Tuesday, January 6, 2009
Llamado Tayo Dec 1-15, 2008
For dec 15
Manwal ng Mana 2
Kamana nabasa ko na naghahanda kayo ng kasunod sa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon. At ito ay ang Manwal ng Mana sa Praktikal na Pagpapalahi. Sana po kasing ganda ng nauna at kasing puno ng kaalaman ang manwal no. 2 natin. Tanong ko lang po kamana. Sa pagpapalahi ba ay kailangan talaga ang kaalaman sa genetics? Wala kasi akong gaanong alam dyan kamana pero nagsimula na akong magpalahi. At ano ang ibig mong sabihin sa praktikal na pagpalahi? ( GHT 1-0046)
Si Engr. Greg Tojong pala ito. Long time no hear kamanang Greg. Kumusta na dyan sa Surigao? O nasa Maynila ka ngayon?
Oo kamana. Makakatulong talaga ang kaalaman sa genetics. Ngunit hindi kailangan na ma-master natin ang genetics para tayo makapagpalahi. Nandyan na man po ang mga katulad nina Dr. Andrew Bunan na mga dalubhasa sa genetics na tutulong sa atin. Sa atin sa Mana nandyan si Dra Nieva Arieta. Pinamamahagi naman nila, sa pamamaraan na maunawaan natin, ang kanilang kaalaman.
Basic lang kamana ang kailangan para naman medyo masiyahan tayo sa ating ginagawa. Paano tayo makapag-enjoy sa isang bagay na mangmang tayo. Pag may kunti tayong kaalaman maari tayong mag set ng goals, at malalaman natin kung nagtagumpay ba tayo.
Maaring ang layunin natin ay mga simpleng bagay lang. Tulad halimbawa, ng pagpalabas ng straight comb na linyada o strain galing sa magkaparehang peacomb na mga magulang. O kaya’y mga kumplikadong bagay tulad ng pagpalabas ng power at speed, flight ang shuffle sa ground. Magkasalungat ang mga katangiang ito ngunit maaring maipalabas sa isang linyada.
Parang ganyan na rin kamana ang ibig nating sabihin sa praktikal na pagpapalahi. Kaalaman na tama lang sa ating pangangailangan sa pagpalahi ng manok pang sabong.
May bago na naman tayong kamana na isang professional na naghahanapbuhay sa sabungan. Isang kilalang sentensyador ng San Juan Coliseum si kamanang Junior Bonifacio. Welcome to Mana kamanang Junior.
Kayong mga sentensyador, kasador, mananari, handlers, kristos at iba pang nagpapatakbo ng sabungan ang puso at dugo ng sabong. Kung wala kayo ano kaya ang mangyayari sa sabong.
Rey b art680
For dec 14 sun
Mitsa ng Mana
Dec 2006 po mga kamana ng tayo ay nagsimulang nagsulat sa Tumbok. Ang unang pitak natin sa Llamado Tayo ay ini-mail ko kay editor Ronnie Briones Dec 19, 2006. Ang pagsulat po natin sa pahayagang ito ay ang naging mitsa kung bakit natatag natin ang kilusang Masang Nagmamanok o Mana.
Dahil po dito ang Dec 20 ang tinuturing nating Araw ng Mana. Sa darating na mga araw ay babalikan natin ang mga pangyayari at iilan sa mga nakaraang pitak natin na naging makabuluhan sa Mana.
Mga kamana, magpasalamat tayo sa Tumbok. At salamat din po sa inyong walang sawang pagsuporta sa pahayagang ito. Ang tumbok ang pahayagan ng masang sabungero at mga karerista.
Talagang napakalaki ng naitulong ng Tumbok sa ating pagkakaisa. Kung ang Mana ay magtatagumpay sa ating mga layunin, ito’y dahil, at utang natin, sa Tumbok.
Kamana gud am. Di ako makapaniwala na makakapasyal sa aming lugar dito sa Pangasinan si kamanang Marlon. Kabarangay kasi namin ang RCF farm ni Mr. Richard Espanol dito sa barangay Dolaoan, Anda, Pangasinan. Thank kay kamanang Marlon, lalo na sayo kamana. Mabuhay po kayo. (Edmund 4-0012)
Si Kamanang Edmund Cativo po itong nag-text, mga kamana. Kamanang Edmund taga Dolaoan, Anda ka pala. Address mo kasi dito sa records natin ay Caloocan.
Oo, nandyan si kamanang Marlon, bahagi yan ng hands-on-at farm training at technology transfer program ng RB Sugbo Gamefowl Technology, at ngayon ng Mana na rin. Si kamanang Marlon ang namamahala sa pratical technology transfer ng Mana. Mga kamana natin na gustong magpatulong sa gamefowl management ng farm nila ay pwedeng mag-request kay kamanang Marlon at pupuntahan nya kayo.
Dyan sa inyo kamana parang two weeks ata ang stay ni kamanang Marlon. Pero panay ang text sakin na parang mawiwili daw siya dahil ang sarap daw ng mga seafoods dyan. Pagbalik nya ng Manila tiyak bad weight na. Take ka lang ng promotor kamanang Marlon, para mawala ang sapola.
Kami ang dapat magpasalamat sa inyo mga taga Doaoan, kamanang Edmund, dahil sa inyong mainit na pagtanggap kay kamanang Marlon, at kung tutuusin pati na sa Mana.
Kamana gud pm. Ano pong magandang gamiting feeds para mabilis matunaw ang sapola ng inahin at magandang feeds for breeders?I-text ko po sayo ang gusto kong gawin, sabihin nyo po kung tama ba. Thank you po. Kumakain po kami ngayon ng kalahating talaba.
Ang text naman na ito na pumasok matapos natin masagot ang text ni kamanang Edmund ay galing kay kamanang Marlon Mabingnay, ang Marlon na tinutukoy ni kamanang Edmund.
Timing ang text mo kamanang Marlon. Ibigay mo na lang yang promotor sa mga inahin.
Ganito kamana, simple lang yan. Makakatulong ang promotor pero kailangan din ng adjustments sa balanse ng enerhiya.
Tama yang gagawin mo. Ang sapola ay taba. Ito’y resulta ng mas mataas na energy input kaysa output. Samakatuwid maaring bawasan natin ang pakain o ang enerhiya sa pakain o kaya’y dagdagan ang ehersisyo. Pwede ring pareho nating gawin ang dalawa.
Sa pakain ng breeders i-text mo si kamanang Jun Santos. Yong mixture na gagamitin natin sa dispersal farm natin sa Teresa ang gayahin mo. Parang 40% Derby Ace layer pellets, 40% Bmeg layer crumblesm, yan kung gusto mong wet feeding. Kung dry feeding sa halip na layer crumbles ang pigeon pellets ng Bmeg ang ihalo mo. Yong 20% sanay concentrate. Pero habang may sapola pa ang mga inahin, jockey oats o kaya’y trigo lang ang grains na ihalo. Mataas ang fiber ng jockey oats.
Ang fiber ay makakatulong sa pagbawas ng taba.
At sa damohan ilagay ang mga breeding pens. Kung fixed ang pens at walang damo bigyan ng gulay o kahit damo lang. Mamutol ka ng damo sa labas at ihagis sa loob ng pens. Mag aagawan ang mga inahin at bukod sa fiber na makuha nila madadagdagan pa ang kanilang ehersisyo.
rey b art679
for dec 13 sat
Mga kamana, mag tune-in po tayo ngayon alas 8 ng umaga sa DZSR Sports Radio 918hz. Guest po sa programa ni Mr Edwin Sese ang ating kamanang si Dan Baltazar. Inaasahan na may mga balita siya para sa atin na hindi pa natin alam sa pagsulat natin sa pitak na ito.
Magsanaysanay na tayong makinig sa oras na ito bawat sabado dahil ito rin ang oras na kukunin natin para sa ating programa simula sunod na Sabado, December 20.
Habang sinusulat natin ang pitak na ito may mga developments po tayong inaasahan tungkol sa ating mga proyekto tulad ng pasabong natin sa Pasay Cockpit buwanbuwan simula Enero, ang ating gamefowl dispersal program at maging ang ating programa sa Sports Radio.
Ang ikabalita ko lang sa inyo sa ngayon ay na ang B-meg po ay tutulong sa ating dispersal program. Yan ang ibinalita ni kamanang Jun Santos sa pagsusulat natin sa pitak na ito. Si kamanang Jun na isa sa mga prime movers ng Mana ay konektado din sa B-meg bilang distributor sales representative sa Metro Manila.
Siya din ang mamamahala sa ating dispersal farm sa Teresa, Rizal. Ang lugar po na ito ay ipinapagamit sa atin kamanang Col Tito Corpuz, isang tunay na sabungero.
Dito sa farm na ito tayo magpapalahi upang makapagpalabas ng mga breeding materials na siyang ipamahagi natin sa mga qualified na members at chapters. Magpapalabas po ng guidelines sila kamanang Jun sa mekanismo ng ating dispersal program. Antayin na lang natin, pati na ang mga karagdagang detalye sa programang ito.
Samamantalang ang ating pasabong sa Pasay ay bawat ikatlong Miyerkules ng buwan. Samakatuwid ang una nating pasabong ay sa Jan 21. Ang tawag po natin sa pasabong na ito ay Mana Kill-Quick Series.
One-cock fastest kill ulutan po ito. Ngunit may special prize po tayo para sa tatanghaling Kill-Quick Fighter of the Month. Pagkatapos ng taon ay may tatanghalin ding Mana Kill-Quick Fighter of the Year.
