Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.

Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.
Ganap na sabong site. Forums, kaalaman, balita, at iba pa para sa inyong kasiyahan at kapakanan.

Tuesday, May 5, 2009

Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon


Ang Manwal
Ng
MANA
Sa
Makabagong Pamamaraan
ng
Pagpili at Pagkundisyon
Inihanda ng RB Sugbo Gamefowl Technology





RB Sugbo GT: Isang Sulyap
Sa magandang mukha ng sabong

Isang makapagpatunay sa kabutihan na maaring maidulot ng sabong ay si kamanang Rey Bajenting, isang masang nagmamanok. Isang masang nagmamanok na nakakita sa magandang mukha ng sabong.
Ipinanganak, October 15, 1954, si kamanang Rey ay nagsimulang nagmanok noong 1965, sa murang edad na sampung taon. Ang kanyang ama, Clod Bajenting, isang tanyag na peryodista sa Cebu at ng Manila Chronicle at inang si Manuela Kintanar ay parehong Cebuano.
Sa loob ng mahigit apat na dekada sa sabong, si kamanang Rey ay nagsimula bilang handler at conditioner, Sa dekada 70 at 80 siya’y kabilang sa mga pinakatanyag na handler-conditioner sa Cebu. Ang kinita niya dito ang kanyang pinagsimula ng pamilya.
Sa kabutihang palad at dahil na rin sa kanyang tagumpay sa pagmamanok lahat ng kanyang limang anak ay nakapagtapos sa kolehiyo. Si Duke (pinangalan kay Duke Hulsey, ang sikat na Amerikanong breeder), ang panganay, nakapagtapos na summa cum laude sa kursong Business Administration with Accountancy sa University of the Philippines, Diliman; naging editor-in-chief ng Philippine Collegian, at nag no. 1 sa CPA board examination noong taon 2003. Si Duke rin ang kaunaunahang Pilipino na nakasungkit ng 1st place sa buong mundo sa taunang pasulit ng Certified Internal Auditors (CIA) na ginanap sa Chicago, USA. Siya ngayon ay nagtratrabaho sa isang malaking multi-national consultancy firm.
Si Ace (pinangalan sa ace cock o manok na alas), ang pangalawa, ay nakapagtapos sa kursong Computer Engineering sa University of San Carlos bilang scholar ng DOTC. Siya ngayon ay konektado sa isang malaking Japanese IT company.
Ang tatlong anak na babae, Si Contessa ay graduate sa education sa Normal State University; si Reyna sa Economics sa UP, Diliman; at si Queenie sa Journalism sa University of San Jose Recoletos. Lahat sila ay may kanyakanyang magandang hanapbuhay.
Ang maybahay ni Kamanang Rey, si Elizabeth Maglinte ng Lawaan, Eastern Samar ay may masters degree in Public Administration at kasalukuyang empleyado ng kapitolyo ng Cebu.
Mula 1985 hanggang 1999 pansamantalang iniwan ni kamanang Rey ang aktibong pagsasabong. Sa loob ng panahong iyon, kahit hindi nakapagtapos ng pormal na edukasyon, siya’y naging mamahayag at editor ng ilang peryodiko sa Cebu; public information officer ng Mandaue City; legislative staff chief sa Congress; consultant to the Governor of Cebu; at executive assistant sa Malakanyang.
Taong 2000 nang siyay bumalik full-time sa pagmamanok bilang isang breeder at manunulat sa Pit Games at Llamado magazine, at ngayon, pati na rin sa pahayagang Tumbok, na pinagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications.
Ang pagsulat niya sa Pit Games at Llammado ang tinuturing niyang hagdan upang magawa niya ang gusto niyang gawin alangalang sa sabong. Dito malaki ang kanyang pagsasalalamat kay Manny Berbano.
Taon 2002, binuo niya ang RB Sugbo Gamefowl Technology, na ang pangunahing layunin ay ang tumulong sa mga ordinaryong sabungero. Ito’y bilang ganti sa mga biyayang naibigay ng sabong sa kanya.
Kabilang sa mga serbisyo nito ay ang pagkukundisyon ng manok. technology transfer sa mga client farms, at marketing assistance. Nagpapalahi rin at ipinagbibili ng RB Sugbo ang mga palahi sa mga common sabungero sa abot-kayang halaga. May dalawang linyadang nabuo ang RB Sugbo, ang ponkan at ang blakliz na pinangalan niya hango sa pangalan ng asawang si Liz. Ang production farm ng RB Sugbo ay nasa Lawaan, Eastern Samar. Ito’y pinamamahalaan ng mga bayaw niya na sina Jose, Gerardo Jr, Ruben at Patrocinio Maglinte.
Bukod sa mga ito, ang RB Sugbo ay patuloy na nag sisiyasat, nagsusubok, at nagtutuklas ng mga epektibong pamamaraan sa pagmamanok, upang ipamahagi naman sa mga masang sabungero pamamagitan ng pagsusulat at pagpaseminar.
Dalawang beses dinala ng RB Sugbo ang TJT Cocking Academy sa Cebu. Una noong May 2006. Inulit noong May 2007.
Ang RB Sugbo aktibo rin sa pag-promote ng sabong.
Noong taong 2005, ginanap ng RB Sugbo sa Cebu ang kaunaunahang short knife derby dito sa bansa. One-inch lang ang haba ng tari. May mga sumaling taga ibang bansa. May 2 Amerikano, may Puerto Rican, at may entry na nanggaling sa Malaysia.
Sa 2006, nakipagugnayan ang RB Sugbo sa Cyberfriends, samahan ng mga sabungero na nakabase sa ibat-ibang bansa, na pinamumunuan ng kaibigang si Raul Ebeo, sa pagtanghal ng Cyber Cup global derby. Halos isang daan entries galing sa Cebu, Mindanao, Luzon at maging sa labas ng bansa ang sumali.
Sa paligsahang iyon, sa 20 ka manok na kinundisyon at linaban ng RB Sugbo, 15 ang nanalo, 2 ang tabla at 3 lang ang talo. Isang entry ng RB Sugbo, ang kabilang sa mga nagkampeon (manok ni Lito Garcia ng Manila na kinundisyon ng RB Sugbo).
Masasabi na rin na sa maikling panahon mula nang ito ay matatag, may kasaysayan na ang RB Sugbo hindi lang sa paglalaban, pati na rin sa pagtaguyod sa sabong at kapakanan ng mga sabungero.
Si kamanang Rey ay dati na ring namahagi ng kaalaman at nagpabatid ng mga balita sa pagmamanok pamamagitan ng kanyang pitak at mga artikulo sa Pit Games at Llammado magazine. At ngayon pati na sa pahayagang Tumbok. Dahil arawaraw ang pitak niya sa Tumbok, at ang Tumbok ay tinatangkilik ng daandaang libo, siya ngayon ay binabasa na ng napakaraming masang sabungero. Ito’y katuparan ng kanyang layunin na makatulong, at, tinatanaw nyang malaking utang na loob sa Tumbok.
Ngayon ay maglalabas ang RB Sugbo ng serye ng mga manwal sa ibat-ibang aspeto sa pagmamanok, mga modernong pamamaraan na makatulong sa inyong pagaaral ng larong sabong. Ito ang una, ang “Manwal ng MANA sa Bagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon.”
Kasama ni kamanang Rey sa pagsulat ng mga babasahin na ilalabas, si Steve del Mar, ang research, information and technology director ng RB Sugbo.
Dating editor ng Kaunlaran magazine ng San Miguel Corp, si kamanang Steve ay co-author ni kamanang Rey sa darating na libro na pinamagatan The Edge: Secrets Learned from the Masters, na ilalathala ng Llamado Publications.
Si kanamang Arturo Mosqueda ang operations manager ng RB Sugbo. At si kamanang Teddy Bajenting ang namamahala sa gamefowl dispersal program.
Samantalang si kamanang Marlon Mabingnay naman ang namamahala sa partner farm ng RB Sugbo, ang JT Northern Star ng Tuguegarao, na may katulad ding layunin ang makatulong sa kapwa sabungero.
“Salamat sa Diyos sa mga magagandang bagay na naibigay ng sabong sa akin, hindi pinansyal na yaman, kung di sa mas mahalagang uri ng yaman,” Wika ni kamanang Rey. Kaya gusto niyang makabayad pamamagitan ng pakikipaglaban para sa sabong at makatulong sa pangangalaga ng kapakanan ng masang sabungero.
























Salamat.
Maraming salamat at congratulations! Ikaw ay isa nang regular member ng MANA (Masang Nagmamanok). Salamat sa iyong suporta. Kaugnay sa ating programa na magparami ng husto, manghikayat pa tayo ng mga bagong kasapi kamana. Kung may tatlong bagong kasapi kang mahikayat at bibili ng Manwal ay mababawi mo ang iyong nagasta sa pagari ng Manwal.
Sa tatlong Manwal (isang address lang ang padadalhan.) na para sa mahihikayat mong bagong kamana ay P600 lang ang ipadala mo sa RB Sugbo sa halip na P1050. Bagaman, alam natin na ang mahalaga para sa iyo ay hindi ang makabawi, kung hindi ang makatulong sa ating adhikain.
Sa parte naman namin, ang paglilingkod ng RB Sugbo Gamefowl Technology kaugnay sa pagaari ninyo sa Manwal ng Mana sa Bagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon ay hindi natapos sa pagtanggap ninyo ng inyong kopya. Magpapatuloy kayong gagabayan namin sa inyong pagaaral sa mga konsepto, paksa at prinsipyo na nilalaman ng Manwal na ito.
Para sa mga paglilinaw at ano mang katanungan, kaugnay sa nilalaman ng Manwal na ito o sa ano mang paksa hinggil sa pagmamanok ay sisikapin naming masagot.
Etext lang sa inyong hotline sa RB Sugbo, (0927-995-4876). Huwag kalimutang ilagay sa simula ng inyong mensahe ang inyong initials at MANA regular membership number, upang mabigyan natin ng prayoridad at kaukulang pansin ang inyong katanungan.
Maraming salamat din kay Kamanang Dan Baltazar, na siyang naging kinatawan ng inyong lingkod sa mga meetings at seminar sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon na hindi natin nadaluhan, at sa iba pang mga coordinators. Kay Kamanang Marlon Mabingnay sa pagganap sa mga tungkulin ng RB Sugbo sa Jt Northern Star.
Kung hindi dahil sa inyo, hindi ako magkakaruon ng panahon at inspirasyon upang tapusin ang Manwal na ito.
At, sa pahayagang Tumbok, na siyang naging tulay sa pagkabuo ng MANA.
Sa inyong lahat, maraming salamat po.

Isang Masang Nagmamanok,

Rey Bajenting







Manwal ng Mana
Sa Bagong Pamamaraan
Ng Pagpili at Pagkundisyon

Rey K. Bajenting
Inilathala 2008







Karapatang Pagaari ni Rey K. Bajenting

Reserbado lahat ng karapatan. Ipinagbabawal ang pagkopya ng alinmang bahagi ng o ang buong aklat na ito na walang sulat-pahintulot ng may may-ari ng karapatan dito.












