Thursday, December 18, 2008
Llamado Tayo Nov 21-30
For nov 21
The bigger the better
Gud pm kamana. Di ako nakadalo sa seminar noong Nov 8, pero lagi akong bumibili ng Tumbok para mamonitor ang kalagayan natin. More power sa samahan natin. Kung may ofis lang tau dito sa Maynila, kasi dito ako sa Las Pinas, isa na ako sa mag-boluntaryo na worker ng ating samahan. Lalo na’t malapit na ang eleksyon dapat magkaroon tayo ng kahit isang representante sa gobyerno. ( HA 001085 03:25:53pm Nov 18, 2008)
Salamat kamanang Homer. Kahit hindi ka nakadalo, maraming pang pagkakataon at mga darating na seminar at pagpupulong natin. Ang mahalaga ay ang inyong suporta.
Alam natin kamana na napakaraming katulad ninyo na kahit hindi makakadalo sa mga seminar at pagpupulong, o hindi man lang nag tetext, ngunit naka-antabay lang at buo ang suporta sa Mana at sa mga layunin nito.
Si kamanang Homer Andaya, mga kamana, ay taga La Union, ngunit nasa Maynila na naninirihan ngayon. Matagal na siyang kamana dahil ang number nya ay 1,085 pa samantalang lampas na tayo 9,000 ngayon. Kitangkita ang kanyang pakikipagisa sa atin.
Huwag magalala kamanang Homer, kahit walang kinalalaman sa eleksyon, magkakaroon tayo ng opisina sa Metro Manila .
Dapat lang dahil marami na tayong activities dyan. Magkakaroon na tayo ng regular na pasabong sa Pasay Cockpit simula Enero, may area na tayo sa Teresa, Rizal para simulan ang pagpapalahi para sa ating dispersal program at may programa na tayo sa sports radio, simula susunod na buwan.
Siyanga pala marami sa mga nag-order ng Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon, habang nasa biyahe tayo, ang nag follow-up na hindi sila napadalhan ng kopya.
Yong mga nakaorder na lampas tatlong araw hindi dumating ang kopya pakitext muli at baka nakaligtaan ang order nyo. Dapat dalawang araw ay matanggap nyo na ang inyong kopya na may kasama nang ID ng Mana.
Eto po ang mga numbers na pwede nyong makontak:
0917-967-7353 – para sa mga katanungan hinggil sa pagmamanok in general.
0927-995-4876—para sa gustong mag-order ng manwal at sa mga may Manwal at may nais na linawin sa nilalaman ng Manwal.
Sir gud pm. Yong manok kong ilalaban ngayong katapusan, napansin kung may tibak. Di naman po kalakihan. Nasa kaliwang paa. Pwede po ba itong ilaban sa katapusan? (05:40:40pm Nov 18, 2008)
Kamana hidi ko masabi kung gaano nga kaliit o kalaki yan. Di ko nakita. Pero mas maige na gamutin muna bago ilaban. Gaano man yan kaliit ay maaring makakadulot pa rin ng disadvantage sa manok mo.
Kung di pa yan kalakihan, linisin lang palagi at sa may damuhan ilagay ang manok. Pwedeng lagyan ng foot pad at bigyan ng anti-biotic. Bacteria po ang sanhi ng tibak.
Kamana ano bang tamang sukat ng fly pen at scratch box? (JRM 001898)
The bigger the better kamana. Kaya lang magastos at saka kailangan ng malaking lugar. Ang nakasanayan ay 4w x 8l x 8h ft ng fly pen at nasa 5.5 o kaya’y 6 ft ang taas ng hapunan. Samantalang, 3 x 3 x 3 ft ang scratch box.
Rey b art648
For nov 22
Delikadong sakit na canker
Magandang umaga kamanang Rey saan po pwede makabili ng trio na manok. Yong tag-2 months na pwede nang mabuhay kasi di ko kaya ang mahal. Nagnanais po akong magkaroon ng magandang lahi.(Kamanang Jalober Felipe 007257)
Payo ko sayo kamana antayin mo na lang ang dispersal program natin. Maguumpisa na tayo sa area ni Col Tito Corpuz sa Teresa, Rizal. Baka sa April or May may mga two mos old trios na tayo.
Di magtagal ay ihahayag natin dito ang mekanismo ng programa kung paano maka-avail. Si kamanang Jun Santos, ng B-Meg po, ang ating program manager sa partikular na dispersal program na ito.
Kamana, pakitanong kay Dra Nieva ano ang gamot ng canker, ( CRJR )
Si kamanang Clem Ramos Jr., o Jun Ramos itong nagtanong mga kamana. Isa po sa mga kamana natin sa JT Northern Star sa Tuguegarao. Kasama ni kamanang Jovy Templo, ang magandang lalaking nasa back cover ng Manwal.
Para sa di pa po nakakaalam ang JT Northern Star ay katulong po ng RB Sugbo sa pamamahagi ng teknolohiya. Ang JT Northern Star Farm ay isang malaking laboratoryo at training ground ng magnanais na matoto.
