Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.

Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.
Ganap na sabong site. Forums, kaalaman, balita, at iba pa para sa inyong kasiyahan at kapakanan.

Sunday, December 7, 2008

LLamado Tayo Nov 13-20, 2008

Rey b art639
For nov 13
Balik Cebu

Balik na po tyo sa Cebu mga kamana, pagkatapos ng mahigit isang linggo nating pagbisita sa iba’t-ibang lugar na may kaganapan kaugnay sa Masang Nagmamanok o Mana. Sa Kamaynilaan tayo nagtagal dahil doon ang pinakamarami nating gawain.
Nagkaroon ng entry ang Mana sa Bakbakan eliminations noong Nov 6 sa Pasig. Ngunit isa lang ang nanalo at dalawa ang natalo.
Ang pagkatalo nating yon ay sobra namang binawe ng magandang kinalabasan ng ating seminar at pagpupulong noong Nov 8.
Napakaganda ng talakayan natin sa nilalaman ng Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon. Ito rin ay dahil napakagaling ng mga katanungan na galing sa ating mga kamana na nakabasa na sa nasabing Manwal. Kasama po natin sa pagsagot sa mga katanungan si Dra. Nieva Arieta, at ang isa sa mga magagaling na technical man ng RB Sugbo si kamanang Marlon Mabingnay.
Tumulong din po si Boss Manny Berbano na nagbigay ng kanyang mga kaalaman at karanasan sa pagmamanok.
Masabi natin na matagumpay ang seminar na yon bagama’t kinapos ng panahon. Nagumpisa tayo ng wala pang alas 9 ng umaga at natapos lampas alas 6 ng gabi. Ngunit kinapos pa rin ng panahon. May mga mahahalaga pang bagay na hindi natin natalakay.
Kung sa bagay kung kinapos man tayo sa seminar, ang ating pagpupulong ay nagbunga ng mga magagandang bagay. Kahapon naisulat natin dito na isa sa nakinahangtungan ay ang paguusap namin ni mang Roming Vergara ng pasay cockpit na simula Enero ay magkakaroon ang Mana ng isang pasabong bawat buwan sa nasabing sabungan.
Isa pa po ay na magkakaroon na tayo ng area para sa ating gamefowl dispersal program. Dulot po sa magandang loob ni kamanang Col. Tito Corpuz. Agad po nating pinuntahan ang area sa Teresa, Rizal at nagustuhan natin. Angkop sa ating hinahanap.
Paghanda na po ang lugar, magpapadala agad tayo ng mga materyales o broodfowl. Nangako rin po si Boss Manny na tutulong pagdating sa materyales pang-breeding.
May mga marami pang mungkahi si Boss Manny at ang mga ito ay pagaaralan ng core group.
Umuusad na talaga tayo mga kamana. Dahan-dahan lang ngunit kita na ang pagusad ng Mana.
Ngayong Sabado ay magpupulong ang core group at isa sa mga tatalakayin nila ay ang ating programa sa radyo.
Ang tatlong proyektong ito—pasabong, gamefowl dispersal at programa sa radyo-- ay napakagandang balita para sa ating mga kamana.
Ang iba pang napagusapan sa pagpupulong ay:
1. Na lalong pagpatibayin ang mga chapters at ipatuloy ang paghikayat ng bagong mga kasapi;
2. Na sana’y magkaroon pa ng 2-day stay-in seminar upang hindi kapusin sa panahon. Hahanap tayo ng sponsor sa seminar na ito. May magandang venue na alam si kamanang Marlon sa Nasugbo, Batangas.
3.Na magkakaroon ng munting kaganapan sa Dec 20 bilang Mana Day. Ito kasi ang anibersaryo ng Llamado Tayo sa Tumbok. At, ang Llamado Tayo ang naging tulay sa pagbuo ng Mana.
Sa awa ng Diyos, mga kamana, unti-unti nang nagiging konkreto ang ating mga inaasam. Makakapit natin ang ating layuning mga kamana pamamamagitan ng inyong suporta.
Ang suporta ng mana ay hindi lang galing sa core group, sa mga aktibong dumalo sa mga seminar at pagpupulong, kundi galing din sa libo-libong nagbabasa ng tumbok at nagmamasid lang ngunit buo ang suporta sa ating mga layunin.
Sa inyong lahat maraming salamat.



