
Nakakatakot ang ating pagkawalang takot
Ni Kamana Rey Bajenting
“There were 63 of us, and we were raided by more than 500 policemen, including state troopers.”
Ito po ang sabi ni Jim Clem, may-ari ng partner farm ng RB Sugbo sa Oregon ang Colt Security Gamefarm. Bakit daw ganoon na lang ang galit ng gobyerno sa kanila mga sabungero doon.
Sagot po natin: “dahil sa propaganda ng PETA.”
Ang sama kasi ng pagkapinta ng PETA sa sabong. Pinalabas nila na ang sabong ay salot sa lipunan at pinupugaran ng mga kriminal. Ganito rin ang gusto nilang ipapalabas dito sa atin. Pero iba ang approach nila. Kung napansin po natin hindi muna nila diretsahang inaatake ang sabong. Minsan lang noong nakaraang taon ay nagpicket sila sa world slasher. Hindi na nila inulit.
Subliminal muna ang ginagawa nila. Pinapasukan nila ng anti sabong ang mga script sa mga palabas sa sine at telebisyon. Minamanipula nila ang media at ang pagiisip ng kabataan.
Nag change strategy sila. Bagaman pina-igting nila ang kanilang kampanya dito sa Asia at sa Pilipinas, na kitang-kita sa pagkuha nila ng mga Pilipino celebrities bilang model sa kanilang mga advertisements, tulad nila Diether Ocampo, Yasmin Kurdi at Isabel Roces, hindi diretsahan nag pagatake nila sa sabong.
Sa tingin natin, sinasakyan muna nila ang ating pagiging kampante na hindi kailan man mangyari sa Pilipinas nag nangyari sa sabong sa ibang bansa.
Sinasakyan nila ang naniniwala ang mga sabungero sa “false security” o huwad na katatagan ng kalagayan ng sabong.
Hinahayaan nilang manatiling walang malay ang karamihan sa mga sabungero sa kanilang balak. Ito ngayon ang hangad ng Masang Nagmamanok (MANA), ang gisingin ang sambayanang sabungero sa nakakatakot na katotohanan.
Ako po’y natatakot sa ating pagkawala pang takot.