Tilaok (cock's crow)along with liwanag (light), and salakot (native Filipino hat) helps embody the Masang Nagmamanok (MANA) slogan of hope, nationalism and sabungero pride.
Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.
Ganap na sabong site. Forums, kaalaman, balita, at iba pa para sa inyong kasiyahan at kapakanan.
Wednesday, July 22, 2009
Test Post: 'Anong say nyo Mang Ento?'
Abangan ! Tilaok interactive. Starting Aug. 1, 2009.
Matutunghayan natin dito simula buwan ng Agusto.'Anong Say Nyo Mang Ento?' Itanong natin kay Mang Ento at sasagutin nya. Pwedeng ring tayo-tayo lang ang magtalakayan. Kahit sino pwedeng makisali.
Si Mang Ento ay isang dalubhasang sabungero. Siya’y nagmamanok sa buong buhay nya. Napakatanda na ni Mang Ento, at napakarunong sa pasikot-sikot ng pagsasabong. At handa niyang ipamahagi at ipamana sa mga kamana ang kanyang dunong sa pagmamanok. Tanungin nyo siya maski ano. Kung ang katanungan nyo’y sa Pilipino, sasagutin nya sa Pilipino. Mga katanungan sa Inglis ay sasagutin nya sa Inglis. Oo dahil, si Mang Ento ay di hamak na matalino at marunong kaya alam nya managalog at mag-inglis. Dahil siya’y matalino at marunong, alam nya ang sekreto upang ang manok ay di matalo: Huwag ilaban! Abangan si Mang Ento. Dito hindi lang kaalaman, kasiyahan pa!
One of the ponkan broodcocks being readied by RB Sugbo for the incoming breeding season. RB Sugbo is among the gamefowl farms very much involved in the Masang Nagmamanok (MANA) Inc. nationwide gamefowl dispersal program.
Another ponkan
Another ponkan broodcock in the trio pen.
Mana: Dami at Pagkakaisa
Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan. Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1.Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.
2.Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyanng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.
3.Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.
4.Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.
Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito, noon, ay arawaraw na lumalabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications. (Ngayon mababasa ang Llamado Tayo sa dyaryong Larga Weekly.)
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.
'Ipaglaban ang sabong, at ang kapakanan ng masang sabungero'
The logo of MANA: Liwanag, salakot at tilaok. Hope, nationalism and sabungero pride. Masang Nagmamanok (MANA) Inc. is registered with the Philippines Securities and Exchange Commission (SEC) as non-stock corporation, with registration number CN200928564.
LEARN ABOUT RB SUGBO CALIFORNIA
Click image above and go to RB Sugbo California.
Digital egg keeper. Click image for more gamefowl technology
This egg keeper allows RB Sugbo Gamefowl Technology to store eggs as long as up to 5 weeks before incubating.
About this blog
This blog is dedicated to the hundreds of thousand, if not millions of common sabungeros in the Philippine islands. They are the backbone of the gamefowl industry in the country. The authors of this blog, are writing on behalf of the organization Masang Nagmamanok (MANA) Inc. which, is deep in the fight for the preservation of sabong in the Philippines as an industry, sport, livelihood and a true heritage of the Filipino culture; and in advocating for the welfare of the common sabungero. Contents of this blog are updated continually.
Visit RB Sugbo Gamefowl Technology click link or logo below