Saturday, December 6, 2008
Llamado Tayo Updates (Latest update Dec 6)
Iba-ibang diskarte para sa Mana
Kabuhayan: Mana cockbox
Si kamanang Isagani Dominguez ay may naisip upang makatulong sa sino mang kamana natin na marunong gumawa ng karton na sisidlan ng manok o travelling cockbox.
Marami kasi siyang supply ng magandang quality na karton na pwedeng gawing cockbox. Magiging munting livelihood ito sa simumang marunong gumawa at gustong maging kapartner ni Kamanang Gani.
Siya ang mag-supply ng karton, kayo ang gagawa, at siya naman ang bahalang mag-market. Sino man ang interesado ay i-text lang si kamanang gani sa 0928-394-7130.
Papangalanan ni kamanang Gani na Mana cockbox ang produktong ito at bahagi ng kikitain ay gagamitin nila upang makatulong sa mga proyekto ng Mana chapter nila sa Cavite. Sa Bacoor, Cavite po si kamanang Gani.
Makakapagkakitaan po ito at makakatulong pa sa Mana.
Mana fighters of the year, at benepisyo
Si kamanang Anthony Espinosa naman ay nagiisip kung paano makapakinabang ng husto ang mga kamana sa darating nating mga pasabong sa Pasay Cockpit. Simula Enero po, ay may buwanang pasabong tayo sa Pasay. Kaya sa taong 2009 kung idudulot ng Maykapal, ay may labing dalawang pasabong tayo.
Pinagaralan na ni kamanang Anthony na dapat magkakaroon tayo ng Mana Fighters of the Year. May premyo po ang mga magwawagi nito. Ito ay bukod sa regular na guaranteed prize na P100,000 sa bawat pasabong.
At hindi lang yan, maaring makapagbibigay rin tayo ng insurance o pension plan sa mga handlers at gaffers na regular na lalahok sa ating pasabong.
Magagawa natin ito kung susuportahan natin ang ating mga pasabong sa Pasay. Ang kikitain sa mga pasabong ito ay ibabalik din po sa mga kamana natin pamamagitan ng ibat-ibang uri ng benepisyo.
Gamefowl dispersal
Isa sa mga proyekto na matutulungan ng ating pasabong ay ang ating gamefowl dispersal program. Si kamanang Jun Santos naman ang mamamahala nito. Ang balak po natin ay ang mamahagi ng tig-iilang pirasong baby trios para breeding sa mga qualified na kamana. Pinagaaralan na ni kamanang Jun ang mekanismo ng pagpamahagi.
Kaalaman para kabuhayan, radio, monthly seminar
At, ipagpatuloy po natin ang pamamahagi ng kaalaman sa pagmamanok na maaring mapagkakitaan. Nangunguna po sa aspetong ito ay ang ating pitak dito sa Tumbok. Kaya magpasalamat po tayo sa Tumbok.
Mayroon din po tayong Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at sa Pagkundisyon.
At, di magtagal ay magkakaroon tayo ng programa sa radyo. Sa DZSR, Sports Radio 918 khz po tayo.
Patuloy din ang ating mga paseminar. Ang balak ay may isang libreng seminar tayo bawat buwan. Sa bawat araw ng Linggo matapos ang ating buwanang pasabong. Hindi lang seminar sa pagpapalahai at paglalaban ng manok kundi pati mga kabuhayan sa sabong, tulad ng pagtari, paggamot, pagsentensya, pagawa ng mga parafernalia at iba pa.
Sa labas ng ka-Maynilaan
Sa Visayas at Mindanao naman ay todo rin ang kayod nila kamanang Steve del Mar, Frank Rebusora, Ryan Lim, Manny L, Butsoy Maglinte at Norbie Inciso ng Eastern Samar, at iba pa nating mga core group. Inaabangan din nila ang programa natin sa radio at ipinamalita na. May mga lugar kasi sa Visayas at Mindanao na walang Tumbok kaya ang inaabangan nila ay ang mga anunsyo sa blog ng Mana, ang tilaok.blogspot.com.
