Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.

Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.
Ganap na sabong site. Forums, kaalaman, balita, at iba pa para sa inyong kasiyahan at kapakanan.

Sunday, November 1, 2009

Llamado Tayo: Malungkot na pangyayari

Malungkot na pangyayari

Una sa lahat nakikiramay po tayo sa lahat ng mga naging biktima ng bagyo ondoy. Kabilang na ang marami sa masang sabungero at mga kasapi ng Masang Nagmamanok (MANA), o mga kamana natin.
Marami tayong kinumusta, marami ring nag text satin, Iilan sa kanila ay kinuwento ang kanilang napagdaanan sa kasagsagan ng baha. Napakalungkot po ng nangyari.


Sa Oct. 21 po ang sunod na pasabong ng MANA sa Pasay Cockpit. Ang MANA Luzon ang mamahala nito. Inaanyayahan po natin ang lahat na dumalo o maglaban. Maganda ang mapupuntahan ng kikitain ng mga pasabong ng MANA Luzon. May mga magandang project sila kamana Jeff Urbi at Loreto Casalhay at mga kasamahan.

Wag din natin kalimutan ang pasabong ng MANA Cavite sa December 15 sa Arcontica Coliseum.

Hindi kailangang maging perpekto
Sa sabong sapat na na magsumikap tayo na panatilihin na katanggap-tanggap ang performance ng ating manok tuwing tayo ay maglaban sa sabungan. Hindi kailangan perpekto tayo.
Hindi na kailangan na magawa natin ang lahat na tamang gawin sa lahat ng pagkakataon. Sapat na na hindi tayo magkamali ng sobra.
Mahirap abutin ang pagiging perpekto. Mahirap na nga maging magaling, ano pa kaya ang maging perpekto. Sa pagmamanok ay di kailangang gawin ang lahat ng tama. Iwasan lang natin ang mali.
Ang pag-aasam na maging perpekto ay makakapagpabagal sa ating pag-unlad sa larangan ng sabong.
Halimbawa, sa pagpapalahi, kung ang nais mong ipalabas na mga palahi ay angat, mautak, mabilis, malakas pumalo sa ibaba, matibay at matapang, aabutin ka ng napakahabang panahon bago mo magawa. Dahil may mga katangian na mahirap mapagsamasama.
Oo, may mga katangian na mahirap mapagsamasama. Halimbawa karamihan sa angat at mataas ang lipad ay mahina pagdating sa ibaba. Ang mautak ay kulang naman sa tapang. Karamihan sa malakas ay kulang sa bilis. Mas mainam kung iisaisahin ang pagsasalin ng mga katangian sa bawat henerasyon.
Ganon din sa pagkukundisyon. Kung ang hangad mo ay maging perpekto ang iyong manok ay mahihirapan ka. Kasi ang totoo wala naman talaga yan sa pagkukundisyon. Ang kagalingan ay likas sa manok. Ang wastong pagkukundisyon ay upang mapairal lang ang likas na galing.
Kaya sa pagkukundisyon at sa sabong, huwag sobrang ibatak ang manok, maging ang iyong sarili. Iwasan lang na huwag magkamali ng matindi.
Ang pagkukundisyon ay ang paghahanda ng manok para sa laban. Nasasakop nito ang pagpapakain at pagbibigay ng gamot; at ang pagsasanay at ehersisyo. May iba't-ibang programa at paraan ng pagkukundisyon. Ibaiba ang haba ng panahon na ginugugol; ibaiba ang tindi ng ehersisyo; at ibaiba ang pakain at gamot.