Rey b art640
For nov 14
Fastest –Kill ulutan lang muna

Kamana hindi po ako nakadalo sa advanced seminar noong Nov 8. Nanghihinayang po ako dahil sabi ng isang kamana natin napakaganda daw ng talakayan. Praktikal at maging ang mga teknikal daw. Kailan kaya magkakaroon uli ng ganoong seminar? (GH 4-0156)
Oo kamana. Dahil na rin sa napakagandang mga katanungan ng ating mga kamana.
Maganda talaga, pero kinapos tayo sa panahon, Hindi nga natalakay ang pagpatuktok at ang conditioning pyramid. Bagaman napagusapan ng husto ang glycemix index at carboloading.
May balak sina kamanang Marlon Mabingnay at kamanang Joel Guimaray na magkakaroon tayo ng ganoong seminar sa Nasugbo, Batangas. Sisikapin natin mga kamana na magkakaroon tayo sa December kundi sa January.
Pansamantala, basahin nyo muna ng maige Ang nilalaman ng Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon. Nasa Manwal kasi ang pundasyon ng ating pamamaraan na tatalakayin sa mga pa-seminar natin.
Ang wala pang Manwal pwedeng diretsa kayong mag-order sa atin o kay kamanang Marlon, 0929-723-3573 o kaya’y kay kamanang Dan 0910-485-2134.
Habang wala pa ang seminar patuloy lang po kayong magtanong pamamamagitan ng pag text o kaya’y bisitahin nyo ang blog ng Mana, ang tilaok.blogspot.com sa internet.
Dapat po mga kamana, sa susunod na seminar workshop natin ay di na tayo kakapusin sa panahon. Kaya ang balak ay 2-day stay-in seminar tayo. Dalawang buong araw at isang gabi.
Sabi ni kamanang Bhong Ferreras na tamang-tama ang dalawang araw na seminar at may isang gabi pa tayo na maka-pagbonding ng husto. Ang mungkahi nya po ay maghanap tayo ng sponsors para sa venue at iba pang speakers para ang sasagutin ng mga miembro ay ang pagkain na lang.
Bright idea kamanang Bhong dahil ang pagkain ay hindi naman dagdag-gastos kasi kahit wala tayo sa seminar kakain din tayo.

Gud day kamanang Rey. Kailan po ang unang pasabong ng Mana sa Pasay at nang mapaghandaan. At ano po ito derby o ulutan? Hindi pa po ako membro ng Mana pero talagang balak kong magpa-membro. ( 08:57:12am Nov 13 2008).
Maraming salamat kamana.
Wala pa pong tiyak na petsa pero simula Enero may isang pasabong tayo sa Pasay cockpit bawat buwan.
Sa unang pasabong natin, Enero po yan, ay fastest-kill ulutan. Napakaganda raw po ng regular na fastest-kill ulutan nila sa Pasay bawat Miyerkules. Kaya ganoon na lang din muna ang ating gagawin.
Sisikapin lang natin na makakuha tayo ng suporta sa ating mga kamana. Napakarami po natin sa Metro Manila. Kahit ilang porsyento lang sa atin ang magdala ng kahit isang manok lang bawat isa, napakasaya na.
Sisikapin din po natin na may mga sponsors na makapagbigay ng dagdag na give-aways maliban sa regular na premyo sa fastest kill.
Gagawin din po natin na manghikayat ng mga bagong membro sa bawat pasabong natin sa Pasay. Sa kasalukuyan kung may nais sumapi sa Mana na taga dakong Pasay maaring i-text nyo na lang kay kamanang Anthony Espinosa, 0906-238-8363.

