Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.

Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.
Ganap na sabong site. Forums, kaalaman, balita, at iba pa para sa inyong kasiyahan at kapakanan.

Tuesday, May 5, 2009

Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon


Ang Manwal
Ng
MANA
Sa
Makabagong Pamamaraan
ng
Pagpili at Pagkundisyon
Inihanda ng RB Sugbo Gamefowl Technology





RB Sugbo GT: Isang Sulyap
Sa magandang mukha ng sabong

Isang makapagpatunay sa kabutihan na maaring maidulot ng sabong ay si kamanang Rey Bajenting, isang masang nagmamanok. Isang masang nagmamanok na nakakita sa magandang mukha ng sabong.
Ipinanganak, October 15, 1954, si kamanang Rey ay nagsimulang nagmanok noong 1965, sa murang edad na sampung taon. Ang kanyang ama, Clod Bajenting, isang tanyag na peryodista sa Cebu at ng Manila Chronicle at inang si Manuela Kintanar ay parehong Cebuano.
Sa loob ng mahigit apat na dekada sa sabong, si kamanang Rey ay nagsimula bilang handler at conditioner, Sa dekada 70 at 80 siya’y kabilang sa mga pinakatanyag na handler-conditioner sa Cebu. Ang kinita niya dito ang kanyang pinagsimula ng pamilya.
Sa kabutihang palad at dahil na rin sa kanyang tagumpay sa pagmamanok lahat ng kanyang limang anak ay nakapagtapos sa kolehiyo. Si Duke (pinangalan kay Duke Hulsey, ang sikat na Amerikanong breeder), ang panganay, nakapagtapos na summa cum laude sa kursong Business Administration with Accountancy sa University of the Philippines, Diliman; naging editor-in-chief ng Philippine Collegian, at nag no. 1 sa CPA board examination noong taon 2003. Si Duke rin ang kaunaunahang Pilipino na nakasungkit ng 1st place sa buong mundo sa taunang pasulit ng Certified Internal Auditors (CIA) na ginanap sa Chicago, USA. Siya ngayon ay nagtratrabaho sa isang malaking multi-national consultancy firm.
Si Ace (pinangalan sa ace cock o manok na alas), ang pangalawa, ay nakapagtapos sa kursong Computer Engineering sa University of San Carlos bilang scholar ng DOTC. Siya ngayon ay konektado sa isang malaking Japanese IT company.
Ang tatlong anak na babae, Si Contessa ay graduate sa education sa Normal State University; si Reyna sa Economics sa UP, Diliman; at si Queenie sa Journalism sa University of San Jose Recoletos. Lahat sila ay may kanyakanyang magandang hanapbuhay.
Ang maybahay ni Kamanang Rey, si Elizabeth Maglinte ng Lawaan, Eastern Samar ay may masters degree in Public Administration at kasalukuyang empleyado ng kapitolyo ng Cebu.
Mula 1985 hanggang 1999 pansamantalang iniwan ni kamanang Rey ang aktibong pagsasabong. Sa loob ng panahong iyon, kahit hindi nakapagtapos ng pormal na edukasyon, siya’y naging mamahayag at editor ng ilang peryodiko sa Cebu; public information officer ng Mandaue City; legislative staff chief sa Congress; consultant to the Governor of Cebu; at executive assistant sa Malakanyang.
Taong 2000 nang siyay bumalik full-time sa pagmamanok bilang isang breeder at manunulat sa Pit Games at Llamado magazine, at ngayon, pati na rin sa pahayagang Tumbok, na pinagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications.
Ang pagsulat niya sa Pit Games at Llammado ang tinuturing niyang hagdan upang magawa niya ang gusto niyang gawin alangalang sa sabong. Dito malaki ang kanyang pagsasalalamat kay Manny Berbano.
Taon 2002, binuo niya ang RB Sugbo Gamefowl Technology, na ang pangunahing layunin ay ang tumulong sa mga ordinaryong sabungero. Ito’y bilang ganti sa mga biyayang naibigay ng sabong sa kanya.
