Tuesday, June 2, 2009

Mga piling tanong at kasagutan

Walang magandang lahi

Tanong: Gud pm ano po ba ang lahi ng manok ang magagandang pumalo at madiskarte sa laban? (02:45:05AM feb 27-2007)

Napakahirap sagutin ang mga ganitong katanungan. Lalo na kung sa pamamagitan lang ng pagtetext.

Oo, ang iba’t-ibang lahi ng manok dapat ay may kani-kanilang istilo sa paglaban.

Halimbawa ang lemon ay dapat mautak at magaling sa cutting. Ang hatch naman ay malakas at matibay.

Ngunit ang totoo ay hindi sa lahat na pagkakataon ay nagkakatotoo ito. May lemon na di gaanong mautak. May hatch naman na hindi matibay.

Kahit anong lahi o linyada ay may magagaling at may mga bulok. Kaya hindi tama na ibatay natin ang ating pagpili ng manok sa pangalan o sa katanyagan ng lahi.

Dapat ang pagpili natin ay batay sa kakayahan at katangian ng indibidwal na manok. Huwag pangalan ang habulin natin. Dapat ang kagalingan ang ating gawing batayan sa pagpili.

Hindi kasi garantisado kung sa pangalan ng lahi natin ibatay. Una, kung hindi tapat ang nagpapalahi ay pwede niyang sabihin na ang kanyang manok ay pure lemon, kahit ito’y may halo. Pangalawa, wala naman talagang puro na genes kung manok ang pag-uusapan.

Lahat naman ng lahi ng manok ay nagsimula sa paghalohalo ng dalawa, tatlo, o mas marami pang lahi.

Kaya, huwag na nating isipin kung ano ang pangalan ng lahi ng manok. Hanapin natin ang magaling na manok, hindi ang katanyagan ng pangalan ng lahi.






Katawan ng sweater

Tanong: Gud am mr bajenting. I once had a talk wid a handler and during d course of our conversation, he told me dat d secret of condtioning d sweater to win is to fight it na hindi masyadong malapad ang katawan ung di cya punongpuno . Any comment on dis? TY. (09:41:33AM Mar-6-2007)

Sagot natin: I dont know if it cud b generally stated dat way. I wud say it may vary from one family of sweater to another. Also if i cud avoid it i wont fyt chickens na manipis ang katawan.

Oo. Ang pagkakaalam ko hindi pareho ang characteristics ng lahat ng pamilya at uri ng sweaters. Posible tama ang sinabi ng handler na nakausap ng nagtanong sa atin na gusto ng sweater na ilaban na di malapad ang katawan, kung ang batayan ay ang kanyang sariling karanasan.

Ngunit hindi naman siguro lahat-lahat ng sweater ganito ang gusto. Kasi napakarami na ng pamilya at uri ng sweaters sa ngayon at ibaiba ang kanilang genetic na kumposisyon kaya malamang ibaiba rin ang kanilang ugali at pangangailangan.

May nabasa akong artikulo tungkol sa isang pamilya ng sweater ng isang tanyag na manlalahi kung saan nakasaad na ang kanyang sweater ay dapat ilaban na puno at buka ang katawan ngunit dapat ay magaan at tuyo.

Ang akin namang sariling pamilya ng sweaters na ang tawag ko ay “ponkans” ay kailangan na ilaban na puno pero medyo may konting moisture ang katawan.

Sa palagay ko, tulad ng iba pang lahi, ang sweater ay may ibat-ibang pamilya at uri, na hindi magkakatulad ang kumposisyon, samakatuwid ibaiba rin ang characteristics.

Kaya siguro dapat kilalanin natin ang indibidwal na pamilya o indibidwal na manok at huwag natin ibatay ang ating paghahanda sa pangalan ng lahi.



Epekto ng inbreeding

Tanong: Ok lng po bng ipares ang inahin ko sa kanyang pamangkin? Sir hindi po ba maka apekto sa genes ng aking mga sisiw dahil ang brodcock ko anak ng kaptid ng inhin ko? Gus2 ko i2ng mga lahi na ito dahil madlas manalo, hindi ba ito makapek2 sa kanilang winning %? (10:48:35AM feb 27-2007)

Ang pamamaraang ito sa pagpapalahi ay isang uri ng inbreeding, bagaman hindi gaano ang tindi. Ok lang ito. Lalo na kung sadyang inbred ang gusto mong ipalabas.

Ang inbreeding ay ang pagpapalahi ng magkamag-anak. Ibig sabihin ay ang tat-yaw at ang inahin ay may magkaparehong ninuno sa loob ng 4-6 henerasyon o salinlahi.

Ginagawa ang inbreeding upang maisapuro ang mga katangian na ibig nating isalin sa susunod na henerasyon. Ito ang tinatawag na “to purify”.

Ang pagpurify ng mga magagaling na katangian upang ang mga itoy mas madaling maisalin sa mga sumusunod na henerasyon, ay ang layunin ng pag in-breeding.

Subalit, may malaking posibilidad din na sa halip na ang mga positibong katangian o kakayahan, ang mga negatibo ang mapurified. Kapag ito ang mangyari ay masama ang epekto ng inbreeding. Ito ngayon ang tinatawag na “inbreeding depression”.

Kaya ang sagot sa katanungan ng nagtext sa akin kung diba makakaapekto ang kanyang pagpares ng tiyahin at pamangkin ay oo, makakaapekto.

Ang epekto ay maaaring mas makakabuti sa kanyang nagpapanalo nang lahi, o maaari ding makakasama.

Ganyan lang naman talaga ang pagpapalahi. May grasya, may disgrasya.