Marami ring kopya ng Manwal ang nadistributed doon. At may balak sila na magpalabas ng magazine ng Mana.
Ganoon din po sa Bicol. Malakas din ang Mana doon. Naroon sila kamanang Jessie Abonite, Boying Santiago at Patrick Lee.
Siyanga pala si kamanang Alan Yaplito ng Ozamis City ay may kaibigan sa Cavite na may mga available imported materials. May nangyari kasi sa kanyang farm at gusto niyang mamahinga muna sa pagpapalahi. Kung sinong may nais na mag-inquire sa mga stocks, kontakin nyo lang si Billy Villalobos SPV Farm, 0920-909-0323.
Magtulungan po tayo. Sana’y Tuloy-tuloy na itong pagusad ng Mana.
Rey b art651
For nov 25
Ayaw nating gumamit ng dummy cock
Kamana napanuod ko sa TV noong nakaraang Sabado yong tinuturo mo palagi na sa hapon paglipad ng manok sa hapunan ay ibaba muli upang humapon ulit ito, at ibaba na naman. Nang gayon ay maehersisyo ang pakpak. Talaga sigurong epektibo ito kamana? (RTD 4-0972)
Bakit kamana, hindi ka naniwalang epektibo yan hanggan nang napanood mo sa TV? Oo kamana epektibo yan. Matagal na nating tinuturo yan at ilang dekada na nating ginagamit yan.
Noong tayo medyo batabata pa, nagsilbe din nating ehersisyo yan hindi lang sa manok kundi pati na sa tao. Professional trainer at handler tayo noon at marami sa kumuha sa atin ay mga malalaking sabungero sa Cebu at maraming manok.
May mga pagkakakataon na naghahanda tayo ng, halimbawa, 50 ka manok. Tuwing hapon ay ginagawa natin ang pagbabalik-balik ng mga manok sa hapunan. Hindi na natin kayang magisa ang ganyang dami kaya pati mga assistants natin ay tumutulong.
Kung tig-sampung manok ang bawat isa sa amin at limang balik ang bawat manok, samakatuwid may tig-50 na dampot at balik ng manok ang bawat isa sa amin. Idagdag pa natin ang paglakad papunta sa kasunod na teepe, di ba sapat na na ehersisyo ang mangyayari, maging para sa aming mga nagaalaga?
Maganda yan kamana at tipid pa. Hindi na natin kailangan ang maraming fly pens. Bagay na bagay ito sa atin mga maliliit na sabungero dahil tipid at hindi na kailangan ng malaking lugar. Kaya palagi natin tinuturo ito sa ating mga artikulo at seminar.
Nakita ko rin po sa programang iyon ang pag hand spar gamit ang dummy cock. Ok rin po ba ang hand spar o catch cock? (RTD 4-0972)
Oo kamana okey yang hand spar. Sa Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon kabilang yan sa mga ehersisyo na ating renekomenda.
Pero iba-iba talaga ang pamamaraan kamana.
Tayo, hindi natin renerekomenda ang paggamit ng dummy cock sa ating pag handspar. Ang katwiran po natin ay hindi kasi focus ang manok kung dummy cock ang gagamiting catch cock. Obserbahan nyo kamana, di ba matagal bago papalo ang manok sa dummy cock.
Oo kalimitan ay magsasayawsayaw muna ang manok bago pumalo sa dummy, hindi tulad kung totoong manok ang gagamiting catch cock. Kung ganito hindi natin mapaunlad ang liksi at killer instinct ng manok na siyang gusto nating gawin pamamagitan ng hand spar.
At iniiwasan din natin na baka makaugalian ng manok ang maging kampante sa totoong laban sa pagaakala na ang kalabang manok ay dummy pa rin.
Pero iba-iba ang pamamaraan kamana, baka may nakita sila na hindi natin nakita. Kaya di natin masabi na mas tama tayo. Ang masasabi lang natin na epektibo naman ang ating pamamaraan.