Nilalaman

Cover, Inside cover: RB Sugbo GT: Isang Sulyap
sa Magandang Mukha ng Sabong

P1 2nd cover page

P2 – Karapatang Pagaari (Copyright)

P3.-Salamat

P.5 Nilalaman

P7-Pambungad: Una ang Huli, Huli ang Una

P9-Paglinaw: Inihaw Lang


P11.Unang Bahagi: Gulugod ng Industriya
Dami at Pagkaaisa
Sandaang Libong Kamana
Mga Benepisyo ng mga Kamana

Pangalawang Bahagi: Pagpili at Pagkundisyon
Kabanata 1. Pagpipili Susi sa Tagumpay,
Ano ang Susi sa Pagpili?
Kabanata 2. Abot-Kayang Nutrisyon
ng Kampeon
Kabanata 3. Pagsasanay na Tugma
sa Pilipino Knife
Kabanata 4. Mga Pasilidad
Kabanata 5. Pagpatuktok: Stress Management
Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan
ng RB Sugbo sa Pagkundisyon
Kabanata 7. Conditioning Pyramid
Kabanata 8. Paghanda sa ulutan

Madaliang Pagsangguni

Pangwakas: Dapat sa Ating Pagsasabong

Back cover, Inside back: RB Sugbo-JT Northern Star,
Bakasan ng Kaalaman




Pambungad: Una ang Huli,
Huli ang Una

Ang Manwal na ito ay nagtatalakay sa mga makabagong pamamaraan sa pagpili at pagkundisyon ng manok pansabong. Dahil ang RB Sugbo gamefowl technology ay naniniwala na ang pagsasabong ay dapat matutunan paatras. Hindi dapat magsimula sa umpisa, ang pagpapahalahi. Dapat ang huling yugto sa buhay ng manok ang una nating pagaralan, ang paglalaban.
Pamamagitan lamang sa paglalaban tayo magiging dalubhasa sa pagkilala sa manok na magaling. Pamamagitan ng ating panay na pagpunta sa sabungan, pagalaga at paglaban ng sariling mga tinale, tayo’y masasanay at maging bihasa sa pagtingin at pagkilala sa magaling na manok. At ito ang magbibgay ideya sa atin kung anong uri ng manok ang ipalalabas sakaling pasukin na natin ang pagpapalahi.
Kung magpapalahi tayo habang mangmang pa tayo kung anong uri ng manok ang nagpapanalo sa sabungan, wala tayong ideya kung anong uri ng manok ang ating ipalabas sa ating pagpapalahi.
Unahin ang paglalaban. Pag dalubhasa na tayo dito, saka natin pasukin ang larangan ng pagpapalahi.
Nararapat lang na ang manwal sa pagpili at paglalaban ang unang handog ng RB Sugbo sa masang sabungero dahil karamihan sa kanila ay sila mismo ang nagaalaga at naghahanda ng kanilang mga manok. At saka, mas marami sa atin ang naglalaban lang, kaysa nagpapalahi.
Dito sa “Manwal ng MANA sa Bagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon” ay matutuklasan ninyo:
• Kung paano nabuo ang MANA pamamagitan ng Tumbok
• Ang layunin ng MANA na ipaglaban ang sabong at pangalagaan ang kapakanan ng mga ordinaryong sabungero
• Ano ang susi patungong matagumpay na pagmamanok
• Bagong konsepto sa pagpili: Katangian, hindi istilo, at ang negative selection
• Ang abot-kayang nutrisyon ng mga kampeon
• Ano ang tugmang mga ehersisyo para sa Pilipino knife
• Ang conditioning pyramid: hagdanan patungong tuktok
• Paano maging kasiyasiya ang sabong.
• Ang “Quick energy: Creatine, glucose at ribose”
• Ang bagong tuklas:”Hindi na kailangan ang carbo loading.”
• At, marami pang ibang bago ngunit subok na pamamaraan na maaring ngayon lang ninyo mabasa o marinig.

.




Paglinaw: Inihaw lang
Upang mapanatiling buo ang integridad ng nilalaman ng Manwal na ito, ang RB Sugbo ay hindi humingi ng kahit ano mang tulong na kaugnay sa paglalabas nito, galing sa mga kumpaniya na gumagawa ng mga produktong pangmanok. Oo, kahit doon sa kanila na may produktong kabilang sa mga nabanggit natin at inirekomenda.
Ang ating pagtukoy dito sa naturang mga produkto ay dahil totoong nasubukan natin ang mga ito at nagustuhan, hindi dahil sponsor o advertiser natin ang gumawa.
Hindi rin na dahil tinukoy natin ang mga ito, ibig sabihin, ito na nga ang mga pinakamainam. Maaring ang ilan sa mga ito ay dahil lang na sa pagbigay payo natin sa ating mga kamana palaging may isang konsiderasyon tayong pinahalagahan- ang magtipid.
Pagtitipid din ang dahilan kung bakit ang Manwal na ito ay payak at hindi mapagkunwari. Walang makukulay na mga pahina. Walang magagarang mga litrato.Dahil gusto nating makapagtipid nang kayo’y makapagtipid din.
At, isa pang dahilan bakit hindi nating makaya na maging magara ang Manwal na ito, ay dahil nga, hindi tayo kumuha ng advertisement at sponsorship na sanay makatulong sa gastusin at makadagdag sa dami ng pahina.
Datapwat kaunti ang mga pahina, puno naman ng kaalamang praktikal, kaalaman na magagamit at makakatulong. Ang nilalaman ng bawat kabanata ay bunga ng masugid na pagsiyasat, at pananaliksik, matinding pagsubok at mahabang karanasan ng RB Sugbo Gamefowl Technology.
Kung sa pagkain pa, ang Manwal na itoy’y inihaw na baboy. Walang maraming rekados, ngunit nandiyan ang laman at sarap.
Sinadya natin na maging payak, simple at manipis ang Manwal na ito upang makapagtipid tayo at makapamahagi ng kaalaman sa halagang abot-kaya ng masang nagmamanok, na siyang tunay na gulugod ng industriya, at kaninong kapakanan ay dapat pangalagaan.
Ano man ang pagkukulang ng Manwal na ito ay mapupunan ng pagmamahal ng RB Sugbo sa masang sabungero. Para sa ano mang katanungan, paglilinaw o simpleng mensahe ukol sa nilalaman ng Manwal na ito, huwag mag atubiling mag text o tumawag sa numerong esklusibo lang sa inyo (0927-995-4876).
Ito ay hindi pangkaraniwang manwal, kung hindi isang handog ng RB Sugbo sa masang nagmamanok at sagisag ng aming pakikiisa sa adhikain ng MANA.





















Unang Bahagi: Gulugod ng Industriya


MANA: Dami at Pagkakaisa
Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan. Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.
2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.
3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.
4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito ay arawaraw na lumalabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications.
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Sagupaan, Secret Weapon, Excellence Poultry & Livestock Specialist, at Thunderbird.


Sandaang libong Kamana
Sa ngayon ang pahayagang Tumbok ang nag silbeng tulay ng karamihan upang sila’y makasali sa MANA. Subalit hindi lahat ng lugar sa kapuluan ay maabot ng Tumbok, at hindi lahat ng masang nagmamanok ay nakababasa nito.
Kaya kailangan ang iba pang paraan upang mas lalo dumami ang mga kamana. Kabilang sa mga paraan ay:
1. Direktahang paghihikayat sa mga kakilala at kaibigan upang sumapi sa MANA.
2. Sa mga lugar na may Tumbok, ipaalam natin sa ating kapwa sabungero na may pahayagang Tumbok na naglalaman ng mga artikulo hinggil sa sabong upang masundan nila at mabalitaan ang MANA.
3. Itangkilik natin ang mga Manwal ng MANA, at iba pang babasahin na tumutulong sa MANA tulad ng Pit Games at Llammado magazine.
4. Suportahan ang programa nating maabot ang bilang ng mga kamana sa isang daang libo (100,000) sa loob ng isang taon.

Oo kaya natin ito. Ang isang daang libo ay wala pa ngang 5% sa bilang ng mga nagmamanok at ang may kinalalaman sa industriya ng sabong sa Pilipinas. Kung ang bawat isa sa kasalukuyang kasapi ng MANA ay makahikayat ng isang bagong kasapi bawat dalawang buwan, aabot tayo ng sandaang libo sa loob lang ng sampung buwan. Hindi ito mahirap mga kamana kung ating gagawin.
Upang mas mabigyan daan ang kasatuparan ng programang ito, may mekanismo tayo na makakuha ng biyaya ang mga membro na makagagawa nito. Halimbawa ay ang maging libre ang kopya ng Manwal na ito o kaya’y ang halagang ibinayad natin ay ating mababawi kung makahikayat tayo ng mga bagong kasapi.
Ganoon din ang maaring mangyayari sa ating mga seminar na may bayad. Magagawa natin ito dahil hindi negosyo at tubo ang nasa isip natin kung hindi ang pagparami ng kaisa natin sa adhikain. At hahanap tayo ng mga sponsors na makakatulong sa pag pasan sa gastusin. Sa halip na tumobo, i-subsidize pa natin ang ating mga gawain. Kaya natin itong magawa kung makikita na nila ang dami at pagkakaisa natin.
Nasa dami at pagkakaisa ang lakas natin mga masang nagmamanok. Ito ang paraan na matuonan ng pansin ang ating kapakanan at maipaglaban natin ang sabong.
Ang Sabong, ay isport, industriya, at hanapbuhay. Ito’y isang tunay na mana ng ating kuktura.


Mga Benepisyo ng mga Kamana
Sa kasalukuyan hindi pa gaano karami ang mga benepisyo na matatanggap natin mga kamana, ngunit inaasahan na lalaki at dadami ang mga ito habang padami tayo at palakas ang MANA.
Sa ngayon ang pinaka gawain natin arawaraw ay ang bigyan prioridad sa pagsagot ang mga katanungan ng ating mga kamana na tinitext nila sa pitak Llamado Tayo sa Tumbok. Napakarami nating natatanggap na katanungan arawaraw. Sinisikap nating sagutin ang lahat ngunit talagang hindi natin magawa. Kaya inuuna natin ang mga mensahe at katanungan galing sa ating mga kamana.
May mga libreng paseminar tayo. May malaking discount ang mga kamana sa mga training courses sa National Gamefowl Training Center, (NGTC) sa San Mateo, Rizal.
May mga naka schedule na rin tayong mga subsidized stay-in training courses kung saan, dahil subsidized, maliit lang ang mababayaran ng ating mga kamana. Ang mga ganitong uri ng training at seminars ay magkakahalaga sana mula 8 thousand hanggang 10 thousand pesos. Sa atin sisikapin natin na wala pang 1/3 ang magagasta ng mga kasapi ng MANA na gustong sumali.
May sinisimulan tayong gamefowl dispersal program sa City of Naga, Cebu. Binigyan tayo ng Sagupaan ng malaking diskwento sa pakain at gamot bilang tulong sa ating programa. Sa Camarines Sur may plano ang chapter natin doon na pinamumunuan nila kamanang Jessie Abonite at Boying Santiago na magtatag din ng dispersal program.
Ang MANA ay hindi nangongolekta ng membership fee o monthly dues. Kaya wala tayong pundo. Pero aasa tayo na sa darating na mga araw ay makapagpatuloy tayo dahil sa suporta ng marami.
Ang mga susuporta sa atin ay may mga mensahe na nais ipaabot sa mga kasapi ng MANA. Mas marami ang kasapi ng MANA, mas masaya sila, dahil mas marami ang makakatanggap ng kanilang mensahe, at mas nanaisin nilang makatulong sa atin. Kaya ang susi sa lahat ng ito ay ang ating dami at pagkakaisa.
Datapwa’t sa puntong ito, ang mahalaga ay hindi ang ating makukuhang biyaya, kung hindi ang atin munang pakikipaglaban sa pwersa kontra sabong. Kung maipakita natin ang ating dami at pagkakaisa, magiisip ang mga pulitikong gustong sumuporta sa hakbang kontra sabong na sinusulong ng mga dayuhan gamit ang mga kapatid natin na ginagawa nilang galamay at hinihikayat na ipagkanulo ang sarili nating kultura.