Ang Kill-Quick fighter of the month ay ang maka score ng pinakamabilis na total time sa tatlong straight na panalo sa isang araw ng pasabong at ang total time ay hindi aabot ng two minutes.
Ang gantimpala ay P 20,000 at may Ring of Excellence ( Singsing ng Kagalingan) worth 10,000 Kung sobra sa isa ang maka tatlong straight na panalo
na ang total time ay di umabot ng 2 minuto, lahat silay maghatihati sa cash prize. Ngunit ang singsing ay mapupunta sa may pinaka-mabilis na total time ng tatlong panalo. Siya
Ang tatanghaling Mana Kill-Quick Fighter of the Month.
Kung walang manalo sa buwan na ito, ang kill-quick award sa susunod na buwan ay P40,000 na. Kung hindi pa rin makukuha sa susunod na buwan ang premyo ay P60,000 na. Ang ano mang halaga para sa Kill Quick Fighter of the Month
na hindi makukuha ay idadagdag sa P20,000 na para sa naturang buwan.
Ang regular na premyo po ng ating pasabong ay ang sumusunod: 1st fastest kill ay P15,000;
2nd,10,000; 3rd ,5,000; 4th, 5,000; 5th, 30,000
Ang gantimpala sa slowest kill ay P10,000.
May premyo naman na P5,000 sa maka- fastest kill sa bawat sampung sultada, mula unang sultada hanggang sultada number 50. Mula sultada no 51 hanggang 70 ang P5,000 sa maka-fastest kill ay sa bawat limang sultada na.
Lahat-lahat P150,000 ang premyo sa bawat pasabong natin. P1,100 ang entry fee at P2,200 ang minimum bet.
Sa Dec 24 nga pala ay pa-fastest kill ni Mang Roming Vergara sa Pasay. Siya po ang pit manager ng Pasay Cockpit at siya rin ang nagbigay pagkakataon sa Mana nga makaroon ng mga pasabong sa sabungan nila.
Baka may iilan sa atin na naka-schedule maglaban sa Dec 24 pang-noche buena. Kundi masyadong abala para sa atin baka pwede doon na tayo maglaban sa Pasay.
Happy holidays po dyan sa inyo at mga kasamahan kamanang Roming.
Binabati po rin natin si kamanang Jimmy Centeno, bago nating coordinator. Sa Pateros po, mga kamana, ang base ni kamanang Jimmy. Ikinagagalak natin ang pagsapi nya sa Mana. Isa na namang dagdag sa makakatulong sa atin.
Si kamanang Jimmy ay may karanasan na rin sa mga pasabong at derbies. At alam nya ang pangangailangan ng mga pangkaraniwang sabungerong tulad natin. Makakatulong si kamanang Jimmy sa ating mga pasabong at sa programa sa radyo.
Maraming salamat kamanang Jimmy.
Para po sa inyong katanungan, pangangailangan at mungkahi maari po ninyong kontakin ang sumusunod:
Tungkol sa ating buwanang pasabong sa Pasay cockpit,Anthony Espinosa, 0906-238-8363. Maghandahanda na po tayo ng mga manok para sa una nating pasabong Jan 21.
Sa ating dispersal program, Jun Santos, 0921-416-4359. Ang mag-aaral po sa mga benefits and welfare of members ay si kamanang, Bong Ferreras 0921-332-2231.
Si Army Celis 0928-505-7345 ang mamahala sa ating training, seminars at iba pang activities ng Mana. Napakamahalagang bagay po ito para sa ating pagpamahagi ng kaalaman sa pagmamanok.
For general information about Mana, si Dan Baltazar, 0910-485-2134 ang makasasagot. Sa ating partical gamefowl technology transfer naman ang in-charge ay si Marlon Mabingnay –0929-723-3573.
Rey b art678
For dec 12 friday
Hulihin ang kriminal,
huwag gawing krimen ang sabong
Kamanang RB bakit di mo gawing Mana manual-2 ang feeding program series sa Tumbok? Easy kasi itago ang manwal kaysa clippings. ( ASP 001008)
Kamanang ASP, Amador Paulite ng Cavite, isa sa mga naunang naging kasapi ng Mana.
Oo kamana. May inihanda tayo na Manwal ng Mana sa Praktikal na Pagpapalahi. Kasali po ang feeding program mula pagpisa hanggang maintenance. Batay kasi sa ating pilosopiya mas maige na una nating matutunan ang paglalaban bago ang pagpapalahi kaya una natin sa ipinalabas ang Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon.
Hindi natin malalaman kung anong uri ng manok ang ipalabas natin sa ating pagpapalahi kundi natin alam anong klase ng manok ang nagpapanalo. Sa paglalaban natin ito unang matutunan.
Payo po natin sa mga nais magpapalahi ay ang matoto muna sa aspeto ng pagpili at paglalaban. Kahit yong nakapagsimula na sa pagpapalahi at palagay natin ay kulang pa ang ating kaalaman sa pagpili, mag-aral po tayo.
Kahit ang mga batikang nagpapalahi ay dapat naglalaban para masubukan ang competitiveness ng kanilang palahi sa bawat taon. Kundi, baka mapaglipasan sila ng panahon.
Gud day Mana. Ask ko lang kung saan kukuha ng license sa pagtari. (06:55:45 Dec 1 2008)
Ang pagkakaalam ko walang general license sa pagtatari. May mga local government units na nag-require ng permit. Kung nais natin ang maging professional na mananari sa sabungan tayo humingi ng permiso upang maging isa sa tinatawag na commercial mananari sa naturang sabungan.
Siguro dapat na ngang ma-professionalize ang mga mananari, pati na ang mga sentensyador at mga manggagamot sa sabungan. Kung di ako nagkakamali isa yan sa mga layunin ng National Gamefowl Training Center. Nais ng NGTC na isanay at gawing professional ang mga mangagawa sa sabungan pamamagitan ng pagbigay ng lisensya.
Ang problema ay walang klaro kung anong governing body ang makapagbigay ng lisensya. Noong araw may Philippine Gamefowl Commission na namamahala sa sabong sa Pilipinas. Ngunit natatandaan ko may ilang taon na ang nakaraan, nang tayo’y nagtratrabaho pa sa kongreso, na may panukala na ang tungkulin, kapangyarihan at gawain ng Philippine Gamefowl Commission ay ilipat sa Games and Amusement Board.
Hindi na natin nasundan kung anong nangyari sa panukalang iyon, ngunit ano man ang nangyari don, ay tiyak na na-repealed o naiba nang ipasa ang Local Government Code. Nasa local government code kasi na ang kapangyarihan sa pagpamahala sa sabong sa kanikanilang hurisdiksyon o teritoryo ay nasa pamahalaang lokal ng munisipyo o lungsod.
Kaya ang nangyayari ngayon patuloy ang matagal nang nakasanayan na ang mananari, sentensyador, manggagamot at iba pa, ay walang lisensya at walang nagpapatupad ng mga regulasyon maliban sa management ng sabungan. Kaya hindi pantay o pareho ang patakaran.
Ang nangyayari ay ang makapangyarihan ay ang publikong sabungero pa rin. People’s power ika nga. Kung ang isang mananari o manggagamot ay marami nang pagkakamali, wala nang magpatari o magpagamot ng manok sa kanya. Kung ang isang sentensyador ay di nagustuhan ng publiko maaring mag aksyon ang management, Kundi ay hindi na dadayuhin ng publiko ang kanyang sabungan.
Ito din ang kinakatakutan ng mga elemento na gumagawa ng masama sa sabungan. Pagnahuli lagot sila sa tao. Linawin natin ito mga kamana. Ang mga taong gumagawa ng masama sa sabungan ay hindi totoong mga sabungero kundi mga kriminal na gustong magsamantala sa sabong.
At aminin natin hindi lahat nang nasa sabungan ay mabuting tao. May mga hold-uppers, carnappers, kidnappers at sino-sino pang handang pumatay at magpakamatay para sa pera, ngunit kung nasa sabungan nagbabayad kung matalo. Sila’y sabungero.
Aminin natin na may mga sabungero na masasamang tao sa labas ng sabungan, ngunit hindi ito sapat na sabihin natin na ang sabong ay masama. Kahit sa simbahan may mga masasamang taong pumapasok. Kahit nga sa mga pari, may masasama rin. Ngunit dahil dito ay masasabi na ba nating masama ang pagsimba?
Sana’y maunawaan ito ng mga anti-sabong na alam natin nagmamasid sa atin. Palagi nilang ginagamit na katwiran sa pagpatigil ng sabong sa ibang bansa tulad ng Amerika at Mexico. Sabi nila ang sabungan daw ay pugad ng mga druglords.
Eh kung may iilang druglords na pumapasok sa sabungan, gawin nilang labag sa batas ang pagsasabong? Ang gawin nila, kung may ebidensya, hulihin nila ang kriminal wag gawing krimin ang pagsasabong.
Rey b art677
For dec 11 (thurs)
Feeding program: Conclusion
Sa nakaraang isang linggo nilathala natin dito ang serye ng ating feeding program mula day 1 hanggang harvest. Ito ang pang-huli sa serye o ang Konklusyon.
Kung napansin nyo ang dalawang pagkaiba ng ating programa sa mga programa ng mga kunpaniya ng pakain at gamot pang manok ay una ang paggamit natin ng mga sangkap na mas mura. Ito ay upang makatipid. Halimbawa sa halip na puro chick booster at starter hinahaluan natin ng bsc. Sa halip na puro stag developer ginagamitan natin ng pigeon pellets o maintenance micro pellets.
