Thursday, January 22, 2009
Voltplex Kill Quick umpisa na
Habang ang mundo ng sabong ay nakatuon ang pansin sa kasalukuyang World Slasher Cup sa Araneta Coliseum, ang mga maliliit na sabungero naman ay nagtipontipon para sa kanilang sariling bersyon ng kasiyasiyang kumpetisyon.
Ito ay ang unang edisyon ng Voltplex Kill-Quick Series, na sa Pasay City Cockpit ginanap noong nakaraang Miyerkules, Jan 21. Ang Voltplex Kill Quick series ay handog ng Masang Nagmamanok (Mana) at ng Excellence Poultry and Livestock Specialist.
Matagumpay ang pasabong natin dahil sa todo suporta ninyo mga kamana, at maging ang hindi kasapi ng Mana na naglaban o nagpunta
Bago ang labanan may seminar muna. Itinuro ni Kamanang Isagani Dominguez ang paggawa ng incubator na napakatipid gawin. Sila kamanang Jeff Urbi at si Romy Padilla ang nagturo sa pagtari.
Sa labanan marami sa ating mga kamana ang sumabak. Halos lahat ng chapters. May dalawang grupo na galing sa malalayo, ang grupo ni kamanang Jun Ramos ng JT Northern Star sa Tuguegarao, Cagayan, at sina kamanang Jessie Abonite at kamanang Boying Santiago, ng Camarines Sur. Oo, ang Boying Santiago na siyang unang nagmungkahi na magtatag tayo ng pambansang samahan ng common sabungero.
Tinanghal na kaunaunahang Voltplex Kill Quick fighter ang Papa Sabong entry. Tatlong panalo na ang total time ay less than 2 minutes. Nakatanggap ito ng P20,000 cash at Ring of Excellence worth P10,000. Nakuha din ng Papa Sabong ang 2nd fastest kill na may premyo na P10,000, at fastest din ito sa batch sultada 41 to 50 na nagkakahalaga ng P5,000. Hindi lang Voltplex Kill Quick fighter ang Papa Sabong ito pa ang may pinakamalaking halagang napanalunan.
Ang mga nagwagi sa individual kill-quick ay ang Lucky Star, 14.10 seconds, P15,000 ; Papa Sabong, 15.59, P10,000; KC.15.79, P5,000; RVT 15.84, P5,000; at sa 5th fastest na may pinakamalaking premyo na P30,000 ay ang entry na Mr Long Hair, sa time na 16.70 seconds.
Ang slowest kill naman na P10,000 ay napunta sa Dennis Edill-1.
Ang mga nagkamit ng P5,000 sa fastest kill sa bawat sampung sultada mula no. 1 hanggang No. 50 ay ang KC, Lucky Star, Top Jun Mananari, Rain, at Papa Bulang.
May P 5,000 din na napunta sa pinakamabilis sa bawat limang sultada mula no. 51 hanggang 70. ang mag nagwagi ay ang: Mr Long Hair, Ka Roger, RCA Mana ay EPG Mana-Y.
Sa kabuuhan P150,000 ang premyo na naipamigay.
Ang susunod na mga edisyon ng Voltplex Kill Quick ay sa Pasay Cockpit muli, sa Feb 18, sa Ronda New Cockpit sa Ronda, Cebu, sa Feb 21; at sa New City Gallera de Naga, sa City of Naga, Cebu sa March 10. Marami pa pong mga edisyon sa iba’t-ibang lugar para ang mga kamana naman natin doon naman ang makapakinabang para sa kanilang mga proyekto.
Ang kinita ng pasabong na iyon ay hindi masasayang at mapupunta sa mga gawain at proyekto ng Mana sda Metro Manila at kalapit na mga lugar, partikular ang ating gamefowl dispersal program sa Teresa, Rizal. Kapartner din natin dito ang Excellence Poultry and Livestock Specialist at ang B-meg/ Derby Ace.
Ang detalye ng kinita, pati na kung saan ito napupunta ay ilalathala natin sa ating newsletter. Ang gustong mapasali sa mailing list ng libreng newsletter itext ang pangalan, Mana number at kumpletong address sa 0927-995-4876 para sa Globe subscribers at 0908-980-8154 para sa Smart subscribers. Kung wala pang Mana number magsabi lang sa text para mabigyan.
Dito rin sa mga numerong ito kayo mag text kung may katanungan hinggil sa pagmamanok o may gusto kayong linawin sa nilalaman ng Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon.
Welcome. To read the articles, please click post link or month, then subsequent post link.
Ponkan broodcock
Another ponkan
Mana: Dami at Pagkakaisa
Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.
2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.
3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.
4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.
Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.