(Abangan ang pangalawang bahagi sa susunod na buwan.)

Breeding materials: Hanggang abot-kaya


Sa Paghanap ng magaling na palahiin

Unang-una ay huwag tayong magdalawang isip na gumasta ng malaking halaga, hanggang sa abot ng ating makakaya, sa pagbili ng mga pangasta o palahiin.

Kung may isang bagay na saan hindi tayo dapat magtipid, ito pagdating sa pagbili ng broodcock at broodhens.

Ang inisyal na halaga ng breeding materials, gaano man ito kamahal, ay kalaunan ay napakaliit na lang kung ihahambing sa gastos sa mga pabahay at ibang gamit sa manukan, pakain, at sahod ng mga tauhan.

Lalo na kung idadagdag pa natin ang panahon na masasayang pag lumabas ba bulok ang ating mga palahi dahil bulok ang materyales na nakuha natin.

Sa katanyagan ng sabong ngayon hindi na mahirap maghanap ng materyales. Madali nang makuha nang mga numero ng telepono ng mga sikat na manlalahi dito sa ating bansa, maging sa Amerika, dahil sa naglabasang libro, magazine at programa sa tv tungkol sa larong sabong.

Ang gawin nyo lang ay magpasya kung anong lahi ng manok ang gusto nyo, anong uri ng istilo sa paglaban.

Kaya mahalaga na ang manlalahi ay may kaalaman sa sabong, "in general", at hindi lang sa pagpapalahi. Dahil kung di mo alam kung anong uri ng manok ang nagpapanalo ay hindi mo rin malalaman kung anong manok ang mainam ipalabas sa iyong palahian.

Kung alam mo na ang pakay mo sa iyong pagpapalahi ay mag-umpisa kang magmasid kung sinu-sino sa mga manlalahi ang mga ganitong palahi.

Alamin mo ang presyo ng kanilang mga pangasta at nang malaman mo kung alin sa mga ito ang abot-kaya mo.

Kung makakaya mo ang presyo ng mga malalaki at kilalang manlalahi, mas mabuti na doon ka na kumuha. Kung hindi, huwag mawalan ng pag-asa sapagkat may mga maliliit na palahian na maaaring may magagaling na linyada na angkop sa iyong hinahanap.

Sunday, May 3, 2009

The good fuel

Scientific Nutrition:
The Good Fuel

In human beings, the difference between an elite athlete and ordinary persons are the pumping strength of the heart, the ability of the respiratory system to take in adequate oxygen and blow off carbon dioxide, and the amount of fuel that can be stored in the liver. (Guide to Energy Boosting Supplement; Donald Hunningshake, M.D.) This could be the case in gamefowl too. And these things can be developed, improved and maintained through proper training and right nutrition.
To understand how scientific nutrition could help it is necessary to learn how metabolism converts energy in food to energy in the body. The different nutrients: protein, fats, carbohydrates, vitamins and minerals play major parts in the process.
When we eat, food is broken down into its simplest components. Protein is broken down into amino acids. Fat into fatty acids, Carbohydrates into glucose. These substances pass through the intestine to the larger blood vessels, to the thin cappiliaries. Then they move through each of the cells in the body. Amino acids build and repair cells. Fatty acids can be used as fuel later, through the process called beta-oxidation. Glucose becomes the ready source of energy.
There are three steps in the process of converting food to energy. Glycolysis, the Krebs cycle, and the electron transport chain. No need to be very technical here. The bottom line is that efficiency of the entire process depends not only on the machine, which is the body, but also on the quality of the fuel, the food. This is where good nutrition comes in.

Initial Burst: The ATP-CP energy

There are two kinds of energy conversion. The anaerobic or without the use of oxygen and the aerobic or with the help of oxygen. Again, we will avoid becoming too technical and limit our discussion of the matter to a practical viewpoint from where we could relate it to gamefowl conditioning.
In the first burst of activity, the muscles rely on the ATP-CP (Adenosine Triphosphate – Creatine Phosphate) energy pathway which is anaerobic. After a few seconds, the muscles draw energy from glycolysis, which is common to anaerobic and aerobic pathways. The end product of glycolysis, pyruvate, represents a fork in the catabolic (breaking down) process. Pyruvate could be committed to the anaerobic pathway or to the mitochondria leading to the Krebs cycle and the electron transport chain, both of which are aerobic in nature.
When the contest drags on, the body will have to rely for energy on these two aerobic pathways. Cockfighting, however, is more of a sprint than a marathon. Focus should be on anaerobic energy pathway.

Quick Energy: Creatine Ribose

When the muscle contracts, the initial fuel it utilizes is adenosine triphosphate, or ATP.
“ATP releases one of its phosphate molecules to provide energy for muscle contraction and other functions. Once ATP releases a phosphate molecule, it becomes a different compound called ADP (Adenosine Diphosphate). Unfortunately, there is only enough ATP to provide energy for about 10 seconds, so for this energy system to continue ATP must be produced.
Creatine Phosphate (CP) comes to the rescue by giving up its phosphate molecule to ADP, recreating ATP. This ATP can then be burned again as fuel for more muscle contraction. The bottom line is that your ability to regenerate ATP largely depends on your supply of creatine. The more creatine you have in your muscles, the more ATP you can remake.” (Dave Tuttle; User’s Guide to Sports Nutrients)
Otherwise the body will be forced to rely on another energy pathway, glycolysis. The pathway has a by-product that irritates the muscles, causes pain, and interferes with biochemical reactions necessary for muscles to do the job, thus fatigue sets in. So, the earlier the body relies on glycolysis for energy, the earlier it gets tired.
The other pathways –the Krebs cycle and the electron transport chain – are aerobic or employ oxygen. Aerobic convention takes over when the activity is prolonged but less intense or less than maximal effort. This seldom happens in cockfights.
Most important in cockfights is the initial bursts of energy. We have learned that the body can achieve maximum amount of energy if the muscles have enough supply of ATP. And, creatine is what enables the resynthesis of ATP to take place. But during heavy exertion of effort as what transpires in the first few buckles of a cockfight, creatine cannot resynthesize ATP fast enough. Fortunately, ribose can help speed up the process.

Conditioning, now the thing in cockfighting


Not long ago, an elite few ruled cockfighting in the Philippines, by sheer advantage in chicken quality and raising techniques. This is no longer the case. Gamefowl are now created about equal — at least in top-level competition. The effort to achieve supremacy should now shift from breeding to conditioning.
Now, there are thousands of game fowl breeders in the Philippines. The best bloodlines are here. Thanks to the federal law that bans cockfighting in the US caused by animal rights movements. Many of these Filipinos could whip the toughest American breeders.
As far as breeding is concerned, the gap between top and bottom has narrowed down considerably. Gone were the days when only a few lorded it over, only because they enjoyed overwhelming advantage in chicken quality. Although there still might be some grain of truth to this in small time derbies and cockfights in the provinces, in top competitions, the fact is even the least known could beat the best known. During the 2007 Bakbakan national 10-stag championship this point was underscored once more when three backyard but diligent breeders, who had to combine their stags to put up a single entry emerged as solo champion with perfect 10-win slate besting the then record number of more than 1,400 entries.
With the best bloodlines, enormous resources, and much improved breeding techniques, many breeders are now approaching the summit of breeding ability. Not much could be done anymore when it comes to enjoying overwhelming advantage in chicken quality. Gamefowl entered at the top level contests are now about equal.
Unlike in breeding, supremacy in conditioning is still up for grabs. The field is still very wide open for exploration. The possibilities limitless, considering the new dimensions and technologies available to athletes nowadays. Like some human and horses, gamefowl are athletes. Their performance can be stretched to the limit by sports nutrition, training and supplementation. Yes, there are Muhammad Ali’s and Manny Pacquiao’s. But even a super athlete needs an Angelo Dundee or a Freddie Roach before potential is maximized. Conditioning will replace breeding as the pivotal factor in the sport of sabong. It will be the foremost factor that will spell the difference between winning and losing, at least at top level competition, where, as we observe, cocks are now created about equal.
This handbook is focused on conditioning. This contains modern point of views into the science of condtioning the gamefowl, some of which are new applications to cockfighting that we studied and experimented. Some, such as the concept of power pointing and conditioning pyramid are designed originally by RB Sugbo Gamefowl Technology to make available to the common sabungero knowledge in gamefowl technology which in the past only the big timers enjoyed.

