Saturday, February 7, 2009

Mana Metro namili ng mga Opisyales

Congratulations sa mga napiling opisyales ng Mana Metro Division na binubuo sa mga rehiyon ng NCR, Southern Tagalog at Bicol.
Si kamanang Col Tito Corpuz ng Mana Southern Tagalog and nahalhal na chairman. Ang Vice chairman ay si Boying Santiago ng Bicol. Ang president naman ay si Engr. Jeff Urbi ng Mana NCR. Ang ibang opisyales na napili ay sila Kamanang Frank Cubacub ng Batangas, Southern Tagalog, bilang secretary; Engr. Armi Celis ng Quezon, S. Tagalog, bilang Treasurer; at Mon Dayao ng Taguig, NCR bilang auditor.
Sa pagpupulong na iyon na ginanap sa Southern Police District, sa Fort Bonifacio, Taguig, sa residensya ni Kamanang Ed Genova, ay nagpili rin ng mga opisyales sa Mana NCVR regional chapter. Si kamanang Anthony Mendoza ng Pasay ang chairman. Si kamanang Ed Genova naman ng Taguig and vice chairman. Ang president ay si Retchley Manigo, ang secretary ay si Ferdinand Sarino ng Tondo, Treasurer si Loreto Casalhay ng Sampaloc at auditor si Jaime Centeno.