Mga kamana at kasabong, sa Feb 18 po ang pangalawang Voltplex Kill Quick pasabong natin sa Pasay Cockpit. One cock ulutan fastest kill pa rin tulad ng dati. Sana’y suportahan nyo ulit. Maganda ang una nating pasabong. 68 fights po noong Jan 21. Sana’y mahigitan natin ito sa feb 18. Ang kikitain ay makakatulong sa ating mga proyekto, partikular na ang ating gamefowl dispersal program sa Teresa, Rizal.
Ang mga maglalaban ay ang may priority sa ating dispersal kaya siguruin nyo po na nakarehistro ang inyong paglaban sa ating mga pasabong. Coordinate lang po tayo kay kamanang Anthony Mendoza ang namamahala sa ating mga pasabong sa Pasay, 0906- 238-8363. O kaya’y kay kamanang Jun Santos, ang namamahala sa dispersal program, 0921-416-4359.
Patuloy din ang ating seminars sa Pasay Cockpit sa araw ng pasabong. Ang nais magaral ng pagtari ay mag-coordinate lang kay kamanang Jeff Urbi, 0928-711-3711. Sa pagkundisyon naman kay kamanang Marlon Mabingnay, 0929-723,3573.
Available din doon ang kopya ng Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan
Sa Feb 18 na po ang pangalawang pasabong natin sa Pasay cockpit. Ito ang pangalawang edisyon ng Voltplex Kill Quick Series. Ang una ay ginanap noong Jan 21 sa Pasay cockpit din. May mga naka schedule na rin sa Cebu, sa Marso; Camarines Sur sa Abril at Eastern Samar sa buwan ng Mayo. Ang seryeng ito ay dulot ng Excellence Poultry and Livestock Specialist, ang kumpaniyang may pagmamalasakit sa masang sabungero.
Napakaganda ng resulta ng ating unang Voltplex Kill Quick. Umabot ng 68 fights. Sana’y mahigitan pa natin sa Feb 18. Ang entry na Papa Bulang ang siyang nagwagi sa Kill Quick award. Tatlong panalo at ang time ay di umabot ng dalawang minuto. Ang kinatawan ng Papa Bulang ay makakatanggap ng Gold Ring of Excellence ngayong Feb 18 doon sa Pasay Cockpit, bilang karagdagang gantimpala sa P20,000 cash na napanalunan ng Papa Bulang.
Sino kaya ang susunod na Kill Quick fighter?
sa Pagpili at Pagkundisyon. At para sa mga hindi makapagantay sa booklet form ng Manwal ng Mana 2, ang Praktikal na Pagpapalahi, magpalabas tayo ng advanced printout ng Manwal 2 at available din doon sa Pasay Cockpit sa Feb 18.
Ang mga naka schedule na edisyon ng Voltplex Kill Quick Welfare series ay sa Feb. 21 sa Ronda, Cebu. March 10, Sa Naga, Cebu, April sa Camarines Sur at first week of May sa Eastern Samar.