Pangalawa ay ang ating pag-incorporate ng organic at probiotic sa ating sistema.
Ito ay dahil malaya po tayong makapagsabi kung ano ang ating gusto. Samantalang ang mga kompaniya ay napipilitan silang irekumenda ang kanilang mga produkto. Pero sa kabuhuan, ay halos magka-parehas lang po ang ating programa at ng iba’t-ibang kumpaniya.
Ang mga programa ng mga kompaniya ay naakaiba lang sa brand names ng mga pakain at gamot na ginagamit. Sa generic names ay halos parehas lang. Ang atin naman maaring kahit alin sa mga brand names ang ating magustuhan dahil wala naman tayong koneksyon at pinapanigan.
Ang RB Sugbo ay walang sponsor. Sa mga pagkakataon naman na ang ating kilusan, ang Masang Nagmamanok o Mana ay may proyekto na may sponsor, pinararating naman din natin sa lahat ang mensahe na gusto iparating ng sponsor.
May isa pa tayong konsiderasyon, ang makatipid. Datapwat, siguro may kaibahan talaga ang mamahaling pakain sa ordinaryo, ngunit kung hindi naman kalakihan ang deperensya, bakit pa tayo gagasta ng malaki. Hindi na maging kasiyasiya ang sabong kung ito ay pabigat na sa bulsa. Pero kung kaya ng bulsa okey lang.
Mayroon ngan’g mga client at partner farms ang RB Sugbo na may kaya at ang renerekomenda natin na protein expander ay ang Mega Legend na napakamainam para sa manok ngunit may kamahalan talaga. Pero para sa ating mga pangkaraniwang sabungero, may mga pangkaraniwang protein expander din.
In cockfighting, like water, we seek our own level.
Kaya may magandang balita tayo sa ating mga kamana na gustong magtipid. Ang B-meg ay nagpalabas ng bagong line ng feeds para sa sisiw, stags at maintenance. Ibig sabihin, chick booster, stag developer at maintenance pellets. Ito ang mga pakain sa mga yugto sa buhay ng manok na katatalakay lang natin sa seryeng ito.
Ang high end line ng B-meg ay ang Derby Ace. Ngayon ay may Integra series na sila. Mas tipid ito, at siguro maganda naman ang quality. Di pa natin nasubukan. Susubukan natin sa RB Sugbo at nang makapamalita tayo kung ano ang resulta. Pero at least, mura ito, pero hindi naman siguro mumurahin. Kasi gawang San Miguel. At, batay sa karanasan natin sa pigeon pellets ng B-meg, malaki ang paniniwala nating ayos din itong Integra series nila.
Ang Thunderbird ay may ganitong lines ng feeds na pang-ekomomiya, ang GMP, na malimit nating napaguusapan. Nawa’y ang iba ay magpalabas din nang may mapag-pilian tayo.
Ang RB Sugbo ay patuloy na mananaliksik at mag-aaral kung anong mga maiigeng pakain at sistema sa pagmamanok. Patuloy po nating hinahabol ang kaalaman sa pagmamanok upang maipamahagi naman natin sa kapwa nating masang nagmamanok na walang sapat na panahon na gumawa ng sariling pag-aaral.
Isa pa sa ating layunin ang maka-hanap ng pamamaraan na di masyadong magastos para sa atin ang pagmamanok. Affordability is relative. Ibig po nating sabihin na ano ang kaya ng isa ay maaring di kaya ng iba. Kaya naghahanap po tayo ng mga sistema na kakayaning tustusan ng mga pangkaraniwang sabungero na nais ring magtagumpay sa kanilang sariling lebel ng paglalaban.
Oo sariling lebel ng paglalaban. Ang manok ni Patrick Antonio ay mga manok naman nina Sonny Lagon, Jerry Ramos, at iba pang malalaki at mayayamang sabungero ang makakalaban. Ang manong ni Pedro ay ang kay Juan ang makakalaban. Yan ang ganda ng sabong.
Sa nakaraang isang linggo ay tinalakay natin dito ang sistema natin sa pagpakain ng manok pangsabong mula unang araw hanggang maintenance period. Sana’t nasundan nyo. At, sana’y makatulong sa inyo.
Manatili lang po tayong nakatutok dito sa Tumbok at napakaraming balita, kaalaman at pangyayari tungkol sa sabong ang matutunghayan natin.
Para sa karagdagang impormasyon ang Mana ay may blog sa internet, ang tilaok.blogspot.com. Mayroon din po tayong Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundiyon.
Rey b art676
For Dec 10 (wed)
Unang Mana pasabong sa Pasay Jan 21
Pinagbibigay alam po ni kamanang Anthony Espinosa na nakapagpasya na si Mang Roming Vergara, pit manager ng Pasay cockpit, na ang buwanang pasabong ng Mana sa naturang sabungan ay tuwing pangatlong Miyerkules ng bawat buwan simula Enero.
Samakatuwid ang una nating pasabong ay sa Enero 21, 2008. One-cock fastest kill ulutan po ang labanan.
Bukod sa regular na guaranteed prize na P100 thousand na paghatihatian ng sampung mga fastest kill winners, may mga karagdagang mga premyo pa. May mga benepisyo din na mapupunta sa mga miembro ng Mana.
Tulad ng nakasanayan sa linggohang fastest kill ulutan sa Pasay tuwing Miyerkules, mananatiling P1,100 ang entry fee at P2,200 ang minimum bet sa ating mga pasabong. Abangan lang natin dito ang mga karagdagan pang mga detalye.
Hinihikayat po natin ang ating mga coordinators at prime movers ng Mana na maghanda at humikayat din sa kanilang mga miembro at mangumbida ng mga kaibigan na maglaban sa ating pasabong.
Kung maari mga kamanang coordinators at prime movers mag text kayo sa atin kung ano mga balak nyong gawin kaugnay dito upang mapagaralan din natin at baka may maitutulong tayo. Kung may maliliit na problema mas madaling malutas kung pagtulongtulongan.
Good pm po kamanang Rey. Si kamanang Mhon Dayao po eto (001107) tanong lang po me kung magkano minimum bet sa pasabong ng Mana. At pwede po bang makabili ng tari dyan sa inyo sa Cebu para po siya naming gamitin sa pag entry namin. Pati na po yong bagong sapin na leather. (MD 001107)
Si kamanang Mhon ay ang coordinator natin na nakabase sa Signal, Taguig. Isa sa pinakamalaki at aktibong chapters ng Mana. Salamat kamana sa inyong balak na pagsuporta. Nasa itaas na kamana ang sagot sa tanong mo. P2,200 ang minimum bet.
Hinggil naman sa tari na gawang Cebu, tutulungan ko kayong makahanap ng first class na makamura tayo. Yong leather boots walang problema ipagawa kita ng libre.
Talagang tutuhanan itong sa inyo kamanang Mhon, pati tari nyo ay made to order pa. Pero kahit di kayo magpagawa o yong mga kamana natin na walang tari o mananari, ang alam ko may kinausap si kamanang Anthony na mga mananari at manggagamot na magbibigay ng malaking discount sa mga kamana natin na maglalaban sa ating mga pasabong.
Pero maganda yang pinaghandaan nyo ng maige kamana. Siguro imungkahi ko kay kamanang Anthony at kamanang Jun Santos na siyang namamahala ng ating dispersal program na pagaralan ang posibilidad na maka-pagbigay tayo ng gantimpalang mga trio at breeding materials galing sa ating dispersal program sa mga deserving chapters na aktibong naglalaban. Para ang mga chapters na mananalo ay magkaroon ng kanilang sariling dispersal program.
O kaya’y galing sa mga tanyag na breeders para mas ganado ang ating mga chapters na lumahok.
Kamana totoo bang may mga magaling sa ulutan na magiging mukhang maliit ang manok kapag hawakhawak nila at inuulot? ( OJT T-10022)
Totoo kamana. Kaya kung gusto nating matantya ang tamang laki ng makakalaban dapat ipalapag mo sa lupa at pabitawan sandali. Tapos ikahig. Dito mo makikita ang laki at tangkad ng manok.
Kapag binitawan ang manok matantya mo ang lapad ng balikat pamamagitan sa pagtingin sa lapad ng distansya ng magkabilang pakpak. Ngunit kong hawakhawak ng magaling na mang-uulot, maari maging mistula itong maliit dahil ng paghawak na kung pagmasdan makitid ang distansya ng magkabilang pakpak.
Ang totoo pala hindi ang distansya ng pakpak ang makitid kundi ang layo ng mga kamay at mga daliri ng handler.
Feeding program part 7
6 months up
Ito na ngayon ang growing maintenance stage. Tumutubo pa ang mga bagong huling stags kaya growing maintence stage ang tawag natin dito.
Pagkahuli, pinupurga, liniligo ng anti-mite at bina-bacterial flushing natin ang mga ito. Tapos dinadaan natin sa tinatawag na hardening process. Patuloy nating sinasamahan ng pullet uapng mas mapatingkad ang tapang nito. Sinasanay natin sa tali at inuumpisahang ikahig, sampi at bitaw.
Dito rin sa yugtong ito natin pinupungasan ng palong ang mga stags. Maliban lang kung ang palong ay sagabal na sa mata, tandaan po natin mga kamana na, di muna natin pungasan ang stag kung di pa ito lumalaban ng husto at higpit na ang tapang.
Ang pakain natin dito ay concentrate at pigeon pellets o grower maintenance micro pellets na lang. 50- 60% ang pellets at 50-40% ang grains. Depende ito sa pangangatawan ng mga stags.
