Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.

Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.
Ganap na sabong site. Forums, kaalaman, balita, at iba pa para sa inyong kasiyahan at kapakanan.

Wednesday, July 1, 2009

Mga Piling Katanungan at Kasagutan

Gud morning po. Ano po kaya ang pwedeng gamiting vitamins para tumapang ang manok? Kasi po 8 months na ang mga stags ko hindi pa naglalaban. Pero mga high breed naman ang mga manok na ito. Pwede ba akong gumamit ng b12? (11:40:48am 0ct 3-2008)
Ang bitamina ay nagpapalusog ng katawan, tumutulong upang maka-function ng maige ang metabolismo at iba pang aspeto sa paggawa ng enerhiya, ngunit ang mga ito ay hindi direktang makapagpatapang ng manok. Makakatulong kung tutuusin dahil ang manok na hindi malusog ay maaring kulang sa tapang ngunit hindi ibig sabihin na ang bitamina ang susi para tumapang ang manok.
May mga manok talaga na late maturing o matagal maglabanlaban. Nasa lahi ito. Maari ring sa kapaligiran at pagpapalaki. Halimbawa mas matagal maglabanlaban ang mga stags kung walang kasamang pullets. Mas matagal din kung may kasama silang matured na tandang na magsisilbing big boss nila.
Walang masama kung bigyan natin ng bitamina tulad ng b12.. Mas maige pa nga. Ihiwalay mo ang mga stags mo at isaisang samahan ng dumalaga. Di magtagal at maglalabanlaban ang mga yan.



Kamana tungkol po dito sa sistema natin sa day of the fight na nasa manwal, parang napakaganda po. Sinubukan ko noong isang araw sa hack fight lang ang ganda ng galaw ng manok, ganda pagka-panalo. Tanong ko lang po anuano pa ang ibang mga pakain na mataas ang glycemic index. Corn grits ang ginamit ko. (BYR 2- 0103)
Mabuti naman kamana. Pero ang malaking bagay ay ang manok kamana. Baka talagang magaling ang manok mo.
Halimbawa ng mga pakain na may high GI kamana ay kanin na malagkit o sticky rice, rice crispies, corn flakes, baked potatos. Basta karamihan sa mga pakain na mataas ang GI ay yong mga mayayaman sa carbohydrate, madaling matunaw at walang fiber. Kaya ang kamote ay medyo hindi maige kung ihambing sa patatas kahit na may mataas din sana itong taglay na glucose. Sapagkat maraming fiber ang kamote.
Pinaka-safe ang corn grits o fine corn kamana, dahil tiyak na sanay na ang digestive system ng manok sa mais dahil pangkaraniwang halo ito ng regular na pakain.



Gud am kamanang Rey ask ko lang pwede po bang pagsabayin ang deworming at bacterial flushing sa isang araw? At ilang araw ang pagitan bago pwedeng turukan ng b complex with iron ang kinukundisyon na manok? (RGR 001344)
Okey lang pagsabayin kamana. Halimbawa sa umaga ka mag deworm sa hapon mag bacterial flushing ka. Huwag mo lang sigurong pagsabayin ang pagsubo ng dewormer at ang pang flushing. Di po natin alam baka nay masamang chemical reaction ang dalawa.
Ang b complex ay walang problema. Bitamina lang yan, kahit kinabukasan agad tutukan natin ng b complex.

Kamana bakit kaya ayaw mangitlog ng inahin ko? Hindi naman siya naglulugon. (DC 001726)
Baka sobrang taba kamana. O kaya’y sobrang payat. Maari ring stressed ito. Kumusta naman ang kinalalagyan nito? Baka madilim kamana?
E-check natin ang katawan. Purgahin at i-bacterial flushing. Bigyan ng pakain na mataastaas ang bahagdan ng protena at bigyan ng calcium supplement at vit a, d, e.
Sa maliwanag na pen ilagay at mas maige kung sa may damo. Palaging lagyan ng malinis na tubig.
Huwag masyadong bulabugin upang hindi mabalisa.

Kamana gud evening. Meron po akong stag namumukod tangi po sa magkakapatid kasi isa siyang panuksukan. Masasabi natin throwback. Ang ganito bang manok pwede kong gawing broodcock? Thanks (WEP 3-0019)
Ano po ang panuksukan kamana?
Di bale po kung ang katanungan nyo’y kung okey ba gawing broodcock ang throwback, sa palagay ko kamana wala namang masama kung gawing broodcock ang throwback.
Basta lang kamana na ang pasya natin na ito’y gawing broodcock ay hindi lang dahil ito’y isang throwback, kung di dahil ito’y magaling, maganda at karapatdapat palahiin. Hindi sa dahil ang manok ay throwback palahiin na natin ito. Gawin nating broodcock ang manok na karapatdapat, kahit ito’y hindi throwback. At huwag natin palahiin ang manok na di dapat palahiin dahil lang ito’y isang throwback.