Chickens are for fighting, since time immemorial


The rooster has long been respected
for its ferocity as a fighter

By Richard Blunt


The domestic chicken, or Gallus domesticus as the Romans called it, has lived with humans for centuries. It is probably the descendent of a wild asian bird, and historians have found references to its domestic descendant in the art and literature of India, China, and southeast Asia as early as 3000 BC. Egyptians were managing large flocks of chickens by the Second Dynasty (2890 to 2680 BC), but for some reason did not record much about their accomplishments in the breeding and keeping of chickens. Greek writings, however, describe how Egyptians designed and built clay incubators with the capacity to incubate and brood 10,000 to 15,000 chicks at a time. Incubators with greater capacity have only existed in this country and western Europe for about 80 years.
It was sometime before the sixth century BC that the Egyptians and the Persians introduced the wonders of domesticated chickens to the Greeks. The Persians shared their talent for breeding Malayan and Indian jungle fowl, which were used primarily for cock fighting, while the Egyptians taught the Greeks how to successfully develop and maintain breeds for the production of eggs and meat. For the next 200 years, chickens became an indispensable element in Greek life. At first they were used primarily in religious ceremonies, folk medicine, and the popular sport of cock fighting. But by the third century BC, breeding chickens for egg laying and meat production had become a priority in Greek civilization.
The Greeks passed their knowledge of the chicken on to the Romans. It was in Rome that the chicken truly reached its apotheosis. There, it became a sacred bird, often used as the central figure of various methods of divination, apothecary, and as a serious subject for philosophical inquiry. In Rome, fighting cocks were trained like gladiators. They were fed garlic before they fought in the belief that it would increase their courage and ferocity. The Romans also believed that garlic had the same effect on men. The writings of Roman naturalists and philosophers elevated the chicken to an exalted position in urban civilization. They skillfully molded it into a genuine object of scientific scrutiny and philosophical inquiry. No longer would the chicken be a taken-for-granted resident of the barnyard or cockpit.
The chicken has always meant much more to people than a cheap meal. The cock, or rooster as we now call it, has long been respected, especially for its ferocity as a fighter. In ancient Syria, Borneo, and Sumatra the fighting cock was worshiped as a god—an exalted status that usually saved it from becoming Sunday dinner. There was even a time in ancient Greece when cock fighting was considered a national sport. The Romans viewed the cock as a noble gladiator, and the cock fight was a solemn ceremony that reinforced their belief that men should be brave—imitators of the cock.
Cockfighting came to its greatest secular popularity and refinement in late medieval England. The Church made vigorous efforts to repress it but only succeeded in driving it underground. As a compromise with the people, the Church did finally sanction organized cockfighting events on special days, such as Shrove Tuesday. One very popular Shrove Tuesday event was held in English grammar schools. The schoolmasters were paid a “cock fee” for allowing the children to bring their cocks to school, and all learning was suspended for the day as the desks and chairs were pushed aside to make room for the daylong contests. The student who owned the champion cock was excused from corporal punishment during Lent, along with one other student of his choice. At the end of the day the school master was presented with all of the cocks that were killed.
During the reign of Henry VIII, cock fighting flourished in England, exceeding even horse racing in popularity. James I, Charles II, And William the III were among other monarchs who were avid cockers. By the end of the 18th century, however, reformist doctrine started to take hold with the English majority. By 1835, cock fighting was reduced to the rank of a cruel and capricious sport and was, once again, driven underground.
In spite of being prohibited in England, after 1835 cockfighting found a new home in America. Ships that carried English settlers to America also carried chickens and fighting cocks. Cock fighting was frowned upon by the Puritans but it still flourished from New York to Georgia. Before and after the Revolution, New York was the center of cockfighting in the East. Here the sport was dominated by freed slaves and Irish immigrants.
Before long, the sport spread west and became most popular in areas settled by Southerners and the Irish. As in England, reformers moved quickly to force legislation to outlaw cock fighting but it soon became obvious that there was little sentiment for this type legislation on the national level, so the individual states were left to pass there own laws. But even on the state level, very little anticocking legislation was passed until early in the 20th century. While visiting friends in Florida, in 1971, I was surprised to find that cockfighting was still legal in that state.
Outlawing cockfighting in this country has had the same effect as Prohibition. As you read these words somewhere in this country, loyal members of a tight fraternity of cockers is gathering around a pit, anxiously waiting to place their bets on the outcome of the main event.
Cultural influence
The chicken has influenced our languages and cultures. From ancient times to the present, if two people look or act the same, they are said to be “hatched from the same egg.” The ancient Greeks compared poor writing to “chicken scratches.” The proverb, “I would not have him count his chickens so soon before they hatched,” was found in a collection of proverbs published in 1579.Superstitions surrounding chickens are also alive and well in both urban and rural areas. One superstition declares that there will be sickness in the house if a hen crows. Another claims that a farmer's chickens will be like the first person who comes to his house on New Year's morning—a stout and prosperous person meant plump chickens while a poor meager person meant scrawny chickens.
Make a wish
Two people tugging on the magic clavicle, or wish bone, until it breaks, dates back almost 2,500 years to the ancient Etruscans. Chickens were kept in Etruscan temples to answer questions by pecking at corn kernels in a circle marked with letters of the alphabet. When the bird was through eating, a priest would enter the circle and interpret the results. When one of these sacred birds died, its collar bone was dried and believers were allowed to stroke it and make a wish. When the custom was passed to the Romans, people started tugging on the bone until it broke. The wish of the person holding the half containing the “head” would be granted. I've heard it suggested that the phrase, “to get a lucky break,” came from this ancient custom.
Before trained physicians came on the world scene in 18th century, chickens provided a living drug store of remedies for everyone—rich and poor. In the practice of folk medicine, people were inclined to reach for a chicken to cure almost any malady of the body or the spirit. In ancient Greece, as well as other parts of the world, fever, arthritis, colic, dysentery, epilepsy, headache, constipation, and cough were all treated with various parts of the chicken. The remedies are endless and most are far too complicated and absurd to mention here. But some made sense and are still used today: a bowl of homemade chicken soup has always been, and probably always will be, prescribed as a comfort and cure for many maladies, real and imagined.

Llamado Tayo; April, 2009

LLAMADO TAYO
Rey Bajenting

Wag na lang mag-carboloading

Salamat po sa inyo. Napuno ang ating cellphone ng mga pagbati sa pagbabalik ng pitak natin. Pagbabalik na mas maganda pa, dahil kung noong una sa isang pahayagan of “general circulation” tayo nagsusulat, ngayon dito na sa Larga, isang pahayagan na hinggil sa sabong talaga.
Di na po natin nasagot ang iba kaya dito na lang natin pasasalamatan ang lahat. Masaya po tayo dahil masaya kayo sa pagbalik ng Llamado Tayo. Maraming salamat.
Ang isang ito ay katangitangi. Sabi nya: “ … The comeback of Llamado tayo is a much welcomed development, like a breath of fresh air.”
Naku! Ginawa pa tayong toothpaste.
Okey ah. Pero di tayo naniwala. Bola lang yon, dahil galing yon kay kamanang Anthony “Tonet” Espinosa. Kaibigan po nating matalik na siyang nangangasiwa sa pasabong ng Masang Nagmamanok (MANA) sa Pasay City Cockpit.
Bawat 3rd Wednesday of the month ang pasabong ng MANA sa Pasay. Ngayong April 15 ay ang pang-apat na pasabong ng MANA sa naturang sabungan. Subukan po nating maglaban at baka makuha natin ang Ring of Excellence o Singsing ng Kagalingan. Gold ring po ito at special prize na mapapanalunan ng Fighter of the Month.
Sampung libong piso lang ang halaga ng singsing na ito ngunit maipagmamalaki nating maisuot bilang sagisag ng kagalingan sa pagmamanok. Ang singsing ay karagdagang premyo, hindi kasama sa guaranteed prize na P100,000.
Ang pasabong ng MANA ay one-cock fastest kill ulutan. P1,100 ang entry fee at P2,200 lang ang minimum bet. Ang gold Ring of Excellence ay mapupunta sa pinakamabilis na tatlong straight na panalo na di aabot 2 minutes ang total time.
Sa bawat pasabong ng MANA ay may mga karagdagang premyo at mga give-aways dahil may mga sponsors ang MANA na naniwala sa adhikain at layunin ng grupo para sa ikabubuti ng sabong at ng masang sabungero. Kaya palaging masaya ang mga pasabong ng MANA, at maraming sultada.
Sa April 15 mamimigay tayo ng libreng subskripsyon ng Larga sa lahat ng maglalaban para palagi tayong magkatalakayan dito sa Llamado Tayo.
Sa Pasay po yan. Sa Cavite naman ay may pasabong ang MANA sa Cavite Coliseum, sa June 20. One cock ulutan-timbangan. Umaga hanggang 2pm ulutan tayo. Pagdating ng 2pm timbangan na. May karambola pa bilang intermission.
Ang titulo po ng pasabong na ito sa Cavite ay “MANA Larga Na!”
Pero bago po yan ay may seminar tayo sa Bacoor, Cavite sa May 18. Handog ng Excellence Poultry and Livestock Specialist. Magpunta po tayo doon. Ang batikang breeder at tanyag na masang nagmamanok ang ating bisita. Si Lance de la Torre po. Si Lance ay isang dating masang nagmamanok---handler, mananari at taga-alaga ng manok panabong. Naging breeder siya at nagkampyon sa World Slasher. Ngayon isa siya sa pinakatanyag na breeder sa Pilipinas.
Patuloy po ang pagdami ng mga aktibidad ng MANA. Patunay sa pagtanggap ng ng sambayanang sabungero sa layunin at adhikain nito na ipaglaban ang sabong at itaguyod ang kapakanan ng masang sabungero.


Kamana salamat at matutunghayan na naman namin ang Llamado tayo. Makapagtanong na naman kami at patuloy kaming matoto. Hanggang ngayon kamana hindi ko pa alam kung paano talaga ang pagpili ng mahusay na manok. Pwede mo masagot kamana? (MANA 08498)
Isa po sa panay tinatanong sa atin ay kung paano ang pagpili ng magaling na manok. Hindi po madaling masagot kamana. Napakahaba kung ipaliwanag natin ng buo. Ang totoo, kailangan ng matagaltagal na karanasan bago tayo maging bihasa sa pagpili.
Ang susi sa matagumpay na pagsasabong ay ang wastong pagpili. Kaya sa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon, na tayo ang may akda, ay binigyan natin ng kahalagahan ang aspeto ng pagpili at tinalkay natin ito ng husto. Ang magaling na nagmamanok ay magaling sa pagpili. Ano mang pamamaraan sa pagkundisyon, pagsanay at pagpakain ay walang silbe upang mapagaling ang manok na kulang sa likas na kagalingan.
Iba-iba ang pamantayan sa pagpili. At ang pamamaraan at batayan sa pagpili ay nag iiba rin kasabay sa paglipas ng panahon at pagpalit ng konsepto at pag-iba ng dimensiyon ng sabong na bunsod ng paglabasan ng mga bagong lahi ng manok at sistema sa pagmamanok.
Konkretong katangian. Ang payo natin ay ang unahin ang mga konkretong katangian.
Ang mga manok lang na pumasa sa mga kanaisnais na konkretong katangian ang dapat ibitaw upang tingnan kung makapasa ba ang mga ito sa kagalingan sa pakikipaglaban. Ang mga konkretong katangian ay ang bloodline o linyada; pagpapalaki; at ganda ng pisikal na anyo.
Unahin ang mga konkretong katangian dahil hindi na ma-iiba ang mga ito hanggang sa araw ng laban, samantalang ang kagalingan sa pakikipaglaban ay paibaiba, depende sa galing ng kalaban o sa kundisyon ng ating manok.
Huwag na huwag pipili ng manok na may kakulangan sa mga konkretong katangian dahil lang nakita natin itong nagpamalas ng kagalingan sa pakikipaglaban sa isa o dalawang pagbitaw. May mga manok na nanghihiram ng gilas.
Ang kagalingan sa bitaw ay mahalaga. Ngunit ito ay hindi konkretong aspeto dahil maaring mag iba ang istilo at kagalingan sa pakikipaglaban depende sa istilo at kagalingan ng kalaban o sa kundisyon ng ating manok.
Magkaganoon paman, dapat mahigpit din ang ating pamantayan sa kagalingan sa bitaw. Sa ating pagpili batay sa kagalingan sa pakikipaglaban Ito ang ating pamantayan. 1) Cutting ability; 2) Tapang, tibay at lakas; 3) Utak, liksi at bilis.