Ang halo natin sa tubig ay MVE na lang at pro-biotic at paminsanminsan na lang. Mga twice a week na lang. Di na tayo nagbibigay ng anti-biotic kung walang sakit.
Medyo kampante na tayo sa panahong ito na mabubuhay na ang mga stags. Ito ang tinatawag na post harvest stage. Kung sa taniman pa, pera na.
Bukas ang huling labas ng ating serye sa feeding program natin.
Rey b art675
For dec 9 (tues)
Tama na CP sa pakain
Kahapon pinalabas po natin dito ang lista ng mga coordinators ng Mana sa Metro Manila at karatig na mga probinsiya. May nakaligtaan tayo. Si Kamanang Franklyn C. Cubacub, coordinator natin sa Taysan, Batangas, 0916-570-0326. Sori kamanang Franklyn.
Pagsamantalahin ko na lang rin ang pagbati ko sa iyong kaarawan ngayong darating na Biyernes. Hapi Birthday kamana Franklyn at paki-kumusta sa mga kamana natin na dadalo sa iyong salosalo. I-text nyo ako kung ano ang mapagusapan nyo hinggil sa Mana.
Kung handa na kayo magseminar tayo dyan sa Taysan. Di naman siguro maaring pagsabayin natin sa Nasugbo dahil magkalayo ang mga lugar nyo.
Good am sir Rey. Yong mix po ba natin doon sa manual na grains at pellets ok lang po ba na yon narin ang pakain ko sa maintenance. Hindi po ba makakasira sa manok? May nagsabi po kasi sa akin na isang kaibigan na masyado daw po mataas ang protina. Baka daw po mag muscle bound. Sana po masagot nyo . Salamat po. ( RB 3-0003)
Kamanang Raymond, yong mixture natin na nakalagay sa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon ay maari ring gamitin sa maintenance. Huwag matakot tama lang ang crude protein contents ng mga mix natin kamana. Nagkamali lang siguro sa pag-compute ang kaibigan mo.
Ang formula sa ating foundation stage ay nasa 17% - 18% protein lang Samantalang ang sa ating battle ready-stage ay nasa 16% lang ang CP. Isa lang sa ating pellet mix ang high protein o conditioning pellets. Dalawa doon ay pang-maintenance at 18% lang ang taglay na protein.
Ang nagtext pong ito ay si Raymond Butalid, tama ba kamana? Dalawa kasi silang kamanang Raymond na parehong RB ang initials. Ang isa ay si kamanang Raymund Bersabe, coordinator natin sa Taytay, Rizal ang isa ay si Ramond Butalid ng San Pedro, Laguna.
Pareho pong aktibo ang dalawang ito sa ating kilusan, ang Masang Nagmamanok (Mana). Sanay patuloy ang inyong suporta mga kamana. Pasabong natin sa third week of January sa Pasay cockpit, sanay suportahan ng tropa nyo sa inyong lugar.
Bukas nga pala Miyerkules, fastest kill sa Pasay. Sino sa mga kamana natin ang maglalaban? Lagyan lang natin ng Mana ang ating entry para maipakita natin sa Pasay cockpit ang ating suporta sa kanila.
Sa nakaraang Miyerkules sina kamanang Jeff Urbi at Loreto Casalhay ang naglaban ng 4 na manok. Dalawa panalo, dalawa talo. Pero ang isa sa mga nanalo ay nakapremyo ng 3rd fastest kill, P 10,000.
Feeding program, part 6
2-3 months.
Sa simula ng pangatlong buwan, umpisa nating i-introduce, dahan dahan pa rin, ang stag developer, at pigeon pellets o kaya’y maintenance micro pellets. Dahan-dahan din nating hinahaluan ng ibang maliliit na grains. Maliban sa cracked corn, maaring bigyan natin ng wheat. Basta ang proportion ay 30% corn at wheat, 30% pigeon o maintenace micro pellets at 40% stag developer.
Ganoon pa rin ang halo natin sa tubig. Anti-biotic 3 days sa isang linggo at alternate ang MVE at pro-biotic sa nalabing 4 na araw sa isang linggo. Pagkatapos ng pakain sa hapon, plain water na lang.
3-6 months.
Sa panahong ito nasa pagalaan ang mga cockerels at young pullets ng RB Sugbo. Ang ating pakain ay 30% concentrate, 30% Pigeon pellets o maintenance micro pellets at 40% stag developer. Tatlong beses ang pagbigay natin ng pakain. Sa 7am 12 pm at 4 pm. Pinapalitan din natin ang tubig bawat pagpakain.
Halos ganoon pa rin ang ating gamot sa tubig. At pinupurga natin bawat 45 days. Samakatuwid dalawang beses sa loob ng tatlong buwang nasa free range ang mga manok.
Itutuloy bukas.
Rey b art674
For dec 8
Sapat na ang 7/8
Gud eve kamana nagchampion kami ngayon 3 cocks gamit ko ang conditioning mo sa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon. (Ryan 1-0004)
Si kamanang Ryan Lim ito ng Zamboanga City. Noon Sabado ang text na ito, Dec 6. Kung sinunod mo ang Manwal kamana, samakatuwid gamit mo’y may mga produkto ng Excellence Poultry and Livestock Specialist. Birthday kasi ni Doc Ayong, ang mayari ng Excellence sa araw na yon. Nagkataon lang kamana.
Parang sunod-sunod ang mga magagandang performance ng mga kamana natin na nakabasa ng Manwal. Pagigihan pa natin kamana. Mas kasiyasiya ang sabong kung kuntento tayo sa resulta.
Kamana kung naipasawa ko na ang anak sa kanyang ama yong magiging anak nila ay ipaasawa ko uli bali ba puro na po ba yon sa bloodline ng ama? (08:13:44pm Dec 5, 2008)
Hindi pa matatawag na puro kamana pero 7/8 na sa dugo ng ama. Line breed sa ama at matindi na ang pagkainbred. May pagkakataon na makuha na nito ang magagandang katangian ng ama. May tsansa din na ang mga kapintasan ng ama ang mamamana.
Kalimitan kamana sapat na ang 7/8 upang makakuha ng semilya sa isang tatyaw. Kung maganda ang resulta ng 78 hindi na kailangan magantay pa tayo ng isa pang henerasyon upang gumawa ng 15/16. napakaliit na lang ng kaibahan ng 15/16 kung ihambing sa 7./8. Kung tutuusin 1/16 na lang sa porsyento ng dugo ng tatyaw ang kaibahan.
Kung pangit naman ang 7/8 ba’t pa tayo gagawa pa ng 15/16? At, baka mas lalo pang pumangit.
Kaya for practical purposes kamana sapat na ang 7/8. Pag pinatindi pa natin ang pag-linebreeding at pag-inbreeding mas malaki ang pagkakataon na magresulta sa inbreeding depression at masama na ang kalalabasan.
Feeding program part 5--1 to 2 months
Sa unang tatlong linggo ay ipagpatuloy natin ang pagbigay ng ating halo na 30% bsc, 30% corn at 40% jr starter o baby stag developer. Ika-4 na linggo ng pangalawang buwan ay dahan-dahan nating i-introduce ang stag developer, at pigeon o maintenance micro pellets. Sa atin sa RB Sugbo inihanda na natin ang mga ito para sa range o pagalaan.
Sa pangalawang buwan habang nasa pen sila, case-to-case ang ilaw natin. Kung gabi na umuulan o malamig iniilawan pa natin sila. Kung hindi, pinapatay na natin ang ilaw, lalo na simula sa pangatlong linggo ng ikalawang buwan.
Samakatuwid, kahit ad libitum ang pagbigay natin ng pakain, maaring hindi na 24 hours ang pagkain nila. Tandaan lang na sa panahong ito kahit ad-libitum pa rin ang pakain natin hindi ibig sabihin na hindi natin ipauubos muna ang pakain bago tayo maglagay.
Mas maige kasi na may panahon na ginugutom ng bahagaya ang mga sisiw para mag-galaw galaw ito at magiging aktibo, at maeehersisyo naman. Ang totong ad-libitum na pagpapakain ay para lang sa nga broilers. Ayaw kasi nating malikot ang mga broilers para mas madali itong tumaba at bumigat ang timbang.
Tandaan sa broilers ang mahalaga lang ay ang rate ng feed conversion into body weight. Sa gamefowl hindi timbang at laki ang pinakamahalaga kundi ang ehersisyo.
Sa panahong ito patuloy tao nagbibigay ng pro-biotic, MVE at anti-biotic na halo sa tubig. Ganoon pa rin ang sistema sa isang linggo 3 days anti-biotic, 4 days alternate ang probiotic at MVE.
Ang ating anti-biotic ay alternante din. Sa unang linggo ay sulfaquinoxaline, sa pangalawa, TMPS, pangatlo contramazine at sa ika-apat ay i-introduce natin ang mas matapangtapang na anti-biotic laban sa sipon tulad ng tiamulin at amoxycillin.
Ito ay dahil di magtagal ay nasa pagalaan na ang mga sisiw at mas matindi na ang pagka-expose nila sa kalikasan. Sa unang buwan na nasa lupa ang mga sisiw ang pinaka-delikadong sakit na dadapo ay ang coccidiosis. Sa susunod na mga buwan, lalo na pag inabutan na ng tagulan, sipon na naman ang dapat nating paghandaan.
Pinupurga natin ang mga sisiw sa pagtapos ng buwan na ito. Dahil sa loob ng isang buwan na nasa lupa sila maaring magkaroon ang mga ito ng bulate. Ulitin natin ang pagpurga bawat 45 days o kaya’y dalawang buwan.