Kabilang sa mga serbisyo nito ay ang pagkukundisyon ng manok. technology transfer sa mga client farms, at marketing assistance. Nagpapalahi rin at ipinagbibili ng RB Sugbo ang mga palahi sa mga common sabungero sa abot-kayang halaga. May dalawang linyadang nabuo ang RB Sugbo, ang ponkan at ang blakliz na pinangalan niya hango sa pangalan ng asawang si Liz. Ang production farm ng RB Sugbo ay nasa Lawaan, Eastern Samar. Ito’y pinamamahalaan ng mga bayaw niya na sina Jose, Gerardo Jr, Ruben at Patrocinio Maglinte.
Bukod sa mga ito, ang RB Sugbo ay patuloy na nag sisiyasat, nagsusubok, at nagtutuklas ng mga epektibong pamamaraan sa pagmamanok, upang ipamahagi naman sa mga masang sabungero pamamagitan ng pagsusulat at pagpaseminar.
Dalawang beses dinala ng RB Sugbo ang TJT Cocking Academy sa Cebu. Una noong May 2006. Inulit noong May 2007.
Ang RB Sugbo aktibo rin sa pag-promote ng sabong.
Noong taong 2005, ginanap ng RB Sugbo sa Cebu ang kaunaunahang short knife derby dito sa bansa. One-inch lang ang haba ng tari. May mga sumaling taga ibang bansa. May 2 Amerikano, may Puerto Rican, at may entry na nanggaling sa Malaysia.
Sa 2006, nakipagugnayan ang RB Sugbo sa Cyberfriends, samahan ng mga sabungero na nakabase sa ibat-ibang bansa, na pinamumunuan ng kaibigang si Raul Ebeo, sa pagtanghal ng Cyber Cup global derby. Halos isang daan entries galing sa Cebu, Mindanao, Luzon at maging sa labas ng bansa ang sumali.
Sa paligsahang iyon, sa 20 ka manok na kinundisyon at linaban ng RB Sugbo, 15 ang nanalo, 2 ang tabla at 3 lang ang talo. Isang entry ng RB Sugbo, ang kabilang sa mga nagkampeon (manok ni Lito Garcia ng Manila na kinundisyon ng RB Sugbo).
Masasabi na rin na sa maikling panahon mula nang ito ay matatag, may kasaysayan na ang RB Sugbo hindi lang sa paglalaban, pati na rin sa pagtaguyod sa sabong at kapakanan ng mga sabungero.
Si kamanang Rey ay dati na ring namahagi ng kaalaman at nagpabatid ng mga balita sa pagmamanok pamamagitan ng kanyang pitak at mga artikulo sa Pit Games at Llammado magazine. At ngayon pati na sa pahayagang Tumbok. Dahil arawaraw ang pitak niya sa Tumbok, at ang Tumbok ay tinatangkilik ng daandaang libo, siya ngayon ay binabasa na ng napakaraming masang sabungero. Ito’y katuparan ng kanyang layunin na makatulong, at, tinatanaw nyang malaking utang na loob sa Tumbok.
Ngayon ay maglalabas ang RB Sugbo ng serye ng mga manwal sa ibat-ibang aspeto sa pagmamanok, mga modernong pamamaraan na makatulong sa inyong pagaaral ng larong sabong. Ito ang una, ang “Manwal ng MANA sa Bagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon.”
Kasama ni kamanang Rey sa pagsulat ng mga babasahin na ilalabas, si Steve del Mar, ang research, information and technology director ng RB Sugbo.
Dating editor ng Kaunlaran magazine ng San Miguel Corp, si kamanang Steve ay co-author ni kamanang Rey sa darating na libro na pinamagatan The Edge: Secrets Learned from the Masters, na ilalathala ng Llamado Publications.
Si kanamang Arturo Mosqueda ang operations manager ng RB Sugbo. At si kamanang Teddy Bajenting ang namamahala sa gamefowl dispersal program.
Samantalang si kamanang Marlon Mabingnay naman ang namamahala sa partner farm ng RB Sugbo, ang JT Northern Star ng Tuguegarao, na may katulad ding layunin ang makatulong sa kapwa sabungero.
“Salamat sa Diyos sa mga magagandang bagay na naibigay ng sabong sa akin, hindi pinansyal na yaman, kung di sa mas mahalagang uri ng yaman,” Wika ni kamanang Rey. Kaya gusto niyang makabayad pamamagitan ng pakikipaglaban para sa sabong at makatulong sa pangangalaga ng kapakanan ng masang sabungero.
























