Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.

Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.
Ganap na sabong site. Forums, kaalaman, balita, at iba pa para sa inyong kasiyahan at kapakanan.

Friday, July 17, 2009

Mga ideya sa paghanda ng stag


Paghanda ng Stag

Paano ang pag alaga o pag-kundisyon ng stag kung ito’y ilalaban sa stag derbies? Tama po, kung ito’y ilalaban bilang stag. Kasi may kaibahan ang pagalaga ng stag na hindi pa ilalaban. Kung hindi pa ilalaban mas maige na hayaan lang natin ang mga stag na mag mature at maging bullstag sa natural na pamamaraan.
Hinahayaan lang natin sa cord. Linilipat lang natin sa ibang cord dalawa o isang beses bawat linggo. Paminsanminsan ay sinasamahan natin ng inahin para naman sumigla at magnanais na maging mas makisig. Binibitaw natin isang beses isang linggo. Ang pakain natin ay maintanance feed lang at hinahayaan natin na lumaki ang katawan na natural. Iba naman ang pamamaraan kung ang stag ay ilalaban bilang stag at hindi na papagulangin.
Iba ang paraan sa pagalaga ng stag na ilalaban. At may iba’t-ibang pamamaraan naman sa paggawa nito. Ang tatalakayin natin dito ngayon ay hindi ang mga specific na gagawin sa pagkundisyon ng stag. Hindi natin ililista dito kung ano ang gawin sa day 1 , day 2 hanggang day of the fight. Ang tatalakayin natin ay ang mga ideya sa likuran ng pagkundisyon ng stag para ilaban. Dahil kung alam natin ang mga ideya at katwiran bakit ang isang bagay ay ginagawa, madali nalang natin matutunan kung paano ang paggawa nito.
Bago magumpisa ilagay sa ating isip na sa pagkundiyon ng stag ay nais nating isiksik sa loob ng tatlong buwan ang sana’y dpat mangyayari sa loob ng dalawang taon kung ang manok ay pagugulangin. Anu-ano itong mga dapat natin isiksik?
Una ang tinatawag na personality development. Ang stag ay bata pa. Hindi pa nabuo ang tunay na personalidad nito. Pangalawa ang tapang; pangatlo ang focus sa pakikipaglaban; saka pa ang pagkundisyon. Pagkatapos nito ay ang problema naman sa stress management dahil ang stag ay mas madaling manibago, uminda at ma-stressed. Ang lahat na ito ay isisiksik natin sa loob ng humigit-kumulang tatlong buwan mula sa paghuli nito sa edad na 6- 7 months hanggang sa mailaban ito sa edad na wala pang 10 buwan.(For complete text email mba1220bemin@yahoo.com ask for your free copy of the whole pamphlet)

Ponkan broodcock

Ponkan broodcock
One of the ponkan broodcocks being readied by RB Sugbo for the incoming breeding season. RB Sugbo is among the gamefowl farms very much involved in the Masang Nagmamanok (MANA) Inc. nationwide gamefowl dispersal program.

Another ponkan

Another ponkan
Another ponkan broodcock in the trio pen.

Mana: Dami at Pagkakaisa

Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.

Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan. Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.

Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.

Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:

1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.

2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.

3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.

4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.

Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito, noon, ay arawaraw na lumalabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications. (Ngayon mababasa ang Llamado Tayo sa dyaryong Larga Weekly.)

Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.

Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.