Gud am kamana. Maraming dagdag ang seminar sa natutunan ko na. Sa seminar po ay talagang pinangalanan nyo ang mga gamot na ginagamit nyo po. Sana po kahit dito sa Tumbok ay pangalanan nyo rin ang mga gamot. Mas madali kasi kapag-bumili na alam natin ang brand name kaysa yong generic lang.
Nakalimutan mo atang ilagay ang Mana number mo kamana.
Nagkataon lang siguro kamana, pero ang paksang ito ay pinagusapan namin ni kamanang Dan kahapon lang.
Alam mo naman kamana na kaya napaka- libre nating tinalakay ang kung anu-anong brands na ginagamit natin at pwedeng gamitin o i-substitute, dahil wala tayong sponsors sa seminar na yon. Wala pong anuman masamang masasabi ang tao sa atin na kaya ganoon ay dahil ganito o anu-ano.
Ngunit iba ang sitwasyon sa Tumbok kamana. Una talagang hindi po siguro bagay na basta lang mag-plug tayo ng mga brand names dahil baka lalabas na libre advertisement na ang mga ito. Kasali po sa revenues o kita ng Tumbok, o kahit ng ibang pahayagan, ang kinikita sa advertisements. Yon bang mga patalastas o print ads na lumalabas sa pahayagan. Unfair po sa Tumbok na tayo ang parang nagbigay ng libreng ads.
Pangalawa, ang totoo may panahon noong bago pa lang ang Llamado Tayo, na sinasabi natin dito ang mga brand names. Ngunit may isang kumpanya na nakapuna at tinawag po ang pansin ng editor natin. Tama naman po ang pagpuna nila kaya mula noon nag-maintain na tayo ng generic-only policy para fair po sa lahat.
Sa Manwal at sa seminar walang problema dahil atin ang mga yon, at wala tayong sponsor na kinuha.






Rey b art641
For nov 15
Una sa serye ng boy scout keep

Sa ating advanced seminar sa nilalaman ng Manwal sa Pagpili at Pagkundisyon noong Nov 8 may iilang bagay na tinalakay natin na wala sa manwal. Kabilang sa mga ito ay ang ating boy scout keep.
Napakarami ang naghiling na isama natin ang paksang ito sa seminar. Kaya tinalakay natin ang boy scout keep.
Sa nakaraang mga araw matapos ang seminar marami sa ating mga kamana na hindi nakadalo ang humiling na ilathala natin ang naturang paksa para naman sa kanila na hindi nakadalo at kinwentuhan lang ng mga kaibigan na nandoon sa seminar.
Bilang tugon ay ilalathala natin ito. Ito naman talaga ang layunin natin ang mamahagi ng kaalaman sa lahat na nagnanais.
Abangan nyo lang palagi dito sa Tumbok dahil halos lahat na mapagusapan sa ating mga seminars, pagpupulong at maging ang mga nilalaman ng Manwal at iba pa ay isusulat natin dito alangalang sa ating mga suking mambabasa ng Tumbok na walang panahon dumalo sa mga seminars at meetings.
Ang boys scout keep ay unang lumabas sa magasin “Llamado,” ang sister-publication ng Pit Games may ilang taon na rin ang nakaraan. Mula noon ay nagkaroon ito ng mga dagdag at kunting pagbabago at nailathala na rin sa ating blog, dito sa Llamado Tayo at sa iba pang babasahin.
Muli nating ilalathala ang boy scout keep dito, kasama na ang mga dagdag at pagbabago na bunga ng ating talakayan noong Nov 8.
Simulan natin sa labas na ito ang maikling serye ng boy scout keep.

Ang boy scout keep ay isang pamamaraan kung saan ang isang manok ay laging handa. Bagay ito sa atin na mga karaniwang sabungero. Mga sabungero na malimit sa hack fights lang lumalaban. Di sila pumupusta ng malaki. SA katunayan di nila alam kung kailan sila magkaroon ng pamusta at nang mailaban ang kanilang mga manok. Kaya kailangan talagang ang manok ay laging handa at puwedeng ilaban ano mang oras na kakayanin na nang bulsa.
Ang mayayaman ay laging handa ang mga bulsa kaya wait na lang sila kung kailan handa ang manok. Tayo naman dapat laging handa ang manok at wait tayo kailan handa ang bulsa.
Una sa lahat, purgahin ang mga manok at paliguan ng anti-mite shampoo. At saka tingnan kung di ba sobrang bigat o payat ang mga manok. Kapag ayos lang, samakatuwid ay handa na sila isabak sa ating Boy Scout Keep.
Dahil common man's keep nga, ito ay matipid sa pera, sa panahon, at sa lugar. Kaya natin itong gawin kahit nag-iisa. Ang kakailanganin lang ay ang cord o talian na hindi aabot sa P20 ang halaga; 3x3 folding wire pen na mabibili sa halagang P200; kulungan na suguro'y gagasta ka ng P100 bawat isa; at maliit na sulok sa iyong bakuran na mai-ilawan kung saan pwede mong pakainin at bahagyang i-exercise ang manok kung gabi. Dahil hindi naman tayo mapera at walang sapat na lugar hindi na tayo gagasta pa para sa conditioning at running pens, flying pen, pointing pen, scratch box, training table at iba pa. ( abangan bukas ang ika-2 sa serye ng boy scout keep)
Kamana gud pm. Nakalagay dito sa manwal na pwede palang samahan pa ng inahin ang manok na hinahanda. Di po ba ito manghihina? (RTB 4-0211)
Hindi naman kamana. Makakabuti sa psychology ng manok yan. At maging physically. Ang mating po ay naka-karelease ng tensyon. Huwag naman yong sobrang malapit na ang laban.
Dalawang oras na may kasamang inahin isang beses o kahit sa dalawang magkasunod na araw, dalawang linggo bago ang laban ay hindi masama kamana.









