Tuesday, December 1, 2009
LLamado Tayo: Benefit 3 cocks sa Baras
Llamado Tayo
Benefit 3-cocks sa Baras
WARNING!!!!!
The security of the yahoo account of kamana Joe Claudio has been compromised. Please disregard any message received from the account mba1220bemin@yahoo.com. Particularly messages asking for assistance. Also refrain from sending messages to said account.
You may instead email kamana1015@yahoo.com. All MANA members who have emailed their membership and request to said account please renew your membership by emailing your name, address and tel no. to kamana1015@yahoo.com. Thanks.
Oo mga kamana, beware po. Na hacked po ang yahoo account ni kamana Jose Claudio na siya nating ginagamit na main account ng Masang Nagmamanok (MANA) sa internet. Nawala po ang mga pangalan at address ng mga kamana na nag parehistro pamamagitan ng account na ito. Kung makatanggap po kayo ng mga mensahe galing sa mba1220bemin@yahoo.com ipagsawalang bahala nyo na lang. Wag na ring magpadala ng mensahe sa nasabing email ad. Sa halip magparehistro muli o kaya magpadala ng mensahe sa kamana1015@yahoo.com na lang.
Para sa mga impormasyon at balilita sa MANA at sa sabong patuloy lang tayong magbasa ng Larga at magpunta sa tilaok.blogspot.com
Mana sa Bakbakan
Sa pagsulat natin sa pitak na ito, lima sa pitong entries ng mga kamana natin sa Cebu ay pumasok sa semi finals ng bakbakan 10-stags. Isa sa mga nakapasok ay sa Pasay natin isasabak sa semi finals sa Nov 20. Ang entreng ito ay ang RB Sugbo RTE Mana. Ang apat pa na entry ay sa Cebu mag se-semis. Sa Talisay Tourist Sports Complex, ang home of the CVBA, ang asosasyon na kinabibilangan natin.
Sa Talisay Tourist Sports Complex din gaganapin ang NFGB Presidents’ Cup. Ito ang isa sa mga pinakamalaking cocking event na magaganap sa Cebu sa taong ito. Maglabanlaban dito ang mga Gamefowl Breeders Association na kabilang sa National Federation of Gamefowl Breeders (NFGB). Bawat GBA ay maglalaban ng sampung stags. Inaanyayahan natin ang lahat na taga Cebu na manood. Pambihirang pagkakataon ito. Sa December 12 po ito.
Di nato ni sipyaton sa pagtanaw. Higayon ni nato nga makita ang mga stags gikan sa nagkalainlaing lugar sa Pilipinas sama sa Panay, Negros, Mindanao, Luzon ug Manila. Ug ang ato pong kaugalingong stags diri sa Sugbo.
3 cocks sa Baras
Sa Dec 11 naman ay may benefit 3-cocks sa Baras , Rizal. Ang promoter po nito ay sina kamanang Gilbert and friends. Todo suporta po sa paderbeng ito ang MANA Rizal na pinamumunuan ni kamana Jun Santos. P150,000 ang guaranteed prize at P3,300 lang ang entry fee. P 3,300 din ang minimum bet.Sponsored po ito ng Bmeg Integra at Derby Ace.. Assisted by Boss Abet, Rizal Cyber Cockers at Masang Nagmamanok (MANA) Inc. Ang kikitain po nito ay mapupunta sa mga biktima ng typhoon ondoy. For more details text nyo lang si kamanang Jun Santos 0908-895-9623, o si kamana Gilbert mismo, 0927-289-8313.
Samantala, pinagbibigay alam ni kamana Loreto Casalhay ng Sampaloc chapter na sa Dec. 5 na ang kanilang feeding activity ng mga street children sa Tondo, Manila. Sabi ni kamana Loreto kung sino mang gustong sumama sa pagpapakain na ito ay kumontak lang sa kanya, 09182713548. Mayroong sasakyan daw na magagamit sa mga kamana na sasama. Proyekto ito ng MANA Luzon.
Kamana Loreto napakaganda ng naisip nyong yan. Palagi mo lang akong i-update sa mga kaganapan natin dyan.
Walang gamot na madyik
Kamana gud am. Ano po ba ang pagpalakas ng palo ng manok at pagpapabilis nito? At, ano po ang magandang iturok o di kaya isubo na tableta para tumibay at lumakas ang manok?Maski patay na tumutuka pa rin at pumapalo.
Nako kamana, wala po yan.
Wala tayong maibibigay upang ang bulok na manok ay maging magaling. Kung walang kakayahan ang manok, wala tayong magagawa.
Ngunit kung ang manok ay may likas na kakayahan maaari natin itong pairalin o paigtingin pamamagitan ng mahusay na pag-aalaga, wastong pagpapakain, at angkop na kapaligiran. Pamamagitan ng mga ito ay maaabot ng mga manok ang kanilang buong potensyal.
Ang mga katangian at kakayahan ay naitakda na ng maingat na pagpapalahi. Kung wala ang mga ito sa manok wala nang magagawa ang ano mang galing sa pagkundisyon.
Ang pagpapalahi ang nagbibigay ng kahusayan at iba pang katangian ng manok tulad ng cutting ability; tapang, tibay at lakas; at, talino, liksi at bilis.
Nasa manok na ang kagalingan. Ingatan lang natin na ito ay mapanatili o mapairal.