Sila ang may pakana at kumikilos na magkakaroon tayo ng radio program upang mas makapagpamahagi ng kaalaman na maaring makatulong sa kabuhayan ng mga masang sabungero. Ganyan ang pagnanais ng JT Northern Star na makatulong sa ating mga maliliit na sabungero.
Sa December 20 ang unang airing ng ating programa sa Sports Radio. 8-9am po bawat Sabado. Sisikapin nating maging guest si kamanang Jovy para marinig natin sa kanya mismo ang mga magagandang maaring maidulot ng sabong.
Si kamanang Clem naman kung magtanong specified pa kung sinong vet ang dapat sumagot. Ito ang sagot ni Dra Nieva kamanang Clem:
“Ang canker po ay isang uri ng protozoal disease. Cause is trichomonas gallinae.”
“Signs: matamlay kumain, nana sa bibig at lalamunan hanggang sa maging parang cheese like ang consistency at bumara sa lalamunan o esophagus. Pati crop ay may cheese like na nana. Maapektuhan din ang paghinga kasi maaring bumara sa daanan ng paghinga. Hindi na rin makakainom ng tubig.”
“ Ang gamot para sa 2 kilogram na manok ay metronidazole 250mg ½ tablet a day for 5 days.”
Kamana kailan ang unang pasabong ng Mana sa Pasay Cockpit? Maghahanda napo kami ng mga panlaban gamit ang tinuturo nyo sa Manwal. ( GT 4-00268)
Wala pang definite na petsa kamana. Pero ang napagusapan ay sa bawat 3rd week ng buwan ang ating pasabong sa Pasay. Hindi pa tiyak kung third Monday ba o third Wednesday ba ng bawat buwan.
Maghandahanda nalang tayo basta kung di Jan. 19 sa Jan 21 ang una nating pasabong. Abangan nyo rin dito mga kamana sa pitak natin at sa pahayagang Tumbok ang mga anunsyo hinggil sa pasabong natin sa Pasay cockpit dahil pinagaaralan ni kamanang Anthony Espinosa kung anong mga benepisyo ang makukuha ng mga kamana natin na maglalaban sa bawat pasabong natin.
May binubuo po tayong parang Mana frequent fighters chapter para sa mga kamana na malimit naglalaban. Si kamanang Anthony po ang coordinator natin dito.
Mga kamana sino sa inyo ang magnanais na magkaroon ng incubator kontakin nyo si kamanang Vincent Ramiro, 0921384147 ng #80 Alexander St.,Sampaloc, Tanay, Rizal
Rey b art649
For nov 23
Pagkundisyon at nutrisyon
kamanang RB, ilan po bang days ang tama sa pagkundisyon na manok bago ilaban.? (HOD 4-0476)
Ang nakasanayan ng iba ay ang magbilang ng 28, 21 o 14 days bago ang laban. At sa loob ng panahon na ito nila kinukundisyon ang manok. Ito siguro ang ibig mong sabihin kamana.
Sa atin, may iba tayong pamamaraan na hindi araw ang ating binibilang bago ilaban ang manok kung di ang aktwal na kundisyon nito. Yan ang nasa conditioning pyramid na tinukoy natin sa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon.
Ganito ang ginagawa natin sa RB Sugbo. Pag nasa conditioning area na ang manok, kasali na ito sa mga conditioning routine na gaya ng nasa pyramid.
May mga stages, at lahat ng manok sa bawat stage ay halos magkatulad na ng routine. Naka-rotation keep na, pareho ang pakain, at pareho ang binibigay na gamot. Pinipili na lang kung aling mga manok ang iangat sa susunod na baitang ng conditioning pyramid. Hanggang sa umabot ito sa yugto ng pagpapatuktok o pointing
Pero ang masasabi ko kamana, maraming pamamaraan. Ano mang pamamaraan ay ayos basta lang matagumpay nating maibigay sa manok ang tamang kundisyon sa oras ng laban.
Kaya, bagaman, sa Manwal ay may conditioning pyramid, tinalakay din natin ang nakasanayang two-week keep. Kayo na ang pumili alin ang mas maige para sa inyo.
Kamana paano ba ang tamang pagpakain ng manok mula sisiw hanggang sa paglaki? Iba iba kasi ang nakikita kong pamamaraan sa pagpakain ang nakikita ko sa iba. Alin kaya ang tama. (12:09:24 Nov 19 2008)
Hindi na problema ang gamefowl nutrition ngayon kamana. Marami nang mabibili na pre-formulated feeds sa merkado. At maari kang humingi ng feeding program sa agrivet. May mga kanya-kanyang programa ang mga feeds manufacturers.
Kung titingnan mong maige, halos magkatulad lang ang mga feeding program. Ang kaibahan lang ay ang brand ng pakain. Dahil kanya-kanya silang nag-recommend ng kanilang produkto.
Noong nag-uumpisa pa lang akong mag manok, isa sa malaking problema namin sa panahong iyon ay ang maghanap at magtimpla ng wastong pakain.