Iba-ibang nagukukundisyon ay may iba-ibang sistema Magkaiba ang mga pamamaraan ngunit iisa ang pakay. Ito ay ang maihanda ang manok para sa laban. May mga nagkukundisyon na nagbibigay ng maraming gamot sa hangarin na tumaas pa ang antas ng galing ng manok. Ang iba naman ay klase-klaseng mamahaling pakain ang ibinibigay.
Para sa atin hindi na kailangan. Sapat na ang simple ngunit angkop na pakain at gamot. Ang galing ng manok ay wala sa ating ibinibigay. Ito ay naitakda na ng pagpapalahi at taglay na ito ng manok mula nang magsanib ang semelya ng ama at itlog ng ina.
May pamamaraan ng pagkukundisyon kung saan masyadong matindi ang ehersisyo. Hangad ng pamamaraang ito na mas lumakas at tumibay ang manok. Subalit, tulad ng nasabi natin, ang galing, lakas, tibay, at tapang ay likas na sa manok.
Ang wastong pagpakain, pagbigay ng gamot at pagsasanay ay nagpapairal sa mga katangian. Subalit ang sobrang pakain, gamot, at ehersisyo ay hindi sobrang makapagpapagaling sa manok bagkus, ay nakakasira pa ito. Sa pagkukundisyon ay lagi nating tandaan na ang kagalingan ng manok ay naitakda na ng pagpapalahi. Ang ating ginagawa at ibinibigay ay para lang mapairal ang mga ito. Kung ang ating ginagawa at binibigay ay mali o sobra naman baka mauwi ito sa pagkasira ng kagalingan ng manok. Ang magaling na manok ang siyang gumagawa ng magaling na tagapagkundisyon. Hindi ang tao ang gumagawa ng magaling na manok.
Kaya ang unang katangian ng isang magaling na tagapagkundisyon ay ang kakayahang pumili ng magaling na manok. Ang pagpili ang siyang susi patungong tagumpay. Dapat ay makilala natin ang magaling na manok kung makakakita tayo nito.
Tandaan lang ang paunang sabi natin na sa pagmamanok ay huwag mag-asam na maging perpekto. Ganoon din sa pagpili ng panlaban. Kung maghahanap ka ng perpektong manok ay mahihirapan kang makahanap. Baka ang mangyayari ay di ka makapaglaban.
Sa pagpili ng panlaban ay sapat na ang isa o dalawang katangian kung saan ito’y napakagaling, basta naman hindi lang ito sobrang hina sa ibang katangian.
Sa pagkundisyon, tandaan:
1. Huwag maghangad ng perpektong manok.
2. Unahin ang mga konkretong katangian tulad ng bloodline, hugis ng katawan, station at kisig.
3. Huwag piliin ang manok batay lang sa kagalingan. Siguruhin muna na nakapasa ito sa mga konkretong batayan bago ibitaw upang suriin kung makakapasa ito sa kagalingan.
4. Pinakamahalaga ang “cutting ability”. Patayan ang laban kaya dapat may kakayahan ang ating manok na pumatay. Dapat mabilis pumatay.
5. Tapang, tibay, at lakas. Ang mga ito ay nagbibigay sa manok ng kakayahan na manatili sa laban hanggang sa huling sandali at kakayahang makbalik kahit lubhang sugatan.
6. Utak o talino at liksi at bilis. Kung ang manok ay mautak, alam nito ang dapat gawin sa bawat pagkakataon. Liksi naman ang magbibigay kakayahan upang maisagawa ng manok ang gusto nitong gawin sa partikular na sitwasyon.Bilis ay kailangan upang magawa ng manok ang dapat gawin bago maunahan ng kalaban.
7. Igihan ang pagbantay sa mga kahinaan. Kahit hindi perpekto basta wala lang grabeng kahinaan.