Noong isang linggo may nagtext sa akin na mga taga-Sampaloc, Manila na gustong sumapi sa Mana. Ang sabi ni kamanang Loreto na may headquarters tayo sa Sampaloc sa Trabajo. Basvill Poultry Supply, 1717 J. Fajardo St. Pwedeng doon na kayo magparehistro. Hanapin nyo lang po ang may-ari si kamanang Nilda Villar.
Kung may mga itatanong din po kayo hinggil sa gamot o pangangailangan nyo sa inyong pagmamanok ay masasagot po ito ni kamanang Nilda.
Pwede ring mag-text kayo kay kamanang Loreto 0918-271-3548.
Rey b art655
For nov 29
Mga entry ng Mana
Gud pm kamana. May entry kami sa Dec 3 sa pasay cock pit 1-cock ulutan fastest kill ano ipangalan namin sa entry (Kamanang Loreto)
Lagyan nyo lang ng Mana ang entry nyo kamana. Kung me pangalan kayong gagamitin dugtungan lang natin ng Mana para maipakita naman natin ang ating suporta sa Pasay cockpit.
Ang Pasay cockpit ay sumusuporta din sa Mana. Simula Enero may buwanang benefit na pasabong na tayo sa naturang sabungan, Ang kikitain nito ay makakatulong sa ating mga proyekto tulad ng gamefowl dispersal natin at mga training at seminars.
Sa inyo pala ni Kamanang Jeff Urbi ang mga manok na ilalaban ng Mana sa Dec 3. Salamat sa inyo kamana at sa mga iba pang mga kamana natin na naglaban at maglalaban pa sa mga fastest kill ulutan sa Pasay bawat Miyerkules.
Sa nakaraang Miyerkules sina kamana Army Celis ang naglaban. Salamat sa iyo kamanang Army.
Ang unang fastest kill ng Mana ay sa 3rd week of January. Kundi Jan 17 sa Jan 19. Paghandaan natin ito mga kamana. Malaki ang maitutulong nito sa ating mga adhikain.
Noong nakaraang Miyerkules nag meeting nga pala tayo sa Pasay Cockpit. At inumpisahan na nating binuo ang management team ng Mana sa Metro Manila-Calabarzon area.
Inaasahan na sa Dec 20-21, kung kailan may pagpupulong at seminar na naman tayo, ay makukumpleto na ang ating pag organisa. Kailangan na ito dahil marami na tayong gagawing mga proyekto sa darating na taon.
Sa Bicol ay pinagbigay alam ni kamanang Jessie Abonite at kamanang Boying Santiago na may Mana 3-cock fastest kill ulutan sila sa Iriga City sa Enero 16. halos kasabay ito sa unang Mana fastest kill sa Pasay
Sa Cebu ay may trainors seminar tayo na gagawin sa Dec 13-15. Bago tayo pupunta ng Maynila. Mag-train tayo ng mga coordinators upang may kaalaman sila sa pagpapalahi, pagkundisyon at health management ng manok upang maipamahagi nila sa kanilang mga members.
Hindi na kailangan na sa atin pa o sa iba magtanong ang mga miembro kung ang kanilang coordinators ay marunong na.
Gud pm may sisiw po ako 23 pcs. 2-day old pagka gabi nilalagay ko sa kahon kasi wala pa po me ilaw di po kaya maka apekto ang amonia pag kinukulong ko na sa kahon?( Jeff 3-000)
Oo kamana, makakasama sa sisiw ang amonia. Hindi mabuti kong ang kinalalagyan ay walang gaanong ventillation. Huwag mong itagal sa ganyang sitwasyon kamana. Parami nang parami ang ipot habang palaki ang sisiw.
Palaging sa malinis na brooder ilagay ang mga sisiw.
Dito sa Manwal natin ask ko lang kung pwede hindi na gumamit ng grower maintenance pellets kundi ang mga high protein pellets na lang na nakalagay doon sa Manwal? Thank you (George Garcia 001709)
Oo kamana. Mas maige kung mga high protein pellets ang gamitin. Kaya lang tataas ang cost ng ating feeds.
Kung puro high protein pellets ang gamitin natin tataas ang bahagdan ng protein kaya pwede nating dagdagan naman ang proporsyon ng grains sa ating mix.
