Wednesday, October 8, 2008

Advanced seminar sa nilalaman ng Manwal

Ang Masang Nagmamanok (MANA) advanced seminar and workshop sa pagpili at pagkundisyon ay gaganapin sa Nov. 8, 2008, araw ng Sabado, sa Quezon Memorial Circle Seminar Hall sa Quezon City.

Ang seminar ay isang malaliman at kumprehensibong talakayan sa mga nilalaman ng Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon. Kaya ang nakabili lang sa Manwal ang maaring makadalo.

Buong araw ang talakayang ito. Mula 8am hanggang 6pm. Registration ay mula 7am hanggang 8am. P500 lang ang bayad pero bring your own pagkain o kaya'y doon na bumili sa Circle.

Ang 500 ay contribusyon nyo lang sa mga gastusin tulad ng bayad ng venue, sound system, table and chairs, at expenses ng mga resource persons at miembro ng working committee.

Si kamanang Rey Bajenting ang may akda ng manual ang pangunahing resource person.
May mga dalubhasa rin sa nutrisyon at health care, pagtatari at pagkundisyon na dadalo upang mamahagi ng kaalaman.

Abangan nyo po dito ang mga karagdagang detalye. Pwede ring kumontak kay kamanang Dan Baltazar,09104852134.