Pagpakain
Ang wastong pagpakain ay sakop ng pagkukundisyon o paghanda ng manok para sa laban. Karamihan sa mga nagkukundisyon ay iniiba ang binibigay na pagkain at gamot sa panahon ng pagkukundisyon. Mas espesyal daw, at mamahalin ang pakain nia kapag nagkukundisyon na. At, mas maraming gamot ang kanilang ginagamit. Siguro ay nababatay ito sa kanilang sistema. Siguro, mas matindi ang kanilang pag-eehersisyo sa manok sa panahon ng pagkukundisyon.
Sa atin sa RB Sugbo Gamefowl Technology ay di gaanong magkaiba ang pakain natin sa panahon ng pagkundisyon kung ihahambing sa ordinaryo nating pakain. Ganoon din ang gamot na binibigay natin at pati na ang pagehersisyo at pagsasanay sa manok. Simple pa rin ang ating pakain, at hindi masyadong matindi ang ating ehersisyo kahit sa panahon ng pagkundisyon.
Ang pagpapakain at ehersisyo natin sa panahon ng pagkundisyon ay di gaanong magkaiba sa karaniwang binibigay at ginagawa natin dahil, una, naniniwala tayo na ang galing ay wala sa tao, kundi nasa manok. Pangalawa, ayaw natin manibago ang manok sa ating ibibigay at gagawin at baka sa halip na makabuti ay mauwi pa ito sa stress at makakasira sa manok.Kung ano ang nakasanayan natin ay ganon pa rin ang ginagawa at binibigay natin sa panahon ng pagkundisyon.
Maari nga na ganoon pa rin ang ating pakain – pigeon pellets na may 17-18% crude protein at concentrate grains na may 14% protein.
Ang pangkaraniwang halo natin ay 70% pellets 30% grain. Sa panahon ng pagkukundisyon ay bahagya nating iniiba. Ginagawa nating 50-50 ang pellets-grains mixture natin. Dahil gusto natin medyo gumaan ang ating mga panlaban lalo na't kung sa derby isasabak. Ito ay mauuwi sa bahagyang pagbaba ng bahagdan ng protina sa ating pakain dahil nga mas dumami ang grains sa ating halo at ang grains ay mas mababang protein content kung ihahambing sa pellets. Kaya pwede nating haluan ng kunting hi protein conditioning pellets o kaya protein expander pellets.
Pwede rin na para mapunan ang pagbaba ng protena, bigyan natin ng itlog at kaunting atay ng baka ang mga panlaban. Ang itlog ay mayaman sa protein. Ngunit dahil mataas din ang taba, o fats, sa pula ng itlog, dapat mag-ingat tayo sa dami ng ibibigay. Kaya pinipunan natin ito ng kaunting atay ng baka kasi ang atay, tulad ng itlog, mayaman din sa protina at bitamina, ngunit walang gaanong taba.
Magandang kombinasyon ang itlog at atay ng baka. Kapwa itong nagbibigay ng animal protein o protina galing sa hayop, hindi galing sa gulay. Ngunit may pagkakaiba ang taglay nilang ibang sustansya tulad ng enzymes, bitamina, at mineral. Kaya napupunan ng isa ang kakulangan ng isa. Mahalaga po ito sa pagpapakain. Ito ang tinatawag na complementary nutrition.
Maari ring imbis na magsuplemento pa tayo ng high protein na pakain, ay gumamit tayo ng mga high protein conditioning pellets sa halip na pangkaraniwang maintenance o pegion pellets. Ang mahalaga ay alam natin i-balanse ang nahagdan ng protina at ibang sustansya na angkop sa bawat yugto ng ating pagkukundisyon.
Dapat nauunawaan natin kung bakit ang isang sangkap sa ating pakain ay binibigay. Halimbawa karamihan sa grains, tulad ng mais, wheat, barley, oats, ay mataas sa carbohydrates at may protein din. Samantalang ang mga legumes naman tulad ng mongo, peas at soy beans ay mas mataas ang taglay na protina kung ihambing sa grains.
Kaya pinaghahalo ang mga grains at mga legumes sa concentrate o sa slasher mix ay dahil ang iba’t-ibang grains at legumes ay iba-iba ang taglay na amino acids o protein. Kung halohalo ang mix natin ang mangyayari ay napupunan ng iba ang ano ang kulang ng iba.Kaya tayo nag hahalo gn iba’t-ibang sangkap sa ating pakain ay upang mabalanse ang mga sustansya na kailangan ng katawan.
Maraming mga sangkap na mapagbigay ng protina, nguni ang atay ng baka at itlog ang mas gusto natin.
Ilan sa mga mahalagang sustansiya na maibibigay ng atay ay ang bitamina na b12 at mineral na iron. Ang b12 at iron ay “co-factors” o katulong sa pagpaparami ng red blood cells at hemoglobin sa dugo. Ang hemoglobin ang siyang nagdadala ng oxygen sa iba’t-ibang parte ng katawan ng manok, pati na ang utak, upang makalaban ng mabuti ang manok. Ito ang dahilan bakit atay at hindi laman ng baka ang mas ginusto nating ipakain bilang suplemento na makapagbibigay ng mataas na protina.
Ang protina kasi ay napakamahalaga. Ito ang tinatawag na “building blocks” ng katawan. Ang protina na sinusunog ng katawan ay siya namang magiging laman at masels ng manok. Parehong mayaman sa protina ang atay at laman ng baka, ngunit mas maraming b12 at iron ang maibibigay ng atay.
Ang itlog ay masustansya. May protina at bitamina. Ang puti ng nilagang itlog ay mahalaga sa pointing ng manok dahil sa moisture contents nito. Ang pula ng itlog ay mas mayaman sa protina at sa bitamina ngunit mataas din ang dala nitong taba. Kaya kung malapit na ang laban, hindi tayo nagbibigay ng pula ng itlog.
