Sunday, November 1, 2009
Llamado Tayo: 3 cocks sa Baras, Rizal
Peke na feeds
Undas po. Sana nama'y hindi nasalanta ng bagyo, baha, at iba pa ang inyong undas.
Nakatanggap tayo ng magandang balita galing kay kamanang Loreto Casalhay. Sabi nya matagumpay na matagumpay ang pasabong ng MANA Lu sa Pasay Cockpit noong nakaraang Oct 21. Naka 47 fights at kumita ng malaki-laki. No wonder, talaga namang masigasig at maasahan si kamanang Loreto. Isa siya sa mga unang nagtatag ng MANA sa Metro Manila. Ang Sampaloc chapter ng MANA ay isa sa mga unang nabuong chapters at si kamanang Loreto ang nagtatag nito.
Sa November 18 ang susunod na pasabong ng MANA-Lu sa Pasay Cockpit. Makipagugnayan lang kay kamanang Loreto, 0918-271-3548.
Sa December 15 naman ang pasabong ng MANA Cavite sa Arcontica Coliseum. 1-cock fastest kill ulutan ito at marami at malalaki ang papremyo nila kamanang Gani Dominguez. Ang MANA-Cavite ay ang pinakamalaki at pina ka aktibong chapters ng MANA sa buong Luzon. Suportahan po natin ang pasabong nila. Kontak kamana Gani, 0928-521-2513.
3-cocks sa Baras
Pero bago po yan ay may 3-cock derby sa Baras, Rizal sa December 11. Ang promoter po nito ay si kamanang Gilbert and friends. Todo suporta po sa paderbeng ito ang MANA Rizal na pinamumunuan ni kamana Jun Santos, at of course, ni Col Tito Corpuz.
P150,000 ang guaranteed prize at P3,300 lang ang entry fee. P 3,300 din ang minimum bet.Sponsored po ito ng Bmeg. Assisted by Boss Abet, Rizal Cyber Cockers at Masang Nagmamanok (MANA) Inc.
Ang kikitain po nito ay mapupunta sa mga biktima ng typhoon ondoy.
For more details text nyo lang si kamanang Jun Santos 0908-895-9623, o si kamana Gilbert mismo, 0927-289-8313.
Si kamana Jun Santos din ang siyang namamahala ng dispersal project natin sa Luzon. Ang mga kamanang interesado ay makipagugnayan lang kay kamana Jun. Sa darating na taon simula Enero o Pebrero, full blast na ang ating dispersal farm sa Visayas. Sa Visayas lang muna manggagaling ang karamihan sa mga stock na i-disperse natin sa Luzon, dahil kunti pa lang ang mga breeding materials natin nakay kamana Jun sa Rizal. Makipagugnayan lang kayo kay kamana Jun para sa dispersal at schedule ng mga MANA-Bmeg seminars sa Metro Manila. O kaya'y magpunta sa tilaok.blogspot.com. May blog si kamana Jun doon sa tilaok.blogspot.com, clik nyo lang tilaok lnteractive at basahin si kamana Jun sa chicken chat with kamana Jun.
Ang pinakamalaking dahilan kung bakit mahihirapan ang mga karaniwang nagmamanok na makapagsimula sa pagpapalahi ay ang napakamahal na halaga ng mga magagandang breeding materials. Isa pang dahilan ay ang kakulangan sa kaalaman. Kaya ang RB Sugbo Gamefowl Technology at ang MANA ay gumagawa ng paraan. Pamamagitan ng ating dispersal program, ang mga karaniwang nagmamanok ay makakuha ng mga batang breeding materials sa napakamurang halaga. At para sa karagdagang kaalaman may mga libreng reading materials pa at seminars. Sa munting halaga para lang sa maintenance ng programa, ang ating mga kamana ay makakuha ng batang breeding materials at mga publications at seminars na libre. Sabay nating matutugunan ang dalawang pangunahing hadlang sa pagpapalahi nating mga karaniwang nagmamanok.
Stag derbies
Kasagsagan ng stag season. Katatapos lang ng karamihan sa mga local derbies ng mga asosasyon. Kauumpisa narin ng Bakbakan National Stag championship.
Ang opisyal na entry ng MANA sa stag circuit dito sa Cebu, ang G-Force MANA nag score ng 12 wins, 1 draw at 3 talo for a total of 12.5 points out of 16. Ang nag kampeon ay 13.5 points.
Sa Palawan naman sina kamana Roy Abian ay nag score ng 6 out of 8. Si kamana Pilo Morando ng San Pedro, Laguna ay nag score ng 2 wins, 1 loss, 1 draw sa isang 4-stag derby. Samantalang sila kamana Lemuel Go ng Tacloban ay nagkampeon sa Borawin, Leyte. Si Kamana Roy, kamana Pilo at kamana Lemuel ay pareprehong gumagamit ng mga RB Sugbo bloodlines at nagaaral sa kundisyuning method natin sa Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan ng Pagpili at Pagkundisyon.
Sa Heritage Cup ay na-eliminated ang entry natin. 1 win, 2 losses sa elimination. Sa Bakbakan, baka makabawe tayo. November 7 o November 13 tayo mag elimination sa Bakbakan sa Talisay Tourists Sports Complex, Talisay,Cebu.
