Saturday, February 7, 2009
2nd Kill Quick sa Pasay Feb. 18
Ang mga maglalaban ay ang may priority sa ating dispersal kaya siguruin nyo po na nakarehistro ang inyong paglaban sa ating mga pasabong. Coordinate lang po tayo kay kamanang Anthony Mendoza ang namamahala sa ating mga pasabong sa Pasay, 0906- 238-8363. O kaya’y kay kamanang Jun Santos, ang namamahala sa dispersal program, 0921-416-4359.
Patuloy din ang ating seminars sa Pasay Cockpit sa araw ng pasabong. Ang nais magaral ng pagtari ay mag-coordinate lang kay kamanang Jeff Urbi, 0928-711-3711. Sa pagkundisyon naman kay kamanang Marlon Mabingnay, 0929-723,3573.
Available din doon ang kopya ng Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan
Sa Feb 18 na po ang pangalawang pasabong natin sa Pasay cockpit. Ito ang pangalawang edisyon ng Voltplex Kill Quick Series. Ang una ay ginanap noong Jan 21 sa Pasay cockpit din. May mga naka schedule na rin sa Cebu, sa Marso; Camarines Sur sa Abril at Eastern Samar sa buwan ng Mayo. Ang seryeng ito ay dulot ng Excellence Poultry and Livestock Specialist, ang kumpaniyang may pagmamalasakit sa masang sabungero.
Napakaganda ng resulta ng ating unang Voltplex Kill Quick. Umabot ng 68 fights. Sana’y mahigitan pa natin sa Feb 18. Ang entry na Papa Bulang ang siyang nagwagi sa Kill Quick award. Tatlong panalo at ang time ay di umabot ng dalawang minuto. Ang kinatawan ng Papa Bulang ay makakatanggap ng Gold Ring of Excellence ngayong Feb 18 doon sa Pasay Cockpit, bilang karagdagang gantimpala sa P20,000 cash na napanalunan ng Papa Bulang.
Sino kaya ang susunod na Kill Quick fighter?
sa Pagpili at Pagkundisyon. At para sa mga hindi makapagantay sa booklet form ng Manwal ng Mana 2, ang Praktikal na Pagpapalahi, magpalabas tayo ng advanced printout ng Manwal 2 at available din doon sa Pasay Cockpit sa Feb 18.
Ang mga naka schedule na edisyon ng Voltplex Kill Quick Welfare series ay sa Feb. 21 sa Ronda, Cebu. March 10, Sa Naga, Cebu, April sa Camarines Sur at first week of May sa Eastern Samar.
Welcome. To read the articles, please click post link or month, then subsequent post link.
Ponkan broodcock
Another ponkan
Mana: Dami at Pagkakaisa
Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.
2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.
3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.
4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.
Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.