Kamana ask ko lang kung pwede ba painumin ng tubig ang manok kahit may sipon? (Ronulfo Arruejo, MANA Sampaloc chapter)
Pwede naman kamana. May mga gamot nga sa sipon na hinahalo sa tubig at pinapainom sa manok. Mahalaga ang tubig kamana lalo na kung tag-init.
Fastest –Kill ulutan lang muna
Kamana hindi po ako nakadalo sa advanced seminar noong Nov 8. Nanghihinayang po ako dahil sabi ng isang kamana natin napakaganda daw ng talakayan. Praktikal at maging ang mga teknikal daw. Kailan kaya magkakaroon uli ng ganoong seminar? (GH 4-0156)
Oo kamana. Dahil na rin sa napakagandang mga katanungan ng ating mga kamana.
Maganda talaga, pero kinapos tayo sa panahon, Hindi nga natalakay ang pagpatuktok at ang conditioning pyramid. Bagaman napagusapan ng husto ang glycemix index at carboloading.
May balak sina kamanang Marlon Mabingnay at kamanang Joel Guimaray na magkakaroon tayo ng ganoong seminar sa Nasugbo, Batangas. Sisikapin natin mga kamana na magkakaroon tayo sa December kundi sa January.
Pansamantala, basahin nyo muna ng maige Ang nilalaman ng Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon. Nasa Manwal kasi ang pundasyon ng ating pamamaraan na tatalakayin sa mga pa-seminar natin.
Ang wala pang Manwal pwedeng diretsa kayong mag-order sa atin o kay kamanang Marlon, 0929-723-3573 o kaya’y kay kamanang Dan 0910-485-2134.
Habang wala pa ang seminar patuloy lang po kayong magtanong pamamamagitan ng pag text o kaya’y bisitahin nyo ang blog ng Mana, ang tilaok.blogspot.com sa internet.
Dapat po mga kamana, sa susunod na seminar workshop natin ay di na tayo kakapusin sa panahon. Kaya ang balak ay 2-day stay-in seminar tayo. Dalawang buong araw at isang gabi.
Sabi ni kamanang Bhong Ferreras na tamang-tama ang dalawang araw na seminar at may isang gabi pa tayo na maka-pagbonding ng husto. Ang mungkahi nya po ay maghanap tayo ng sponsors para sa venue at iba pang speakers para ang sasagutin ng mga miembro ay ang pagkain na lang.
Bright idea kamanang Bhong dahil ang pagkain ay hindi naman dagdag-gastos kasi kahit wala tayo sa seminar kakain din tayo.
Gud day kamanang Rey. Kailan po ang unang pasabong ng Mana sa Pasay at nang mapaghandaan. At ano po ito derby o ulutan? Hindi pa po ako membro ng Mana pero talagang balak kong magpa-membro. ( 08:57:12am Nov 13 2008).
Maraming salamat kamana.
Wala pa pong tiyak na petsa pero simula Enero may isang pasabong tayo sa Pasay cockpit bawat buwan.
Sa unang pasabong natin, Enero po yan, ay fastest-kill ulutan. Napakaganda raw po ng regular na fastest-kill ulutan nila sa Pasay bawat Miyerkules. Kaya ganoon na lang din muna ang ating gagawin.
Sisikapin lang natin na makakuha tayo ng suporta sa ating mga kamana. Napakarami po natin sa Metro Manila. Kahit ilang porsyento lang sa atin ang magdala ng kahit isang manok lang bawat isa, napakasaya na.
Sisikapin din po natin na may mga sponsors na makapagbigay ng dagdag na give-aways maliban sa regular na premyo sa fastest kill.
Gagawin din po natin na manghikayat ng mga bagong membro sa bawat pasabong natin sa Pasay. Sa kasalukuyan kung may nais sumapi sa Mana na taga dakong Pasay maaring i-text nyo na lang kay kamanang Anthony Espinosa, 0906-238-8363.
Mabilis na umusad ang Mana
Balik na po tyo sa Cebu mga kamana, pagkatapos ng mahigit isang linggo nating pagbisita sa iba’t-ibang lugar na may kaganapan kaugnay sa Masang Nagmamanok o Mana. Sa Kamaynilaan tayo nagtagal dahil doon ang pinakamarami nating gawain.
