Monday, June 1, 2009
Editoryal: Balik Sigla
Sa nakaraang mga buwan nakaranas ang Masang Nagmamanok (MANA) ng mga pagsubok. Nahirapan tayo ng namaalam ang pahayagang Tumbok at nawalan tayo ng epektibong tulay ng kumunikasyon. Dahil dito nahirapan tayong makipagugnayan sa marami nating mga kamana na umaasa lang sa pitak na Llamado Tayo sa pahayagang yon para sa mga pahayag hinggil at mga kaganapan sa MANA.
Sinubukan nating gawan agad ng remedyos. Pinaigting natin ang pagpaseminar at pagbuo ng mga chapters sa pagaakalang sa pamamagitan nito mapunan ang puwang na naiwan sa pagsara ng Tumbok. Ngunit hindi pala.
Napakakunti ng mga kamana at ng mga nais maging kamana na maabot natin sa mga pagpupulong at pagpapaseminar. Sa isang seminar marami na po ang may isang daan ka tao ang dadalo, kasama na dyan ang mga dati nang kamana. Kalimitan nasa 40 hanggang 60. Napakakunti po. Samantalang ang nagbabasa sa isang pahayagan tulad ng Tumbok ay daang libo bawat araw.
Isipin po natin na halos 90 porsyento ng may 12 libong kasapi ng MANA ay mga mambabasa ng pitak na Llamado Tayo at nagparehistro lang pamamagitan nang pag text ng kanilang pangalan, address at hanapbuhay at nabigyan agad ng MANA membership number.
Ang mga membro ng chapters ay lampas lang kunti ng 2 libo. Ang may pinakamarami po ay ang Visayas na may 1,400 members na ngayon. Ito ay galing sa mga chapters sa Cebu (900), Bohol at Eastern Samar. Ang Mindanao ay may 300 members ng chapters. Sa Luzon, ay may 400.
Sa Luzon ang Cavite chapter ni kamanang Gani Dominguez ay may mahigit isang daan ka members kung ibatay natin sa attendance ng seminar noong nakaraang May 18. (Wala pang opisyal na numero ng membro na binigay ang Cavite). Ang Camarines Sur nina kamanang Jessie Abonite at Boying Santiago ay may mga isang daan din. Ang Pasay-Taguig ay may 80 members. Ang Monumento ay may 70 members. Ang higit kumulang 50 members ay galing sa mga chapters ng Sampaloc, Tondo at Mandaluyong.
Ngunit isipin natin na sa 9 na libo na mga nagpamembro pamamagitan ng pag text, lampas 6 na libo ang ang galing ng Luzon. Bakit, habang nasa 400 lang ang membro ng mga chapters sa Luzon?
Dahil ang karamihan ng sirkulasyon ng nagsarang Tumbok ay sa Metro Manila, Calabarzon at Bicol. Kaya napakarami ang nakabasa sa pitak na Llamado Tayo habang ito'y nasa Tumbok pa.
Sa mga numerong ito nakita po natin na sa Metro Manila, at karatig na lugar mas epektibo ang membership drive pamamagitan ng mass media. Samantalang sa Visayas, dahil walang gaanong sirkulasyon ang Tumbok doon, mas epektibo ang mga personal na paghikayat. Sa Visayas habang 1,400 ang chapter members, wala 800 ang nagpamembro pamamagitan ng text. Ang marami pa dito ay hindi galing Cebu kundi sa Leyte-Samar area kung saan may sirkulasyon din noon ang Tumbok.
Ngayon magpasalamat tayo sa pahayagang Larga. Dahil sa nakaraang ilang linggo muli na pong bumilis ang pagdami ng mga kasapi natin na nagparehistro pamamagitan ng pagtext. Dahil libo-libo din ang nagbabasa ng Larga. Hindi nga lang ito araw-araw, kundi isang labas lang isang linggo. Ngunit habang ang Tumbok ay general publication, ibig sabihin ang mga mambabasa ay sarisari, ang Larga ay pahayagang hinggil sa sabong lang at karamihan kundi man lahat ng mambabasa ng Larga ay sabungero at interesado sa mga adhikain ng MANA. Kaya bumalik napo ang sigla ng ating membership drive pamamagitan ng pagtext lang.
Magpasalamat po tayo sa Larga at nawa'y patuloy nating itangkilik ang Larga, bilang pahayagan ng mga sabungero, pahayagan na matatawag na sariling atin.
At, upang may katuwang ang ating pitak dito sa Larga sa paghikayat ng mga kasapi at paglathala ng ating adhikain at kaganapan, gumawa tayo ng blog sa internet, ang tilaok.blogspot.com na pwede nating basahin ano mang oras. Marami tayong makukuhang impormasyon at kaalaman hinggil sa pagmamanok sa tilaok.blogspot.com.
Nagumpisa narin tayong magipon ng email address ng ating mga kamana. Hindi paman libolibo, daandaan na sa ating mga kamana ang nagbigay ng kanilang email address. I-niemail na din po natin sa mga kamana ang mga impormasyon at kaalaman. Halimbawa, pwede kayong magtanong na mas detalye pamamagitan ng email kaysa text. Pwede rin kayong humingi ng kopya ng kahit anong aklat, pamphlet, manwal, at artikulo ng RB Sugbo at MANA. I-email namin ang mga ito at libre.
Kaya mga kamana etext po sa 09279954876 o 09089808154 ang inyong email address. Ang hindi pa membro at gustong magpamembro itext lang ang pangalan, address, kontak no., at email ad kung mayroon.
Maraming salamat sa inyo.
Welcome. To read the articles, please click post link or month, then subsequent post link.
Ponkan broodcock
Another ponkan
Mana: Dami at Pagkakaisa
Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.
2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.
3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.
4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.
Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.