Rey b art642
For nov 16
Boy scout keep
( Ika-2 sa serye)

Ang pagkain naman natin ay karaniwang grain concentrate at pigen pellets lang o kaya’y yong GMP. Siguruhin lang na ang pigeon pellets ay may mataas na crude protein contents o mataas ang porsyento ng protina.Kung ang isang kilo nito ay hahaluan natin ng isang kilo ring concentrate magkakaruon na tayo ng pagkain na may 15-16% protein, tulad ng mga pre-mix maintenance feeds na mabibili sa mga agrivet supplies.
Dahil walang siguradong schedule ang laban ng ating manok, dapat ay ito ay isang boy scout, laging handa. Mas mainam na sa kulungan lang ito patulugin sa gabi upang hindi mabasa kung umulan at mahirap pa nakawin. Ilabas ito kina-umagahan mga bandang alas singko ng umaga at ilagay sa talian.
Bandang alas-sais ikahig ito ng dalawa o tatlong minuto. Kung ikaw lang mag-isa at wala kang katulong sa pagkahig doon mo na lang ikahig sa isang manok na nakatali. Yung hindi pa ilalaban o isang reject o baldado na. Pagkatapos ay ilagay mo sa 3x3 na may lamang tuyong dahon ng saging. Bigyan ng iilang pirasong cracked corn at pabayaang mag scratch ng 10 o 15 minuto. Pagkatapos ay ibalik ito sa cord.
Pakainin alas-siyete at huwag kalimutang bigyan ng tubig. Pabayaan lang sa talian hanggang tanghali. Kung ikaw ay may pasok siguruhin na palaging may masisilungan ang manok sakaling uminit o umulan. At ihabilin sa iyong asawa o anak o sino man ang maiiwan sa bahay na tingnan at siguruhin na walang aksidenteng mangyayari sa manok.

Mas mainam kung ikaw ay makakauwi sa tanghali. Pag-uwi mo sa tanghali hilamusan agad ang manok at ilagay sa 3x3 na may tuyong dahon ng saging at bigyan ng kaunting tukain at hayaang kumahig habang ikaw ay nananghalian. Kung ako, doon ako kakain sa harapan mismo ng manok. Hindi lang na mas gaganahan akong kumain pag may manok na nakikita, mapagmamasdan ko pa ng husto ang kondisyon ni tinali. Pagkatapos ay ibalik sa cord at doon na ito buong maghapon.
Pagdating mo sa hapon pakainin ang manok. Kung ang uwi mo ay palaging maaga at may araw pa duon nalang pakainin sa cord. Pagkatapos hayaan mo sa talian. Pag itoy humapon na ibalik sa lupa at hayaang humapon uli. Ulit-ulitin ng apat o limang beses ang pagbaba sa gayon ay mapilitan itong lumipad at humapon uli pabalik at ma-ehersisyo ng husto. Pagkatapos hayaan mo nang humapon at magpahinga ng mga 30 minuto o isang oras bago ipasok sa kulungan.
Ganito lang ang gagawin mula Lunes hanggang Biyernes. Tuwing Sabado ipahinga mo na si manok matapos ang pananghalian. Ilagay mo na sa kulungan buong hapon at ilabas mo sandali sa oras ng kanyang pagkain sa hapon. Sa Linggo, ilabas mo ito at ilagay sa cord mga alas-sais ng umaga. Pakainin mo alas-siyete at paglipas ng 30 minuto ibalik sa kulungan. Handa na si manok kung sakaling ilalaban mo sa araw na ito. Kung hindi mo ilalaban dahil kulang ang pamusta mo o kaya natalo ka sa ibang manok, ibitaw o ispar mo itong bandang alas-tres o alas-kwatro ng hapon. ( Abangan bukas ang wakas ng serye)

