Ang manok ay nilikhang palaban
Para mas malinaw sa atin kung ano talaga ang totoo, kung pagmamalupit ba sa manok ang pagsasabong o hindi, dapat siguro na alamin natin kung ano talaga ang manok.
Ang manok ay ibon. Isa sa pagkakaiba lang nito sa ibang ibon ay ang palong sa ibabaw ng ulo at palabit sa ilalim. Mas halata at malalaki ang palong at palabit sa mga lalaking manok. Ang palong ay ang batayan ng tawag sa manok ng salitang Latin. Ang salitang Latin na gallus ay nangangahulugang palong. Kaya ang domestic chicken ang tawag ay Gallus domesticus. Sa Red Jungle Fowl naman, kung saan nanggaling ang ating manok pansabong, ay Gallus bankiva.
Ang manok ay may dalawang paa at dalawang pakpak. May mga uri ng manok na hindi na nakakalipad. Ang iba ay nakakalipad ng malapit at mababa, hindi kagaya ng karamihan ng mga ibon. Ang paa ng manok ay may kaliskis.
Ang paghinga ng manok at pulso nito ay mas mabilis kaysa mga mas malalaking hayop. Pati na nag pagtunaw ng pagkain. Ang temperatura ng katawan ng manok ay 107-107.5 farenheit o 41-42 kung sa celsius. Ang tao kung umabot ng 37 celsius ay nilalagnat na.
Ang manok ay napipisa, hindi pinanganganak.
Ang katawan ng manok ay puno ng balahibo. May mga buhok din ito, hindi lang natin halata. Ang manok ay may tuka, walang ngipin. Magagaan ang buto at kalansay ng manok kaya hindi pa rin lubusang nawala ang kakayahan nitong makalipad. May mga labintatlong air sacks sa katawan ng manok kaya gumagaan ito, at ang mga air sacks ay ginagamit din sa proseso ng paghinga.
Ang mga lahi at sari ng mga manok ngayon, pati na ang gamefowl ay pinaniwawalaang nanggaling sa Red Jungle Fowl o Gallus bankiva, na tinatawag din na Gallus gallus na nabubuhay dito sa atin sa Southeast Asia ng may ilang libong taon na, at hanggang ngayon ay nanatili pa. May mga manok na sa Asia sa 3,200 B.C., and may records pa na may manok na rin sa China at Egypt sa taong 1,400 B.C.
Nakakasiyang isipin na unang hinuli at inaalagaan ang mga labuyong manok para sabong, hindi para pagkain. Kaya lang ang sabong ay ipinagbawal sa maraming bansa kaya sa halip na nagpapalahi ng pansabong ang mga nagaalaga ng manok ay nagpalahi na lang ng mga para poultry exhibition. Dahil dito naglabasan ang iba’t-ibang sari ng manok para sa iba’t-ibang gamit, mula uri na para hapag kainan hanggang laruan at pangdekorasyon. Ngayon may higit kumulang 175 ka sari ng manok, na nagbubuo ng higit kumulang 60 ka lahi at 12 klase.
Ang klase ay binabatay sa lugar kung saan unang nanggaling ang isang uri ng manok. Halimbawa: Asiatic, American, Mediterranean, at iba pa. Ang lahi ay isang pangkat ng manok na may magkatulad na malawakang katangian, tulad ng hugis ng katawan, kulay ng balat, laki at tindig, at iba pa. Ang sari ay nakikilala batay sa madetalyeng katangian tulad ng hugis ng palong, kulay ng balahibo, kulay ng paa, at iba pa. Samakatuwid ang isang manok ay maaring sweater ang sari, gamefowl o pansabong ang lahi at Amerikano ang klase.
Ang strain naman ay pangkat ng manok na ang linyada ay binuo galing sa isang sari upang nagkaroon ng ibang kanaisnais na katangian o para sa partikular na hangarin. Halimbawa ang 5,000 dollar line ay isang strain ng saring sweater na lahing pansabong, sa klaseng Amerikano.
Mali ang sabi ng mga kumukontra sabong na tao ang gumawa ng manok pansabong upang gawing palaban at maglalabanlaban. Ang kaunaunahang mga manok ay dati nang naglalabanlaban kaya hinuli ng tao upang gawing isport at libangan.
At, pinakamahalaga, ang nervous system ng manok ay hindi gaanong sensitibo sa sugat at sakit. Kaya kalimitan, lalo na sa Pilipino knife fighting, ang manok ay namamatay na hindi nakakaramdam ng kirot. Ang totoo mas masakit pa sa manok ang magpatayan na walang tari kaysa patayan sa gradas.