Growing mash at mais lang ang pinapakain namin noon sa mga tinali. Kalaunan natuto kaming haluan ng ibang grains tulad ng wheat, barley at oats. May peas at mongo na rin. Subalit kami lang ang nagtitimpla ng mga ito base sa aming malabong kaalaman hinggil sa taglay na protina ng bawat isa ng mga ito.
Ngayon, wala na tayong problema. Nagdagsaan sa mga tindahan ang mga pre-formulated at pre-mixed feeds. Kailangan lang nating gawin ay ang tingnan ang guaranteed content analysis at piliin ang ating pakay.
Hindi kagaya ng dati, tayo ngayon ay wala nang kahiraphirap sa pagpakain ng manok panabong. Kung alam lang natin ano ang dapat ibigay, mahahanap at agad natin itong mabibili. Kailangan lang ay kaunting patnubay hinggil sa uri ng pakain na dapat ibigay.
Sa sisiw mula pagkapisa hanggang isang buwan ang crude protein (CP) na taglay ng pakain ay dapat nasa 21-22%. Makukuha natin ito sa mga tinatawag na chick booster.
Sa pangalawang buwan maari ng ibaba ito sa 19-20%, kaya starters naman ang ating binibigay.
Tatlong buwan hanggang anim habang nasa pawalaan o range ang manok, 16-18% CP naman ang rekomendado. Stag developer o pullet developer na ang binibigay.
Pagdating ng 6 na buwan, 14-16% CP ay sapat na. Sa panahon na ito pigeon pellets o maintenance pellets ang dapat gamitin.
Tandaan lang natin na ang mash, crumble o pellets na ating gagamitin dapat ay may taglay na mas mataas na bahagdan ng protina kaysa CP na gusto nating makamit upang maari nating haluan ng kaunting grains ang ating pakain.
Rey b art650
For nov 24
Iba-ibang diskarte para sa Mana
Kabuhayan: Mana cockbox
Si kamanang Isagani Dominguez ay may naisip upang makatulong sa sino mang kamana natin na marunong gumawa ng karton na sisidlan ng manok o travelling cockbox.
Marami kasi siyang supply ng magandang quality na karton na pwedeng gawing cockbox. Magiging munting livelihood ito sa simumang marunong gumawa at gustong maging kapartner ni Kamanang Gani.
Siya ang mag-supply ng karton, kayo ang gagawa, at siya naman ang bahalang mag-market. Sino man ang interesado ay i-text lang si kamanang gani sa 0928-394-7130.
Papangalanan ni kamanang Gani na Mana cockbox ang produktong ito at bahagi ng kikitain ay gagamitin nila upang makatulong sa mga proyekto ng Mana chapter nila sa Cavite. Sa Bacoor, Cavite po si kamanang Gani.
Makakapagkakitaan po ito at makakatulong pa sa Mana.
Mana fighters of the year, at benepisyo
Si kamanang Anthony Espinosa naman ay nagiisip kung paano makapakinabang ng husto ang mga kamana sa darating nating mga pasabong sa Pasay Cockpit. Simula Enero po, ay may buwanang pasabong tayo sa Pasay. Kaya sa taong 2009 kung idudulot ng Maykapal, ay may labing dalawang pasabong tayo.
Pinagaralan na ni kamanang Anthony na dapat magkakaroon tayo ng Mana Fighters of the Year. May premyo po ang mga magwawagi nito. Ito ay bukod sa regular na guaranteed prize na P100,000 sa bawat pasabong.
At hindi lang yan, maaring makapagbibigay rin tayo ng insurance o pension plan sa mga handlers at gaffers na regular na lalahok sa ating pasabong.
Magagawa natin ito kung susuportahan natin ang ating mga pasabong sa Pasay. Ang kikitain sa mga pasabong ito ay ibabalik din po sa mga kamana natin pamamagitan ng ibat-ibang uri ng benepisyo.
Gamefowl dispersal
Isa sa mga proyekto na matutulungan ng ating pasabong ay ang ating gamefowl dispersal program. Si kamanang Jun Santos naman ang mamamahala nito. Ang balak po natin ay ang mamahagi ng tig-iilang pirasong baby trios para breeding sa mga qualified na kamana. Pinagaaralan na ni kamanang Jun ang mekanismo ng pagpamahagi.
Kaalaman para kabuhayan, radio, monthly seminar
At, ipagpatuloy po natin ang pamamahagi ng kaalaman sa pagmamanok na maaring mapagkakitaan. Nangunguna po sa aspetong ito ay ang ating pitak dito sa Tumbok. Kaya magpasalamat po tayo sa Tumbok.
Mayroon din po tayong Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at sa Pagkundisyon.
At, di magtagal ay magkakaroon tayo ng programa sa radyo. Sa DZSR, Sports Radio 918 khz po tayo.
Patuloy din ang ating mga paseminar. Ang balak ay may isang libreng seminar tayo bawat buwan. Sa bawat araw ng Linggo matapos ang ating buwanang pasabong. Hindi lang seminar sa pagpapalahai at paglalaban ng manok kundi pati mga kabuhayan sa sabong, tulad ng pagtari, paggamot, pagsentensya, pagawa ng mga parafernalia at iba pa.