Kamana gud am, pwede kayang makahingi ang mga kamana ng 50% discount sa pinto ng Pasay cockpit? ( 08:24:12am Nov 13 2008)
Huwag siguro kamana dahil sa dami natin baka sa halip na makatulong tayo sa sabungan na nais tumulong sa atin, ay malugi pa ito. Sapat na siguro kamana na bibigyan nila tayo ng isang pasabong bawat buwan.
Pwede kasing abusahan yan kamana. Kung gagawin nila yan tiyak marami sa regular na nagpupunta sa Pasay cockpit ay sasali sa Mana dahil lang sa discount at hindi talaga dahil sa pakikipagisa sa ating layunin.
Protektahan din po natin ang interest ng mga taong tumutulong sa atin kamana.











Rey b art643
For nov 17
Boy scout keep
( Katapusan ng serye)

Tandaan lang maigi ang sumusunod:
1. Ang ating normal na pagkain ay parehas ang halo ng concentrate at pellets. Isang sukat bawat isa. Ngunit sa tatlong huling pagpakain bago ang laban ay gawin mong 1 sukat ng concentrate, kalahating sukat ang pigeon pellets at lagyan mo nang kalahating sukat na cracked corn. Umpisa mo itong ibigay Sabado ng umaga. (Carboloading ito. May iba ring sistema na hindi na gumagamit ng ganitong pamamaraan sa carboloading. Tingnan sa Manwal)
2. Kung sa tantiya mo ilalaban mo si manok maaga-aga sa Linggo, kalahati o 1/3 nalang ng kanyang nakasanayan na dami ang ibigay mo sa Linggo ng umaga.
3. Huwag kalimutang paliguan ito kinabukasan kung ito ay ibinitaw mo sa halip na ilaban.
4. Painumin ng tubig kahit sa araw ng laban. Sa derby may schedule na sinusunod at ang manok ay nasa kulungan lang namamahinga habang naghihintay sa oras ng laban. Dahil dito pwede mong kontrolin ang moisture nito para eksakto ang pointing. Pero sa hack fight hindi mo alam kung kailan mailaban ang iyong manok at maliban pa, kailangan niya ng moisture sa ulutan dahil malamang na mainit at lagi pa itong hinahawakan habang inuulot. May init ang kamay ng tao.
5. Bigyan ng mumurahing multi-vitamins ang manok mo isang tableta bawat Lunes, Miyerkules at Biyernes. At mumurahing B-12 tablet naman yung 100mcg lng , tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Ang mga tabletang ito ay hindi aabot ng piso ang halaga bawat isa.
6. Hilamusin ng kaunti ang mukha ng manok at basain bahagya ang sa puwetan, gilid at paa tuwing umaga, tanghali at sa gabi pagpakain.
7. Tandaan mabuti ang hipo ng manok saan pinakamagaling siyang lumaban pag-inispar. Ang manok na underweight, payat o kaya masyadong tuyo ang katawan karamihan ay mahinang pumalo, walang lakas at wala sa timing. Ang overweight, sobra sa tigas ng katawan o kaya sobra ang basa ng katawan naman ay mabagal kumilos at medyo short ang palo. Ngunit may mga manok na gusto ang medyo payat o medyo mataba kaya ang pinakamaigi pa rin ay sundin ang hustong timpla saan ang manok ay kikilos ng maigi overweight man siya o underweight ng bahagya.
Maari rin na sa Sabado at Linggo ang pamamaraan sa pagpatuktok na tinuturo ng Manwal ang ating sundin. Ang binibigay natin sa halip carboloading ay ang ating quick energy loading gamit ang creatine, ribose at mga high glycemic na pakain. (wakas ng serye)

Gud pm sir. Ang pasabong sa Pasay cockpit ay Linggo, Lunes, Martes at Miyerkules. Sa ibang mga araw ng isang linggo saan naman po kami pwedeng magpunta. ( 12:45:15pm Nov 12 2008)
Hindi natin memoryado ang schedule kamana. Ang alam ko sa Laloma ay Huwebes hanggang Linggo. Ang Pateros Coliseum ay Huwebes hanggang Lunes.

