sa Bacoor, Cavite. Powerhouse ang line-up ng mga speakers. Pang National Gamefowl Training Center talaga.
Ang mga magsasalita ay sina Mayor Juancho Aguirre, ang tanyag na breeder ng Aguirre grey at lemon guapo; ang publisher ng Pit Games at Llamado Magazine Manny Berbano; ang renown author on breeding and genetics na si Dr. Andrew Bunan, at ang idolo ng masang sabungero na si Lance de la Torre.
Ang seminar na ito ay handog ng Excellence Poultry and Livestock Specialist.
Sa Miyerkules naman May 20, ang Pasalamat edition ng pasabong ng MANA sa Pasay Cockpit.
One-cock timbangan. P1,100 ang entry fee at P200 thousand ang papremyo. P40 thousand ang mapapanalunan ng Kill Quick fighter of the month plus gold “Ring of Excellence” na nagkakahalaga ng P10 libo. Pang-limang pasabong na ito ng MANA sa Pasay. Nagsimula ang buwanang pasabong ng MANA sa Pasay noong Enero.
Sa June 20 naman ang unang pasabong ng MANA sa Cavite Coliseum. Suportahan natin ang mga proyektong ito ng MANA. May benepisyo po para sa mga membro. Sa Pasay P500 ang cash benefit ng membro sa bawat manok na mailaban niya o kaya’y makumbida na ilaban. Sa Cavite ay may cash benefit din. Bahagi ng kikitain ay pagpapartehan ng mga membro na naglaban.
Patuloy po ang pagusad natin. May bagong tatag na chapter sa Surigao City na itinatag ni kamanang Boying Santiago, ang ating co-founder ng MANA. Si kamanang Renelie S. Piong ang chapter coordinator natin sa Surigao. Si Neneng ay ang kunaunahang babaeng coordinator ng MANA.
Sa Cebu naman ay i-launch natin sa June 27 ang All-purpose chicken program ng MANA katuwang ang LGU ng Naga, Cebu. Ito’y isang livelihood program na inaasahang makadadagdag sa kikitain ng mga marginal chicken farmers. Karugtong ito sa ating dispersal program.
Ang Naga ay ang base ng Mana Cebu Southeast. Gagawin din natin ang programang ito sa Ronda, Cebu ang base ng MANA Cebu Southwest at sa Borbon, Cebu ang base ng MANA Cebu North. Mga kamana po natin ang mga mayors sa mga lugar na ito.
Ang programang ito’y mamimigay ng mga sisiw at magtuturo ng teknolohiya sa mga chicken farmers upang palakihin at paramihin nila ang mga manok na pinagagala lang tulad ng mga native chickens. Kaya lang American gamefowl ang mga ito’t hindi native kaya ang mga tandang ay mabibili ng mas mahal kaysa mga native na tandang.
Ang mga inahin naman ay kinakatay at pinagbibili bilang karne. Sa teknolohiyang ito, mas masarap ang karne at mas nutritious ang itlog. Kaya tawag natin ay all-purpose chicken raising.
Kung maliit lang ang lugar at hindi pwedeng pagalain ang mga manok, may paraan din na pastured pa rin ang mga manok kahit na naka-pen. Magandang teknolohiya po ito na handog na naman ng RB Sugbo Gamefowl Technology sa masang nagmamanok.
Ang mga tandang ay magiging magagaling na panlaban. Ang mga inahin ay maaring paitlogin o kaya’y ipagbili bilang karne. Dapat lang na katayin muna bago ipagbili at baka hindi kakatayin ng makabili at gawing broodhen. Kung may bibili ng inahin na buhay iba ang presyo dahil ito’y maaring gawing broodhen. Additional income narin ito.
May buy-back scheme din ang programa. Maaring ipagbili ng farmer ang kanilang mga palahi sa programa. Ang programa na ang bahalang mag market sa mga ito. Kaya tiyak ang kita ng farmer.
May subsidy rin sa gamot at supplement na ibibigay ang programa. Dahil ang pangkaraniwang chicken farmer ay walang budget sa gamot at supplement. Kalimitan hanggang pakain lang ang budget nila kaya mataas ang mortality rate ng kanilang flock.
Nakadevelop ang RB Sugbo ng isang strain ng gamefowl na ideal at angkop para sa ganitong teknolohiya. Abangan nyo po sa blog ng MANA ang tilaok.blogspot.com ang iba pang detalye ng teknolohiyang ito.
Bisitahin natin ang blog natin at marami tayong makukuhang kaalaman at impormasyon doon.
Paano magpamember
Ang nais magpamember ng MANA i-text lang ang inyong pangalan, address at hanapbuhay sa mga numero natin na nakalagay sa dulo ng pitak na ito. Dalawang uri ang kasapi ng MANA ang mga nagparehistro tuwing may seminar tayo at ang mga nagtext lang. Halos 80 porsiyento ng mga kamana ay sa text lang nagparehistro.
May mga nagtatag ng mga chapters mayroon namang hindi na lang sumapi ng kahit alin sa mga chapters. Kahit alin po sa dalawang pamamaraan na ito ay okey.
Ang MANA kasi ay adhikain at hindi tao. Cause-oriented ang MANA hindi personality-oriented. Kaya hindi kailangang magkita o palagi tayong magkasama upang magkaisa. Maari tayong magkaisa sa likod ng iisang adhikain kahit hindi tayo magkasamasama o magkakilala ng personal.
Ang totoo hindi nga kailangang maging kasapi upang sumuporta sa adhikain ng MANA. Pwede tayong makiisa sa layunin ng MANA kahit hindi tayo kasapi.
Payak lang naman ang adhikain ng MANA ang ipaglaban ang sabong at ang itaguyod ang kapakanan ng masang sabungero.
Ang MANA ay handa ring makiisa sa ibang samahan o indibidwal na may katulad na adhikain.