Itutuloy bukas.
rey b art 673
For dec 7
Isa na namang matagumpay na Bakbakan
Kahapon mga kamana nilathala natin dito ang mga pangalan at numero ng mga primemovers natin sa iba’t-ibang concerns ng Mana sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon. Ngayon ang mga coordinators naman sa mga lugar na ito. Kung nais nyong sumapi sa Mana etext lang sa kanila ang inyong pangalan, lugar at hanapbuhay.
Mhon Dakay, Signal, Taguig 0927-442-2244, Andoy Malinao, Cavite 0919-320-2808; Isagani Dominguez, Bacoor, Cavite, 0928-394-7130; Ver Dacay, Taytay, Rizal, 0905-796-7200; Raymund Bersabe, Taytay, Rizal, 0916-383-0908.
Anthony Espinosa, Pasay Cockpit, 0906-238-8363; Col. Tito Corpuz, Teresa, Rizal, 0915-865-9236; Jun Santos, Teresa, Rizal, 0921-416-4359; Ferdie Sarino, Tondo, Manila, 0916-550-1355; Fred de Asis, Pampanga, 0910-578-6100; Boy Uy, Quezon City, 0906-378-3842; Ramil Bacsal, Cubao, 0921-592-0797; Jeff Urbi, Mandaluyong, 0928-711-3711; Bong Ferreras, Dasmarinas, Cavite, 0921-332-2231.
Dhong Palermo, Bagong Barrio, Caloocan, 0907-367-7634; Marlon Mabingnay (temporary), Cagayan Valley, Bulacan and Pangasinan, 0929-723-3573; Jessie Abonite, Bicol, 0916-770-5552, Boying Santiago, Bicol 0920-410-4812; Joel Guimaray, Nasugbo Batangas, 0920-890-7625. Loreto Casalhay, Sampaloc, Manila, 0918-271-3548.
Baka may nakaligtaan tayo, kung maari kung may coordinator na di natin na mention dito paki-advise po tayo nang maihabol natin.
Pinakikiusapan po natin ang mga coordinators na sa ngayon palang ay mag-organize na sila ng suporta sa unang pasabong natin ngayong darating na Enero sa Pasay cockpit. Sa pangatlong linggo ng Enero po yan. Di pa lang natin alam kung sa pangatlong Lunes ba o pangatlong Miyerkules.
Ibig po nating sabihin na mag-organize ng suporta ay ang sumusunod:
1. Hikayatin ang ating mga miembro na naglalaban ng manok na maglaban sa ating unang pasabong;
2. Mangumbida po tayo ng mga kaibigan at iba pang nagmamanok na maglaban sa ating pasabong;
3. Ipamalita sa mga kakilala at sa publiko ang ating darating na fastest kill ulutan. P1,100 ang entry fee 120,000 ang guaranteed prize.
Inaayos pa po nila kamanang Anthony Espinosa at kamanang Bong Ferreras ang iba pang detalye ng pasabong at benepisyo ng members.. Ang pagkakaalam ko ay may Mana Fighter of the year award at mayroon ding Mana fighter of the Month. May cash prizes po at iba pang premyo na mapupunta sa mananalo.
May mga benepisyo pong mapapala ang ating mga miembro. Isa na po dyan ang ating gamefowl dispersal program.
Gud am kamanang Rey may broodcock akong winner sa araneta bakit puro talo ang mga anak? Nakaapat na ang talo. Magaling sa bitaw. I-cull na ba ito? (ENZ 001284)
Ang apat kamana ay hindi pa conclusive na sample. Kunti pa lang yan. At saka, kung isa lang ang ina ng apat, maaring ang deperensya ay wala sa broodcock kundi nasa inahin. Pero bad na yan sa pogi points ng broodcock mo. Kaya kung gusto mong i-cull sige.
Ang gawin mo siguro kamana, kung mayroon kang record sa anak ng inahin sa ibang tatyaw, tingnan mo at baka masama din. Kung ganoon nasa inahin ang depekto.
May nabasa ako kamana na totong-totoo. Ang sabi ng may akda na sa isang masamang mating apat ang maaring dahilan genetically. Una parehong genetically masama ang ama at ina. Pangalawa masama ang ina. Pangatlo masama ang ama. Pangapat, parehong magaling sana ang ama at ina pero hindi nagkatugma ang kanilang genes.
Bukod pa sa genetics maaring ang dahilan sa masamang record ay ang kapaligiran at pagpapalaki. O pagpakain at pagkundisyon. Maraming factors kamana di lang ang galing ng broodcock.
Congratulations po sa mga nagwagi sa Bakabakan 10-stag championship na sina Jun Pe ng Zamboanga Gamefowl Breeders Association at John Daguio ng United Ilocandia Gamefowl Breeders Association. pareho po silang nag-score ng straight ten wins.
Congratulations din sa National Federation of Gamefowl Breeders (NFGB) para sa isa na namang matagumpay na Bakbakan stag championship. Bawat taon ay binabasag ng NFGB ang record numbers of entries sa taonang Bakbakan.
Ang Bakbakan ang pinakamalaking derby sa buong mundo at ng buong kasaysayan ng sabong kung dami ng kalahok ang paguusapan.
Bukas ipagpatuloy natin ang ating pagtalakay sa feeding program natin. Kahapon nasa pang apat na linggo na tayo. Bukas ang tatalakayin natin ay ang pakain sa pangalawang buwan ng sisiw.
Rey b art672
For dec 6
Mana organization
Doc Ayong Lorenzo, owner of Excellence Poultry and Livestock Specialist and El Dia gamefarm, celebrates his birthday today, December 6.
Happy Birthday Doc. How young are you? __ty pa!
Mga kamana, naumpisahan na po nating ma-organize ang structure ng Mana sa Metro Manila at nearby provinces. Ang mga sumusunod po ang naatasan na tumutok sa iba’t-ibang concerns ng Mana.
Para po sa inyong katanungan, pangangailangan at mungkahi maari po ninyong kontakin ang sumusunod:
Tungkol sa ating buwanang pasabong sa Pasay cockpit,Anthony Espinosa – 0906-238-8363. Si kamanang Anthony ay kasador sa naturang sabungan. Linggo hanggang Miyerkules ang pasabong nila. Nandoon si kamanang Anthony sa mga araw na ito. Ang ating unang pasabong ay sa third week of January po. Maghanda po ang inihanda na pa-premyo ni kamanang Anthony. Maghandahanda na po tayo ng mga manok.
Sa ating dispersal program, Jun Santos, 0921-416-4359. Si kamanang Jun ay konektado sa Bmeg. Maari rin nyo siyang kunsultahin hinggil sa nutrisyon ng manok. Handa na ang disersal farm natin sa Teresa, Rizal. Magpasalamat po tayo kay kamanang Col. Tito Corpuz. Sa kanya ang lugar na gagamitin natin.
Ang mag-aaral po sa mga benefits and welfare of members ay si kamanang, Bong Ferreras 0921-332-2231. Kung idulot po ay magkapagsimula na tayo ng ating welfare program kung swertehin na maganda ang kita ng ating pasabong. Kaya suportahan natin ang ating pasabong sa Pasay. Sali po tayo at mangumbida pa tayo ng mga kaibigan na maglaban at manuod.
Si Army Celis 0928-505-7345 ang mamahala sa ating training, seminars at iba pang activities ng Mana. Antayin po natin kung ano ang ilalaan nya sa atin sa susunod na taon. Inaasahan natin na maging mas aktibo ang Mana sa 2009.
Magpasalamat po tayo na kahit sobrang busy si kamanang Army, bilang presidente ng kanyang construction company ang AC Trojan Industries, Inc., may panahon pa siya para sa Mana at sabong in general. Si kamanang Army ay may magandang invention na mapakinabangan ng mga nagmamanok. Nakagawa po siya ng gloves na magiilaw pag tumama ang palo ng manok.
For general information about Mana, si Dan Baltazar, 0910-485-2134 ang makasasagot. Sa ating gamefowl technology transfer naman ang in-charge ay si Marlon Mabingnay –0929-723-3573. Si kamanang Dan at kamanang Marlon po ang mga pinakaunang naglingkod para sa Mana sa Metro Manila area.
Magdadagdag pa tayo ng mga concerns kaya kung may naisip kayo o kaya’y gusto nyong magvolunter bilang primemover o coordinator magtext lang po kayo sa atin.
Feeding program party 4 - 4th week
Sa linggong ito ay patuloy nating pini-phase out ang chick booster. May ibang programa na stag developer ang dahan dahan nilang pinapalit. Ngunit batay sa ating karanasan, malalaki pa ang micro-pellets tulad ng stag developer para sa mga mag-iisang buwan palang na sisiw.
Sa atin dahan dahan nating wina-wala ang chick booster ngunit ang pinapalit natin ay bsc, at baby stag developer o kaya’y jr starter na parehong crumbles. May corn grits pa rin pero yong medyo malalaki na ang butil.
Ang mangyayari pagkatapos ng linggong ito ang pakain natin ay 30% corn, 30% bsc at 40% jr starter o baby stag developer.
Sa unang buwan po ay ad libitum ang pakain natin. Walang limit, hanggang sawa. At dahil may ilaw pa ang brooder, ibig sabihin 24 hours may pakain ang mga sisiw.
Ang ating suplemento ay ganoon parin. Ngunit ang ating anti- biotic ay yong mas marami ng sulfaquinoxaline. Ibababa na kasi natin ang mga sisiw galing brooder na may sahig papuntang brooder o pen na nasa lupa. Ang pen na nasa lupa ay linalagyan natin ng rice hull para mas malinis at mas masaya ang mga sisiw sa pagkakha. Nakakatulong din ang rice hull sa pag-bigay ng init sa gabi.