Gud pm sir rey. Kailangan bang kada buwan ay purgahin ang manok kahit nasa kalagitnaan ng pag bibreed. TY kamana. ( JC 003098)
Okey lang kamana kung purgahin ang manok sa kalagitnaan ng pag briding. Kung kailangan. Pero hindi naman kailangan na purgahin ang manok buwanbuwan.



Gud morning ka Rey. Ako po si Denis ng Caloocan. magtatanong lang po ako kung maliban po sa usual na paghahanda ng mga brood materials ano po ba ang mga vitamins at pakain na ibibigay natin? Maraming salamat po at God bless sa inyong programa. (09:04:24am Oct 3-2008)
Yon pa ring mga bitamina na b complex, at A,D, E. Ang pakain sa tatyaw ay yong katulad ng para sa kinukundisyon at sa inahin ay layer or breeder pellets. Ilagay natin palagi sa isip na nangangailangan ang mga ito ng sapat na sustansiya upang maging malusog at malusog din ang mga sisiw.

Gud eve sir rey, natutuwa po ako sa pagbabasa ng kulom nyo sa Tumbok kahit di ako nagsasabong dahil may natutunan po ako lalo na ang pagsagot nyo sa mga katanungan ng mga kamana. Mabuhay po ang Tumbok. – Rolando Rosal, Bato, Leyte (08:34:41pm Oct 2- 2008)
Salamat naman kamana. Siguro mas matutuwa kayo kung kayo pa’y nagsasabong. Pero kahit na hindi ka sabungero kamana salamat sa iyong pakipagisa kahit sa pagbabasa man lang. Kailangan namin ang mga katulad mo sa aming pakipaglaban para sa sabong.
Ang mapanatili ang sabong dito sa atin ay hindi lang naman para sa mga sabungero. Ito ay para sa lahat na Pilipino na marunong magmahal ng ating kultura.



Gud am kamanang Rey. Ano po ba talaga ang tamang pagpailaw sa kinukundisyong manok? Mula po ba sa umpisa hanggang 1 day before fight ay iniilawan pa? (7:37:08am Oct 6-2008)
Technically kamana pwede yan. Palagay ko mas maige pa nga sana. Dahil ang pagpailaw ay hindi lang para masanay ang manok sa liwanag. Ang totoo ang liwanag ay may positibong epekto sa hormone ng manok. Kaya sa panahon na mas mahaba ang araw kaysa gabi, mas malakas mangitlog ang mga inahin at mas kundisyon ang pangangatawan ng tandang.
Sa praktikal, ibang istorya na. Mahirap kasi sa tao na araw-arawin kung marami ang kinukundisyon tulad ng sa mga malalaking manukan. Nakakapagod at kukulangin sa oras at lugar. Kaya alternate ang ginagawa natin. Ibang manok ang pinaiilawan sa isang araw, iba naman sa sunod.
Ang mangyayari apat o talong araw lang sa isang linggo naiilawan ang manok. Ganyan ang nasa Manwal.