Dahil tayo ay cause –oriented at hindi personality-oriented, walang cantral na pamunuan ang MANA. May national coordination lang. Ang mga chapters ay malayang gawin ang kanilang gustong gawin basta in-line lang sa mga adhikain at layunin. Halimbawa ang Pasay-Taguig ay may pasabong. Ang cavite ay may mga paseminar at pasabong din. Ang mga chapters sa Cebu at Eastern Samar ay may mga paseminar, training, dispersal programs at paminsanminsang pasabong.
Kanya-kanyang diskarte, kanya-kanyang hanap ng pundo para sa kanilang sariling proyekto, ngunit samasama sa adhikain at layunin.
Praktikal na Pagpapalahi
Ang pagpapalahi ay isang gawain na nangangailangan ng kaalaman sa genetics. Ang genetics ay ang siyensya o batas ng pagpapalahi. Isa itong komplikadong pag-aaral sa pagsalin ng mga katangian mula sa isang salinlahi o henerasyon sa susunod. Ang pagiging komplikado ng genetics ang siyang dahilan kung bakit ang pagpapalahi ay hindi isang madaling gawain. Walang breeder o manlalahi ang makatitiyak sa galing at kalalabasan ng bawat henerasyon ng kanyang palahi. Dahil dito ang pagpapalahi ay tinuturing na pinakamataas na antas sa pagmamanok. Hindi basta-basta ang pasukin ang larangan ng pagpapalahi.
Ang totoo, dito sa pagpapalahi pinakamalaki ang angat ng mayayaman sa mga pangkaraniwang sabungero. Sa ibang aspeto ng sabong tulad ng pagpili, pagtari, at paglaban maaring makapantay pa tayo sa mga mayayaman, ngunit hindi sa pagpapalahi. Ang pagpapalahi ay nangangailangan ng malaking puhunan sa pagbili ng pangasta, lupain, at maging panahon. Sa pagbili ng pangasta ay hindi sapat ang isa, dalawa, o tatlong trio upang makasiguro na maganda ang iyong maipalabas na palahi. Dahil nga walang tiyak sa pagpapalahi. May elemento ng patsamba, tulad ng lotariya. Kaya tulad ng lotariya, mas maraming tiket ang iyong mabili, mas malaki ang pagkakataon na manalo.
Ang malawak na lupain ay kailangan upang mabigyan ang manok ng karapatdapat na kapaligiran na angkop sa kanilang pangangailangan. Alam nating na hindi basta-basta ang mahalaga ng lupain ngayon.
Kaya sa pagpapalahi, malaki talaga ang lamang ng mayayaman sa mga ordinaryong tulad natin. Pero huwag natin itong gawing hadlang sa ating pagnanais na matikman ang kasiyahan ng isang manlalahi. Ang kasiyahan na maidudulot ng pagpapalahi ay dahil na masasabi natin na nakagawa tayo ng buhay na indibidwal na sarili nating nilikha.
Napakamahalaga ng pagpapalahi dahil ang ganda at uri ng linyada o lahi ay ang pinakaunang haligi sa pundasyon ng manok. Ang iba ay bahagi ng pagpalaki, ang mga ito’y ang sumusunod: angkop na kapaligiran, wastong pagpakain at sapat na ehersisyo.
. Upang bigyan naman ng gabay ang ating mga kapwa pangkaraniwang sabungero sapagpapalahi tayo ay naglalabas ng Manwal ng MANA sa Praktikal na Pagpapalahi. Alinsunod ito sa layunin ng RB Sugbo Gamefowl Technology, at ang Masang Nagmamanok o MANA, na makatulong sa mga komon sabungero. Dahil tayo’y may karapatang matuwa at masiyahan sa lahat ng aspeto ng sabong na gusto nating pasukin. At, ang pagpapalahi ng manok panabong, big-time man o backyard, ay maaring mapagkakitaan.
Makakatulong talaga ang kaalaman sa genetics. Ngunit hindi kailangan na ma-master natin ang genetics para tayo makapagpalahi. Saligang kaalaman lang ang kailangan para naman medyo masiyahan tayo sa ating ginagawa. Hindi tayo masisiyahan sa isang bagay na mangmang tayo. Pag may kunti tayong kaalaman maari tayong magtakda ng hangarin, na magiging pamantayan natin kung tayo nga ay nagtagumpay.
Maaring ang layunin natin ay mga simpleng bagay lang. Tulad halimbawa, ng pagpalabas ng straight comb na linyada o strain galing sa magkaparehang peacomb na mga magulang. O kaya’y mga kumplikadong bagay tulad ng pagpalabas ng power at speed, o taas ng lipad at shuffle sa ground, mga katangiang maaring magkasalungat ngunit maaring ring maipalabas sa isang linyada.
Ang praktikal na kaalaman sa pagpapalahi ay kaalaman na sapat lang sa ating pangangailangan sa pagpalahi ng manok pang sabong.
Phenotype-genotype
Bago ang lahat, tatalakayin muna natin ang phenotype at genotype. Dahil ang mga ito ay ang pundasyon ng ating pamantayan sa pagpili ng pangasta. Ang isang indibidwal na manok ay binubuo ng kanyang phenotype at genotype.
Ang kahulugan ng phenotype ay ang katangian ng manok na makikita tulad ng hugis ng palong, kulay ng paa o balahibo, pangangatawan at ang kakayahan sa pakipaglaban. Ang phenotype ng isang manok ay itinakda ng kanyang mga genes, at maaring pinaunlad o kaya’y sinira ng pagpapalaki. Ang genotype ay hindi nakikita. Gayunman, ang genotype ang kabuhuan ng mga genes na nagtakda sa phenotype ng indibidwal. Subalit ito ay maari ngang maapektahan ng kapaligiran at pamamaraan ng pagpalaki.
Ang isang manok ay maaring may genotype para kagalingan sa pakipaglaban, ngunit kung ito ay pinalaki sa maling pamamaraan hindi makikita ang kagalingang ito sa kanyang phenotype.