Ang sulfaquinoxaline ang panlaban natin sa coccidiosis na malimit umatake sa sisiw na bagong baba sa lupa. Ipagpatuloy pa rin natin ang pro-biotic. Pag may sobrang pro-biotic o lactobacillus mixture ay sa loob ng pen itapon. Ang probiotic ay makakatulong sa paglaban ng bad bacteria na nasa lupa. Ito din po ang ginagamit nating preventive disinfectant ng lupa. Ayaw nating gumamit ng chemicals, maliban lang kung talagang emergency at kailangan na malinis agad-agad ang lupa.
Mabilis ang bisa ng chemical laban sa mga mikrobyo. Pero di naman ito makakabuti sa lupa in the long run. Samantala, ang organic at probiotic na sistema ay nangangailangan ng mas mahabang panahon upang gumana. Ngunit wala itong masamang epekto sa lupa. Sa kalaunan mas maka benepisyo pa ang lupa na patuloy na ginagamitan nito.
Ganoon din po sa katawan. Kung kailangan ang immediate na gamutan, anti-biotic po ang ating kinakailangan. Pero may risk ito. Dahil mamatay pati ang good bacteria at hihina ang immune system ng katawan. At saka ang patuloy ng paggamit ng isang uri ng anti-biotic at maaring ma-immune ang mikrobyo at wala nang bisa ito laban sa sakit.
Kaya nga ang sabi nila, dahil sa patuloy nating paggamit ng anti-biotic, ang mga bacteria daw ngayon ay nakasakay sa tangke at ang mga air-borne virus ay nakasakay sa eroplano.
Rey b art671
For dec 5
Sa sabong hindi sugal ang mahalaga
Kamana natalo kami sa laban, pero ito ang talo na nakita’t narinig mo sa mga tao yong paghanga nila sa ginawa ng manok. Extreme performance! Talo man ay panalo naman sa paghanga. Kilikili lang ang tama ng manok isa lang. Naranasan ko na ang Mana way of conditioning and still learning. Salamat kamana, wala kang masabi talaga. Hanggang ngayon masaya pa ako. Talo na masaya pa. ( Dhong Palermo 001693)
Talagang ganyan kamana, may talo may panalo. Ang mahalaga ay kuntento ka sa kilos ng manok at masaya ka kahit talo. Maganda ang attitude na yan kamana.
Mangyayari lang ang ganyan na dahil sa performance ng manok, masaya tayo kahit talo, kung, ang ating pusta ay hindi masyadong mabigat para sa atin.
Yan ang sinasabi natin palagi kamana na hindi dapat pumusta ng halaga na kung matalo ay siguradong malungkot tayo, kundi man aburido.
Magtipid sa gastos, dahandahan sa pagpusta. Hindi na maging kasiyasiya ang sabong kung ito’y makaapekto na sa bulsa.
At saka, upang maipakita natin sa buong mundo na sa sabong, hindi ang pagsugal ang mahalaga.
Si kamanang Dong ang coordinator natin sa Caloocan. Sa Bagong Barrio ang base nya. Kmanang Dhong, maghandahanda kayo ng mga manok para sa pasabong natin sa third week of January sa Pasay.
Siyanga pala, kung sino ang gustong magpa-miembro ng Mana sa bandang Caloocan, magtext lang kay kamanang Dhong, 0907-367-7634.
Sir gud day. Maganda ang nilaro ng manok ko kahapon. Salamat sa mga tips na nabasa ko sa Tumbok. (11:56:50am Dec 1, 2008)
Ito pa isa. Di mo nasabi kamana kung nanalo o natalo. Ang sabi mo lang dito ay magaling ang nilaro ng manok mo. Siguro, tulad ni kamanang Dhong, ang performance ang mahalaga sa iyo.
Gud eve po sir Rey. Alin ang mas okey ang lacy roundhead o ang cowan roundhead (08:29:41pm Dec 1 2008)
Ito na naman ang tanong na napakahirap masagot.
Kamana di po natin masagot yan dahil hindi naman lahat ng lacy roundhead ay magkatulad ang hitsura at galing. Ganoon din po ang Cowan. Yan po ang pabalikbalik natin sinasabi dito. Di po natin mabatay sa pangalan ng lahi lang. Dapat more specific. Maaring partikular na pamilya o indibidwal na mga manok.
Halimbawa pwede nating sabihin alin ang magaling sa lacy roundhead ni breeder no. 1 o ang Cowan ni breeder no. 2. O kaya’y partikular na manok, halimbawa alin ang magaling ang lacy na ito o ang cowan na iyon.
Huwag po ang pangalan ng lahi ang gawin nating batayan. May lacy na magaling may lacy na bulok. May cowan na magaling may cowan na bulok. Nagtataka nga ako sa iba para bang ang tingin nila sa manok ay magkatulad basta magkatulad ang pangalan ng lahi.
Halimbawa may mga magsasabi agad na magandang i-cross ang roundhead sa hatch. Ba’t nila masabi? Hindi naman lahat ng roundhead ay magkaparehas ang katangian. Ganoon din ang hatch.
Generalization na tulad nito ay maaring makapagtulak sa mga baguhan nating kapatid sa kapahamakan sa kanilang pagmamanok.
Mga kamana huwag kayong magtaka o ma-bored kung may mga katanungan na magkatulad at pabalikbalik nating sinasagot dahil mahalaga naman. Ito ay nagpapakita lang ng parami ng parami tayo dito sa Tumbok. Bawat araw ay may madadagdag na bagong mambabasa na hindi pa nakabasa sa mga tinalakay na natin.
Feeding program part 3
3rd week. Days 15-21
Sa first half po ng linggong ito ay puro chick booster pa rin ang pakain natin. Simula sa day 19 dahan dahan nating hinahaluan ng corn grits para unti-unting bumaba ang antas ng protein at ang halaga ng ating pakain. Umpisa na tayong magtipid.
Sa day 19 haluan ng 10% corn grits Sa day 20 ay 20% sa day 21 ay 30% na ang corn grits. At upang mas makatipid pa dahan dahan din nating hinahaluan ang chick booster ng bsc o broiler starter crumbles. Ganoon din po ang sistema. 10%,20% at 30%.
Sa makatuwid pagdating ng Day 21 ang ating halo ay 40% chick booster, 30% bsc at 30% corn grits. Malaki po ang matipid natin dito. At hindi naman gaanong bababa ang CP natin dahil ang bsc ay may 22%-23% crude protein din tulad ng chick booster.
Nasa 18% to 19% pa rin ang CP ng halo na ito. Sapat na ito. Para sa atin sa unang dalawa o tatlong linggo lang kinakailangan ng sisiw ang napakataas na protein.
Ang supplement po natin sa linggo ito ay katulad ng sa 2nd week. 3 days anti-biotic, Tapos alternate ang probiotic, at vitamins and electrolites sa nalalabing 4 na araw. TMPS o cotrimazine na ang anti biotic natin sa linggong ito. Ganoon pa rin plain water sa gabi.
Itutuloy bukas.
Rey b art670
For dec 4
Feeding program part 2
Salamat bai!
Naka-champion gyud ko bai. 5-cock 1M niadtong Nov 12, 13 & 15 b-day ni way kurat Cong. Manuel Zamora sa Monkayo, ComVal. Imo ponkan material ang gigamit nako. (J. Caballero, Bansalan, Davao del Sur, 09:05:48pm Nov 30, 2008)
Si Bebot Caballero po ito ng Bansalan, Davao del Sur. Noong 2006 ay nakakuha siya sa atin ng ilang pirasong battlefowl at nilaban niya sa Araw ng Davao derby. Nag score po ng 4 wins 2 losses. Dahil nagandahan siya sa resulta, kumuha siya sa atin ng ponkan trio.
Ang mga anak ng triong iyon ang nag-champion kamakailan sa 5-cock 1M b-day derby ni Cong. Way Kurat Zamora.
Ang ating ponkan nga pala ay ay bloodline na nanggaling sa isang sweater cock na pinangalanan kong ponkan dahil sa kulay ng balahibo at paa. Nakuha ko ito sa aking kaibigang Art Panuncillo, may-ari ng Pacific Barato agrivet.
Si ponkan ay palahi po ni Doc Ayong Lorenzo ng El Dia Game Farm at Excellence Poultry and Livestock Specialist.
Ang ponkan, na bloodline ay may 5/8 na dugo ni ponkan, ang manok. May halo na ang ating ponkan bloodline ng dugo ng roundhead ni Lance de la Torre at lemon 84 ni Paeng Araneta.
Salamat sa ponkan broodcock nga imo gipadala nako last year. The best. (Budz Esguerra, Matalom, Leyte, 12:23:26pm Nov 26, 2008)
Si Budz naman na taga- Leyte ay nakakuha ng ponkan broodcock at ilang pirasong klase-klaseng hens. Ngayon ay gusto naman siya kumuha ng additional materials.
Ang ponkan broodcock na tinutukoy ni Budz ay ang #20 mark, right nose- right in, kapatid ng na kay Bebot.
One male at 4 female biddies ang nabili ko sayo, April 2006. Paglaki nila breed ko sila. Nilaban ko ang male nanalo pero namatay. Mga anak nya ang laman ng small sized-farm ko ngayon. Mga 40 heads. ( Engr Bert Agsalud, Asingan, Pangasinan, 12:10:45pm, Nov 30, 2008)
Ang broodcock na ito ay ponkan#19 ang mark, right nose- double right, ang mga females ay crosses ng Dink Fair sweater at Bobby Fairchild kelso na parehong imported na galing kay Boss Manny Berbano ng Pit Games at Libangan ng Bayan.