Sir Rey pwede po ba ring magtanong kahit hindi pa membro ng MANA? I-text ko lang po kasi hindi po ako nagkaroon ng pagkakataon na lumapit sayo sa pasabong ng MANA sa Pasay noong Marso. Ano po ba ang pinakamaigeng pakain para carboloading dahil magkaiba po ang mga itinuturo nakakalito. At paano ang pagpamembro ng MANA.
Pwedeng pwede pong magtanong kahit hindi membro ng MANA. Lahat naman tayo, basta nagmamanok, ay kamana. Kung nais nyong magpamembro i-text lang pangalan, lugar at hanapbuhay sa numero ko. Bigyan natin po agad kayo ng MANA number. Wala namang bayad ang pagpamembro ng MANA.
Huwag kang malito kamana. Lahat nang mga pakain na sinasabi mong tinuturo ay may mataas ang bahagdan ng carbohydrate kaya ginagamit sa tinatawag na carbo-loading. Mais, kanin, trigo, prutas, at ang iba pa ay parehong maaring gamitin. Depende lang sa sitwasyon.
Ngunit may sasabihin ako sayo kamana. Ito’y isang bagay na mapait siguro lunukin ng maraming nagmamanok at ng mga nagtuturo ng pointing sa mga cocking schools, academy, magazine at telebisyon.
Ang katotohanan ang carboloading o glycogen loading ay hindi kinakailangan sa uri ng sabong natin dito sa Pilipinas. Ang tinutukoy natin ay ang nakasanayang pamamaraan ng pag-carboloading na tinuturo ng iba. Ang pamamaraan na magbibigay ng mas mataas na bahagdan ng carbohydrate simula tatlo o dalawang araw pa bago ang laban. Ang nangangailangan ng carboloading ay ang mga atleta na sa endurance na kumpetisyon tulad ng triathon, marathon at long distance cycling. Sa sabong natin , saglit lang tapos ang laban.
Ang kailangan ng manok ay hindi ang maraming glycogen sa atay na siyang mangyayari kung magcarboloading tayo, kundi ang glucose sa dugo na agad agad magagamit. Dapat, mga pakain na mataas ang glycemic index (GI). Ibig sabihin,mga pakain na madaling magpataas ng sugar level sa dugo, kahit na madali rin ang pagbaba nito, dahil, yon na nga, madali lang matapos ang labanan ng manok
Ang RB Sugbo ay dati ring nagka-carboload. Ginawa din natin ito, at hindi naman kasamaan ang naging resulta. Ngunit sa ating pagpapatuloy na pagsisiyasat at pag esperimento ay natukoy natin ano ang talagang dapat. Hindi naman nakakasama ang carboloading, ang sinasabi lang natin ay hindi na kailangan. Ang kailangan ay ang pagtiyak lang na may sapat na glucose sa dugo at creatine at ribose sa kalamnan sa araw ng laban.
Sa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon tinalakay po natin at ipinaliwanag ito ng husto sa yugto hinggil sa pagpatuktok. Ang pagpatuktok ay ang salitang inampon natin para isalin sa Pilipino ang salitang Inglis na pointing.

Congrats nga pala sa MANA Cebu group. Nagkampyon po ang grupo sa P3Million, 6-cock CVBA Directors Cup noong March 23-28 sa Talisay Sports Complex. Sa kalahatang 160 entries tatlo ang nagkampyon sa score na 6 wins. Ang MANA group ay binuo ng RB Sugbo-SIS, Khazimline at Garces Farms. Lahat po mga kamana.

(Para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagmamanok o kaya’y sa MANA si Rey Bajenting ay pwedeng i-text sa mga numerong ito: 0927-995-4876 o 0908-980-8154)



LLAMADO TAYO
Rey Bajenting

Praktikal na Pagpapalahi

Happy Easter Sunday sa lahat!
Ipagpaumanihin nyo po kung sa nakaraang mga araw marami tayong mga text messages na hindi nasagot. Semana Santa po kasi.
Marami sa natanggap nating mensahe ay katanungan at reaksyon sa ating isinulat dito sa nakaraang linggo. Hinggil po sa nasabi nating di na kailangan ang carbo-loading. Ang iba ay hindi naniniwala na di na kailangan ang carbo-loading. Ngunit ang nakararami sa nagtext satin ay gustong malaman ng buo kung bakit, at hiling nila na idetalye natin ng husto.
Sa Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon nakadetalye po ito. Sa mga di pa nakabasa sa naturang Manwal. Para sa inyo sisikapin nating ipaliwanag dito.
Ang una kasing ginagamit ng katawan at mga kalamnan para gawing enerhiya ay ang glucose na nasa dugo. Ang glucose na hindi nagagamit ay nagiging glycogen at ito’y nakaimbak sa atay at iba pang parte ng katawan. Ang carbohydrates naman ay nagiging glycogen din.
Kung nag-carboloading tayo dadamihan natin ang bahagdan ng carbohydrate sa pakain ang mangyayari ito’y magiging glycogen na naiimbak. Kaya ang isa pang tawag ng carboloading ay glycogen-loading.
Sa unang saglit ng labanan ang ginagamit ng kalamnan bilang enerhiya ay ang glucose. Kung maubos ito, mapipilitan ang katawan na gamitin ang glycogen, ngunit dadaan pa ito ng proseso kaya maaring hindi agad-agad. Pansamantala, pagod ang kalamnan o ang katawan dahil kulang pa sa panggatong na gagawing enerhiya.
Upang maiwasan ito kailangan ang maraming glucose. Matatagalan bago gagamit ang kalamnan ng glycogen. At dahil madaling matapos ang sabong natin dito sa Pilipinas, kung may sapat na glucose, malimit tapos na ang laban o lubha nang sugatan ang kalaban bago maubos ang glucose.
Ang konsepto kasi ng carboloading ay hango sa pamamaraan ng mga Amerikano. Sa kanila matagal bago matapos ang laban dahil gaff, yong parang ice pick, o di kaya’y short knife ang malimit na sandatang kinakabit sa kanilang manok. Alam natin na mga Amerikano ang unang nagturo satin ng pamamaraan sa pagmamanok. Kaya nga ang tawag natin sa paghanda o pagkundisyon ay “keep” at ang huling yugto ng keep ay “pointing.” Americanized kasi.
Ngunit hindi lahat ng pamamaraan ng Amerikano ay angkop para sa uri ng sabong mayroon tayo dito. Una, magkaiba ang sandata. Pangalawa magkaiba ang klima. Kaya dapat lang na manaliksik tayo ng mga makabagong pamamaraan na mas angkop. Hindi sapat na gayagaya lang tayo sa kanila.
Maliban sa Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon may pamphlet rin ang RB Sugbo Gamefowl Technology hinggil sa Pagpatuktok. Ito ay ang “Power Pointing.” Ang pagpatuktok ay ang salitang inampon ng RB Sugbo upang isalin sa Pilipino ang salitang Inglish na pointing. Ang ibig po kasing sabihin ng pointing sa salitang sabungero ay ang pagdala ng manok sa tuktok ng kanyang kakayahan sa pakipaglaban sa araw at oras ng laban.
Ang Power Pointing ay mababasa nyo po libre sa Tilaok.blogspot.com. Ito ang blogspot ng Masang Nagmamanok (MANA). Libre din po itong ipamimigay sa mga seminar ng MANA. Samantalang ang Manwal ng Mana ay nagkahalaga ng P300 ngunit ngayon libre na ito para sa mga membro ng MANA o mga kamana na makaatend ng seminar o maglalaban sa buwanang pasabong ng MANA sa Pasay City Cockpit.

Talking of pasabong, ang 4th Monthly pasabong ng MANA sa Pasay ay ngayong Miyerkules na. April 15 po. Sino na naman kaya ang makatatanggap ng “Gold Ring of Excellence” Mapapanalunan po ito ng MANA Fighter of the Month.
Sa Pasay ay bawat pangatlong Miyerkules ng buwan ang fastest kill ulutan ng MANA. Sa Hunyo may pasabong rin tayo sa Cavite Coliseum at sa Hulyo magkakaroon din sa Las Pinas Coliseum.

Praktikal na pagpapalahi
May dalawang manwal para sa Masang Nagmamanok (MANA) na inihanda at pinalabas ng RB Sugbo Gamefowl Technology. Ang una ay ang Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon. Inuna natin ang manwal sa pagpili at pagkundisyon dahil, palagay natin mas nararapat na unang matutunan ang pagpili at paglalaban ng manok panabong kaysa pagpapalahi ng mga ito.
Walang sinuman ang magiging magaling na manlalahi kung siya’y hindi marunong pumili ng magaling na manok. Kung di natin alam kung ano ang manok na magaling paano natin malalaman kung anong uri ng manok ang ipalabas sa ating pagpapalahi?
Pamamagitan lang ng paglalaban o panunuod ng laban natin matutunan kung ano ang magaling na manok. Sa loob ng mahabahabang panahon ng paglalaban, magiging bihasa tayo sa pagpili. Kapag tayo’y bihasa na sa pagpili saka lang natin pasukin ang larangan ng pagpapalahi.
Ang pangalawa ay ang Manwal ng MANA sa Praktikal na Pagpapalahi. Tulad ng naunang manwal, ang pangalawang ito ay payak at walang palamuti. Una kasi nating konsiderasyon ay ang isiksik ang lahat na impormasyon sa pinakatipid na paraan. Walang magagarang litrato, walang makulay na pahina. Wala ring mabuklaklak na mga salita na makapagpahaba sa talakayan at aagaw ng malaking ispasyo. Ang mga ito ang makapagpataas ng ating printing cost.
Tulad ng nasabi natin sa naunang Mawal, ang atin ay inihaw lang. Walang rekados, ngunit nandyan pa rin ang laman at ang sarap. Puno pa rin at siksik sa kaalaman na magagamit natin sa ating pagnanais na makapagpalabas ng manok na matatawag na sarili nating likha.
Ang layunin lang naman natin ay mabusog ang ating mga kamana. Oo, ang layunin ng RB Sugbo, simula sapol, ay ang makapamahagi ng kaalaman sa paraan na abot kaya namin, at makakaya rin ninyo. Layunin natin na mabigyan ang masang sabungero, sa paraan na maging abot kamay ang kaalaman na dati-rati’y ang mga big timer at mga mayayaman lang ang may taglay.
Ang manwal na ito ay naglalaman ng sistema at pamamaraan sa praktikal na pagpapalahi na angkop para sa atin mga maliliit o backyard breeders. Karamihan sa mga aklat sa pagpapalahi ay mga “idealistic.” O ang tinatalakay lamang ay ang mga ideal o tularan na sitwasyon. Kung ganun, walang puwang ang maliliit sa larangan ng pagpapalahi. Karamihan sa mga aklat sa pagpapalahi ay nagsisimula sa pagtalakay sa laki ng perang kakailanganin; sa lawak ng lupain; at sa mahabang panahon na gugulgulin. Kaya, kung pakingan, napakahirap para sa atin ang pagpapalahi.
Totoo. Yan ang dapat. Yan ang tularan na sitwasyon. Subalit kung di natin matupad ang tularan na kalagayan, hindi na ba lang tayo magpapalahi? Wala na ba lang tayong karapatan na masiyahan at malibang sa aspetong ito sa pagmamanok? Kung ganun ang mga mayayaman lang ang makapagpalahi. Si Don Jose lang ba ang maaaring magpalahi, si Mang Pepe, hindi?
Maari naman tayong magpalahi kahit hindi sa isang ideal na sitwasyon o tularan na kalagayan. Dahil ang ating pagsasabong ay maari naman nating ibatay sa kalibre ng ating kakayahan o sarili natin kaurian. Pwede naman tayo mag-takda ng pamantayan sa pagpapalahi na abot kaya at aboy-kamay natin at angkop sa lebel ng pagmamanok kung saan tayo naglalaban. Ang manok ni Don Jose, ang makakalaban ay manok ni Don Ricardo. Bagkus, ang manok ni Mang Pepe ang makakalaban ay kay Mang Carding. Ito ang ganda ng sabong.
Yan ang unang nating gawin kung tayo’y magpapapalhi. Ang mag-takda ng realistikong pamantayan at hangarin. Para sa atin na pangkaraniwang sabungero, hindi makakatotohanan na mag hangad tayo na manalo sa mga international derbies kung saan libo-libo kundi man milyon-milyong piso ang kailangan kung nais nating sumali.Wala tayong kakayahan na maglaan ng sapat na salapi para dyan.
Kung tayo ay magpapalahi sapat na sigurong hangarin ang makapaglikha ng mga manok na magpapanalo sa partikular na daigdig ng sabong na ating ginagalawan. Kung ang hangad natin ay yun lang makabuo ng isang linya ng mga panabong na maaring isabak sa mga hakpayt at maliliit na derbi, hindi siguro gaano kahirap. O kaya’y makabuo ng mga linyada na mawiwilihan ng mga mamimili at makadulot sa atin ng karagdagan mapagkakitaan.
Subalit hindi ibig sabihin na ang ating layunin at hangarin sa pagpapalahi ay mananatiling ganyan habang panahon. Kung may pagkakataon bakit hindi tayo maghangad ng mas mataas? May mga nagpapalahi na nagumpisa sa halos wala ngunit lumaki ng lumaki. Ang ibig lang natin sabihin dito, na dapat ang hangarin natin ay batay sa ating pangkasalukuyang kakayahan. Ang hangarin ay magiiba, alisunod sa pagiba rin ng ating kakayahan.
Gayunman, hindi hangad ng manwal na ito na magturo kung paano ang pagiging isang tanyag na manlalahi, dahil walang sino man ang makakapagturo ng ganoon nino man. Ang layunin natin dito ay ang pagbigay ng patnubay sa larangan ng praktikal na pagpapalahi na sapat upang ang isang masang sabungero na magnanais magpalahi ay makapagsimula sa wastong hakbang.
Ang Manwal na ito ay libre rin sa mga paseminar ng MANA. Dahil nga layunin ng MANA ang makapamahagi ng kaalaman sa pagmamanok. Sa mga hindi makadalo sa ating mga seminars, abangan nyo lang dito sa Larga at untiunti nating ipalabas dito ang mga yugto ng ating mga Manwal.
(Para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagmamanok o kaya’y sa MANA si Rey Bajenting ay pwedeng i-text sa mga numerong ito: 0927-995-4876 o 0908-980-8154)