Dominant-recessive gene action
Para madaling maunawaan, sabihin na lang natin na ang bawat katangian o bagay sa katawan ng indibidwal na manok ay binubuo ng dalawang genes. Isa galing sa ama ang isa galing sa ina. Ang dalawang genes na ito ay magiging isang katangian. Halimbawa ang simpleng katangian ng hugis ng palong. Ang ama ay nagbigay sa anak ng isang gene para sa hugis ng palong at ang ina ay nagbigay naman ng isang gene para sa katangiang ito. Ang dalawang genes na ito na tigiisa galing sa bawat magulang, ang magtatakda sa hugis ng palong ng anak.
Ang tinatawag na dominant-recessive gene action naman ang magtatakda sa lalabas na hugis ng palong. Sa kaso ng palong, ang pea comb ay dominante kaysa straight comb. Ibig sabihin kung parehong taglay ng indibidwal ang gene para peacomb at gene para straight comb, ang lalabas na hugis ng palong ng nasabing indibidwal ay ang dominanteng peacomb. Ang indibidwal na puro sa isang katangian, sa ating halimbawa hugis ng palong, ay tinatawag na homozygous sa katangiang ito. Ang indibidwal na magkaiba ang genes sa isang katangian ay tinatawag na heterozygous sa katangiang yon.Kung ang dalawang magulang ay parehong nagbato ng peacomb ang labas sa anak ay peacomb, dahil ,maliban sa dominante ito, ay wala namang genes para sa ibang hugis. Ito ay homozygous sa peacomb. Kung ang isa sa mga magulang ay peacomb ang ibinato at ang isa ay straight comb ang labas ng hugis ng palong ng anak ay peacomb dahil dominante ito. Bagaman ang indibidwal na ito ay heterozygous dahil may gene din ito para sa straight comb. Sa pagkakataon lang na kapwa straight comb na genes ang binigay ng dalawang magulang saka lang lalabas ang straightcomb sa anak. Kahit na recessive ang straight comb, dahil walang dominanteng genes na taglay ang indibidwal, kaya walang makakapagpigil upang ang recessive genes ay magpakita. Ito ay homozygous straight comb. Tandaan na ang recessive na katangian ay lalabas lang kung ang indibidwal ay homozygous sa katangiang ito. Ganun din sa kulay ng balahibo at kulay ng paa. (Para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagmamanok o kaya’y sa MANA si Rey Bajenting ay pwedeng i-text sa mga numerong ito: 0927-995-4876 o 0908-980-8154)
Larga 9 May 23
Llamado Tayo
Rey Bajenting
Pagsasanay na Angkop sa Pilipino Knife
Paumanhin po sa mga nagtext at magtitext, di po natin kayo masagot dahil nasa byahe tayo. Ngunit sasagutin natin lahat pagbalik natin.
Bago po tayo umalis ay nabalitaan natin ang matagumpay na seminar ng MANA sa Bacoor, Cavite na dulot ng Excellence Poultry and Livestock Specialist. Congrats sa MANA Cavite chapter.
Sa nakaraang linggo tinalakay natin ang hinggil sa pagpalahi na hanggo sa Manwal ng MANA sa Praktikal na Pagpapalahi. Ngayon hinggil naman sa pagkundisyon ang ating tatalakayin na hanggo sa Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon.
Pagsasanay
Dekada 60 nang magsimulang nagsidatingan sa bansa ang mga manok Amerikano. Malaki ang lamang ng mga Texas sa abilidad, tapang at lakas kung ihambing sa mga native tinale kaya nagpapanalo ang mga ito. Hindi naman nagpahuli ang iba pang may kayang sabungero kayo dumami ng dumami ang mga imported na manok.
Bunsod ng pagdami ng mga manok Amerikano, ay nainpluwensiyahan din ang ating pagpapakain at pagaalaga ng manok tinale. Sinunod ng mga sabungerong Pilipino ang natutunan nila sa mga Amerikano nagmamanok. Ngunit hindi pala dapat. Napakalaki ng kaibahan sa uri ng laban sa Amerika sa ating nakasanayan dito. Doon magtatagal ang labanan dahil gaff o kaya’y short knife ang kinakabit sa manok. Dito ginagamit natin ay ang Pilipino slasher knife. Napakadali matapos ang labanan dito sa atin.
Kaya iba ang nararapat na ehersisyo sa manok para sa Pilipino knife sa manok na para sa gaff o kaya’y short knife. Para sa atin ang mga maiinam na ehersisyo ay ang kahig, sampi, handspar, bitaw, at ang rotation o paglipatlipat sa manok sa iba’t-ibang kinalalagyan ilang beses sa bawat araw.
Bitaw
Ito ang pinakamalapit sa katotohanan. Tari na lang ang kulang at ang bitaw ay aktwal na labanan na talaga. Sa bitaw ay masasanay ng husto ang manok sa mga dapat gawin sa aktwal na labanan sa sabungan. Regular na ibitaw ang manok. Kahit dalawa o tatlong beses bawat linggo. Huwag lang tagalan. Ilang hatawan lang awat agad.
Palaging dalawang rounds ang pagbitaw natin. Sa unang round dalawa o tatlong paluan lang awat na. Ipahinga muna natin ng mga 30-45 segundo at ibitaw ulit. Sa pangalawang pagbitaw hinahayaan natin sila hanggang apat o limang hatawan bago awatin.
Isang bagay lang ang bantayan, awatin agad pag may alin man sa dalawang manok ang maka billhold o tuka-kapit. Una dahil maaring makasira ito sa kanilang balahibo. Pangalawa, ayaw natin masanay ang manok sa pag tuka-kapit, yong bang tumutuka at kumakapit muna sa kalaban bago pumalo. Ang magaling na manok ay pumapalo na walang billhold. Ang billhold ay isa sa mga negtive traits na natalakay natin sa naunang kabanata sa pagpili.