Si Engr. Agsalud ay ganoon din. Gusto na namang kumuha ng broodcock dahil ang broodcock na galing sa atin ay inilaban nya at namatay ng manalo. Ang kinuha noon ni Engr Agsalud ay ang offer ng RB Sugbo na tinatawag nating starters’ set. Isang pure na 2-3 months old male at 4 na 2-3 month-old crosses na female.
Ang halaga po ng starter set na ito ay P5,000 lang. Napakamura para sa makabili, dahil halos yon na rin ang halaga ng isang 2-3 month old pure male natin noon. Bale libre ang 4 na females.
Para sa atin naman, ang mga crosses na female ay kina-cull natin, bakit di na lang natin ipamahagi ng mapakinabangan pa ng iba.
Sina Bebot, Budz at Bert, ay mga pangkaraniwang sabungero. Si Bebot ay taga Mindanao, Si Budz, taga-Visayas, at si Bert ay taga-Luzon. Sila ay iilan sa mga suki at clients ng RB Sugbo na kamakailan nagtext upang ipamalita sa atin ang kanilang progreso.
Kahit noong wala pa ang Mana, ang RB Sugbo ay naglilingkod na sa mga pangkaraniwang sabungero sa Luzon, Visayas at Mindanao pamamagitan ng pagbenta ng quality materials sa abot-kayang halaga at pamahagi ng kaalaman.
Inalok nga natin si Bert na kung malapit lang ang lugar nya, ang Asingan, Pangasinan sa Anda, Pangasinan, ay ipabisita ko ang farm nya kay kamanang Marlon Mabingnay upang ma-assess at baka may ikatulong tayo.
Nandoon kasi si kamanang Marlon sa Anda, sa RCF Farm ni Richard Espanol , para sa isang hands-on-at-farm training ng mga kamana natin doon. Malayo raw ang Asingan sa Anda.
Feeding program part 2-- 2nd week
8-14th day—Puro chick booster pa rin ang ating pakain. Dito ay nagbibigay na tayo ng anti-biotics. Ang ginagamit natin ay tetracycline lang muna o ang mga variants nito. Sa days 8, 9 and 10 natin ito binibigay. Sa days 11 at 13 pro-biotics na naman tayo. MVE sa days 12 at 14. Bale sa unang 3 araw ng linggo anti-biotic at sa susunod na 4 na araw alternate natin ang pro-biotic at MVE.
Tantyahin lang natin na ang tubig na may gamot ay mauubos nila sa buong araw. Sa gabi po plain water ang binibigay natin. Sa umaga na natin palitan uli ng may gamot. Ito ang ating sistema palage.
Sa panahong ito may ilaw pa ang brooder kaya 24 hrs dapat na may pakain at tubig ang mga sisiw. Nagsisimula nang dumami ang balahibo ng sisiw sa pangalawang linggo kaya magingat na tayo na di sobra ang temperatura sa loob ng brooder.
Kapag ang mga sisiw ay nasa dulo na ng brooder, sa pinakamalayo sa ilaw, ibig sabihin sombra ang init. Palitan natin ang bombelya ng mas maliit na watts o kaya iangat natin ang ilaw ng kaunti.
Kapag ang sisiw naman ay nasa malapit sa ilaw, ibig sabihin kulang ang temperatura.
Itutuloy natin ito bukas.
rey b art669
For dec 3
Feeding program
Kamana, Miyerkules po, Dec 3 ang libing ni yumaong kamanang Eduardo V. Dacumos, 001790. Alas 7:30 ng umaga sa sementeryo ng Tipas, Taguig. (kamanang Mhon Dakay 001107)
Nasa Visayas po ako kamana at di makahatid ni kamanang Eduardo sa kanyang huling hantungan, sa mundong ito. Ngunit baon po nya ang ating dasal at dasal ng iba pa nating mga kamana.
Sumalangit nawa ang kaluluwa ni kamanang Eduardo.
Good Day kamana. Si kamanang Ferdinand ito. Sana naman P550 na lang ang entry fee at 1,100 ang minimum bet. Para naman di masakit sa dibdib, for friendly game lang. At may supplier kausap ko tungkol sa Mana cap design. E-benta natin sa grupo ang kikitain ay pundo ng Mana. P200 ang isa. Okey ba ito?
Si kamanang Ferdinand Sarino ay coordinator ng Mana chapter na naka-base sa Tondo, Manila. Ang tinutukoy nya ay entry fee at minimum bet sa ating darating na buwanang pasabong sa Pasay cockpit simula Enero.
Okey yan kamana para abot kaya ng karamihan ng ating mga kamana. Pero si kamanang Anthony Espinosa ang makapagsasabi kung talagang okey nga yan. Siya ang inatasan natin na mamahala sa ating mga pasabong, dahil bilang isang propesyonal na kasador sa Pasay ay alam nya ang pasikot-sikot sa mga pasabong doon.
May posibilidad kasi na okey lang ang halagang iyan para sa atin, ngunit may iba, lalo na ang mga regular na nag-lalaban sa pasay na hindi miembro ng Mana, ang maliliitan at hindi na mainganyong sumali. Kung sakali, malaki din ang mawala sa atin, kamana, in terms of participation.
Pakinggan muna natin ano ang masasabi ni kamanang Anthony. Kung sa palagay nya di makabubuti, ipatuloy na lang natin ang nakasanayang 1,100 na entry fee. Hindi naman siguro malaking problema yan. Magbakasbakas lang tayo. Ang mahalaga may manok tayo na ihanda at ilaban. Ang pera ay mahahanapan natin ng paraan. Lalo na kung maganda at magaling ang manok natin.
Kaya mag handa tayo ng manok at mangumbida tayo ng mga kaibigan na lumaban sa ating pasabong simula 3rd week of January. Mas malaking kita ng pasabong mas maraming benepisyo ang ating mabibigay. Sa araw ng pasabong palang mismo ay may mga benepisyo na tayong ibibigay. Doon at doon pa lang ay ibabalik na natin agad sa mga sasali ang bahagi ng kikitain.
Hinggil sa Mana cap, kamana, okey yan at nang magkapundo naman ang chapter nyo. Si kamanang Isagani ng Cavite ay may ganyang proyekto. Mana travelling box naman ang ginagawa nya. Basta resonable lang ang presyo at may kunting pundo ang chapter nyo ayos yan.
Feeding program
Kahapon ay naipangako natin na ilathala dito ang feeding program ng RB Sugbo mula day 1 hanggang sa maintenance stage. Tulad ng nasabi natin kahapon, ang ating programa ay halos parehas lang sa mga programa ng iba’t-ibang kumpaniya ng feeds at gamot.
Kunti lang ang kaibahan. Kalimitan ang mga kaibahang ito ay dahil sa una, gusto rin nating makatipid, at pangalawa, dahil hindi tayo konektado sa alin mang mga kumpaniya, tayo’y malayang gumamit ng kahit alin sa mga available na brands. Kung alin ang mas nagustuhan natin, batay na rin sa economic consideration na magtipid, doon tayo.
Ito ang ating feeding program:
Unang araw—tubig lang na may kunting asukal, May sustansya pa ang sisiw na galing sa nakuha nito sa itlog.
Pangalawang araw- umpisahan na nating magbigay ng chick booster. 21-22% ang crude protein ng chick booster. Maari na rin nating haluan ng MVE o multivitamins with electrolytes ang tubig.
Pangatlo at pang-apat na araw- chick booster at MVE pa rin.
6th- 7th day—puro chick booster pa rin. Ang hinahalo natin sa tubig sa mga araw na ito ay pro-biotics. Yong lactobacillus.
Kung napapansin nyo sa unang linggo ay di pa tayo nagbibigay ng anti-biotics. Ang punto natin dito ay di pa kailangan dahil ang sisiw ay mayroon pa sa tinatawag na natural immunity at ito’y magtatagal hanggang dalawang linggo.
Kaya sa unang linggo, sa halip na gamitan natin ng anti-biotics na maari pang makamamatay pati sa mga good bacteria, ang ginagawa natin ay ang mas palakasin pa ang kanilang immune system pamamagitan ng pagbigay ng bitamina, mineral, at pag-introduce ng pro-biotics sa kanilang sistema..
Ang pro-biotics ay ang pag-paparami ng mga good bacteria upang maging panlaban sa bad bacteria. Kung mas malakas ang good bacteria kaysa bad bacteria sa katawan, ito ay magiging malusog at ligtas sa sakit.
Ang paggamit ng pro-biotics ay isa sa mga kaibahan ng sistema ng RB Sugbo sa mga nutrition programs ng mga kumpaniya.
Ituloy natin bukas.
Rey b art668
For dec 2
Mga kontra sabong: “Back off”
Good pm kamana. Malapit na matapos ang 10-stag Bakbakan derby baka manggulo na naman ang Peta. Dapat nag hahanda ang Mana para harapin sila. (Bien Mazo 001346)
Salamat sa paala-ala mo kamana. Maaring mangyari yan tulad ng ginawa nila sa world slasher. Sige lang kamana kung gagawin nila yan, kundi man tayo makapag-react agad-agad, sisikapin ng Mana na magsagawa din ng sariling kontra-pagkilos.
Kaya ngayon palang ay may babala na tayo sa kanila:
“ Back off.”