Nagkaroon ng entry ang Mana sa Bakbakan eliminations noong Nov 6 sa Pasig. Ngunit isa lang ang nanalo at dalawa ang natalo.
Ang pagkatalo nating yon ay sobra namang binawe ng magandang kinalabasan ng ating seminar at pagpupulong noong Nov 8.
Napakaganda ng talakayan natin sa nilalaman ng Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon. Ito rin ay dahil napakagaling ng mga katanungan na galing sa ating mga kamana na nakabasa na sa nasabing Manwal. Kasama po natin sa pagsagot sa mga katanungan si Dra. Nieva Arieta, at ang isa sa mga magagaling na technical man ng RB Sugbo si kamanang Marlon Mabingnay.
Tumulong din po si Boss Manny Berbano na nagbigay ng kanyang mga kaalaman at karanasan sa pagmamanok.
Masabi natin na matagumpay ang seminar na yon bagama’t kinapos ng panahon. Nagumpisa tayo ng wala pang alas 9 ng umaga at natapos lampas alas 6 ng gabi. Ngunit kinapos pa rin ng panahon. May mga mahahalaga pang bagay na hindi natin natalakay.
Kung sa bagay kung kinapos man tayo sa seminar, ang ating pagpupulong ay nagbunga ng mga magagandang bagay. Kahapon naisulat natin dito na isa sa nakinahangtungan ay ang paguusap namin ni mang Roming Vergara ng pasay cockpit na simula Enero ay magkakaroon ang Mana ng isang pasabong bawat buwan sa nasabing sabungan.
Isa pa po ay na magkakaroon na tayo ng area para sa ating gamefowl dispersal program. Dulot po sa magandang loob ni kamanang Col. Tito Corpuz. Agad po nating pinuntahan ang area sa Teresa, Rizal at nagustuhan natin. Angkop sa ating hinahanap.
Paghanda na po ang lugar, magpapadala agad tayo ng mga materyales o broodfowl. Nangako rin po si Boss Manny na tutulong pagdating sa materyales pang-breeding.
May mga marami pang mungkahi si Boss Manny at ang mga ito ay pagaaralan ng core group.
Umuusad na talaga tayo mga kamana. Dahan-dahan lang ngunit kita na ang pagusad ng Mana.
Ngayong Sabado ay magpupulong ang core group at isa sa mga tatalakayin nila ay ang ating programa sa radyo.
Ang tatlong proyektong ito—pasabong, gamefowl dispersal at programa sa radyo-- ay napakagandang balita para sa ating mga kamana.
Ang iba pang napagusapan sa pagpupulong ay:
1. Na lalong pagpatibayin ang mga chapters at ipatuloy ang paghikayat ng bagong mga kasapi;
2. Na sana’y magkaroon pa ng 2-day stay-in seminar upang hindi kapusin sa panahon. Hahanap tayo ng sponsor sa seminar na ito. May magandang venue na alam si kamanang Marlon sa Nasugbo, Batangas.
3.Na magkakaroon ng munting kaganapan sa Dec 20 bilang Mana Day. Ito kasi ang anibersaryo ng Llamado Tayo sa Tumbok. At, ang Llamado Tayo ang naging tulay sa pagbuo ng Mana.
Sa awa ng Diyos, mga kamana, unti-unti nang nagiging konkreto ang ating mga inaasam. Makakapit natin ang ating layuning mga kamana pamamamagitan ng inyong suporta.
Ang suporta ng mana ay hindi lang galing sa core group, sa mga aktibong dumalo sa mga seminar at pagpupulong, kundi galing din sa libo-libong nagbabasa ng tumbok at nagmamasid lang ngunit buo ang suporta sa ating mga layunin.
Sa inyong lahat maraming salamat.
Welcome. To read the articles, please click post link or month, then subsequent post link.
Ponkan broodcock
Another ponkan
Mana: Dami at Pagkakaisa
Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.
2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.
3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.
4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.
Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.