Ang distansya sa pagbitaw ay depende sa sidhi ng pocus ng manok sa pakikigpalaban. May mga manok na kulang pa sa pagnanasang lumaban, malimit mauunahan ang mga ito. Kaya dapat pagganito, malapitan muna ang pagbitaw. Mga isang metro lang ang layo sa umpisa para agad-agad na magkapaluan at madala ang manok na kulang sa pocus dahil mauunahan ito. Palayo ng palayo ang pagbitaw habang patindi naman ang kanilang pocus sa pakikipaglaban.
Ang kakulangan sa pocos ay nangyayari sa mga stags, mga manok na bagong natapos sa paglugon at yong kagagaling lang sa cord area ng malalaking farm. Dahil ang mga ito ay kulang sa bitaw. Ang ganitong problema ay kasali sa mga inaayos natin sa foundation stage ng ating conditioning pyramid na tatalakayuin natin sa kabanata 6 ng bahaging ito.
Kahig at sampi
Sa pagkakahig ay naiensayo maige ang paa ng manok. Samantalang sa sampi nasasanay ang manok sa pagpatama sa kalaban.
Maganda kung sa madaling araw natin gawin ang pagkahig at sampi. Kailangan natin ang lugar na may ilaw. Una palakad-lakarin muna ang mga manok. Tapos, ikahig ang dalawang manok ng mga 45-60 seconds at isampi dalawang beses.
Sa sampi, dahil hawak ng handler ang buntot habang nagsasalpukan sa ere, makokontrola ng handler ang tamang layo. Dapat malayolayo para magsusumikap ang mga manok na maabot ang isa’t-isa at mapapaunlad ang kanilang reach. Huwag naman sobra ang layo na hindi na makapatama ang manok.
Handspar
Ang handspar o catch cock ay isa ring magandang paraan sa pagsasanay sa manok sa pagpatama sa kalaban. Sa handspar dahil hawak natin ang manok o dummy na pinapalo ng sinasanay na manok, mararama natin ang tindi at diin ng palo. At dahil kontrolado natin ang catch cock o dummy cock maari natin itong iposisyon kung saan mapapaunlad natin ang liksi ng manok na sinasanay.
Sa pag hand spar, magingat na tama lang ang layo ng manok na pinapalo sa pumapalo. Dapat tama lang na maabot ito ng palo na naka stretch ang paa ng manok na sinasanay. Kung sobra ang lapit masasanay ang manok sa short punching. At delikado pang magkatamo ng injury ang muscles ng manok na sinanasanay. Huwag naman sobra ang layo at di makapatama ang manok. Huwag sanayin ang manok na pumalo na di makatama dahil magiisip ito na walang mangyayari kahit pumalo siya dahil hindi naman makakaabot. Magkakaroon ito ng pagiisip at makaugalian na basta lilipad lang ngunit hindi papalo ng matindi.
Rotation
Ang rotation ay ang paglipatlipat ng kinalalagyan. Ang manok ay mas alerto at aktibo kung bagong lagay sa isang lugar. Pag tumagal ang manok sa isang lugar nagiging kampante ito at di na masyadong gumagalaw, kaya ilipat natin sa ibang lugar upang maging aktibo na naman ito at patuloy na maehersisyo.
Halimbawa 9am ilipat ang manok galing sa cord papuntang fly pen. Sa tanghali ilagay sa scratch box ng 5-10 minutes. Pagkatapos ilipat sa ibang pen. 3pm ibalik sa cord at doon na pakainin at pagpalipasin ng gabi.
Tandaan lang na sa pagrotation itaon na sa mga oras na mainit ang sikat ng araw tulad ng tanghali, ang manok ay nasa covered pen o sa lugar na malamig at may lilim.
Kung tayo’y may pasok at hindi natin magawa ang ganito, ang gawin natin ay arawan ang paglipat. Sa pen sa araw na ito, ilipat sa cord kinabukasan, at, sa ibang lugar sa susunod na araw.
Ang Iba’t Ibang Pasilidad
Sa pagkundisyon ng manok ay may iba’t-ibang pasilidad at gamit na kinakailangan. Sa sistema natin ng rotation exercises kinakailangan natin, maliban sa cord, ang iba’t-ibang mga uri ng conditioning pens.
Ang ating mga conditioning pens ay hinati natin sa dalawang uri—ang exercise pens at ang rest pens. Ang exercise pens ay para sa pag-ehersisyo ng manok. Ang rest pens ay para sa pagpapahinga ng manok.
Ang ating mga exercise pens ay: ang big pen, fly pen, scratch pen, running pen, at scratch box. Ang mga rest pens naman ay ang multipurpose pen, pointing pen, limber pen, at ang stall o kulungan.
Big pen
Big, kaya medyo malaki ang pen na ito dahil dito ay sinasamahan nating ng inahin ang ating kinukundisyon. Mas malaki mas maige. Kung wala tayong gaanong lugar mga 10 feet by 10 feet ay pupwede na. Para tipid, fish net lang at kawayan ang materyales na gamitin.
Fly pen
Karamihan sa mga flypen ay may sukat na 4 feet by 8 feet. Ang hapunan ay hindi bababa sa 6 feet ang taas mula sa lupa. Dapat ay loose soil o buhangin ang flooring ng fly pen para hindi masakit sa paa ng manok sa pag lipad-baba nito. May mga paraan upang mainganyo ang manok sa paglipad-baba. Sa atin naglalagay tayo ng mga hens sa kulungan pagitan ng dalawang fly pen. Ang isang kulungan ng hen an nasa ibabaw at makikita ng manok kung ito’y nasa lupa. Sa pagnanais na makapiling ang inahin lilipad ang manok papuntang itaas. Pagdating nito sa itaas hindi na nito makikita ang hen. Ngunit may isang hen naman na nasa kulungan sa ibaba na kitang-kita. Bababa naman ang manok. Paulit ulit niya itong gagawin bago ito mahapo at sumuko. Pag-nagpahinga na ang manok pwede na nating ilipat sa ibang pen nang magamit naman ng ibang manok ang fly pen.