Gud am sir RB. Hindi po ba masama sa sisiw na bigyan ng pakain na mataas ang crude protein? (RSM 001239)
Kailangan ng sisiw ang mataas na CP sa unang dalawang linggo mula pagkapisa. Chick booster ang ibigay natin. May CP ito na aabot 22%. Simula pangatlong linggo dahandahan na nating ibaba ang CP.
Haluan lang natin ng corn grits at dahandahang pag-introduce ng junior starter o kaya’y baby stag developer. Pagdating ng dalawang buwan stag developer na. pwede nating haluan ng pigeon pellets nang tayo’y makatipid.
Rey b art644
For nov 18

Gud am sir rey tungkol po sa conditioning pyramid sa peaking period. Ilang sipsip ng tubig ibibigay sa manok sa araw ng laban? Sa peaking period po ba ay wala nang halo ang ipainom na tubig. Plain water na lang ba?( RSM 001239)
Sa peaking period kamana ay walang limit ang tubig. At, oo plain water na lang kasi marami na tayong vitamin supplementation sa peaking period, di na kailangang haluan pa ng MVE ang tubig.
Sa araw ng laban lang natin kinokontrola ang tubig kamana. Mga limang sipsip sa umaga, lima sa tanghali at 3 sa hapon, tama na.

Gud pm po kamana. Ask ko lang po kung pareho lang ang b complex at b50 na vitamins. Salamat po. Meron po kasi akong nabili sa botica na b complex 100mg. P1.70 ang isa. Balak ko na po kasing palitan ang dati kung ginagamit na b50. Mahal po kasi. (Jeff 3-0001)
Yes, pareho lang kamana. Ang b50 ay b complex vitamins na 50mg. Okey yang ginawa mo kamana, nang makatipid. Hatiin mo ang tabletang nabili mo at ibigay ang kalahati sa manok every other day.
Kahit na pang tao yang nabili mo okey lang dahil alam na natin ang tamang dosage. Ang b50 na pang manok ay sa totoo ay 25mg lang kaya b50/2 ang nakatatak. B50 lang ang tawag nila for marketing purposes dahil mas kilala ang b50.
Samakatuwid 25mg every other day ay tama na dahil ang rekumendasyon ng gumawa ng b50/2 na pangmanok ay 1 caplet every other day man din.

Gud am kamana tanong ko lang po kung ano dapat gawin sa manok na walang ganang kumain. Maganda pa naman sana na manok kaya lang mahinang kumain at payat. (09:08: 20am Nov 15, 2008)
Sa mga ganito kamana, ang gawin ay purgahin, paliguan ng anti-mite shampoo, patakan ng anti-eyeworm ang mata. Dahil ang mga parasites ay maaring sanhi ng pagkatamlay at pagka-walang ganang kumain.
Bigyan din ng antibiotic o i-bacterial flushing at baka me sakit na hindi pa nag-manifest.
Pagkatapos bigyan ng multivitamins maintenance.

Kamana si Rey ho ito ng Sampaloc. Marami na kaming sabungero dito. Papaano ho ba magkaroon ng chapter dito? (01:12:59pm Nov 14, 2008)
Kamanang tukayo, me coordinator tayo dyan sa Sampaloc, si Kamanang Loreto. Hindi lang nakadalo sa seminar at pagpupulong noon Nov 8 kaya di natin nakuha ang kasalukyang sitwasyon dyan sa inyo.
Kung gusto nyo magtatag kayo ng sarili nyong chapter. Pagkatapos i-register natin lahat ng membro at ang inyong chapter.
Salamat sa inyong pagnanais na maging bahagi ng Mana. Malaking tulong ang inyong suporta kamana.

Sir rey kailan uli magkaroon ng seminar dito sa manila kasi di ako naka attend. (EDL 001165)
Huwag magalala. Marami pang pagkakataon kamana. Sa bilis at dami ng mga bagong nagpamembro magiging sunod-sunod na ang ating mga paseminar. At saka sisikapin natin na sa bawat seminar ay may bagong matutunan ang mga dadalo para kahit kayo’y nakapagseminar na, mag enjoy pa rin kayong dumalo muli.
Doon nga pala sa nga taga-Metro Manila na malimit pumasok o naglalaban sa sabungan may chapter na tugma sa inyo. Magtext lang kayo kay kamanang Anthony Espinosa, 0906-238-8363.
Si kamanang Anthony ay isa sa maga kasador sa Pasay Cockpit. Ang mga activities ng chapter na ito ay maari nating i-disenyo para sa mga malimit magsasabong.
May iba’t-ibang uri kasi ng masang sabungero. May nagpapalahi, may nagkukundisyon at handlers, mayroon namang malimit na nagpapasok sa sabungan. Kaya mabuti sigurong gumawa tayo ng mga chapters na binubuo base sa mga naturang klasipikasyon.