Sa labas ng ka-Maynilaan
Sa Visayas at Mindanao naman ay todo rin ang kayod nila kamanang Steve del Mar, Frank Rebusora, Ryan Lim, Manny L, Butsoy Maglinte at Norbie Inciso ng Eastern Samar, at iba pa nating mga core group. Inaabangan din nila ang programa natin sa radio at ipinamalita na. May mga lugar kasi sa Visayas at Mindanao na walang Tumbok kaya ang inaabangan nila ay ang mga anunsyo sa blog ng Mana, ang tilaok.blogspot.com.
Marami ring kopya ng Manwal ang nadistributed doon. At may balak sila na magpalabas ng magazine ng Mana.
Ganoon din po sa Bicol. Malakas din ang Mana doon. Naroon sila kamanang Jessie Abonite, Boying Santiago at Patrick Lee.
Siyanga pala si kamanang Alan Yaplito ng Ozamis City ay may kaibigan sa Cavite na may mga available imported materials. May nangyari kasi sa kanyang farm at gusto niyang mamahinga muna sa pagpapalahi. Kung sinong may nais na mag-inquire sa mga stocks, kontakin nyo lang si Billy Villalobos SPV Farm, 0920-909-0323.
Magtulungan po tayo. Sana’y Tuloy-tuloy na itong pagusad ng Mana.
Rey b art651
For nov 25
Ayaw nating gumamit ng dummy cock
Kamana napanuod ko sa TV noong nakaraang Sabado yong tinuturo mo palagi na sa hapon paglipad ng manok sa hapunan ay ibaba muli upang humapon ulit ito, at ibaba na naman. Nang gayon ay maehersisyo ang pakpak. Talaga sigurong epektibo ito kamana? (RTD 4-0972)
Bakit kamana, hindi ka naniwalang epektibo yan hanggan nang napanood mo sa TV? Oo kamana epektibo yan. Matagal na nating tinuturo yan at ilang dekada na nating ginagamit yan.
Noong tayo medyo batabata pa, nagsilbe din nating ehersisyo yan hindi lang sa manok kundi pati na sa tao. Professional trainer at handler tayo noon at marami sa kumuha sa atin ay mga malalaking sabungero sa Cebu at maraming manok.
May mga pagkakakataon na naghahanda tayo ng, halimbawa, 50 ka manok. Tuwing hapon ay ginagawa natin ang pagbabalik-balik ng mga manok sa hapunan. Hindi na natin kayang magisa ang ganyang dami kaya pati mga assistants natin ay tumutulong.
Kung tig-sampung manok ang bawat isa sa amin at limang balik ang bawat manok, samakatuwid may tig-50 na dampot at balik ng manok ang bawat isa sa amin. Idagdag pa natin ang paglakad papunta sa kasunod na teepe, di ba sapat na na ehersisyo ang mangyayari, maging para sa aming mga nagaalaga?
Maganda yan kamana at tipid pa. Hindi na natin kailangan ang maraming fly pens. Bagay na bagay ito sa atin mga maliliit na sabungero dahil tipid at hindi na kailangan ng malaking lugar. Kaya palagi natin tinuturo ito sa ating mga artikulo at seminar.
Nakita ko rin po sa programang iyon ang pag hand spar gamit ang dummy cock. Ok rin po ba ang hand spar o catch cock? (RTD 4-0972)
Oo kamana okey yang hand spar. Sa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon kabilang yan sa mga ehersisyo na ating renekomenda.
Pero iba-iba talaga ang pamamaraan kamana.
Tayo, hindi natin renerekomenda ang paggamit ng dummy cock sa ating pag handspar. Ang katwiran po natin ay hindi kasi focus ang manok kung dummy cock ang gagamiting catch cock. Obserbahan nyo kamana, di ba matagal bago papalo ang manok sa dummy cock.
Oo kalimitan ay magsasayawsayaw muna ang manok bago pumalo sa dummy, hindi tulad kung totoong manok ang gagamiting catch cock. Kung ganito hindi natin mapaunlad ang liksi at killer instinct ng manok na siyang gusto nating gawin pamamagitan ng hand spar.
At iniiwasan din natin na baka makaugalian ng manok ang maging kampante sa totoong laban sa pagaakala na ang kalabang manok ay dummy pa rin.
Pero iba-iba ang pamamaraan kamana, baka may nakita sila na hindi natin nakita. Kaya di natin masabi na mas tama tayo. Ang masasabi lang natin na epektibo naman ang ating pamamaraan.
Noong isang linggo may nagtext sa akin na mga taga-Sampaloc, Manila na gustong sumapi sa Mana. Ang sabi ni kamanang Loreto na may headquarters tayo sa Sampaloc sa Trabajo. Basvill Poultry Supply, 1717 J. Fajardo St. Pwedeng doon na kayo magparehistro. Hanapin nyo lang po ang may-ari si kamanang Nilda Villar.
Kung may mga itatanong din po kayo hinggil sa gamot o pangangailangan nyo sa inyong pagmamanok ay masasagot po ito ni kamanang Nilda.