Ang fly pen ay pwede ring gawing scratch pens dahil loose soil o kaya buhangin ang flooring nito.
Scratch pen
May dalawang uri ng scratch pen ang RB Sugbo. Ang heavy scratching pen at ang light scratching pen. Tulad ng fly pen, ang flooring ng heavy scratching pen ay loose soil at buhangin. Kaya nga ang fly pen ay maari ring gawing heavy scratching pen. Ang light scratching pen ay tuyong dahon ng saging ang laman para magaan kaskasin ng manok at mabilis. May flooring ito na plywood bago lagyan ng tuyong dahon. Tinatawag din itong scratch box. Maiengayo ang manok sa pagkaskas sa scratch pen pamamagitan ng pauntiunting pag hagis ng pakain sa loob ng pen. Crackerd yellow corn ang pinakamaigeng gamitin. Una, dahil sa taglay nitong enerhiya na maaring pangpalit agad sa enerhiya na magagamit ng manok sa pagehersisyo. Pangalawa mas madali itong makita ng manok dahil sa matingkad na kulay.
Ang heavy scratching pen ay para pageensayo sa mga kalamnan ng hita at paa. Dahil mabigat ang loose soil o buhangin, gagamit ng lakas ang manok sa pagkaskas. Mapapaunlad nito ang slow twitch muscles. Ang light scratrching pen ay para pag develop sa fast twitch muscles. Upang maiwasan ang muscle bound gamitin ang scratch box pagkatapos ng bawat mabigat na ehersisyo, tulad ng bitaw, kahig at sampi.
Running pen
Ang pen na ito ay para rin sa pagensayo sa paa ng manok. Karamihan sa mga running pens ay may sukat na 2 ½ by 12 feet. Mababa lang ito mga 3 feet lang ang taas. Kalimitan magkatabi ang dalawang running pens. Ang ibang nagkukundisyon parehong tandang ang laman ng magkabilang running pens. Para sa atin mas maige na inahin ang nasa kabilang pen. Mas malikot ang manok kung inahin ang hinahabol. At saka ayaw natin na masanay ang kinukundisyon natin na maging kampante na may kalapit na tandang na walang mangyayari. Baka sa totoong laban hindi ito magingat kahit kalapit na ang kalaban.
Multi purpose pen
Ang multi purpose pen ay isang rest pen. Dito hinahayaan lang natin ang manok kung ano gusto nitong gawin. May hapunan, loose soil, at mga tuyong dahon. Nasa manok lang kung anong nais nitong gawin. Malimit nating ginagamit ito kung palapit na ang laban, tulad ng panahon ng peaking period ng ating conditioning pyramid.
Pointing pen
Ang pointing pen ay kabilang sa ating mga rest pens. Itoy parang maliit na fly pen. Mga 3 feet by 6 feet ang laki at ang hapunan ay nasa taas na 3 feet lang. Medyo mas enclosed ito para limitado ang view ng manok papuntang labas at di gaanong maglilikot. Mas maige kung malayo ito sa kinalalagyan ng maraming manok. Sa sistema kasi natin hindi natin kinukulong ang manok hanggang sa araw ng laban. Itong pointing pen ang magsisilbeng kulungan. Dito nakalagay ang manok sa huling dalawang araw bago ang laban. Dapat malamig at medyo madilim ang kinalalagyan ng pointing pen.
Kulungan at limber pen
Sa araw ng laban ay pinapasok natin sa kulungan ang manok bilang bahagi ng ating pagpatuktok o pointing. Ngunit may mga oras na nilalabas natin ito sa limber pen upang makapag-stretching, mapakain at maobserbahan ang takbo ng pagpapatuktok.
Cord
Itoito ang mga conditioning pens. Ngunit hindi ibig sabihin na kung wala ang mga ito o kaya’y hindi tayo kumpleto ay di na maaring ikundisyon ang manok. Kahit kulang tayo sa kagamitan may paraan pa rin. Ang mga pen ay maaring gamitin sa iba’t-ibang ehersisyo. Halimbawa, ang fly pen ay maaring scratch pen o running pen o multi purpose pen. A limber pen at running pen ay maari gawing pointing pen.
Ang mahalaga ay may cord tayo. Habahabaan lang natin ang ating cord at magagawa na ng manok ang gusto nitong ehersisyo habang ito’y nasa cord. Maglakad, lumipad, o kumakha. Ilipatlipat lang sa iba-ibang cord ang manok para palaging aktibo.
Isang pamamaraan sa pag ehersisyo ng pakpak kung walang flypen ay ang pabalikbalik na pagbaba sa manok sa panahon na hahapon na ito. Paghapon ng manok ay ibaba ulit sa lupa. Lilipad ulit ito pabalik sa hapunan, ibaba na naman. Mga limang beses na ganito ay makakatulong na. Marami pa ring paraan, basta lang nauunawaan natin bakit ang isang bagay ay dapat gawin.
Larga 10 May 30
Llamado Tayo
Rey Bajenting
Bee pollen: reserved energy
Sa buwan ng Hunyo ay dalawa ang pasabong ng MANA sa June 17 ay ang pang-anim na pasabong ng MANA Pasay-Taguig chapter sa Pasay Cockpit. Sa June 20 naman ang unang pasabong ng MANA Cavite. Ito ay gaganapin sa Cavite Coliseum sa Bacoor, Cavite.
Ang sa Pasay ay 1-cock ulutan samantalang sa Cavite ay 1-cock ulutan/timbangan. Ibig sabihin sa Cavite ay maaring sa ulutan tayo sumali maari ring sa timbangan.
