Congratulations kamanang Glenn Lim ng Cebu. Siya na ang pangulo sa buong Pilipinas ng United Gamefowl Breeders Association (UGBA). Sa March 6 ang formal turn over galing kay Boy Diaz papuntang Glenn. Sa Cebu International Convention Center gaganapin.
Maasahan natin na may mga gagawin si kamanang Glenn na maka-masang sabungero.
Sa NFGB naman ang bagong pangulo ay si Fred Katigbak ng Batangas Breeders Club. Napakaganda ng ginawa ng dalawang bukluran ng mga breeders associations sa Pilipinas. Ang UGBA na pinamumunuan ni Boy Diaz na taga Luzon ay pamumunuan na ni kamanang Glen na taga Visayas. Ang pamumuno ng NFGB naman ay mapupunta sa isang taga Luzon, galing kay Ricoy Palmares na taga Visayas.
Sana sa susunod taga Mindanao naman ang mamumuno. Sa ganitong paraan makikita ang pagbubuklod ng mga sabungero sa buong bansa.
Sa MANA sabay na mamumuno ang taga Luzon, Visayas at Mindanao. May apat na division ang MANA. Metro Division na binubuo ng NCR, Southern Tagalog at Bicol. Ang North Division na binubuo ng Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at CAR. Ang Mid Philippines na binubuo ng talong rehiyon ng Visayas at ang South division para sa lahat ng rehiyon ng Mindanao.
Habang binabasa nyo ang pitak na ito, ay nagpupulong ang mga kinatawan ng mga chapters ng MANA sa NCR, Southern Tagalog at Bicol upang pormal na itatag ang Metro Division.