Kamana gud morning po. Dito na po me sa Pangasinan. Eto yong farm nya RCF Farm. Owner Richard Espanol. Dito ito sa Anda, brgy Dolaon. Uumpisahan ko na po ang two-week na pagtrain sa mga kamana natin dito sa pamamaraan ng RB Sugbo.
Ang nag-text po na ito ay si kamanang Marlon Mabingnay. Nasa RCF Farm siya ngayon sa Anda, Pangasinan upang sanayin ang mga kamana natin doon sa pamamaraan natin sa pagmamanok.
Ang mga ganito po ay bahagi ng “hands-on-at-farm program ng RB Sugbo, at ngayon ng Mana, sa mamahagi ng kaalaman sa mga masang sabungero.
Si kamanang Marlon ay ang gamefowl technologist ng RB Sugbo sa Luzon. Una pong binisita ni kamanang Marlon ang JT Northern Star sa Tuguegarao. Mga ilan buwan din siyang nanatili doon, hindi lang upang i-share ang RB Sugbo technology kundi ang matoto rin sa pamamaraan ng JT Northern Star at nang maipamahagi rin ito sa iba.
Sa parte po ng RB Sugbo, libre ang programang ito. Hindi po tayo humihingi ng kahit ano mang bayad o kapalit. Ang magagasto lang po ng mag-papatrain ng mga tauhan ay ang meals ni kamanang Marlon habang na sa client farm siya at kaunting allowance.
Kung interesado po kayong maka-avail sa programang ito ay kontakin lang si kamanang Marlon, 0929-723-3573. Direkta lang kayong mag-usap at nang ma-schedule ang hands-on- at-farm training nyo.
Kamana magandang morning po. Maari po bang malaman ang feeding program nyo sa mga sisiw. May mga feeding program naman po ako ng mga programa ng iba’t-ibang kompanya, tulad ng naisulat mo minsan. Nais lang po namin kamana na malaman ang sa iyo at nang makumpara namin. (10:34:55am Nov 25 2008)
Kamana, ayos naman yang mga feeding program mga iba’t-ibang kumpaniya ng feeds at gamot. Pinag-aralan nila ng husto yan at saka sa totoo mas capable silang makapag-aral ng husto kaysa atin.
Kung pagmasdan natin maige, halos magkapareha lang ang kanilang mga programa. Magkaiba lang ang pangalan ng pakain o gamot. Ito ang tinatawag na brand names. Dahil nga may kanya-kanya silang produkto.
Ngunit kung tingnan natin ang generic names ng mga pakain at gamot na ito, halos magkaprehas lang.
Ang ating programa ay halos katulad lang din ng sa kanila. Kaya lang libre tayong gumamit ng kahit anong brand sa pakain at gamot at libre din nating ituro ang mga ito dahil hindi tayo konektado sa alin man sa mga kumpaniya. Ang mas nagustuhan natin ay siyang ating ginagamit.
Kaya lang may ibang bagay din tayong kinukunsidera. Tulad ng availability ng partikular na brand sa lugar natin. Paminsan-minsan ay may kaibigan tayo sa isang kumpaniya na maaring maka-influence sa atin. Okey lang ito kung talaga namang pupwede ang produkto nya. May pagkakataon din na ma-influence tayo sa commercials at advertisement.
Ngunit isa sa mga pinakamahalagang kunsiderasyon ng RB Sugbo ay ang pagtipid.
Bukas kamana, isusulat natin dito ang feeding program natin mula day 1 hanggang sa maintenance stage.
Isang malungkot na balita mga kamana. Pinagbibigay alam po ni kamanang Mhon Dakay ang ating coordinator ng Mana chapter sa Signal, Taguig, na isa sa ating mga kamana doon ang pumanaw.
Si kamanang Eduardo V. Dacumos, 001790, ay sumakabilang buhay noong Nov 26, 2008. Siya’y 35 years-old palang at binata. Kumplikasyon daw po sa internal organs ang dahilan. Sa pagsulat ko ng pitak na ito noong Linggo, wala pang desisyon kung kailan ang libing.
Ang pag-yao ni kamanang Eduardo ay isang kawalan ng ating kilusan. Ang kanyang pagsapi sa Mana ay pagpapakita ng kanyang pakipag-isa sa ating mga layunin at adhikain.
Ang ating taos puso pong pakikiramay. Ipagdasal po natin ang kanyang kaluluwa. Kung gusto nyo pong ipaabot ng personal ang inyong pakikiramay maari nyong kontakin si kamanang Mhon, 0927-442-2244.
Rey b art667
Dec 1
One-two na palo
Sir gud pm ask ko lang ang tamang paggamit ng B15 at ribose na nabanggit sa manwal? (SID 4-0034)
Sundin lang ang nasa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon Kamana. O kaya’y ang nakalagay na instruction sa label. Kung gusto nyo pa ng mas detalye, e-text nyo si Doc Jun, 0928-502-5957.
Pero yong nakalagay sa Manwal, kamana, ay detalyado at okey din yan. May kabanata sa Manwal hinggil sa blood conditioning yan ang basahin maige at mauunawaan nyo kung bakit gumagamit tayo ng pangamic acid o b15.
Ang hinggil naman sa ribose ay mababasa nyo sa kabanata sa pointing o pagpatuktok at sa conditioning pyramid, peaking stage.
Sir Rey gud pm. Paano po ang pagturok ng B complex? Kasi nagturok ako sa pitso bale hindi ko ibinaon sa laman ang karayom tama ba? May panlaban ako sinunod ko lahat ang mga tips mo sa Tumbok. (Pete 001416)
Salamat naman kamana at palagi mong sinusubaybayan ang Tumbok. Bukod pa sa ating pagsubabay kamana, ipamalita natin ang Tumbok sa ating mga kaibigan, upang lalo tayong masaya dito sa Llamado tayo at sa Libangan ng Bayan., ni Boss Manny Berbano.
Karamihan sa mga b complex na injectable ay intra-muscular. Ibig sabihin sa kalamanan ituturok ang karayom. Hindi naman kailangan masyadong malalim basta sa kalamnan o muscle iturok.
Sa pitso ang maige magturok, kamana, dahil walang ugat na maaring tamaan. May mga b comlex na tableta o capsule. Pwede ring ang mga ito ang gamitin natin mas simple at madaling ibigay.
Ang advantage lang ng turok sa subo, ay sa bilis ng epekto. Mas mabilis ang epekto kung iturok.
Kamana, ano itong tinatawag na manok na one-two puncher ang istilo. Magaling ba ito? (RTG T-09054)
Aywan kung tama ako kamana ang malimit kung marinig na tinutukoy na one-two punch ay ang pagkakataon na ang manok ay makangat at pagdating sa lupa siya pang unang makapalo. Mangyayari ito kamana kung ang manok moy ay talagang malakas at diin magpatama sa ere na maging dahilan na off-balance ang kalaban pagdating sa lupa.
Kung mas mataas ang lipad ng manok mo at walang gaanong kontak o di ma-off balance ang kalaban pagdating sa lupa, malamang na mauunahan ang iyong manok sa pagpalo dahil huli itong lalapag. Hindi ito maka-one two punch.
Kung tutuusin, ang tawag na one-two punch ay maaring gamitin sa pagsa-larawan ng kahit anong dalawang magkasunod na palo. One-two, eh. Samakatuwid kahit dalawang magkasunod na palo sa ibaba, di ba?
Magaling ang manok na makakagawa ng one-two kamana. Bukod sa pagkakataon o oportunidad, kailangan din na taglay ng manok ang sapat na liksi at bilis upang magawa ito.
Kamana, may narinig ako na linyada na 5,000 dollar daw ni Dink Fair. Ano ito kamana at bakit tinawag na ganito? Anu-ano pa ang linyada ni Dink Fair kamana? Magaling daw ang mga Dink Sino naman ang mayroon ng mga ito sa mga tanyag na breeders sa Pilipinas?( Bob 004238)
Isa yan sa mga tanyag na linyada ni Dink Fair kamana. Si Dink Fair ay sikat na American breeder. Kilala si Dink sa kanyang mga sweaters. Ang 5,000$ line ay pinangalan sa isang manok na gusto sanang bilhin sa halagang iyon ngunit hindi pinagbili ng may-ari at ginawang brood cock.
Ang orihinal na may-ari ay si Carol Nesmith ngunit napahiram nya ang manok na ito sa mga kaibigan kaya napunta ang linyadang ito sa iba’t-iba nyang kaibigan na breeders.
Tingnan natin kamana kung maka reasearch tayo sa iba pang linyada ni Dink Fair at ilathala natin dito. Ang iba pang linyada ni Dink Fair na narinig ko ay ang possum, cash, landmower at ang golden boy.
Ang kilalalang breeder ng mga Dink lines dito sa atin ang ang Red Gamefarm nina Edwin Aranes at Raffy Campos. May nabasa rin akong artikulo kung saan nabanggit ni Dink mismo na ang paborito nyang buyer dito ay si Bebot Uy ng Davao.
Narinig ko rin na may matalik na kaibigan si Dink na Pilipino, at iyon ay si Atty Jun Mendoza ng JM Fantastic. Ang mga linyada ni Atty Mendoza na galing kay Dink ay hindi raw basta-basta, kundi ang mga personal lines ni Dink.
Mayroon tayo sa JT Northern Star sa Tuguegarao iilang broodcocks na Dink Fair, tulad ng sweaters, green legged sweaters, greys. Lahat, pawang napakagaling.
Welcome. To read the articles, please click post link or month, then subsequent post link.
Ponkan broodcock
Another ponkan
Mana: Dami at Pagkakaisa
Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.
2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.
3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.
4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.
Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.