Gud am kamana, ask ko lang po sa day of the fight ilng dips na tubig sa maga, sa tnghali, at sa hapon dapat ibigay sa manok? Tnx po. (11:27:31 am May 26, 2009)
Ang hangad natin kaman ay ang medyo tuyo ang katawan ng manok sa oras ng laban. Kaya habang palapit na ang oras ng laban pakunti naman ang ipapainom. Sa araw ng laban mga 5-6 dips sa umaga, 4-5 sa tanghali at 2-3 sa hapon. Kung mga dalawang oras nalang bago ang laban maaring di na painumin ang manok.
Ngunit walang fast and hard rule o tiyak na pamamaraan na dapat gawin dahil ang lahat ay depende pa rin sa sitwasyon. Halimbawa sobra ang init ng panahon o kaya sobra naman ang humidity sa kapaligiran. Maari ring sobra ang moisture o kaya’y kulang ang moisture sa katawan ng manok. Ang mga ito ay dapat nating bigyan ng kunsiderasyon.
Isang mahalagang bagay ang laging ilagay sa isip at ito ay huwag naman sobrang patuyuin ang katawan ng manok. Ang moisture ay kailangan din upang matugunan ng kalamnan, ugat at blood vessels ang kanilang mga gawain.
Gud am sir. Mron p bng dspersal gamefowl farm d2 s manila? (RSM 001239)
Yes kamana, may dispersal farm ang Masang Nagmamanok (MANA) sa Teresa, Rizal. Ngunit sa ngayon kauumpisa palang nating magpalabas ng mga breeding materials na magagamit natin sa darating na season. Baka next year na tayo makapagumpisa sa pag disperse. Si kamanang Jun Santos ang namamahala sa ating dispersal farm sa Teresa.
Hinggil naman sa mechanics kung paano makakuha ng manok galing sa dispersal program natin, ang mga namamahala na ang makapagsabi. Iba’t-ibang dispersal farm natin ay may iba’t-ibang pamamaraan.
Halimbawa sa Cebu ay may isang LGU na nakipagugnayan sa MANA Cebu chapter upang magkaroon ng dispersal program. Ang programang ito ay hindi lang gamefowl dispersal kung di all-purpose chicken raising program.
Ang pamamaraan ay ang LGU ay mamimigay ng mga baby breeders sa mga barangay, cooperative o samahan upang kanilang palakihin at paramihin. Pag marami na ipamimigay naman nila ito sa kanilang mga kasamahan o membro. Inaasahan na darating ang panahon na ang mga farmers sa kanilang lugar ay magkakaroon ng mga pagalang manok na mataas ang kalidad.
Ang idea kasi ay bakit native chicken ang ating pagalain na wala man itong ibang silbe maliban sa karne at kunting itlog. Samantalang kung american gamefowl ang ating pararamihin, ang mga tandang ay maaring maipagbili ng mahal.
Mas mahirap lang kasing palakihin at paramihin ang American gamefowl kaysa native Pilipino chicken, kaya hindi pa ito ginagamit ng karamihan ng ating mga farmers. Ang native chicken kasi ay matibay at malakas ang resistensya laban sa sakit. Hindi masilan ang native chicken. Pagalain lang ang mga ito, at kusang dadami. Ang American gamefowl ay nangangailangan ng pag-aruga.
Ngunit sa ating panaliksik at pagaaral ay nakabuo ang RB Sugbo ng isang nauukol na teknolohiya. At, may nabuo rin tayong mga strain ng American gamefowl na angkop para dito. Ang mga tandang ng strain na ito ay magagaling sa pakipaglaban, ang mga dumalaga naman ay mabilis lumaki kaysa pagkaraniwang American gamefowl para gawing karne. Ang strain na ito ay puro po sa dugo ng manok panlaban o gamefowl kay magaling na pang laban, ngunit hindi masilan alagaan at palakihin.
Sana’y maging matagumpay ang programa nating ito.
Gud pm sir. Tanong ko lang kng pwde po bng gamitin ang bee pollen na tabletas ng Lakpue sa pagpointing? ( 04:32:53pm May 24, 2009)
Yes po. Ang bee pollen ay may taglay na mataas na enerhiya. Maige din yang ibigay sa mga panahon na mabigat ang ehersisyo ng manok tulad ng Conditioning o nakatakdang pagibitaw o kaya’y byahe na mahaba at malayo. Ang mga bee products tulad ng bee pollen, honey at royal gelly ay may taglay na enerhiya, bitamina at iba pang sustansya.
Para sakin ang mga ito ay maigeng gamitin sa panahon na malayo pa ang laban kung kailan mabigat ang ehersisyo ng manok. Maari rin itong ibigay sa pointing. Halimbawa sa umaga ng araw ng laban.
Huwag po tayong malito kung ang palagi nating nababanggit na binibigay sa araw ng laban o sa palapit na ang laban ay ang ribose. Ang ribose kasi ay isang special na sugar na may kinalalaman sa paggawa ng ATP o instant energy. Samantalang ang mga bee products ay may mga sugar na magandang source ng reserved energy.
Ang isa ay para instant, ang isa ay para reserved. Huwag po tayong malito. Maganda pa nga itong kumbinasyon.
Para po maunawan nating maige ang tinutukoy natin na reserved at instant energy ilathala po natin ngayon sa pitak na ito ang bahagi ng pamphlet ng RB Sugbo na Power Pointing. Hinggil po ito sa pointing na ang prinsipyo ay stress management at instant energy loading sa halip na carbo-loading. Ang buong nilalaman ng pamphlet at ng iba pang publications ng RB Sugbo Gamefowl Technology hinggil sa kaalaman sa pagmamanok at mga kaganapan sa Masang Nagmamanok (MANA) ay mababasa ninyo sa blog ng MANA ang tilaok.blogspot.com.