Salamat.
Maraming salamat at congratulations! Ikaw ay isa nang regular member ng MANA (Masang Nagmamanok). Salamat sa iyong suporta. Kaugnay sa ating programa na magparami ng husto, manghikayat pa tayo ng mga bagong kasapi kamana. Kung may tatlong bagong kasapi kang mahikayat at bibili ng Manwal ay mababawi mo ang iyong nagasta sa pagari ng Manwal.
Sa tatlong Manwal (isang address lang ang padadalhan.) na para sa mahihikayat mong bagong kamana ay P600 lang ang ipadala mo sa RB Sugbo sa halip na P1050. Bagaman, alam natin na ang mahalaga para sa iyo ay hindi ang makabawi, kung hindi ang makatulong sa ating adhikain.
Sa parte naman namin, ang paglilingkod ng RB Sugbo Gamefowl Technology kaugnay sa pagaari ninyo sa Manwal ng Mana sa Bagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon ay hindi natapos sa pagtanggap ninyo ng inyong kopya. Magpapatuloy kayong gagabayan namin sa inyong pagaaral sa mga konsepto, paksa at prinsipyo na nilalaman ng Manwal na ito.
Para sa mga paglilinaw at ano mang katanungan, kaugnay sa nilalaman ng Manwal na ito o sa ano mang paksa hinggil sa pagmamanok ay sisikapin naming masagot.
Etext lang sa inyong hotline sa RB Sugbo, (0927-995-4876). Huwag kalimutang ilagay sa simula ng inyong mensahe ang inyong initials at MANA regular membership number, upang mabigyan natin ng prayoridad at kaukulang pansin ang inyong katanungan.
Maraming salamat din kay Kamanang Dan Baltazar, na siyang naging kinatawan ng inyong lingkod sa mga meetings at seminar sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon na hindi natin nadaluhan, at sa iba pang mga coordinators. Kay Kamanang Marlon Mabingnay sa pagganap sa mga tungkulin ng RB Sugbo sa Jt Northern Star.
Kung hindi dahil sa inyo, hindi ako magkakaruon ng panahon at inspirasyon upang tapusin ang Manwal na ito.
At, sa pahayagang Tumbok, na siyang naging tulay sa pagkabuo ng MANA.
Sa inyong lahat, maraming salamat po.

Isang Masang Nagmamanok,

Rey Bajenting







Manwal ng Mana
Sa Bagong Pamamaraan
Ng Pagpili at Pagkundisyon

Rey K. Bajenting
Inilathala 2008







Karapatang Pagaari ni Rey K. Bajenting

Reserbado lahat ng karapatan. Ipinagbabawal ang pagkopya ng alinmang bahagi ng o ang buong aklat na ito na walang sulat-pahintulot ng may may-ari ng karapatan dito.












Nilalaman

Cover, Inside cover: RB Sugbo GT: Isang Sulyap
sa Magandang Mukha ng Sabong

P1 2nd cover page

P2 – Karapatang Pagaari (Copyright)

P3.-Salamat

P.5 Nilalaman

P7-Pambungad: Una ang Huli, Huli ang Una

P9-Paglinaw: Inihaw Lang


P11.Unang Bahagi: Gulugod ng Industriya
Dami at Pagkaaisa
Sandaang Libong Kamana
Mga Benepisyo ng mga Kamana

Pangalawang Bahagi: Pagpili at Pagkundisyon
Kabanata 1. Pagpipili Susi sa Tagumpay,
Ano ang Susi sa Pagpili?
Kabanata 2. Abot-Kayang Nutrisyon
ng Kampeon
Kabanata 3. Pagsasanay na Tugma
sa Pilipino Knife
Kabanata 4. Mga Pasilidad
Kabanata 5. Pagpatuktok: Stress Management
Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan
ng RB Sugbo sa Pagkundisyon
Kabanata 7. Conditioning Pyramid
Kabanata 8. Paghanda sa ulutan

