Tuesday, October 14, 2008
Mana advance seminar Nov 8
Ang opisyal po na titulo nito ay “ MANA Seminar on Advance Selection, Conditioning and Pointing of the Gamefowl.” In short, MANA advance seminar nalang.
Buong araw tayo doon. Araw ng Sabado yan. Mag-start tayo 8am at 6pm tayo magtatapos. 7-8am ang registration doon nalang sa site at may lunch break 12-1 pm.
Susulitin natin ang panahon para mapagusapan natin ang lahat na kailangang pagusapan. Basahin nyong maige ang Manwal at pagaralan kung ano pa, para sa inyo ang dapat linawin. Ihanda nyo rin po ang inyong mga idea na sa palagay nyo ay makatulong sa ating mga kamana.
Huwag kayong mag atubiling ituwid kung may mga nilalaman ang Manwal na sa palagay nyo ay mali o kung may mas tama para sa inyo. Tatalakayin natin, pagaaralan at alalamin kung alin talaga ang tama at nang maipamahagi natin sa lahat.
Yan po ang pakay natin ang magtulungan upang mas gumaling ang ating pagmamanok.
Five hundred lang po ang bayad. Bring our own baon lang po tayo. May mga kainan din doon sa Circle. Ang kape at snacks natin sagot na daw ni kamanang Dan.
Wala tayong sponsor sa seminar na ito kaya tayong mga miembro mismo ang sponsor at solo pangalan ng MANA ang affair na ito. Ang 500 ay kuntribusyon nyo para sa gastusin. Ngunit kung marami ang dadalo ay baka bababa pa sa 500 dahil mas marami na tayong magambagambag.
Pwede pong bababa sa 500 pero hindi na lalampas. Kung kukulangin kami na lang mga prime movers ng Mana ang magdadagdag. Compute lang natin doon ang gastos at adjust natin ang kuntribusyon.
Mahirap kasi ang kumuha ng sponsor dahil sa Manwal ay may mga tinutukoy tayong mga produkto na ating ginagamit at, in effect, parang ini-indorso, kahit hindi natin sadya.
Walang kumpaniya na mag sponsor kung ang kanilang produkto ay hindi kabilang sa mga nabanggit natin. Maliban lang kung talagang napakabait nila at kusang loob na tutulong sa MANA.
At hindi naman maige kung ang mag sponsor ay yong kumpaniyang may mga produkto na nabanggit natin, dahil unfair po sa kanila. Unfair sa kanila kasi aakalain ng publiko na kaya natin isinulat ang kanilang mga produkto dahil sponsor natin., hindi dahil talagang nagustuhan natin ito.
Unfair din po sa atin bilang may akda ng Manwal at baka sabihin ninyo na ang mga produktong binanggit natin ay dahil mga produkto ng mga sponsors, kahit hindi totoo na nagustuhan natin.
Kung sabagay, ang mga iba’t-ibang brand names ay may generic names. Maari naman na nagkataon lang na isang brand lang ang nabanggit natin o nagamit natin, yon pala maari rin naman pala tayong gumamit ng ibang brand sa may parehong generic na produkto. Kaya kayong may Manwal kayo na ang magisip-isip.
Ang ating registration ay 7am-8am. Pagka 8 impunto ay umpisahan natin ang seminar. May mga manok tayo na aktwal na ipatuktok doon. Ito ang ating real-time activity na para tayong nasa sabungan sa araw ng laban.
Kung makarating kayo 7am makikita ninyo kung paano at ano ang ipakakain sa manok na ito. Sa umpisa ng seminar 8am, ipakikita natin ang pagligpit sa manok na ito sa loob ng kulungan at ang paglagay ng takip.
Pagkatapos ng real-time activity na ito, ay isa-isa nating paguusapan ang mga kabanata ng Manwal. Simulan natin sa mga prinsipyo, ang pagpili, nutrisyon, ehersisyo, at pagpatuktok.
Pagdating ng tanghali bago tayo mag- lunch break, isa na namang real-time activity, ipakita natin ang pagpalabas ng manok sa limber pen upang obserbahan ang lakad ng pagpatuktok at nang ito’y makaunat at mapakain base sa schedule ng laban.
Den balik na naman tayo sa hapon para sa demonstration sa pagtari, sampi, catch cock, at iba pang ehersisyo. Ang pagtimpla sa pakain at wastong pagbigay sa mga gamot.
Mga 4pm real-time activity na naman. Tapos pagusapan natin ang paghanda sa hack fight ang boy scout keep. Sa huli ay ang demonstration sa paglimber, ng manok bago tarian, pagpalakad at warm up sa loob ng gradas, at ang pagbitaw sa aktwal na laban.
Sa buong seminar pwede po kayong magtanong at magmungkahi kung may mga magagandang idea kayo kaugnay sa paksang tinatalakay. No-holds-barred questions and answers tayo.
Magkita-kita tayo doon.
Welcome. To read the articles, please click post link or month, then subsequent post link.
Ponkan broodcock
Another ponkan
Mana: Dami at Pagkakaisa
Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.
2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.
3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.
4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.
Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.