Pwede ring mag-text kayo kay kamanang Loreto 0918-271-3548.
Rey b art652
For nov 26
Manok na buka ang katawan
Gud am kamana. Meron akong stag na medyo payat. Maganda ba na subuan ko ng dog food? Para mabilis ang pagganda ng katawan? (DC 001726)
Kung may supply ka na ng dog food at hindi ka na kailangang bumili okey lang kamana. Pero kung bibili ka pa, wag na ang dog food. Maraming high protein pellets na pang manok.
Noong araw ginagamit natin ang dog food, dahil wala pang high protein pellets at protein expander pellets na pang manok noon. Ang ginagamit natin noon ay dog food o kaya’y calf manna, na originally pang baka.
Ngayon, napakarami nang produkto na mataas ang bahagdan ng protena na pang manok. Safer kung ito ang gamitin natin.
Ang mahalaga kamana, purgahin mo ang manok na iyan at i-bacterial flushing at baka me sakit na hindi pa lang nag-manifest. Paliguan din ng anti-mite shampoo at e-check kung walang bulate sa mata. Kung mayroon patakan ng anti-eye worm.
Tanong ko rin po bakit ang mga manok sa farm ng kaibigan ko ay bukang-buka ang katawan. Pareho lang po kami ng ginagamit na patuka? ( DC 001726)
Maaring genetics kamana. May mga pamilya ng manok na sadyang buka ang katawan. Maari ring sa pagpalaki. Ang manok na pinagala at pinalaki sa angkop na kapaligiran ay magkakaroon ng mas magandang pangangatawan kaysa manok na laki kulungan o pen.
Maari ring ngayon lang magkapreha ang patuka nyo na malalaki na ang manok. Baka sa maliliit pa magkaiba ang pakain nyo. At maari ring magkatulad ang inyong pakain ngunit sa overall management ay magkaiba.
Mga kamana, ito ang lagi nating tandaan. Ang pakain ay isa lang sa mga mahahalagang aspeto sa gamefowl management. Hindi ibig sabihin na kung maganda at mamahalin ang ating patuka ay sapat na upang gumaling ang ating mga manok.
Hindi po. Napakarami pa pong mga aspeto na dapat pagsamasamahin.
Kaya kabilang sa mga layunin ng Mana ay ang maituro sa mga masang sabungero na mabalanse ang kanilang kaalaman sa lahat ng aspeto ng pagmamanok.
Kamana gud am. Ang pagturok ba ng b complex kapag tag-init o tag-lamig may epekto ba sa kilos ng manok? ( WEP 3-0019)
Wala siguro kamana. Ang b complex ay mga bitamina na kailangan ng katawan tag-lamig man o tag-init. At saka mga water soluble vitamins ito na ang sobra ay madaling itapon ng katawan.
May mga gamot o substance na hindi dapat sa tag lamig o sa tag-init. Karamihan dito ay ang mga metabolic drugs. Isa ito sa mga dahilan bakit ayaw natin gumamit sa mga ito.
Natural substance lang gamitin nati para walang sabit.
Sir gud eve. Three weeks na di pa rin nangingitlog inahin ko. Ano maganda kong gawin? ( 8:58:03pm Nov 22, 2008)
Hindi pa ba yan sobrang matanda o naglulugon kamana?
Check mo kung hindi ba sobrang taba o baka payat. Tingnan ang kinalalagyan at baka madilim. Ilawan ang inahin sa gabi o madaling araw. Kailangan ng 14 to 16 hours na liwanag upang mas mabilis mangitlog ang inahin.
Check mo rin kamana ang pakain. Baka kulang sa calcium at ibang bitamina at mineral. Gamitan mo ng mga layer or breeders feed. O baka stressed masyado sa kinalalagyan nito.
Ang mga ito ang maaring sanhi kamana.
Rey b art653
For nov 27
B complex para blood conditioning
Kamana good morning. Nagtext po sa akin si kamanang Andoy, may problema po kasi doon sa isa sa mga panlaban nya. Yong ipot ay dark green at ang naka-top instead of puti ay yellow. Bakit po kaya? Limang araw na lang bago ang laban kamana.
Mga kamana, ang nagtext po sa atin ay si kamanang Marlon Mabingnay at ang nagtext naman sa kanya ay si kamanang Andoy Malinao. Parehong magagaling sa pagkukundisyon ang mga ito, ngunit nagsasanggunian pa rin.
Ang punto natin dito mga kamana, na sa pagmamanok, dapat lang na patuloy tayong kumunsulta dahil walang perpekto kung ito ang paguusapan. Dapat lang na patuloy tayong mag-aral at magmasid dahil kahit anong tagal na natin sa pagmamanok maaring mayroon pa rin tayong matutunan.
Sa tanong mo kamanang Marlon ang sagot ko dyan, ay bilib ako sa inyo. Limang araw pa bago ang laban ganyan na kayo nakatutok sa ipot ng manok.
Huwag muna kayong mabahala kamana. Malayolayo pa ang limang araw. Maari pang magbalik sa normal yan. Itanong mo kay kamanang Andoy kung wala ba siyang bagong ibinigay na sangkap sa pakain o kaya gamot.