Madaliang Pagsangguni

Pangwakas: Dapat sa Ating Pagsasabong

Back cover, Inside back: RB Sugbo-JT Northern Star,
Bakasan ng Kaalaman




Pambungad: Una ang Huli,
Huli ang Una

Ang Manwal na ito ay nagtatalakay sa mga makabagong pamamaraan sa pagpili at pagkundisyon ng manok pansabong. Dahil ang RB Sugbo gamefowl technology ay naniniwala na ang pagsasabong ay dapat matutunan paatras. Hindi dapat magsimula sa umpisa, ang pagpapahalahi. Dapat ang huling yugto sa buhay ng manok ang una nating pagaralan, ang paglalaban.
Pamamagitan lamang sa paglalaban tayo magiging dalubhasa sa pagkilala sa manok na magaling. Pamamagitan ng ating panay na pagpunta sa sabungan, pagalaga at paglaban ng sariling mga tinale, tayo’y masasanay at maging bihasa sa pagtingin at pagkilala sa magaling na manok. At ito ang magbibgay ideya sa atin kung anong uri ng manok ang ipalalabas sakaling pasukin na natin ang pagpapalahi.
Kung magpapalahi tayo habang mangmang pa tayo kung anong uri ng manok ang nagpapanalo sa sabungan, wala tayong ideya kung anong uri ng manok ang ating ipalabas sa ating pagpapalahi.
Unahin ang paglalaban. Pag dalubhasa na tayo dito, saka natin pasukin ang larangan ng pagpapalahi.
Nararapat lang na ang manwal sa pagpili at paglalaban ang unang handog ng RB Sugbo sa masang sabungero dahil karamihan sa kanila ay sila mismo ang nagaalaga at naghahanda ng kanilang mga manok. At saka, mas marami sa atin ang naglalaban lang, kaysa nagpapalahi.
Dito sa “Manwal ng MANA sa Bagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon” ay matutuklasan ninyo:
• Kung paano nabuo ang MANA pamamagitan ng Tumbok
• Ang layunin ng MANA na ipaglaban ang sabong at pangalagaan ang kapakanan ng mga ordinaryong sabungero
• Ano ang susi patungong matagumpay na pagmamanok
• Bagong konsepto sa pagpili: Katangian, hindi istilo, at ang negative selection
• Ang abot-kayang nutrisyon ng mga kampeon
• Ano ang tugmang mga ehersisyo para sa Pilipino knife
• Ang conditioning pyramid: hagdanan patungong tuktok
• Paano maging kasiyasiya ang sabong.
• Ang “Quick energy: Creatine, glucose at ribose”
• Ang bagong tuklas:”Hindi na kailangan ang carbo loading.”
• At, marami pang ibang bago ngunit subok na pamamaraan na maaring ngayon lang ninyo mabasa o marinig.

.