LLAMADO TAYO
Rey Bajenting

Tanyag na breeder Lance de la Torre
Speaker sa libreng Mana seminar May 18

Sa nakaraang Miyerkules, April 15, Matagumpay na naman ang buwanang pasabong ng Masang Nagmamanok (MANA) sa Pasay Cockpit. Dahil po sa walang kupas na pagsuporta ng mga kamana at ng marami pang iba na kahit hindi pa kasapi ng MANA. Kung sabagay kahit hindi kasapi ng MANA ay kamana pa rin. Dahil tayong lahat ay pareparehong mga masang nagmamanok. Maraming salamat mga kamana.
Hindi nagpahuli ang ating mga kamana. Sa pinakaunang sultada panalo agad ang manok ni kamanang Long Hair. Mula po nang magsimula ang pasabong ng MANA sa Pasay palaging Nagkataon na ang unang sultada ay kay kamanang Long Hair. at palaging panalo ang manok niya. Palagay ko sinasadya ni Kamanang Long Hair na unang mapalaban ang manok niya dahil bwenas siya kapag ganito. Si kamanang Army Celis naman ang nagwagi sa P10 thousand 1st fastest kill sa pinakaunang bracket, ang sultada 1-10. Talagang palaban ang mga kamana.
Sa unang pagkakataon sa loob ng apat na buwanang pasabong ng MANA sa Pasay, noong nakaraang Miyerkules ay walang nagwagi sa Kill Quick Fighter of the Month. Ang Kill Quick fighter award ay mapapanalunan lang kung ang pinakamabilis na tatlong panalo ay may total time na hindi aabot ng 2 minuto. Ang kay Doc Ayong Lorenzo, mismo ang mayari ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, ay may dalawang panalo isang tabla. Ang kay kamanang Ed Genova naman ay dalawang panalo isang talo. Si Kamanang Ed po ang record holder sa ating Kill Quick award. Siya ang nanalo sa Ring of Excellence sa buwan ng Pebrero sa pinakamabilis na time na 48 seconds sa tatlong panalo.
Dahil walang nakakuha sa KQ award noong Miyerkules,sa susunod na pasabong ng MANA sa Pasay, sa May 20, ang KQ Award ay magiging mas malaki. Sa Mayo ang KQ fighter of the month ay makatatanggap ng gold Ring of Excellence worth P10 thousand at isang trio galing sa isang tanyag na breeder na nagkahalaga ng P60 thousand. Bale P70 thousand po lahat.
Ang KQ fighter of the month nga pala para sa Marso ay ang “Ika” entry ni Butchoy Olano ang kilalang bigtime pit manager at gaffer. Ang Ika ay pinangalan sa anak niyang panganay na si Cheska. Ang handler niya na si Totoy Mola ang tumanggap sa singsing na ibinigay noong Miyerkules sa awarding ceremonies sa Pasay cockpit.
Talagang maghanda tayo mga kamana para sa May 20. Sa pagkakataong ito, ang labanan ay 3- cocks fastest kill. Ito’y special edition, bilang pasasalamat ng Mana sa inyong lahat, mas malaking papremyo, abot P200 thousand ang total; mas masaya, mas maraming give-aways. At may members benefit sa mga kamana na tig-isang libong piso bawat entry na ilaban nila o kaya’y makumbida. Ang entry fee ay ganoon pa rin, P1,100 bawat manok, bale P3,300 bawat entry. Abangan natin ang kumpletong anunsyo ni kamanang Tonette Espinosa.


Mga katanungan
Ang mga sumusunod ay iilan sa mga katanungan na natanggap at nasagot natin sa nakaraang linggo. Maramirami po tayong natatanggap pero hindi natin mailathala ang lahat. Bagama’t sisikapin nating masagot lahat ng inyong mga katanungan kahit sa text man lang. Bahagi po yan ng serbisyo ng MANA at RB Sugbo.

Good pm po. Gusto ko lang humingi ng tip para tumibay at gumanda ang kilos ng panlaban ko. Sana matulungan mo ako. Isa lang akong ordinaryong sabungero. (April 14, 2009; 9:56:53pm; Chito Hernandez)
Ang tibay ng manok, unauna, ay nasa linyada. Nasa dugo po ito na nakatakda mula magsanib ang semelya ng ama at itlog ng ina. Tulad ng ibang katangian, ang tapang o tibay ay itinatakda ng pagpapalahi, pinapaunlad ng angkop na kapaligiran at tamang pagpalaki, tapos pinaiigting ng wastong pagkundisyon.
Sa lahat ng yugto ng buhay ng manok, mula sisiw hanggang sa ito’y malapit na ilaban, napakamahalaga na mabigyan ito ng tamang nutrisyon at sapat na ehersisyo. Sa panahon na malapit na ang laban, may mga bagay o substance na makakatulong sa pagpaigting ng tibay.
Halimbawa po sa mga ito ay ang mga blood conditioner o ang tinatawag na oxygenizer. Nasa dugo kasi ang hemoglobin na siyang nagdadala ng oxygen sa lahat ng parte ng katawan pati na ang utak. Kung kulang sa oxygen mahirapan ang mga kalamnan sa paggawa ng enerhiya. Kung kulang sa oxygen sa utak, ang manok ay maaring mag pass out kahit ito’y buhay.
Kaya mahalaga na nasa maayos na kundisyon ang dugo. Makakatulong sa blood conditioning ang b complex vitamins at ang mineral na iron. Taglay ito ng mga gamot na nasa merkado na ngayon. Halimbawa ang Complexor, Bexan, Belamyl at iba pa.
Tapos kailangan din ng vasodilator. Ibig sabihin yong nagpapaluwang sa mga ugat na dinadaluyan ng dugo. Wala kasing silbe kung mag clog ang dugo. Kunti lang ang mag circulate na oxygen Ang kailangan naman dito ay B15. Halimbawa ng produktong may taglay na B15 ay ang Respigen.
Batay sa ating nalalaman, ang pagpatibay ng manok ay isang mahabang proseso. Walang short cut at magic na gamot.

Gud pm again kamanang Rey yong manok ko matagal na sakin pakiramdam ko mapili sa pagkain. Feeding ko regular concentrate at maintenance pellets. Lahat naman ng iba umuubos ng ganung feeding. Baka may pipita? Masigla naman. Kailan muli ang seminar ng MANA? (RR001314).
Kamana di nagkatugma ang initial mo sa iyong mana number. Dito sa record natin, Jay ang pangalang nakalagay. Baka mali ang record natin paki correct nga.
Kung matagal na sayo ang manok na yan kamana, hindi na paninibago ang dahilan kung bakit ito’y walang ganang kumain. Maaring pipita nga. I-check mo.
Ang ibang maaring dahilan ay stress o pagkabalisa; bulate o hanep at kuto; o baka may karamdaman.
Ipahinga mo muna Kamana, baka hapo yan. Purgahin mo at paliguan ng anti-mite shampoo. Pagkatapos i-bacterial flushing o bigyan ng anti-biotic sa loob ng dalawang araw. I-fasting mo. Wag pakainin isang beses bago purgahin. Ang mga pampurga ngayon ay maari nang walang fasting ngunit sa kasong ito, ang nais natin ay gutumin ng husto ang manok upang bumalik ang gana nitong kumain.
Ang susunod na malaking seminar ng MANA ay sa Bacoor, Cavite sa May 18. To be presented by Excellence Poultry & Livestock Specialist. Si Ginoong Lance de la Torre ang speaker. Si Lance ay ang di makakalimutang breeder na nagpanalo para kay Patrick Antonio sa World Slasher noong 1988.
Si Lance ay isang masang nagmamanok—handler, conditioner at mananari—na ngayon ay isa nang napakatanyag na breeder. Ang kanyang farm sa Talisay, Negros Occidental ay isa sa pinakamaganda sa buong mundo. Ang manok niya ay kabilang rin sa mga pinakamahal at kinawiwilihan ng mga big time cockers. Dalawang dekada nang nanatili si lance de la Torre sa tuktok ng kagalingan sa pagpapalahi. Si lance ang tinuturing ng MANA na idolo ng masang sabungero.
Ang nais na dumalo sa seminar na ito, kahit hindi po taga Cavite, ay magtext lang kay kamanang Gani Dominguez, ang chairman ng MANA Cavite chapter, 0928-521-2513. Libre po to. Pati snacks.

Kamanang Rey gud pm po.Ang isang inahin ba pag nagkaanak ng duwag ibig sabihin reject na? Tnx po. (JS001273)
Itong nagtanong ay si kamanang Jomar Santiago ng Nueva Ecija. Matagal nang kamana dahil ang number nya ay 1273 pa lang.
Hindi pa tiyak kamana na reject. Suspect pa lang. Kasi maaring ang duwag na genes ay galing sa ama. Ngunit kung ang mga anak niya na nagpakita ng pagkaduwag ay magkaiba ang mga ama, samakatuwid galing sa inahing ang duwag na dugo. Kung ganoon, i-reject mo.