Kamana, ang pagkaunawa ko dito sa manwal, ang dapat sa pagpili ay unahin ang mga konkretong katangian tulad ng breeding, pagpapalaki at ganda ng manok. Ang mga ito muna bago ang fighting ability. Tama ba ako kamana? Saan naman at ano ang magagawa ng pagkukundisyon kamana? ( TRE 0-0034)
Tama ang pagkaunawa mo kamana. Ngunit hindi ibig sabihin na hindi mahalaga ang kagalingan sa pakipaglaban. Napakamahalaga po nito. Kaya lang mas permanente kasi o konkreto ang mga sinasabi mong pamantayan.
Hindi mag-iiba ang mga ito. Ang kagalingan ay paiba-iba depende sa kundisyon ng manok at sa kagalingan ng kalaban. Ang breeding ay hindi maiiba mula ng ito ay mabuo sa breeding pen
Ang ibig natin sabihin sa breeding ay ang pagpapalahi, ngunit isama na natin ang pagpapalaki ng manok. Dapat ay parehong ayos ang pagpalahi at pagpalaki ng manok. Maganda at magaling na bloodline at angkop na kapaligiran, pakain at ehersisyo. Ang mga ito ay dapat taglay ng mga manok na ating pagpipilian upang ilaban. Ito po ang pundasyon.
Sa pagpili ng panlaban, unahin natin ang linyada. Ang kagalingan ng isang linyada o bloodline ay isang konkretong aspekto na taglay ng manok mula maghalo ang semelya ng ama at itlog ng ina.
Ang linyada ang pundasyon ng ating pagpili. Subalit hindi ibig sabihin na pangalan ng linyada ang ating pag-ukulan ng pansin.
Ang problema ng maraming baguhan ay binabatay nila ang pedigree selection sa mga bantog na pangalan ng lahi. Kung sikat ang sweater, hanap tayo ng sweater. Kung sa panahon na lemon ang bantog, lemon naman ang hanap natin.
Pero ang totoo ang kagalingan ay wala sa pangalan ng lahi. May sweater na magaling, may sweater na bulok. Ganon din ang lemon, roundhead, hatch, kelso, clarets, at iba pang mga lahi.
Sa ating pagpili ng panlaban batay sa bloodline, hindi ang pangalan, kundi ang performance ng indibidwal na pamilya ang ating pag-ukulan ng pansin. Dapat nanggaling sa isang mahusay at nagpapanalong linyada kahit ano pa man ang tawag nito. Kung ibabatay natin ang pagpili sa pinagmulang ninuno, ito ay tinatawag na pedigree selection.
Isa pang mahalagang bagay na dapat nating alamin ay kung paano at sa anong uri ng kapaligiran at pamamaraan pinalaki ang manok. Ang pagpalaki at kapaligiran ang nagpapaunlad ng mga katangiang naitakda ng pagpalahi. Hindi malulubos ang potensyal ng manok kung hindi angkop ang kapaligiran at hindi wasto ang pamamaraan sa pagpalahi.
Sa tanong mo kung ano ang papel ng pagkundisyon kamana, ito ang masasabi ko: Breeding is the foundation. Good breeding makes good cocks. A good keep merely keeps a good cock good.
Ngunit hindi rin ibig sabihin na hindi mahalaga ang pagkundisyon. Napakamahalaga ng pagkundisyon kamana, lalo na sa labanan ng dalawang manok na halos magkaparehas ng kalidad at abilidad na malimit mangyayari ngayon.
Kaya dyan sa Manwal, kamana, dalawa ang tinutukan natin ng husto—ang pagpili at pagkundisyon.

Gud am sir Rey ask ko lang po kung pwedeng gamitin yong tatyaw na butcher sa hatch na inahin at sweater na inahin? Dati gamit namin black mcrae, roundhead at lemon. Ok naman ho. Yong lahing itim nananalo. (Joer ng Nueva Ecija)
Pwede naman po. Pero yon pa rin ang dati nating payo. Tulad ng kasasabi lang natin sa sagot sa naunang katanungan. Sa pagpili ng panlaban, at maging sa pagpili ng pangasta, wag ibatay sa pangalan ng lahi. Tingnan kung ang butcher at hatch o sweater na ipagpares mo ay karapatdapat. Tingnan maige ang mga katangian ng nasabing butcher at hatch o sweater kung bagay ba silang ipag-pares.
Hindi lahat ng butcher ay magkatulad ang katangian. Ganoon din ang mga hatch, sweater, roundhead, blacks o lemon. Walang saysay ang pangalan ng lahi kamana. Ang katangian at kakayahan ang pagtuunan ng pansin.




“Hindi ako nagtutulak ng droga”

Tanong: Helo sir gd mrng magtanong lng po ako kung tama b ang sistema ko s pggamit nitong gamut red viper injectble 30mins b4 d fight 0.5? 07:41:38AM Feb 17-2007

Hindi pa ako nakagamit ng red viper. Sa palagay ko ito’y isang metabolic drug, malamang stimulant. Nakagamit na ako ng ibang brand ng stimulant, hindi red viper, ngunit iyon ay upang obserbahan ko lang ang epekto nito.

Oo, dahil kami sa RB Sugbo Gamefowl Technology ay mahilig sa pag-eksperemento at pag-aaral ng iba’t-ibang sistema sa pagmamanok. At ito’y ipamaha naman namin sa kapwa nating kumon sabungero.

Ngunit sa kabuoan, hindi ako gumagamit ng metabolic drugs bilang conditioning aid o gamit sa pagkukondisyon. Ang tinutulak ko’y hindi droga kung di ang tinatawag na natural conditioning.

Ano ang natural conditioning?

Ito ay good nutrition, good exercise at good environment.

Ito ay masustansyang pagkain; wastong ehersisyo; at angkop na kinalalagyan ng ating manok. Natural lang ang mga ito.

Ang droga kasi ay ginagamit upang lalong tumingkad ang tapang, lakas at bilis ng manok. At matagal pa raw mamatay ang manok na ginagamitan ng droga. Totoo, Kung makukuha mo ang tamang dami ng droga na ibibigay at sa tamang oras bago ang laban.

Kung kulang ang ibibigay mo, wala itong epekto. Kung sobra naman ang tagal ng paghihintay sa laban matapos maibigay ang droga, ay mag-off naman ang manok.