Walang gamot o pakain na mistulang magic na makapagbibigay ng galing, na higit sa antas na itinakda ng pagpapalahi.
. Hindi natin kailan man matuturuan ang manok kung paano lumaban. Hindi matuturuan ang manok na dapat ay umangat siya o mag-abang o kayay paluin ang kalaban kaagad pagdating sa ibaba.
Ang mga ito ay likas na nasa manok dahil ang mga ito ay nasa genes at wala sa training. Ang magagawa lang natin ay ang panatilihin o kayay bahagyang paigtingin ang mga kakayahang ito.
May mga sabungero na sa hangarin na maging “super” ang kanilang mga panabong ay binabatak ito ng husto sa training. Ang iba naman ay binibigyan ng steroids, hormones, stimulants at kung anu-anong uri ng artipisyal na conditioning aids.
Subalit walang uri ng training o druga na makapagpagaling sa isang mahinang manok. Sa halip, ang sobrang training at pagbigay ng druga ay maaari pang makasama sa sana’y isang magaling na manok.
Sa mahabang panahon ng aking pagmamanok, pagmamasid, pag-aaral, at pagtatanung-tanong, ay may nabuo akong prinsipyo sa paghahanda ng manok.
Sa palagay ko hindi dapat batakin ang manok . Simpleng ehersisyo at simpleng pakain ay sapat na basta husto at sapat ang abilidad at kalidad ng manok.
Rotation lang, pasampisampi, palakad at pailaw. Ang mga iyan ay sapat na mga kamana. Ang gamot natin ay multivitamins lang kung malayo pa ang laban. Tapos me mga blood conditioners at energy boosters tayo sa malapit na ang laban.
Kung may kopya kayo ng Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon basahin nyo ang kabanata hinggil dito. Kung may gusto kayong linawin pa, magtext kayo sa numero na nakalagay sa manwal para mas madali nating masagot.
Sa pasabong nina kamana Gani Dominguez sa Arcontica Coliseum sa darating na Dec. 15, may mga libreng kopya ng Manwal na ipamimigay natin sa mga lalahok. Maari rin kayong mag order P300 lang/copy magtext sa 09279954876 o mag email sa kamana1015@yahoo.com. Makakahingi kayo ng libreng file ng manwal at ng iba pang babasahin ng RB Sugbo Gamefowl Technology pamamagitan sa pagpunta sa tilaok.blogspot.com at i-click lang ang free publication. Magrequest lang kayo at i-email namin ang kopya ng babasahin na nais nyo.
Available for free ang Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon (condensed version); Manwal ng Mana sa Praktikal na Pagpapalahi; Paghanda ng Stag; Power Pointing; at ang Legend of the Philippine Lemon. Makakatulong po sa inyong pagmamanok ang mga babasahing ito.
Malimit po ba kayong magbitaw kamana? Gaano kalimit?
Oo kamana. Sa foundation period, kung kailan inaayos natin hindi lang ang pangangatawan ng manok kung di pati na rin ang kakayahang mental nito, may mga pagkakataon na araw-araw natin binibitaw ang manok. Ito kung kulang sa pokus sa laban ang naturang manok. Kung ok lang ang pokus ng manok dalawang beses isang linggo natin binibitaw sa foundation stage.
Sa battle ready stage at least isang beses isang linggo ang bitaw natin. Ang foundation at battle-ready ay mga baitang sa ating conditioning pyramid na nilalaman ng ating manwal.
Para sa akin ang sparring o bitaw ay isang maganda at natural na ehersisyo. Ang totoo ito lang ang tanging training na kung saan malayang ginagawa ng manok ang kanilang gagawin sa aktwal na laban.
Kaya lang, dapat ding mag-iingat sa pagbibitaw. Dahil talagang magbubugbugan ang dalawang manok kapag ibinibitaw, kaya maaaring masaktan ang alin man sa mga ito.
Ganito ang ginagawa natin sa pagbibitaw:
Sa unang round ay binibitaw ang dalawang manok sa layo na apat na talampakan lang o four feet. Agad magpapaluan ang dalawang manok. Hanggang dalawang hatawan.
Pagkatapos ay binibitaw natin ang dalawa para sa ikalawang round. Sa ikalawang pagkakataon ay malayo na ang distansya. Hinahayaan natin silang magpaluan ng 4 hanggang 6 na beses bago paghihiwalayin.Ngunit tandaan na agad paghiwalayin ang mga manok pag isa sa kanila ay makapag-billhold.
Sir gud am. Nabasa ko sa manwal na ang atay ng baka ay maigeng ipakain. Cook ba o fresh? Pwede rin bang refrigerated?
Ganito gawin mo kamana, bili ka ng fresh tapos banlian mo ng mainit na tubig. Tapos hiwain ng kasing liit ng cracked corn ang piraso. Ibigay isang kutsara para sa apat o limang manok na inihanda. Ang atay ng baka ay may mataas na taglay na protena at mas mababa ang fats nito kaysa karne ng baka. Taglay din ng atay ang b complex vitamins at iron na kailangan sa pagkundisyon sa dugo ng manok. Sa pakain sa umaga lang natin ibigay dalawa o tatlong beses isang linggo okey na.
Welcome. To read the articles, please click post link or month, then subsequent post link.
Ponkan broodcock
Another ponkan
Mana: Dami at Pagkakaisa
Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.
2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.
3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.
4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.
Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.