Gud am sir rey ano po ba ang mga pakain nakapagpataas ng glycemic index para pointing? (Mark ng QC).
Gud am sir. Isa po ako sa readers ng Larga specially your column. Ask ko lang kung di na kailangan ang carboloading ano mga pakain may mataas ang glycemic index? Thanks. (Rey from Bulacan)
Dalawa pong magkaparehang katanungan. Ang una ay galing kay Mark ng Quezon City. Ang pangalawa ay galing sa isang katukayo ko. Si Tukayo ay isang trainer ng manok panabong na nakabase sa Bulacan ngayon. Ngunit siya’y Ilonggo tubong Bacolod, kung saan napakaraming magagaling na magmamanok.
Ang mga pakain na maige para carboloading at mga pakain na mataas ang glycemic index o GI ay parehong maraming taglay na carbohydrates. Ang kaibahan lang ay nasa haba ng panahon bago ang carbohydrates sa mga ito ay magiging glucose.
Halimbawa ang malimit na ginagamit natin sa carboloading ay cracked corn. Kung ang cracked corn ay gawin nating fine corn o corn grits, mas tataas ang GI nito dahil mas madali na itong matunaw. Kaya kung habol natin ang GI, fine corn ang gamitin natin.kung madaling matunaw ang pakain na may taglay na carbohydrates madali itong maging enerhiya. pero madali naaman maubos ang enerhiya. Kaya dapat timing ang pagbigay na hindi na katagalan ay laban na.
Ang epekto ng carboloading ay makapagimbak ang katawan ng carbohydrates na dahandahang ginagawang glucose upang maging enerhiya. Parang time-released ang energy. Hindi agad magamit ang lahat kaya matagal maubos. Bagay ito sa long distance running, cycling at swimming kung saan oras ang binibilang bago matapos ang laro. Hindi ito bagay sa 100 meter dash kung saan segundos lang tapos na ang karera.
Ang sabong natin sa Pilipinas ay Kill Quick. Isang tama ka lang, tapos ang laban. Kaya kailangan ang enerhiya na magamit agadagad, hindi yong dadaan pa ng proseso at baka bago maging enerhiya ang carbohydrates na nasa katawan ng manok ay tapos na ang laban. Patay na ito.

Gud noon po. Tanong ko lang kung manghihina ba ang manok kung may buni, kasi puro talo ang mga manok naming nagkaroon ng buni. Ano po ang mabisang gamot? (Efren ng Las Pinas).

Gamit ko whitfield ointment. Pangtao ito at sa botica mabibili. Pero alam ko ang Lakpue may panglaban sa buni na pangmanok talaga. Itanong nyo lang sa agrivet store ang brand name. Nakalimutan ko po. Mas maige kung gawang pangmanok dahil talagang batay ito sa pangangailangan ng manok at ang mahalaga ay makakatulong tayo sa industriya ng sabong.
(Para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagmamanok o kaya’y sa MANA si Rey Bajenting ay pwedeng i-text sa mga numerong ito: 0927-995-4876 o 0908-980-8154)




LLAMADO TAYO
Rey Bajenting

Dapat sa Ating Pagsasabong

Kamana dadalo po ako sa seminar sa Cavite ngayong May 18. Pwede ba kahit hindi ako taga Cavite?. Marami akong natutunan sa manwal natin sa pagkundisyon ngunit mas lalong gusto kung madagdagan ang aking kaalaman. (BR 100812)

Pwede kayong dumalo kamana kahit hindi taga Cavite.
Tama ka kamana patuloy tayong mag-aral. The more we learn, the more we want to learn. Ito po ang pabalikbalik nating sinasabi sa ating mga kamana.
Kalaunan kamana, maisip mo na may mas magaling ka pang paraan sa paggawa ng isang bagay kaysa nabasa mo sa Manwal. Ang nilalaman ng Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon ay iilan lang sa napakaraming pamamaraan sa pagkundisyon. Ibaiba ang pamamaraan, na maaring parehong tama.
Oo marami ang nagpasalamat satin na maganda raw ang epekto ng mga isinulat natin sa Manwal. Isa na po dito ay ang kamana nating si Engr Jun Dimaculangan ng Batangas. Siya po ang may ari ng entry na Long Hair na palaging naglalaban sa ating pasabong sa Pasay, na sa kabutihang palad ay lamang naman sa panalo. Maraming salamat kamanang Jun sa pagsuporta mo sa ating pasabong at sa pagbigay halaga mo sa nilalaman ng Manwal.
Pero higit sa lahat nasa manok yan. Ito ang sabi ko kay kamanang Jun at sa marami pang ibang mga kamana natin. Kung magaling ang manok maaring makatutulong ang kaalaman. But no amount of cocking knowledge can make an ace out of a bum cock.
Kaya isa sa layunin ng MANA ay ang patuloy na pagpamahagi ng kaalaman, pamamagitan ng mga babasahin, seminar, training at pasabong. Sa pagmamanok walang katapusan ang pag-aaral. Ang pinakasusi ay nasa pag-unawa. Hindi sapat na malaman natin ano ang gagawin. Dapat maunawaan natin bakit ito gagawin.
Sa pag-aaral at pag-unawa, ang mga baguhan sa atin ay magiging bihasa, at ang mga bihasa ay magiging dalubhasa.
Ang sumusunod po ang paulitulit nating sinasabi:
Rules should be mastered and understood. Breaking a rule you have mastered is innovation. Breaking a rule you have never understood is ignorance.
Kung iibahin mo ang paggawa sa isang bagay na lubos mo nang nauunawaan, ang tawag nito’y inobasyon o bagong pamamaraan. Kung iniba mo ang isang bagay na wala kang kaalam-alam, ang tawag nito’y kamangmangan.
Ang ibig po natin sabihin ay dapat pag-aralan at intindihin ang lahat na gagawin natin na may kaugnayan sa pagmamanok. Hindi sapat na alam natin kung ano ang dapat gawin. Kailangan na naintindihan natin kung bakit ito dapat gawin.
Hindi lang ano ang gagawin, dapat alamin natin kung bakit. Marami sa ating mga kapatid na sabungero ay agad na ginagaya ng iba. Lalo na kung nakita nilang nanalo ang kanilang ginagaya.
Delikado po ito dahil may mga pagkakataon na hindi tugma sa ating sitwasyon ang nakita nating ginawa ng iba. Halimbawa ang nangyari sa isang kaibigan na sumali sa derby at habang nagaantay sa kanyang laban ay nakita niyang ang katabing handler ay nagbigay ng puti ng itlog at saka mansanas sa manok.
Nanalo ang manok na ito. Kaya ginaya ng kaibigan natin ang pagbigay ng puti ng itlog at mansanas sa manok. Ang hindi niya alam ay ang manok na nanalo ay tuyo na ang katawan kaya binigyan ng itlog at mansanas. Samantalang ang manok ng kaibigan natin ay sobra ang body moisture. Ang nangyari’y natalo ang manok ng kaibigan natin. Nakamulta pa siya dahil na bad weight ang manok niya.
Hindi sapat na alam natin na may mga fly pens, scratch boxes, pointing pens, at iba pa. Dapat ay alam natin kung ano ang layunin natin sa pagggamit ng mga ito. Hindi sapat na lama natin na may pellets, concentrate, at iba pang pakain. Dapat alam natin kung bakit ito ipinapakain sa manok.
Hindi sapat na ating alamin ano ang ginagawa. Dapat Unawain natin bakit ito’y ginagawa.
Sa pagsasabong, kung maari, tandaan po natin ang sumusunod:
Ang pagunawa ay ang pundasyon ng kaalaman. Pagaralan natin, at higit sa lahat, unawain ang mga gawain na ugnay sa ating pagmamanok. Hindi sapat na alam natin ang mga gagawin. Kailangan alam natin bakit ang mga ito’y gagawin.
Hindi basta lang na alam natin kung anu-ano ang gagawin, at paano ang pag-gawa. Dapat maunawaan natin bakit ginagawa. Ito ang dapat sa pagmamanok, ganoon man sa tunay na buhay.
“It is not the what or the how that is important, but the why.”
Learn cockfighting a step at a time, backwards. Ang unang dapat pagaralan ay ang pagpili ng magaling na manok at ang paghanda nito. Pagpili at paglaban ang unang pagaralan hindi ang pagpapalahi at pagpapalaki ng sisiw. Hindi tayo magtatagumpay sa pagpapalahi kung hindi natin alam kung anong uri ng manok ang ating ipapalabas.
“Know what to seek and you will find.”
Don’t leave luck to chance. Oo, naniniwala tayo sa buwenas at malas, ngunit huwag natin ito basta ipaubaya sa pa-suwerte lang. Tayo’y mag-aral, magsikap, at magtiyaga.
Ating gawin ang dapat gawin upang mapalapit sa atin ang suwerte. Kalimitan ang masuwerteng sabungero ay ang magaling na sabungero.
Huwag na basta lang hintayin na mahulog ang mansanas. Sungkitin natin ito nang di tayo maunahan ng iba.
Hindi dapat na pabigat. Ang sabong ay isang magandang libangan at maaring mapagkakitaan. Ngunit makakasama ito kung maging pabigat sa bulsa.
Kung matalo na tayo ng halagang higit sa nararapat; kung pati pera na dapat ilaan sa pamilya at ibang mas mahalagang bagay, ay naipatalo natin, ang sabong ay magiging isang masamang bisyo.
Ganoon din kung sobra-sobra na ang gastos natin sa ating pagmamanok. Kaya magingat tayo at magtipid upang patuloy na kasiyasiya ang ating pagsasabong.
Magsumikap na manalo ngunit maging handa sa pagkatalo. Walang tiyak sa sabong. Kaya hanggang ngayon ay wala pang natanghal na haring kampeon. Mahigpit ang labanan lalo na sa pinaka mataas na kumpetisyon tulad ng World Slasher Cup, Bakbakan, Heritage Cup at ibang mga bigtime derbies.
Makitid lang ang agwat ng isang magaling na nagmamanok sa ibang magagaling na nagmamanok. At, nandiyan pa ang element of luck. Kaya dapat, kahit sino ka man, sa sabong maging handang tumanggap ng pagkatalo.
Ang tatlong mortal na kasalanan sa ating pagsasabong ay: sobrang sugal, sobrang gastos, at sobrang espektasyon sa manok o sobrang bilib sa sarili..

Pasalamat Edition
Ang pasabong po ng MANA sa Pasay Cockpit ngayong May 20 ay panglimang pasabong ng MANA sa naturang sabungan. Dahil sa masugid nyong pagsuporta sa nakaraang mga pasabong, ang darating na pasabong ay tinaguriang Pasalamat ng MANA.
Tulad ng nakasanayan, 1-cock fastest kill ang labanan. Ngunit sa pagkakataong ito’y timbangan sa halip na ulutan. Ganun pa rin ang entry fee, P1,100 lang ngunit ang papremyo ay aabot na ng P200 thousand, doble sa sa humigit kumulang P100 thousand lang sa nakaraan.
Kahit 1-cock fastest kill, may papremyo rin para sa mabibilis na dalawang magkasunod na panalo. Ganun din sa mabibilis na tatlong magkasunod na panalo. Kaya pwede kahit ilang manok ang inyong iprehistro.
Ang Kill Quick Fighter of the Month ay makatatanggap ng gold Ring of Excellence at P40 thousand cash o breeding trio worth P60 thousand, depende sa gusto ng mananalo.
Ang mga members ng MANA (as of April 15, 2009) ay makatatanggap ng cash benefits kung sila’y maglalaban o kaya’y makakumbida ng maglalaban. Makipagugnayan lang kay kamanang Dan Baltazar para sa detalye.