Maari kasing nanibago. Kahit nga, halimbawa, sanay sa mais ang manok, ngunit naubusan at bumili ka ng mais, maaring ang bagong bili mong mais ay may contamination.
Maari ring na stressed lang iyan at na upset kunti ang digestive system. Kung wala yang sakit, babalik yan sa normal sa di pa ang laban.
May isa pang posibleng paliwanang kamana. Walang deperensya yang manok. Kaya lang ang intestinal dropping na yan ay may halo nang kunting cecal dropping. Ang cecal dropping ay kulay brown. Nang mahaluan ng kunting brown ang puti, para na ring dilaw ang lalabas.
Sa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon ay tinalakay natin ang ibat-ibang uri ng ipot habang pinapatuktok ang manok.
Mababasa din po ninyo ito sa Mula Itlog Hanggang Sabungan na aklat nina Dr. Andrew Bunan, Dr. Ayong Lorenzo at Mr. Manny Berbano.
Mahalaga din po ang kaalamang ito.
Sir Rey gud pm. Ilang patak ang ibibigay ko sa gamot na ribose na tinutukoy mo sa Manwal? At hindi na ba ako magtuturok ng Bcomplex sa foundation at peaking stage? Sundin ko na lang ang nakalagay sa Manwal?(4-0015)
May nakalagay dyan sa label kamana. Ang sa atin naman ay pwedeng sa pakain ihalo. Dalawa o tatlong patak ng ribose bawat pagpakain sa huling tatlong araw pati na ang araw ng laban.
Hinggil sa bcomplex walang masama kung magtuturok ka. Ang nasa Manwal lang ay para makatipid tayo habang malayo pa ang laban sapat na siguro ang bitamina na nasa multi vitaminas with electrolites (MVE) na halo ng tubig at sa mga nakukuha sa regular na pakain.
Sa peaking period kamana ay nagbibigay na tayo nang bcomplex with iron supplement. Gusto kasi nating makasiguro na kundisyon ang dugo ng ating panlaban sa araw ng laban. Basahin mo sa kabanata hinggil sa blood conditioning kamana. Nasa pahina 24-25 ng Manwal.
Binabati po natin si kamanang Bong Ferreras at ang mga bagong kasapi niya na sina Pedi Sarte, Bgy kagawad; Jorge Vargas, businessman; Toto Mon Mantillano, gov’t employee; lahat sila ng Pasong Buwaya, Imus Cavite.
Kung sinong taga-Cavite na gustong sumapi ang number ni kamanang Bong ay 0919-661-6066.
Kumusta kayo dyan mga kamana sa Cavite? Palago ng palago ang mga chapters ng Mana dyan. Salamat sa inyong suporta.
Kay kamanang Jeff Orbi maraming salamat din at may mga bagong members ka. Sa mga taga-Mandaluyong na gustong mag pamember ng Mana kay kamanang Jeff kayo mag-text 0928-711-3711
Rey b art654
For nov 28
Iba-ibang pamamaraan sa pagpakain
Ang Tamang nutrisyon o pagpapakain ay isang mahalagang aspeto sa pagmamanok. Kaya kailangan ay may kaunti tayong kaalaman sa basic nutrition.
Ang mga sustansya na kailangan ng katawan ay protein, carbohydrates, fats at saka vitamins and minerals.
May iba’t-ibang gamit ito sa katawan kaya dapat balanse ang ating pakain. Ibig sabihin, taglay ng ating feeding program ang lahat ng mga ito sa tugmang proporsyon.
Hindi kasi magkatulad ang dami na kailangan ng katawan. Halimbawa mas mataas ang pangangailangan ng katawan ng carbohydrates kaysa protein. Mas mataas naman dapat ang bahagdan ng protena kaysa taba o fats.
Samantalang napakaliit ng pangangailangan ng katawan ng bitamina at mineral. Kaya micro-nutrients ang tawag sa mga ito.
Noong araw napakahirap mag templa ng tugmang pakain para sa manok. Tayo lang na nagpapakain ang gumagawa ng ating sariling formula. Ngayon wala nang problema. Mabibili na ang mga pre-formulated feeds na kumpleto sa kinakailangang sustansya sa tamang proporsyon para sa iba’t-ibang yugto sa buhay ng manok.
Noong araw, wala pa ang mga Thunderbird, Sagupaan at maging ang Derby Ace. B-meg pa lang noon ang feeds ng San Miguel Corp. Natatandaan ko pa na ang gamit namin na pellets ay PDP ng B-meg. PDP ay pullet developer pellets. Sa pangalan pa lang ay hindi na para manok panlaban, kundi para sa mga gagawing inahin.
Kalaunan nag shift tayo ng nagpalabas ang B-meg ng pegion pellets. Mas angkop ito para sa panlaban. Hanggang ngayon gumagamit tayo nito. Kung napuna nyo sa Manwal natin ay nakalagay doon na ang ating maintence pellets ay pegion pellets, kundi ay yong tinatawag na nila ngayon na GMP.
