
Abangan ! Tilaok interactive. Starting Aug. 1, 2009.
Matutunghayan natin dito simula buwan ng Agusto.'Anong Say Nyo Mang Ento?'
Itanong natin kay Mang Ento at sasagutin nya. Pwedeng ring tayo-tayo lang ang magtalakayan. Kahit sino pwedeng makisali.
Si Mang Ento ay isang dalubhasang sabungero. Siya’y nagmamanok sa buong buhay nya. Napakatanda na ni Mang Ento, at napakarunong sa pasikot-sikot ng pagsasabong. At handa niyang ipamahagi at ipamana sa mga kamana ang kanyang dunong sa pagmamanok.
Tanungin nyo siya maski ano. Kung ang katanungan nyo’y sa Pilipino, sasagutin nya sa Pilipino. Mga katanungan sa Inglis ay sasagutin nya sa Inglis. Oo dahil, si Mang Ento ay di hamak na matalino at marunong kaya alam nya managalog at mag-inglis.
Dahil siya’y matalino at marunong, alam nya ang sekreto upang ang manok ay di matalo: Huwag ilaban!
Abangan si Mang Ento. Dito hindi lang kaalaman, kasiyahan pa!