Tuesday, September 30, 2008

Gutom

Bakit nga ba dapat gutom at empty ang manok at tuyo ang katawan sa oras ng laban?

Una dapat natin intindihin na ang pagkain ay hindi agad-agad makakapagbigay sa manok ng mga sustansya na magiging enerhiya na magagamit sa laban.

Dadaan muna ito sa proseso. Ang patuka ay tinutunaw muna, at tinatabi ng katawan ang mga sustansya. Ang sustansya naman ay iniipon ng katawan bilang reserbang enrhiya na magagamit sa laban.

Samakatuwid ang enerhiya na gagamitin sa oras ng laban ay nagmula sa mga patuka sa mga nakaraang araw. Kung pakakainin ang manok ilang minuto nalang bago ang laban, di na magagamit ang sustansya nito para sa laban. Magiging pabigat na lang ang ito.

Bukod sa pagiging pabigat, ang katawan ay gumagamit po ng enerhiya upang tunawin ang pagkain. Ang pagkabusog ay sagabal din sa sirkulasyon ng dugo at oxygen sa buong katawan at sa utak.

Kapag busog, ang katawan ay hindi makaka-perform 100%. At taliwas sa kumon na paniniwala, ang manok na gutom ay mas mabilis at malakas pumalo kaysa manok na may natitirang pagkain sa butse o manok na may laman pa ang bituka.

Ganoon din ang tubig o sobra ang moisture sa katawan. Pabigat ito at sagabal sa paggalaw ng manok sa oras ng laban.

Ang sobrang tubig ay nakakaapekto din sa muscles. Ang manok na sobra ang moisture sa katawan ay hindi lang mabagal, ito ay hindi pa magka-”cut” at mahihirapang pumatay sa kalaban.

Ngunit mag-ingat. Huwag naman sobrang tuyo o sobrang gutom, at ang manok ay magiging “off-point”.
At may mga pakain na madaling makapagbibigay ng enerhiya. Ito ay ang mga madaling matunaw at madaling ma-converted into glucose, mga pakain na mataas ang glycemic index. Mga halimbawa ang kanin, fine corn, patatas at kamote. Ito ang ating ibibigay sa araw ng laban, at ilang oras bago ang laban.