Pointing for the Pilipino Slasher
Pointing is the final stage in the gamefowl’s conditioning for the actual fight. If conditioning is to prepare a cock for battle, pointing is to prepare the cock for the day, and even, for the moment of battle. Lately, pointing has become a specific stage of the gamefowl’s preparation specialized by some higher masters of the game. It is not uncommon nowadays that the pre-conditioning and conditioning stages are handled by assistants handlers and feeders. But, most of the time it is the chief conditioner who will take care of pointing. It is the culmination of all the time, effort and knowledge put into the gamefowl being prepared for the fight. Here, in this final act, there would be no room for mistakes.
The ability to point the gamefowl properly has grown in proportion as far as influence in the outcome of the fight is concerned. At, top level competitions it seems that chickens are now created about equal. The best bloodlines are now available to hundreds if not thousands of Filipino breeders, who know the right breeding methods and are affluent enough to provide the right environment for the gamefowl. A look at the results of the numerous stag derbies held annually during the stag season tend to support such contention.
Conditioning then may be logically looked upon as the factor that might tilt the balance. Yet, within that spectrum is another important factor—the ability to point a well conditioned chicken. The best conditioning will go down the drain if not coupled with proper pointing.
With this hypothesis in mind, RB Sugbo Gamefowl Technology devoted some time to the research and study of the science of pointing, premissed on the characteristic of Filipino sabong. The study was placed in the perspective of the fact that Filipino slasher fighting is fast and furious. “Isang tama ka lang”
Thus, RB Sugbo came up with a concept of pointing based on the principle of stress management with a view to timely adrenaline rush. We call the method Power Pointing.
In a nutshell: The modern concept of Power Pointing
Power pointing is a system of pointing the gamecock designed by RB Sugbo Gamefowl Technology. It is based on the concept of stress management. The principle is that stress triggers adrenaline rush and the hormone adrenaline enables the body to achieve extra ordinary physical and mental conditions as part of natural defense mechanism. We know what wonders adrenaline rush could do. During emergency, one can lift objects too heavy under normal circumstances, or jump long or leap high. These phenomenon is due to the surge of adrenaline.
The whole idea of power pointing is to aim for adrenaline rush to transpire in time for, or during the actual fight, and to provide the body and muscle with the right kind of energy and power necessary to support such surge.
To ensure adequate reserves of energy necessary to support adrenaline rush, the concept avails of quick power and energy boosting substances, namely: creatine; ribose; bcomplex and iron; b15 (pangamic acid); and glucose. Creatine and ribose are necessary for the burst of energy during the initial stage of the fight. B complex and iron condition the blood and help in the distribution of oxygen to the brain and other parts of the body. Pangamic acid, being a vasodilator, expands the blood vessels to allow effective blood flow. Glucose is the purest form of instant energy.
These natural substances constitute a potent combination that serves well during both the initial stages and the later part of the fight.
Quick energy loading, not carboloading
The system does not require the usual 2-3 day carboloading used by most other pointing methods, particularly those advocated by the old school influenced by practices of American cockers. It should be pointed out that American gaff and short knife require stamina and endurance, which are not the top priority in slasher knife fighting. In the Filipino slasher fighting, the cock should rely more on sharp cutting ability, timing and quickness.
Carboloading benefits endurance athletes but not sprinters. It is more appropriate for American cockfighting than in Filipino sabong.
Instead, the focus of RB Sugbo’s Power Pointing is on energy boosting on the day of the fight, based on the ATP-CP energy pathway principle. ATP-CP pathway is the initial source of energy that muscles utilize in the burst of speed and power necessary in the first few buckles.
In the first burst of activity, the muscles rely on the ATP-CP (Adenosine Triphosphate – Creatine Phosphate) energy pathway which is anaerobic. After a few seconds, the muscles draw energy from glycolysis, which is common to anaerobic and aerobic pathways. The end product of glycolysis, pyruvate, represents a fork in the catabolic (breaking down) process. Pyruvate could be committed to the anaerobic pathway or to the mitochondria leading to the Krebs cycle and the electron transport chain, both of which are aerobic in nature.
When the contest drags on, the body will have to rely on energy on these two aerobic pathways. Cockfighting, however, is more of a sprint event than a marathon. Focus should be on anaerobic energy pathway.
Blog:tilaok.blogspot.com
Ang kabuuhan ng pamphlet na ito ay mababasa sa blog natin tilaok.blogspot.com. Ang konseptong ito ay tinalakay din na detalye at sa Pilipino sa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon. (Para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagmamanok o kaya’y sa MANA si Rey Bajenting ay pwedeng i-text sa mga numerong ito: 0927-995-4876 o 0908-980-8154)
Bloodline: Jack Walton Hatch
by H. Duff (Submitted by RED_ZONE)
Henry Wortham was working for Jack Walton at the time Jack decided to sell out. Henry knew Manuel Massey who was feeding for Paul Harvey, a professional wager from Odessa, Texas. Henery asked Manuel to form a plan with him in order to get Paul to buy the fowl. Manuel talked Paul into purchasing 12 cocks from Jack. Henry tied pieces of string on the cages of 12 double barrel aces. When Paul and Manuel selected the 12 cocks, Manuel picked only the ones with strings on the cages that Henry planted. This was unknown to both Jack Walton and Paul Harvey. Aftr all 12 cocks were selectd by Manuel, Jack told Paul that he didn't know about Manuel's feeding ability but he selected the 12 best cocks he owned, besides the brood cocks!
Manuel Massey got the cocks ready for the sunset tournament. They won easily. Paul Harvey and Manuel won several other big tournaments shortly threreafter. This made Paul and Massey the top cock fighter that year. This all happened in the early 1952. The wins convinced Paul to purchase the rest of Jack Walton's fowl. Paul paid Jack the sum of $20,000.