Isang linggo bago ang laban ihinto natin ang pagbigay ng pula ng itlog. Dahil gusto natin na kontrolahin ang taba. Sa panahong itoy inuumpisahan nang ipahinga ang manok kaya pag mayaman pa rin sa taba ang ating pakain ay baka di makuha ang fighting weight. Sa loob ng dalawa or tatlong araw ay ihinto na rin natin ang pagbigay ng atay. Dahil umpisa na ng “pointing” at ibababa natin ang porsyento ng protina at itataas ang carbohydrates.
Malapit na ang laban kaya ihinto na natin ang pagbigay ng pula ng itlog isang linggo bago ang laban. At dalawa o tatlong araw pa, pati ang atay. Ngunit hindi natin dapat ihinto ang b12 at iron na kapwa taglay ng pula ng itlog at atay. Upang mapunan ang nawalang b12 at iron sa paghinto ng pula ng itlog at atay, magsuplemento tayo.
Nagtuturok tayo ng injectible na gamot na b12 na may iron o kaya’y liver extract. Tinuturok natin ito pito at dalawang araw bago ang laban. 0.4ml bawat turok, bawat manok.
Limang araw bago ang laban ay binibitaw natin ang ating hinahanda at pipilian ng mga ilalaban. Pagkatapos ng bitaw na ito ay papasok tayo sa tinatawag natin sa RB Sugbo GT na pagpatuktok o “pointing” sa Ingles.
Ang pagpatuktok ay salitang inampon ng RB Sugbo Gamefowl Technology upang isalin sa Pilipinoang salitang Ingles na pointing. Hindi natin matukoy bakit pointing ang ginagamit ng mga Amerikano na kung tutuusin ay ang ibig nilang sabihin ay peaking.
Ang layunin ng pagpatuktok o pointing o peaking ay ang madala ang manok sa tuktok o ‘peak’ ng kanyang kakayahan at kagalingang pisikal at emosyonal sa oras ng laban. Ito ay ginagawa natin sa huling ilang araw bago ang laban.
Kung ang hangarin ng pagkukundisyon ay ihanda ang manok para sa laban, ang layunin ng pagpatuktok ay ang ihanda ang manok para sa araw at oras mismo ng laban.
Ang mga elemento na bahagi ng pagpatuktok o pointing ay ang paghinga, carboloading, at pagkontrol ng body moisture.Ang mga elemento na bahagi ng pagpatuktok o pointing ay ang paghinga, carboloading, at pagkontrol ng body moisture.Ito ang mga pangkaraniwang tinututukan ng mga nagpapatuktok ng panlaban. Tayo sa RB Sugbo ay may isa pang mahalagang elemento na binibigyan diin sa panahon ng pointing. Ito ay ang tinatawag nating “stress management”.
Ang pagpatuktok ay napakamahalagang yugto ng ating paghahanda sa manok para sa laban. Iminumungkahi natin na pag-aralang mabuti ang pointing dahil posibleng ito ang maging sanhi ng panalo o pagkatalo. Ang lahat nating pinaghirapan ay posibleng masayang lang at maging walang saysay kung tayo'y magkamali ng malaki sa pagpatuktok.
Karaniwan na ngayon sa malalaking manukan na ang pagkukundisyon at pagsasanay ng panlaban ay pinauubaya lang sa mga assistants. Ngunit pagdating sa pagpatuktok ang pinakabihasang tagapangalaga ang siya talagang gumagawa.
Pahinga
Pitong araw bago ang laban ay ihanda na ang mga panlaban para sa pointing stage. Tinuturukan natin ang bawat isa ng 0,4 ml na gamot na b12 na may iron.
Anim na araw bago ang laban ay hindi na natin masyadong pinapagod ang manok. Hinahayaan nalang natin ito buong araw sa conditioning pen o kaya'y sa tie-cord na nasa lilim.
Limang araw bago ang laban, ibitaw natin ang mga manok. Ito ang magsisilbeng huling pagpili o final selection kung alin-alin ang karapatdapat nating ilaban. Piliin ang mga manok na sa palagay natin ay makakarating sa tuktok ng pisikal at mental na kundisyon pagdating sa araw at oras ng laban.
(Para sa mga karagdagang impormasyon manatiling nakatutok dito sa Larga at sa tilaok.blogspot.com o rbsugbo.blogspot.com)

Ponkan broodcock

Ponkan broodcock
One of the ponkan broodcocks being readied by RB Sugbo for the incoming breeding season. RB Sugbo is among the gamefowl farms very much involved in the Masang Nagmamanok (MANA) Inc. nationwide gamefowl dispersal program.

Another ponkan

Another ponkan
Another ponkan broodcock in the trio pen.

Mana: Dami at Pagkakaisa

Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.

Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan. Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.

Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.

Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:

1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.

2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.

3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.

4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.

Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito, noon, ay arawaraw na lumalabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications. (Ngayon mababasa ang Llamado Tayo sa dyaryong Larga Weekly.)

Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.

Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.