Ang hirap, dahil ang mga manok ay may iba’t-ibang dami at haba ng panahon na angkop sa bawat isa. Hindi natin kalian man matiyak na ang gumana sa isang manok ay gagana rin sa ibang na manok.

Tulad din ng tao, halimbawa. May tao na matagal malasing, mayroon namang isang shot lang ng alak lasing na kaagad.





Walang magandang lahi

Tanong: Gud pm ano po ba ang lahi ng manok ang mgagandang pumalo at madiskarte sa laban? (02:45:05AM feb 27-2007)

Napakahirap sagutin ang mga ganitong katanungan. Lalo na kung sa pamamagitan lang ng pagtetext.

Oo, ang iba’t-ibang lahi ng manok dapat ay may kani-kanilang istilo sa pakipaglaban.

Halimbawa ang lemon ay dapat mautak at magaling sa cutting. Ang hatch naman ay malakas at matibay.

Ngunit ang totoo ay hindi sa lahat na pagkakataon ay nagkatotoo ito. May lemon na di gaanong mautak. May hatch naman na hindi matibay.

Kahit anong lahi o linyada ay may magagaling at may mga bulok. Kaya hindi tama na ibatay natin ang ating pagpili ng manok sa pangalan o sa katanyagan ng lahi.

Dapat ang pagpili natin ay batay sa kakayahan at katangian ng indibidwal na manok. Huwag pangalan ang habulin natin. Dapat ang galing ang ating batayan sa pagpili.

Hindi kasi garantisado kung sa pangalan ng lahi natin ibatay. Una, kung hindi tapat ang nagpapalahi ay pwede niyang sabihin na ang kanyang manok ay pure lemon, kahit ito’y may halo. Pangalawa, wala naman talagang puro na genes kung manok ang pag-uusapan.

Lahat naman ng lahi ng manok ay nagsimula sa paghalohalo ng dalawa, tatlo, o mas marami pang lahi.

Kaya, huwag na nating isipin kung ano ang pangalan ng lahi ng manok. Hanapin natin ang magaling na manok, hindi ang katanyagan ng pangalan ng lahi.




Katawan ng sweater

Tanong: Gud am mr Bajenting. I once had a talk wid a handler and during d course of our conversation, he told me dat d secret of condtioning d sweater to win is to fight it na hndi msyado malapad ang katawan ung di cya punongpuno . Any comment on dis? TY. (09:41:33AM Mar-6-2007)

Sagot natin: I dont know f it cud b gnerally stated dat way. I wud say it may vary from one family of sweater to another. Also f i cud avoid it i wont fyt chickens na manipis ang katawan.

Oo. Ang pagkakaalam ko hindi pareho ang characteristics ng lahat ng pamilya at uri ng sweaters. Posible tama ang sinabi ng handler na nakausap ng nagtanong sa atin na gusto ng sweater na ilaban na di malapad ang katawan, kung ang batayan ay ang kanyang sariling karanasan.

Ngunit hindi naman siguro lahat ng sweater ganito ang gusto. Kasi napakarami na ng pamilya at uri ng sweaters sa ngayon at ibaiba ang kanilang genetic na kumposisyon kaya malamang ibaiba rin ang kanilang ugali at pangangailangan.

May nabasa akong artikulo tungkol sa isang pamilya ng sweater ng isang tanyag na manlalahi kung saan nakasaad na ang kanyang sweater ay dapat ilaban na puno at buka ang katawan ngunit dapat ay magaan at tuyo.

Ang akin namang sariling pamilya ng sweaters na ang tawag ko ay “ponkans” ay kailangan na ilaban na puno pero medyo may konting moisture ang katawan.

Sa palagay ko, tulad ng iba pang lahi, ang sweater ay may ibat-ibang pamilya at uri, na hindi magkakatulad ang kumposisyon, samakatuwid ibaiba rin ang characteristics.

Kaya siguro dapat kilalanin natin ang indibidwal na pamilya o indibidwal na manok at huwag natin ibatay ang ating paghahanda sa pangalan ng lahi.

Ponkan broodcock

Ponkan broodcock
One of the ponkan broodcocks being readied by RB Sugbo for the incoming breeding season. RB Sugbo is among the gamefowl farms very much involved in the Masang Nagmamanok (MANA) Inc. nationwide gamefowl dispersal program.

Another ponkan

Another ponkan
Another ponkan broodcock in the trio pen.

Mana: Dami at Pagkakaisa

Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.

Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan. Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.

Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.

Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:

1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.

2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.

3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.

4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.

Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito, noon, ay arawaraw na lumalabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications. (Ngayon mababasa ang Llamado Tayo sa dyaryong Larga Weekly.)

Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.

Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.