Peke na feeds
Kung inaakala natin na sa bigas lang may peke at yong hinahaluan, nagkakamali tayo. Sa feeds ng manok mayroon din. Matagal na itong ginagawa ng ilang nagbebenta ng feeds. Ngunit akala natin ay nawala na ito. Ngayon may mga natatanggap na naman tayong balita na may mga nagbebenta ng feeds na gumagawa parin nito.
May mga feeds na peke talaga. Iba ang linalagyan na sako at marka at iba pala ang laman. Mayroon ding mumurahing feeds na hinahalo sa mga mamahalin at ibenebenta sa halaga ng mamahalin na feeds. Mayroon ding lumang stocks na hinahalo sa bago upang ito'y maibenta parin. Alin man sa mga yan ay lugi tayo. Lugi ang karaniwang sabungero.
Oo, kalimitan ang mabibiktima ay ang masang sabungero, dahil tayo ang bumibili por kilo. Ang mga malalaking breeders at nagmamanok ay by sacks kung bumili at kalimitan direct sa mga malalaking dealers. Ang katiwalian ay nasa por kilo dahil mas madali nila itong gawin kaysa per sack. Dahil mga karaniwang nagmamanok ang nabibiktima sa modus na ito, tungkulin ng MANA na gumawa ng paraan na maiwasan o mahinto ito.
Una nananawagan tayo sa mga kumpaniya na gumagawa ng feeds na magbantay at gumawa ng paraan laban sa katiwaliang ito. Pangalan din nila ang nakataya. Ang mga bumibili nag aakalang produkto ng isang makakapagkatiwalaang kumpaniya ang nabili nila. Yon pala peke o may halo. Ano man ang mangyari, sira ang pangalan ng feeds at kumpaniya nila. Tiyak ang iilan sa mga kumpaniya ay palaging nagbabantay. Ganun paman mananawagan parin tayo sa kanila na lalo pang paigtingin ang kanilang pagbabantay.
Tayo naman mga kamana, makakatulong kung agad tayong kumilos kung may mapuna tayo na ganitong katiwalian. Pwede kayong mag text satin dito. O kaya magreport sa pahayagang Larga dahil katuwang natin ang Larga sa pagbabantay laban sa mga katiwalian sa sabong.Itext nyo ang pangalan at address ng tindahan at ilagay ang detalye kung anong ginawa at pangalan ng feeds na pinike. Agad natin itong aaksyonan pamamagitan sa pag report sa concerned authorities.Hindi agad natin isulat dito at baka nagkamali lang ang nag report o kaya baka gawagawa lang. Pero may aksyon tayong gagawin.
Hinihikayat po natin ang mga coordinators at officers ng mga MANA chapters na gumawa ng bantay feeds sa kanikanilang mga lugar. Malaki ang magagawa natin upang maiwasan na mabiktima ang ating mga kapwa masang nagmamanok.
Sa mga gumagawa naman nito, ihinto nyo na. Wag nyo nang antayin na mahuli kayo at makasohan.Nakakahiya po ang ginagawa ninyo at ang nabibiktima pa ay mga karaniwang nagmamanok na bumibili lang ng por kilo.
Larga sa Cebu
Sa mga mambabasa ng Larga sa Cebu at yong mga gusto magbasa at nahihirapan maghanap ng kopya. Sa ngayon makakabili kayo ng Larga sa mga JM Agrivet outlets. At huwag kayong mainip, gagawan natin ng paraan na magiging malaki ang sirkulasyon ng Larga sa Cebu.
Atong gipaninguha nga mas masayon ug madali ang inyong pagpangita sa Larga. Di madugay ang atong mga chapters ug mga amigong bulangan atong hangyuon nga mamaligya ug Larga. Ang atong pung mga higala na dunay balita parte sa bulang o mga schedule sa derby itext lang sa atoa aron atong maipaabot sa kadaghanan.Ato pong padaghanon ang balita bahin sa Sugbo, di lang sa manok hasta na sa uban pang importanteng balita ug impormasyon. Diotayng pailob na lang. Ato pang gi-organisa ang Cebu bureau sa Larga.
(Para sa inyong mga katanungan mag text lang sa 0927-995-4876. Magpunta sa tilaok.blogspot.com at ipatuloy ang pagbasa ng Larga.)
Welcome. To read the articles, please click post link or month, then subsequent post link.
-
▼
2009
(71)
-
▼
November
(9)
- MANALU sets feeding of street children
- Gamefowl's natural biorhythm: A study by RB Sugbo ...
- Probiotics for chickens
- Llamado Tayo: Sugbo Agro
- Llamado Tayo: Malungkot na pangyayari
- Llamado Tayo: Ang Lemon
- Llamado Tayo: Iba ang Pinoy
- Llamado Tayo: Sa sabong hindi sugal ang mahalaga
- Llamado Tayo: 3 cocks sa Baras, Rizal
-
▼
November
(9)
Ponkan broodcock
Another ponkan
Mana: Dami at Pagkakaisa
Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.
2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.
3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.
4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.
Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.