Ngayon wala nang problema. Kahit iba-iba ang ating gusto na pakain, marami nang mga feeds na para battlecocks talaga, na mapagpilian.
Sa pamamaraan naman sa pagbigay ng pakain iba-iba rin.
Natatandaan ko pa noong kapanahunan ng mga lolo ko, isang beses lang namin pinapakain ang manok isang araw. Sa bandang alas tres ng hapon. Ngayon ang nakasanayan ay dalawang beses. Bandang alas 7 ng umaga at bandang alas 4 ng hapon. May iba sa atin na nagbibigay pa ng snacks sa tanghali.
Subalit hanggang ngayon ay may iilan pa rin na isang beses lang isang araw pinapakain ang manok. Sa hapon lang.
Mangyari'y mas aktibo kasi ang manok mula umaga hanggang hapon kung ito ay gutom. Samakatuwid mas maehersisyo ito kung hindi pakakainin sa umaga. Ito ang dahilan kung bakit ang iba ay sa hapon lang pinapakain ang manok. Kung ganito bale doble naman ang ibinibigay sa hapon upang mabigay ang ang pangangailangan ng manok hanggang sa susunod na pagpapakain.
Kung titingnan parang delikado na hindi matunawan ang manok sa gabi dahil hindi na ito masyadong magalaw. Ngunit sadyang mabilis talaga ang metabolismo ng manok kahit sa gabi kung kailan ito ay namamahinga.
Dahil sa takot na di matunawan ang manok sa gabi, may nagmamanok na sa umaga ay hard and dry feeding ang ginagawa nila. Sa hapon ay wet feeding naman para daw madaling matunaw.
Ang iba naman kabaliktaran ang ginagawa. Sa umaga madaling matunaw at magiging aktibo kaagad ang manok. Sa hapon ang hard at dry feeding.
Sa atin sa RB Sugbo, apat na beses tayo nagpapakain sa isang araw. Binibigyan natin ang manok ng 10 grams sa alas 7 ng umaga; 10 grams sa bandang alas 10; at 10 grams sa ala una ng hapon. Sa alas 4 ng hapon ay 40 grams ang ibinibigay natin.
Itinataon natin ang ating pagpapakain sa tuwing i-rorotate o linilipat natin ng kinalalagyan ang mga manok. Pagkalipat ng lugar ay aktibo kaagad ang manok. Pagdaan ng 20-30 minutes magpapahinga ito. Saka natin ito bibigyan ng pakain.
Rey b art655
For nov 29
Mga entry ng Mana
Gud pm kamana. May entry kami sa Dec 3 sa pasay cock pit 1-cock ulutan fastest kill ano ipangalan namin sa entry (Kamanang Loreto)
Lagyan nyo lang ng Mana ang entry nyo kamana. Kung me pangalan kayong gagamitin dugtungan lang natin ng Mana para maipakita naman natin ang ating suporta sa Pasay cockpit.
Ang Pasay cockpit ay sumusuporta din sa Mana. Simula Enero may buwanang benefit na pasabong na tayo sa naturang sabungan, Ang kikitain nito ay makakatulong sa ating mga proyekto tulad ng gamefowl dispersal natin at mga training at seminars.
Sa inyo pala ni Kamanang Jeff Urbi ang mga manok na ilalaban ng Mana sa Dec 3. Salamat sa inyo kamana at sa mga iba pang mga kamana natin na naglaban at maglalaban pa sa mga fastest kill ulutan sa Pasay bawat Miyerkules.
Sa nakaraang Miyerkules sina kamana Army Celis ang naglaban. Salamat sa iyo kamanang Army.
Ang unang fastest kill ng Mana ay sa 3rd week of January. Kundi Jan 17 sa Jan 19. Paghandaan natin ito mga kamana. Malaki ang maitutulong nito sa ating mga adhikain.
Noong nakaraang Miyerkules nag meeting nga pala tayo sa Pasay Cockpit. At inumpisahan na nating binuo ang management team ng Mana sa Metro Manila-Calabarzon area.
Inaasahan na sa Dec 20-21, kung kailan may pagpupulong at seminar na naman tayo, ay makukumpleto na ang ating pag organisa. Kailangan na ito dahil marami na tayong gagawing mga proyekto sa darating na taon.
Sa Bicol ay pinagbigay alam ni kamanang Jessie Abonite at kamanang Boying Santiago na may Mana 3-cock fastest kill ulutan sila sa Iriga City sa Enero 16. halos kasabay ito sa unang Mana fastest kill sa Pasay
Sa Cebu ay may trainors seminar tayo na gagawin sa Dec 13-15. Bago tayo pupunta ng Maynila. Mag-train tayo ng mga coordinators upang may kaalaman sila sa pagpapalahi, pagkundisyon at health management ng manok upang maipamahagi nila sa kanilang mga members.
Hindi na kailangan na sa atin pa o sa iba magtanong ang mga miembro kung ang kanilang coordinators ay marunong na.