Rey b art645
For nov 19
Tamang timbang

Gud pm sir. Ano po ba ang magandang weight ng manok na ilalaban sa hackfight, yon po bang magaan o mabigat? (RSM 001239)
Ano ba talaga ang tamang timbang ng manok.?
Marami po ang nagtatanong sa text ng ganito. Ang ibig po siguro nilang malaman ay kung mas maige ba na magaan ang manok o mas maige ang mabigat.
Depende po sa manok kung ano ang kanyang fighting weight o timbang kung saan magaling ang kilos nito. May manok na gusto na magaan, at may manok na mas magaling ang galaw kung medyo mabigat ang timbang nila.
Naitanong din po ito sa ating advanced seminar noong Nov. 8. Hindi daw kasi natin naisulat sa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon ang paksang ito.
Ang tanong nila sa seminar ay katulad nitong tanong ng kamana natin kung ano ang dapat na timbang ng manok kung derby at kung ano kung sa hackfight ang laban.
Ganito po. Kung sa derby hanapin natin ang pinakamagaan na timbang kung saan magaling parin ang galaw ng manok sa pakipaglaban. Kung sa hackfight naman kabaliktaran. Hanapin natin ang pinakamabigat na timbang na magaling parin ang galaw ng manok.
Sa derby kasi by weight ang matching. Kung magaan ang ating manok, maari itong lumabas na mas malaki kaysa kalaban, kung ang kalaban ay pangkaraniwan o mabigat ang timbang. Ngunit, tandaan, dapat magaan na magaling pa rin ang galaw. Huwag isakripisyo ang kagalingan sa pakikipaglaban upang umangat lang ng kaunti sa laki.
Sa ulutan naman dahil tinginan lang ang matching, lamang tayo ng kaunti kung mabigat ang ating manok dahil malamang na lalabas na mas mabigat ang timbang nito kaysa sa kalaban. Ngunit, ganoon pa rin huwag isakripisyo ang galaw para lang lumamang ng kaunti sa timbang.
Ang totoo nga kung may alinlangan alin ang mas maige sa isang partikular na manok, ang mas mabigat ng kaunti o ang mas magaan, mas mabuti na sa mas mabigat ng kaunti tayo. Ito ang mas “safer side”
Ang bigat kasi, basta hindi lang dahil sa taba kundi dahil sa laman, ay nakapagdagdag ng tibay. Samantalang ang magaan ay maaring dahil ito’y sobra ang pagka-tuyo at mas maraming maging komplikasyon.

Kamana, kinapos tayo sa panahon noong seminar. Ang ganda sana ng talakayan. Napakaganda kasi ng nilalaman ng Manwal na tinalakay natin. Isa pa po sana sa gusto kong itanong ay kung ano ang dapat na bigat ng tari. (Mana 4-0086)
Oo nga kamana kapos sa panahon. Di bale basahin nyo lang maige ang Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon at talagang malaki ang maitutulong nyan sa inyong pagmamanok.
Magkakaroon pa tayo ng iba pang seminar kamana pero pansamanatala, kung may katanungan kayo hinggil sa nilalaman ng Manwal magtext lang sa number na nakalagay dyan.
Ang timbang ng tari kamana ay depende sa desenyo. Sa mga nasubukan natin ang tari ay titimbang ng mula 6 hanggang 10m grams. Ito ay ang traditional fork knife. Mas mabigat ng kaunti ang mga socket knives.
Mabigat ang socket knife ng mga 2 grams ngunit mas magaan naman ang sapin nito kaysa sa traditional na sapin.
Ang design natin sa RB Sugbo ay may 6-8 grams lang ang timbang kung traditional fork knife. Aabot ng 8 – 10 grams kung ito’y adjustable socket knife.