Paul Harvey hired professional union carpenters to build pens for the fowl. Carpenters worked around the clock getting the pens on Paul's estate ready. When the pens were completed, Paul and Massey drove to Dallas with boxes for the cocks and u-haul trailors for the hens and little ones. During this time Henery was selling to others some good Walton Hatch to others unknown to Paul. I had heard that some of these cockfighters were Clarence Stewart, Ray Hoskins, Richard Bates, and the Everett brothers of Hood County Red fame. Harold Wells ended up with the "Bone Crusher" cock which was one of the original 12 cocks. Harold started a family of Bone Crushers that became a major force at the Jal N.M. pit ran by Tommy Booth. Over a period of 20 to 30 years Paul Harvey sold many Walton Hatch. At the time he decided to sell all the Walton fowl. Bill Patterson bought the best of what he had left. Bill still raises and fights the Walton Hatch fowl. The Walton Hatch, if inbred over a long period will come spangle with pearl colored legs, red eyes, and large bones. Their temperament is nasty.
The Walton fowl will put gameness and hitting power into any breed. Also they will add bone size if your breed is coming small.
To finish the story, Paul Harvey bought the Percy Flowers blue face bloodline and continued to win derbies until his death. Bill Lisenbee purchased the remaining Blueface bloodline fowl at Paul's death. If you ever owned a Walton Hatch you will never stop breeding a few because of their gameness and tremendous power.
I am truly glad that I was part of the Jack Walton fowl history
Breeder: Ben Dimaano
Yes there are those who are famous because of breeding chickens of tested bloodlines. And, there are those who make their own bloodlines. One of the champions of last year’s 8-stag derby of the Cebu Gamefowl Breeders Association (CEGBA) is one of the latter kind.
Ben Dimaano, of Zamboanga and Cebu, fielding two entries scored 14 out of 16 fights, with one of the entries scoring 8 straight wins to bag a share of the championship prize.
Ben is no ordinary breeder. He loves good chickens and he knows how to make them, thus he told Sabong Pinoy during an interview in his farm in the mountains of barangay Agsungot, Cebu City.
While in Zamboanga, he had won back-to-back championships in the El Dia de Zamboanga derby in the years 2004 and 2005. Then, in his first year of breeding in Cebu, he annexed the Cegba plum, serving notice that he deserved to be taken seriously as someone to reckon with in the near future, which from the looks of it, this near future, is about now.
Besides his natural ability to perceive good mating combinations, honed up by years of high caliber chessplaying as one of the country’s top junior players at one time, Ben earned a degree from UP los Banos that helped him in his breeding operations. And, he already has 25 years breeding experience in Zamboanga with him when he came to Cebu. Solid credentials. Plus the fact that he spent a lot for breeding materials. Yet, most of these materials were rarely used. And if ever, just for infusion into his mainstays, the Dimaano Black and the Dimaano whitehacle strain.
In the recent stag derbies, Ben scored 15 wins and 3 losses. His blacks went 4 wins out of 4 fights. On the otherhand, his whitehacle strain that came from a 13-time winner from a Zamboanga breeder scored pretty good as well. These two lines constitute the backbone of the Dimaano breeding program.
“My method only make use of at most ¼ of the other bloods. Three-fourths of either my black or my whitehacle and ¼ of another good blood makes my formula for success’ he claimed.
His views on breeding and even life as a whole is quite different from most. This makes him a colorful fellow who minces no words. Among friends there is this famous quote of his. One time in the course of lenghty chicken talk, a friend who was fascinated by Ben’s self-confidence asked; “ What if you’re breeding would fail?”
Immediately Ben quipped: “ Ask that question to mortals.” This has now become a favorite of friends who wants to quote him.
One of the things he told Sabong Pinoy was that many breeding operations fail for lack of a good breeding program. One aspect that he is good at, he claimed. He could immediately foretell if a particular mating would be a downright failure. Conversely he also can tell outright if a mating will prove good.
A friend who frequently consult with him, Rey Bajenting of RB Sugbo Gamefowl Technology, a breeder himself, and gamefowl journalist, columnist, and author, could attest to this.
In a booklet he wrote, Rey admitted to the fact that Ben has taught him a lot in breeding. That he learned more from listening to Ben than in his almost 40 years in cockfighting. Rey also admitted that his two own bloodlines the ponkans and the blakliz has tremendously improved lately by following Ben’s breeding and mating suggestions. These two RB Sugbo bloodlines serve as poorman’s champions as most of those who avail of them are ordinary sabungeros because of its very affordable prices. And, also because Rey heads a 10,000- member nationwide organization of common sabungeros called Masang Nagmamanok or MANA.
“Ben is a rare breed,” said rey “he tells you before it happens.”
True enough, Ben is very much available for consultation and will readily help friends in their breeding. He aways lends his ideas and experience to others. According to him, gamefowl breeders should be helping each other, not competing with one another. The tournaments, derbies and competition are incidental, the goal should be to improve the different breeds of gamefowl by cooperation.
He also always gives the best to his buyers. “They always get more than their money’s worth,” Ben said.
“I sell broodcocks for P20-30 thousand, hens at P10 or 15 thousand. And what I give are worth more than the price. I also buy expensive materials and most times use just one-fourth of the blood. Then I put in priceless breeding expertise. . . that should make my chickens expensive too,” he continued.
He has acquired a lot of imported and local lines but he didn’t buy them for their famous bloodline names or because the breeders were well known but because he like the individual family or the particular cock or hen. He bought what he liked regardless of the name of the breed or the fame of the breeder. He based what he like on its potential to contribute to his breeding program.
With the victory of Jun Pe in the recent bakabakan 10-stag championship, scoring 10 straight wins and the nine-point performance of Cano Daniel in the same tournament, Zamboanga breeders are staging a great comeback into the national cocking scene. Ben is looking forward to be part of it.
Welcome. To read the articles, please click post link or month, then subsequent post link.
Ponkan broodcock
Another ponkan
Mana: Dami at Pagkakaisa
Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.
2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.
3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.
4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.
Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.