Paglinaw: Inihaw lang
Upang mapanatiling buo ang integridad ng nilalaman ng Manwal na ito, ang RB Sugbo ay hindi humingi ng kahit ano mang tulong na kaugnay sa paglalabas nito, galing sa mga kumpaniya na gumagawa ng mga produktong pangmanok. Oo, kahit doon sa kanila na may produktong kabilang sa mga nabanggit natin at inirekomenda.
Ang ating pagtukoy dito sa naturang mga produkto ay dahil totoong nasubukan natin ang mga ito at nagustuhan, hindi dahil sponsor o advertiser natin ang gumawa.
Hindi rin na dahil tinukoy natin ang mga ito, ibig sabihin, ito na nga ang mga pinakamainam. Maaring ang ilan sa mga ito ay dahil lang na sa pagbigay payo natin sa ating mga kamana palaging may isang konsiderasyon tayong pinahalagahan- ang magtipid.
Pagtitipid din ang dahilan kung bakit ang Manwal na ito ay payak at hindi mapagkunwari. Walang makukulay na mga pahina. Walang magagarang mga litrato.Dahil gusto nating makapagtipid nang kayo’y makapagtipid din.
At, isa pang dahilan bakit hindi nating makaya na maging magara ang Manwal na ito, ay dahil nga, hindi tayo kumuha ng advertisement at sponsorship na sanay makatulong sa gastusin at makadagdag sa dami ng pahina.
Datapwat kaunti ang mga pahina, puno naman ng kaalamang praktikal, kaalaman na magagamit at makakatulong. Ang nilalaman ng bawat kabanata ay bunga ng masugid na pagsiyasat, at pananaliksik, matinding pagsubok at mahabang karanasan ng RB Sugbo Gamefowl Technology.
Kung sa pagkain pa, ang Manwal na itoy’y inihaw na baboy. Walang maraming rekados, ngunit nandiyan ang laman at sarap.
Sinadya natin na maging payak, simple at manipis ang Manwal na ito upang makapagtipid tayo at makapamahagi ng kaalaman sa halagang abot-kaya ng masang nagmamanok, na siyang tunay na gulugod ng industriya, at kaninong kapakanan ay dapat pangalagaan.
Ano man ang pagkukulang ng Manwal na ito ay mapupunan ng pagmamahal ng RB Sugbo sa masang sabungero. Para sa ano mang katanungan, paglilinaw o simpleng mensahe ukol sa nilalaman ng Manwal na ito, huwag mag atubiling mag text o tumawag sa numerong esklusibo lang sa inyo (0927-995-4876).
Ito ay hindi pangkaraniwang manwal, kung hindi isang handog ng RB Sugbo sa masang nagmamanok at sagisag ng aming pakikiisa sa adhikain ng MANA.





















Unang Bahagi: Gulugod ng Industriya


MANA: Dami at Pagkakaisa
Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan. Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.
2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.
3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.
4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito ay arawaraw na lumalabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications.
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Sagupaan, Secret Weapon, Excellence Poultry & Livestock Specialist, at Thunderbird.


Sandaang libong Kamana
Sa ngayon ang pahayagang Tumbok ang nag silbeng tulay ng karamihan upang sila’y makasali sa MANA. Subalit hindi lahat ng lugar sa kapuluan ay maabot ng Tumbok, at hindi lahat ng masang nagmamanok ay nakababasa nito.
Kaya kailangan ang iba pang paraan upang mas lalo dumami ang mga kamana. Kabilang sa mga paraan ay:
1. Direktahang paghihikayat sa mga kakilala at kaibigan upang sumapi sa MANA.
2. Sa mga lugar na may Tumbok, ipaalam natin sa ating kapwa sabungero na may pahayagang Tumbok na naglalaman ng mga artikulo hinggil sa sabong upang masundan nila at mabalitaan ang MANA.
3. Itangkilik natin ang mga Manwal ng MANA, at iba pang babasahin na tumutulong sa MANA tulad ng Pit Games at Llammado magazine.
4. Suportahan ang programa nating maabot ang bilang ng mga kamana sa isang daang libo (100,000) sa loob ng isang taon.

Oo kaya natin ito. Ang isang daang libo ay wala pa ngang 5% sa bilang ng mga nagmamanok at ang may kinalalaman sa industriya ng sabong sa Pilipinas. Kung ang bawat isa sa kasalukuyang kasapi ng MANA ay makahikayat ng isang bagong kasapi bawat dalawang buwan, aabot tayo ng sandaang libo sa loob lang ng sampung buwan. Hindi ito mahirap mga kamana kung ating gagawin.
Upang mas mabigyan daan ang kasatuparan ng programang ito, may mekanismo tayo na makakuha ng biyaya ang mga membro na makagagawa nito. Halimbawa ay ang maging libre ang kopya ng Manwal na ito o kaya’y ang halagang ibinayad natin ay ating mababawi kung makahikayat tayo ng mga bagong kasapi.
Ganoon din ang maaring mangyayari sa ating mga seminar na may bayad. Magagawa natin ito dahil hindi negosyo at tubo ang nasa isip natin kung hindi ang pagparami ng kaisa natin sa adhikain. At hahanap tayo ng mga sponsors na makakatulong sa pag pasan sa gastusin. Sa halip na tumobo, i-subsidize pa natin ang ating mga gawain. Kaya natin itong magawa kung makikita na nila ang dami at pagkakaisa natin.
Nasa dami at pagkakaisa ang lakas natin mga masang nagmamanok. Ito ang paraan na matuonan ng pansin ang ating kapakanan at maipaglaban natin ang sabong.
Ang Sabong, ay isport, industriya, at hanapbuhay. Ito’y isang tunay na mana ng ating kuktura.