Rey b art646
For nov 20
Kaalaman para kabuhayan

Sir rey thanks nagkaroon ng kasagutan mga text ko sa iyo kung ilang minuto ipakahig ang kinukundisyon na panabong at nasabi mo pa ang mga dapat gawin maliban sa pagpakahig. Malaking tulong ka sa amin mga mahilig sa sabong pero kulang pa ang kaalaman. Keep up the good work sir. (EDL 001165)
Salamat kamana at kahit papaanoy nakatulong tayo. Yan lang naman ang layunin natin ang matotonan ng mga pangkaraniwang sabungero ang alam ng mga big timers, para naman mas kasiyasiya ang pagsasabong natin kahit tayo maliliit.
Ang kaalaman kasi ay maaring magamit natin upang tayo’y makahanap ng mapagkakitaan.
Kung marunong tayong magkundisyon, maaring may big timer na kukuha sa atin bilang handler/conditioner. Kung marunong tayo magpalahi, maari tayong makapag-palabas ng mga manok na mabibili sa mas malaking halaga.
Kung maglalaban tayo, at least, di tayo gaanong lugi kung may sapat tayong kaalaman.
Yan kamana ang layunin ng RB Sugbo ang mamahagi ng kaalaman at kung maari libre, sa mga sabungero na di makakayanan ang bayad sa mga seminars at training.
Isa pa nating layunin ay ang magkakaroon ang mga pangkaraniwang sabungero ng mga di pangkaraniwang mga manok. Sana matugunan ito ng ating gamefowl dispersal program.
Dahil sa Mana at sa pahayagang Tumbok, ay unti-unti natin itong matutupad.
Kung patuloy ang ating pagdami at pagkakaisa, unti-unti tayong mapansin ng mga haligi ng industriya. Kamakailan lang mga kamana ay nagkaroon ng kasunduan pamamagitan natin at ng Pasay Cockpit na may isang pasabong tayo sa naturang sabungan bawat buwan simula Enero
Mga suportang tulad nito ang magpapalago ng Mana at magiging tulay sa pagtupad ng ating layunin. Sana’y suportahan din natin ang proyektong ito. Maghandahanda po tayo.
Kailangan din po natin ang big brother support ng mga malalaking asosasyon ng mga breeders at cockers. Sana’y tulungan din nila tayo, kahit alangalang man lang sa ating komon na layunin na ipaglaban ang sabong.
May isang asosasyon na ang nagpapahiwatig na tutulong sa ating layunin, kasama na ang pangalagaan ang kapakanan ng masang sabungero. Sanay magbunga ang pakipagusap natin sa kanila.
Ang susi po ng lahat ay ang ating patuloy na pagdami at pagkakaisa.
At atabayanan nyo lang po dito sa Tumbok at patuloy nating ipamahagi ang kaalaman para kabuhayan. Ito ang tema ng malapit nang magumpisang programa natin sa sports radyo.

Gud pm Sir Rey, si kamanang Neil po ito. Ask ko lang if okey ba sa manok ang injectable na testosterone ba yon? At saan ito mabibili? ( Neil 001724)
Ang testosterone ay male hormone. Ito ang nakapagdagdag ng pagka-agresibo ng manok. Likas ito na nasa katawan ng manok kaya kung tutuusin ay walang masama dito. Kaya lang baka masobra ang pagbigay natin. At saka may mga testosterone sa merkado na synthetic , hindi natural, at maaring may side effects.
Sa panglaban hindi natin irerekumenda ang paggamit nito. Sa mga pangasta o broodcock okey lang siguro kung matanda na ang broodcock at mahina na sexually.
Pero ang totoo, never ako gumagamit nyan. Dahil takot ako sa side effects, at ayaw natin ang ano mang maaring makasasama sa manok na minamahal natin.
May mabibili sa mga agrivet outlets kamana.

Kamana saan kami makabili ng manwal. Nasa agrivet stores na ba ito? ( GT 002055)
Ang Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon ay wala pa po sa mga agrivet stores. Pero kayong mga taga Metro Manila ay maaring kumuha kina kamanang Dan, 0910-485- 2134; kamanang Marlon, 0929-723-3573; at kamanang Jun Santos, 0921-416-4359.
Ang sa nasa malalayong lugar ay magtext sa 0927-995-4876.

Ponkan broodcock

Ponkan broodcock
One of the ponkan broodcocks being readied by RB Sugbo for the incoming breeding season. RB Sugbo is among the gamefowl farms very much involved in the Masang Nagmamanok (MANA) Inc. nationwide gamefowl dispersal program.

Another ponkan

Another ponkan
Another ponkan broodcock in the trio pen.

Mana: Dami at Pagkakaisa

Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.

Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan. Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.

Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.

Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:

1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.

2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.

3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.

4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.

Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito, noon, ay arawaraw na lumalabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications. (Ngayon mababasa ang Llamado Tayo sa dyaryong Larga Weekly.)

Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.

Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.