Saturday, February 7, 2009
Mana Metro namili ng mga Opisyales
Si kamanang Col Tito Corpuz ng Mana Southern Tagalog and nahalhal na chairman. Ang Vice chairman ay si Boying Santiago ng Bicol. Ang president naman ay si Engr. Jeff Urbi ng Mana NCR. Ang ibang opisyales na napili ay sila Kamanang Frank Cubacub ng Batangas, Southern Tagalog, bilang secretary; Engr. Armi Celis ng Quezon, S. Tagalog, bilang Treasurer; at Mon Dayao ng Taguig, NCR bilang auditor.
Sa pagpupulong na iyon na ginanap sa Southern Police District, sa Fort Bonifacio, Taguig, sa residensya ni Kamanang Ed Genova, ay nagpili rin ng mga opisyales sa Mana NCVR regional chapter. Si kamanang Anthony Mendoza ng Pasay ang chairman. Si kamanang Ed Genova naman ng Taguig and vice chairman. Ang president ay si Retchley Manigo, ang secretary ay si Ferdinand Sarino ng Tondo, Treasurer si Loreto Casalhay ng Sampaloc at auditor si Jaime Centeno.
Welcome. To read the articles, please click post link or month, then subsequent post link.
Ponkan broodcock
Another ponkan
Mana: Dami at Pagkakaisa
Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.
2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.
3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.
4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.
Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.