Mga Benepisyo ng mga Kamana
Sa kasalukuyan hindi pa gaano karami ang mga benepisyo na matatanggap natin mga kamana, ngunit inaasahan na lalaki at dadami ang mga ito habang padami tayo at palakas ang MANA.
Sa ngayon ang pinaka gawain natin arawaraw ay ang bigyan prioridad sa pagsagot ang mga katanungan ng ating mga kamana na tinitext nila sa pitak Llamado Tayo sa Tumbok. Napakarami nating natatanggap na katanungan arawaraw. Sinisikap nating sagutin ang lahat ngunit talagang hindi natin magawa. Kaya inuuna natin ang mga mensahe at katanungan galing sa ating mga kamana.
May mga libreng paseminar tayo. May malaking discount ang mga kamana sa mga training courses sa National Gamefowl Training Center, (NGTC) sa San Mateo, Rizal.
May mga naka schedule na rin tayong mga subsidized stay-in training courses kung saan, dahil subsidized, maliit lang ang mababayaran ng ating mga kamana. Ang mga ganitong uri ng training at seminars ay magkakahalaga sana mula 8 thousand hanggang 10 thousand pesos. Sa atin sisikapin natin na wala pang 1/3 ang magagasta ng mga kasapi ng MANA na gustong sumali.
May sinisimulan tayong gamefowl dispersal program sa City of Naga, Cebu. Binigyan tayo ng Sagupaan ng malaking diskwento sa pakain at gamot bilang tulong sa ating programa. Sa Camarines Sur may plano ang chapter natin doon na pinamumunuan nila kamanang Jessie Abonite at Boying Santiago na magtatag din ng dispersal program.
Ang MANA ay hindi nangongolekta ng membership fee o monthly dues. Kaya wala tayong pundo. Pero aasa tayo na sa darating na mga araw ay makapagpatuloy tayo dahil sa suporta ng marami.
Ang mga susuporta sa atin ay may mga mensahe na nais ipaabot sa mga kasapi ng MANA. Mas marami ang kasapi ng MANA, mas masaya sila, dahil mas marami ang makakatanggap ng kanilang mensahe, at mas nanaisin nilang makatulong sa atin. Kaya ang susi sa lahat ng ito ay ang ating dami at pagkakaisa.
Datapwa’t sa puntong ito, ang mahalaga ay hindi ang ating makukuhang biyaya, kung hindi ang atin munang pakikipaglaban sa pwersa kontra sabong. Kung maipakita natin ang ating dami at pagkakaisa, magiisip ang mga pulitikong gustong sumuporta sa hakbang kontra sabong na sinusulong ng mga dayuhan gamit ang mga kapatid natin na ginagawa nilang galamay at hinihikayat na ipagkanulo ang sarili nating kultura.


(Abangan ang pangalawang bahagi sa susunod na buwan.)

Ponkan broodcock

Ponkan broodcock
One of the ponkan broodcocks being readied by RB Sugbo for the incoming breeding season. RB Sugbo is among the gamefowl farms very much involved in the Masang Nagmamanok (MANA) Inc. nationwide gamefowl dispersal program.

Another ponkan

Another ponkan
Another ponkan broodcock in the trio pen.

Mana: Dami at Pagkakaisa

Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.

Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan. Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.

Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.

Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:

1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.

2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.

3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.

4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.

Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito, noon, ay arawaraw na lumalabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications. (Ngayon mababasa ang Llamado Tayo sa dyaryong Larga Weekly.)

Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.

Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.