Gud pm may sisiw po ako 23 pcs. 2-day old pagka gabi nilalagay ko sa kahon kasi wala pa po me ilaw di po kaya maka apekto ang amonia pag kinukulong ko na sa kahon?( Jeff 3-000)
Oo kamana, makakasama sa sisiw ang amonia. Hindi mabuti kong ang kinalalagyan ay walang gaanong ventillation. Huwag mong itagal sa ganyang sitwasyon kamana. Parami nang parami ang ipot habang palaki ang sisiw.
Palaging sa malinis na brooder ilagay ang mga sisiw.
Dito sa Manwal natin ask ko lang kung pwede hindi na gumamit ng grower maintenance pellets kundi ang mga high protein pellets na lang na nakalagay doon sa Manwal? Thank you (George Garcia 001709)
Oo kamana. Mas maige kung mga high protein pellets ang gamitin. Kaya lang tataas ang cost ng ating feeds.
Kung puro high protein pellets ang gamitin natin tataas ang bahagdan ng protein kaya pwede nating dagdagan naman ang proporsyon ng grains sa ating mix.
Kamana ask ko lang kung pwede ba painumin ng tubig ang manok kahit may sipon? (Ronulfo Arruejo, MANA Sampaloc chapter)
Pwede naman kamana. May mga gamot nga sa sipon na hinahalo sa tubig at pinapainom sa manok. Mahalaga ang tubig kamana lalo na kung tag-init.
Rey b art666
Nov 30
Mahalaga ang disposisyon ng manok
Kamana may bisyo ang panlaban, 2 yrs old, quality at mahusay. Pero may time na ayaw lumaban kahit sa bitaw. Sumpungin. Di kaya ito delikado ilaban at baka tumakbo? (Bert 001070)
Talagang delikado kamana. May mga manok na ganyan. Paminsan-minsa’y di lumalaban, ngunit, sabi ng iba pag ang mga ganito ay lumaban hindi ito tatakbo.
Kahit na, kamana, iwasan pa rin ang mga ganitong manok. Kahit na hindi ito tatakbo, halatang may personality defect ito. Tama ka, kamana, sumpungin. Malimit kulang sa gameness o paiba-iba ang disposisyon.
Kahit hindi ito tatakbo malamang kulang sa focus o kaya’y pagnanais na pumatay.
Kamana may alam ka ba na pwede nating gamitin para pang-tanggal ng bulate sa mga mata ng mga manok? (JRM 001898)
Mayroon kamana. Para sa mga ganitong katanungan kamana e-text nyo si Doc Jun, 0928-502-5957. Sabihin nyo kamana na member kayo ng Mana.
Gud pm kamanang Rey. Tanong ko lang kung anong mabisang gamot laban sa peste ng manok? Salamat po. (04:37:25pm Nov 27, 2008)
Anong uri ng peste kamana? Kung ang tinutukoy mo ay ang avian pest o newcastle disease (NCD), wala itong gamot pag nadapuan na ang manok. Bakuna lang ang panangga natin laban dito.
Good am sir Rey di po ba dapat iluto ang pakain ng manok para di makakain ng aflatoxin kasi kahit na sa pack meron nito? (ENZ 001284)
Ang iba niluluto nila kamana. Pero may mga sangkap kasi na pag niluluto ay hihina ang bisa. At saka dagdag gawain ang pagluto kamana at hindi madali lalo na kung marami ang ating alagang manok.
Ang mga bagong pakain ngayon ay may additives na panlaban sa toxin. Ganoon man, magingat pa rin tayo sa pagpili ng bibilhan na pakain. Hugasan natin maige ang grains bago ihalo sa pellets.
Kung may sobra tayong pakain na di maubos sa pagbigay, sa refrigerator ilagay. Kundi, tangpan ng maige para di madaling ma-contaminated.
Gud am kamanang Rey. Okey rin po bang gamitin ang conditioning pyramid kahit sa mga 8 months old stags? Thanks. (NL 001059)
Oo kamana okey lang ang ating conditioning pyramid kahit sa mga stags kamana. Pag-aralan lang mabuti ang nasa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon.
Kung maunawaan nyo na ng husto, makakakita kayo ng iba’t-ibang pamamaraan para gawin ang layunin natin sa bawat baitang ng conditioning pyramid. Hindi na kailangan na sundin ninyo isisa ang pinagagawa natin doon.
Gud pm po sir Rey, ang manok ko palaging maputla ang mukha. Ano po kaya ang dahilan? Ano ang dapat kong gawin? (Pompy Canulo)
Anemic, malamang yan kamana. Bigyan natin ng b complex, iron at iba pang bitamina at mineral. Purgahin at paliguan ng anti mite para maalis ang mga parasites. I-bacterial flushing din natin para mawala ang mga mikrobyo sa loob ng katawan.
At, baka palaging nasa kulungan yan kamana? Ilagay natinsa mas angkop na kapaligiran. Kung may damuhan doon natin i-cord. Mas maige na sa lugar na may lilim ngunit may init din para makapili ang manok kung saan nya gusto.
Welcome. To read the articles, please click post link or month, then subsequent post link.
Ponkan broodcock
Another ponkan
Mana: Dami at Pagkakaisa
Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.
2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.
3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.
4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.
Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.