
Ang Masang Nagmamanok (MANA) ay nakapag-parehistro na sa Securities and Exchange Commission (SEC) para kilalanin na isang Non-Stock-Non-Profit Corporation. Itoy mangangahulugan na ang MANA ay maging isang ganap na samahan at kilusan na kinikilala ng batas. Ang MANA ay may magkakaroon na ng legal and juridical personality.
Papasok ang MANA sa isang bagong yugto. Kung noon una tayo ay isang masigasig ngunit informal na kilusan upang itaguyod ang kapakanan ng masang sabungero at ipaglaban ang sabong bilang isport, industriya at mana ng ating kultura, ngayon ang MANA ay isa nang legal na kilusan at samahan na malayang isulong ang mga adhikain at tuparin ang mga layunin alinsunod sa mga pamamaraan na pinapayagan ng batas ng bayan.
Inaasahan na may iilang pagbabago na magaganap. Halimbawa, ang pagbabago sa istraktura ng ating samahan. Alinsunod sa batas, ang isang korporasyon na non-stock-non-profit at dapat pamamahalaan ng isang Board of Trustees na kabibilangan ng hindi kukulang sa limang membro (5) at hindi lalampas sa labinlima (15). Ang mga ito ay hahalalin ng lahat ng mga voting members ng korporasyon.
Kaya ang una nating ginawa ay ang manawagan sa lahat ng chapters na i-submite sa MANA National Coordinating Center ang listahan ng lahat ng membro nila. Ang lahat ng mga nagpamembro pamamagitan ng pag text o pag email ay nakatala na sa MANA NCC at di na kailangang magpatala muli. Walumpo’t limang porsyento (85%) ng nagpasapi sa MANA ay pamamagitan ng pag text at email. Habang sinusulat ang editoryal na ito, may limang bagong membro na sunod-sunod na nagparehistro. Ang mga ito ay sina: Noel Bitic ng Caloocan, T-10915; Romeo Nillo Jr na nasa abroad na nakaalam sa MANA dahil sa Tilaok.blogspot.com, E-10916; Carlos Ryan Nollan ng Laguna, E-10917; Julius Rey Custudio ng Masbate, na sa Tilaok.blogspot.com din nakaalam sa MANA,T-10918; at Luis Epili Jr ng Paranaque na tulad ng karamihan sa pahayagang Larga nakaalam hinggil sa MANA, T-10919.
Ang huling numero ay 10,919. Yan po ang dami ng kasapi ng MANA na nagpamembro pamamagitan ng pag text o pag email. Lampas 2,000 naman ang mga membro ng chapters ng MANA. Kaya sa kabuuhan may 13,000 kamana na sa buong Pilipinas.
Mabuhay ang MANA. Mabuhay ang masang sabungero!!!