Sweaters
May mambabasa po tayong nakisuyo na paki research daw ang history ng tanyag na bloodline na sweater. Medyo nahiya pa siya dahil hindi raw siya membro ng MANA. Huwag po kayong magatubili. Ang pitak na ito ay hindi lang para sa mga kasapi ng MANA para po ito sa lahat ng mambabasa ng “Larga.”
Ito po ang ating napagalaman:
“There are several versions of how the sweater originated. The following acccount of their origin is “straight from the horse’s mouth”. It comes from Johnny Jumper and another respected cocker who knew the parent fowl; when, where and by whom they were bred. The following is their version how the Sweaters originated. Sweater McGinnis gave Walter Kelso a yellow legged Hatch cock whose bloodlines are thought to trace back to Harold Brown’s McLean Hatch. Mr. Kelso bred this cock to his Kelso hens and the offspring from the mating proved to be outstanding pit cocks. Cecil Davis, who was a friend of Mr. Kelso, walked cocks for him and had access to Mr. Kelso’s best fowl. Cecil got one of the cocks which Mr. Kelso raised from the Sweater McGinnis Hatch cock and his own hens. Cecil got this cock from Doc Robinson, who also walked cocks for Mr. Kelso. The cock was yellow legged and pea combed. Cecil bred him to five of his out-and-out Kelso hens. The offspring from this mating were the foundation of the Sweaters. They were called Sweaters because the Hatch cock from Sweater McGinnis was their grandfather. As the above indicates, in breeding, they would be ¾ Kelso-¼ yellow legged Hatch. The original Sweaters were bred by Ira Parks, who was Johnny Jumper’s brother-in-law, a very fine man and an excellent breeder of gamefowl. Ira, Johnny and Cecil were at the hub of a group of cockers in northern Mississippi and Tennessee who were friends and cocking partners. Several of this group got Sweaters from the original mating. Some of these friends have bred the Sweaters without addition of outside blood and have them in their purity today. Other breeders have added infusions of other blood to their Sweaters. The line of Sweaters which is bringing the breed such popularity today came from Roy Brady, who got some of the first mating of Sweaters, to Sonny Ware, to Odis Chappell, to Carol Nesmith and the Browns of Mississippi. Odis Chappell let a number of friends in addition to Carol, have his Sweaters, so the blood has been distributed rather widely in central Alabama in recent years. It has been excelent blood for all who got it. This line of Sweaters produces occasional green legged offspring, usually pullets. When asked about his, Roy Brady said that at one time some Hatch was bred into this line. This line is said also to carry small amount of Radio blood. The Sweaters described in this article are typically orange-red to light red in color, with yellow legs and pea combs. Of interest, however, Dolan Owens of Booneville, Mississippi, acquired some of the early Sweaters and has bred them to come uniformly dark, wine red in color, straight comb and white legged. In looks, these two lines of Sweaters show almost no resemblance. This is an example of how a family of fowl can be bred toward different standards by different breeders and In a few generations the two lines will be like two different breeds. Sonny Ware bred some Radio into the Sweaters making them pumpkin in color. Most people like this color better and breed to that end.”
Maraming salamat sa inyong pagbabasa. Hanggang sa muli.
(Para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagmamanok o kaya’y sa MANA si Rey Bajenting ay pwedeng i-text sa mga numerong ito: 0927-995-4876 o 0908-980-8154)

Gamefowl nutrition and stressors


Nutrition, Stress, and The Gamecock

By John W. Purdy

copyright©2000

The most important nutrient in life is water. Water composes, on average, 55% of the adult chicken's body weight - over 2.5 pounds of water in a 5 pound rooster! Obviously, the quality of water we give our fowl has a huge impact on the quality of their performance in the pit, in the broodpen, and on their overall health. Access to fresh and clean water gives fowl the opportunity to digest food properly, regulate body temperature, and carry out the thousands of biochemical process that keep them kicking.

A chicken has the unique ability to tolerate poor quality water and survive. We have all seen water containers that were less than clean, yard fowl drinking from stagnant puddles, and yet the chickens seemed fine. What is not apparent is that the chicken's immune system is constantly battling the germs found in the water, as well as all the other germs in the air and soil, from wild bird droppings, etc. Obviously, in response to this "stressor" the natural resistance of the bird can be overcome and disease may develop. To help prevent this from happening, and to eliminate one "route of exposure", simply change the water frequently, and make sure it's clean. This will allow the chicken to use its energy to fight off other potentially harmful bacteria and viruses, develop strong and flexible feathers, muscle, bone, and body systems that will be vitally important in the pit and in the broodpen.

Although chlorinated water is sanitary, chlorine is a strong chemical that I feel should be avoided when conditioning roosters. In fact, there are a variety of chemicals used to treat drinking water that are not beneficial to a gamecock in a conditioning program. If your source of water is treated with chemicals, there are a couple of possible solutions you should know about. First, since chlorine rapidly changes into a gas, leaving your buckets or jugs uncovered overnight will allow most of the chlorine to evaporate. Another solution is to use an activated carbon water filter. These filters are widely available, inexpensive, and very effective in removing a variety of chemicals. Bring a jug of de-chlorinated water with you to the pit. Changing the source of drinking water with sharp cocks the day of, or before the fight, can be a mistake.

If drinking contaminated water can be a source of stress for gamefowl, then what are examples of other stressors? And what is a stressor, anyway? A stressor is any factor in a chicken's environment that challenges the "normal" condition and forces the bird to make an adjustment as a response. For example, the heat from the sun (the environmental factor) causes the body temperature of your favorite rooster to increase (the change from normal), and he begins to pant (the response). The response to a stressor is usually negative, because the bird will often have to reallocate energy and nutrients. In this example, your favorite rooster is expending extra energy to get rid of the excessive body heat. Energy production is dependent upon the breakdown of carbohydrate and fats, requiring many vitamins and minerals including thiamin, niacin, and riboflavin, in addition to magnesium, as "co-enzymes". He will also have to move large amounts of extra carbon dioxide, which increases the blood pH, requires electrolytes, changes critical water balance and so on. As the air temperature increases, the difference in temperature between the rooster's body and the air decreases, and the rate of heat loss is reduced. Since chickens don't have sweat glands, they have to use a variety of other ways to remove heat from their bodies. They'll seek shade, pant rapidly, and spread their wings so that air currents will remove the layer of hot air next to their feathers. They'll often lie on the ground, with legs and wings spread, so that heat will travel from their body to the cooler ground. The combs and wattles provide surface area for the blood to transfer heat to the air, but we take that option away when we trim our stags.

To reduce the effects of heat stress, feed early in the morning and late in the evening in hot weather, so that the heat of metabolism (digestion) does not occur in the hottest part of the day when the fowl are trying to cool off. Provide shade for your fowl, and place their water containers in this location. Provide additional water containers for young fowl running loose. Provide electrolytes in the drinking water 3 times per week. If the birds eat less (as they will in hot weather), increase the concentration of nutrients in their diet, so they are getting the same amount of protein, energy, vitamins and minerals. Supplement their diet with fruit containing high moisture content such as apples, peaches, bananas, pears, mangos, etc. If you discover a bird who is under severe heat stress and he appears to be on the verge of collapse, dunk him into cool water (not cold) and keep him in the shade. I once had a box full of black day-old chicks that I placed in the sun while I was preparing the brooder pen. It didn't seem that hot, but in 20 minutes, most had passed out and several died. Boy, did I feel stupid! I moved them in the pen, flicked droplets of water on them, while praying to the Big Rooster in the sky (these chicks belonged to my employer!). In a few minutes they started peeping and soon were running around, seemingly fresh and ready for their next experience!

Heat stress is an example of a physiological stressor. Other types of physiological stressors are rapid growth, high egg production, intensive conditioning, sparring, poor water and/or feed quality, disease challenge, parasites, and vaccinations. In general, stress increases the destruction, utilization and synthesis of glucose and fats, increases the degradation of muscle protein, increases hormone production such as corticosteroids (e.g., adrenaline), insulin, and glucagon, and has a negative impact on electrolyte balance.

Psychological stressors are also important to consider. Hawks flying overhead are an example of psychological stress. Gamefowl are remarkably adaptive to this type of stress, once they become accustomed to it. In preparing fowl for battle, many people play loud music in the cockhouse 24 hours a day to accustom the birds to the loud noises they will experience at the pit. This is a good idea. Frequent and gentle handling of cocks and stags prior to the Keep is also beneficial. Get your birds used to all the strange experiences they may experience at the pit. Remember - you want a sharp, focused rooster when you set him down on the score line. A good friend of mine puts his birds in carrying cases during the Keep, carries them around the cockhouse, and takes them for a ride in the truck. You might think this is extreme, but it's little details that often make the difference. Use 2' x 2' stalls when you feed your evening feed. This is the type of holding stall you'll use at the pit. Rub their legs frequently so they get accustomed to pressure on their legs and around their spurs - they're less likely to kick and struggle when you're heeling for battle. When you spar your roosters, have a couple of friends come over and yell at each other and wave their arms around to simulate the crowd your rooster will surely be surrounded by at the pit. Changing the person with whom the birds are comfortable with (the feeder) when you get to the pit can also make them nervous. Try to insure that the feeder/conditioner is also the handler, or have the handler help spar the fowl during the Keep. Always use a few experienced cocks when you spar fresh, unfought roosters. This will increase their "awareness" in a hurry! Nutritional supplementation also gives birds under psychological stress the "tools" to respond and recover more rapidly.

Some breeds of fowl tend to handle stress better than others. Oriental fowl are famous for their calm disposition, disease resistance and tolerance to close confinement. Highly inbred fowl are often nervous and are more difficult to condition because of their inability to handle stress. Nervous or "high-strung" fowl are quite a challenge to bring to "point" on fight-day, but when they're "right" look out! If you have high-strung fowl, it is VERY important to spend a lot of time in the conditioning process to accustom them to handling, hauling, confinement in the cockhouse stalls, sparring, loud noises, etc.

As experienced cockers know, it's not easy to get that extra 10% performance, the last shuffle, the last peck, and that elusive money-fight. How you handle the interaction between stress, nutrition and performance has a major part in accomplishing your goals in this sport.

Ponkan broodcock

Ponkan broodcock
One of the ponkan broodcocks being readied by RB Sugbo for the incoming breeding season. RB Sugbo is among the gamefowl farms very much involved in the Masang Nagmamanok (MANA) Inc. nationwide gamefowl dispersal program.

Another ponkan

Another ponkan
Another ponkan broodcock in the trio pen.

Mana: Dami at Pagkakaisa

Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.

Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan. Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.

Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.

Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:

1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.

2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.

3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.

4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.

Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito, noon, ay arawaraw na lumalabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications. (Ngayon mababasa ang Llamado Tayo sa dyaryong Larga Weekly.)

Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.

Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.