Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.

Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.
Ganap na sabong site. Forums, kaalaman, balita, at iba pa para sa inyong kasiyahan at kapakanan.

Sunday, November 1, 2009

Llamado Tayo: Sugbo Agro

Llamado Tayo


Sugbo Agro

Ikinagagalak po natin ang pagbigay alam sa inyo ng pagbuo ng Sugbo Agro Ventures Inc., isang stock corporation. Kabilang sa mga bahagi nito ay ang RB Sugbo Gamefowl Technology at ang RB Sugbo Organic. Ang RB Sugbo GT ay patuloy na maglingkod sa mga sabungero samantalang ang RB Sugbo Organic ay mag produce ng mga hayop pamamagitan ng organic farming method.

Upang mas maige ang paglilingkod ng RB Sugbo sa mas marami pang karaniwang sabungero, nagdagdag po tayo ng dalawang bagong gamefowl farms. Isa sa kabundukan ng Agsungot, Cebu City at isa sa Escalante Negros Occidental.Ang dati nating farm sa Carmen, Bohol ay Linipat na natin sa Lawaan, Eastern Samar. Samakatuwid, may production farm ang RB Sugbo sa bawat rehiyon ng Visayas-- Central, Western at Eastern.Para naman sa mga kaibigan natin sa Luzon, may mga available na Sugbo fowl sa San Pedro Laguna. Kontakin nyo lang si Mr. Teofilo Morando, 0928-503-2047. Kung nais nyo ng karagdagang impormasyon mag text lang sa 0927-995-4876 o check out tilaok.blogspot.com or rbsugbo54.blogspot.com.Marami rin tayong matutunan sa mga blog na ito dahil kabilang sa mga serbisyo ng RB Sugbo ay ang libreng pamamahagi ng kaalaman sa pagmamanok.


Pagsasanay na Angkop sa Pilipino Knife
Dekada 60 nang magsimulang nagsidatingan sa bansa ang mga manok Amerikano. Malaki ang lamang ng mga Texas sa abilidad, tapang at lakas kung ihambing sa mga native tinale kaya nagpapanalo ang mga ito. Hindi naman nagpahuli ang iba pang may kayang sabungero kayo dumami ng dumami ang mga imported na manok.
Bunsod ng pagdami ng mga manok Amerikano, ay nainpluwensiyahan din ang ating pagpapakain at pagaalaga ng manok tinale. Sinunod ng mga sabungerong Pilipino ang natutunan nila sa mga Amerikano nagmamanok. Ngunit hindi pala dapat. Napakalaki ng kaibahan sa uri ng laban sa Amerika sa ating nakasanayan dito. Doon magtatagal ang labanan dahil gaff o kaya’y short knife ang kinakabit sa manok. Dito ginagamit natin ay ang Pilipino slasher knife. Napakadali matapos ang labanan dito sa atin.
Kaya iba ang nararapat na ehersisyo sa manok para sa Pilipino knife sa manok na para sa gaff o kaya’y short knife. Para sa atin ang mga maiinam na ehersisyo ay ang kahig, sampi, handspar, bitaw, at ang rotation o paglipatlipat sa manok sa iba’t-ibang kinalalagyan ilang beses sa bawat araw.
Bitaw
Ito ang pinakamalapit sa katotohanan. Tari na lang ang kulang at ang bitaw ay aktwal na labanan na talaga. Sa bitaw ay masasanay ng husto ang manok sa mga dapat gawin sa aktwal na labanan sa sabungan. Regular na ibitaw ang manok. Kahit dalawa o tatlong beses bawat linggo. Huwag lang tagalan. Ilang hatawan lang awat agad.
Palaging dalawang rounds ang pagbitaw natin. Sa unang round dalawa o tatlong paluan lang awat na. Ipahinga muna natin ng mga 30-45 segundo at ibitaw ulit. Sa pangalawang pagbitaw hinahayaan natin sila hanggang apat o limang hatawan bago awatin.
Isang bagay lang ang bantayan, awatin agad pag may alin man sa dalawang manok ang maka billhold o tuka-kapit. Una dahil maaring makasira ito sa kanilang balahibo. Pangalawa, ayaw natin masanay ang manok sa pag tuka-kapit, yong bang tumutuka at kumakapit muna sa kalaban bago pumalo. Ang magaling na manok ay pumapalo na walang billhold. Ang billhold ay isa sa mga negtive traits na natalakay natin sa naunang kabanata sa pagpili.
Ang distansya sa pagbitaw ay depende sa sidhi ng pocus ng manok sa pakikigpalaban. May mga manok na kulang pa sa pagnanasang lumaban, malimit mauunahan ang mga ito. Kaya dapat pagganito, malapitan muna ang pagbitaw. Mga isang metro lang ang layo sa umpisa para agad-agad na magkapaluan at madala ang manok na kulang sa pocus dahil mauunahan ito. Palayo ng palayo ang pagbitaw habang patindi naman ang kanilang pocus sa pakikipaglaban.
Ang kakulangan sa pocos ay nangyayari sa mga stags, mga manok na bagong natapos sa paglugon at yong kagagaling lang sa cord area ng malalaking farm. Dahil ang mga ito ay kulang sa bitaw. Ang ganitong problema ay kasali sa mga inaayos natin sa foundation stage ng ating conditioning pyramid na tatalakayuin natin sa kabanata 6 ng bahaging ito.
Kahig at sampi
Sa pagkakahig ay naiensayo maige ang paa ng manok. Samantalang sa sampi nasasanay ang manok sa pagpatama sa kalaban.
Maganda kung sa madaling araw natin gawin ang pagkahig at sampi. Kailangan natin ang lugar na may ilaw. Una palakad-lakarin muna ang mga manok. Tapos, ikahig ang dalawang manok ng mga 45-60 seconds at isampi dalawang beses.
Sa sampi, dahil hawak ng handler ang buntot habang nagsasalpukan sa ere, makokontrola ng handler ang tamang layo. Dapat malayolayo para magsusumikap ang mga manok na maabot ang isa’t-isa at mapapaunlad ang kanilang reach. Huwag naman sobra ang layo na hindi na makapatama ang manok.
Handspar
Ang handspar o catch cock ay isa ring magandang paraan sa pagsasanay sa manok sa pagpatama sa kalaban. Sa handspar dahil hawak natin ang manok o dummy na pinapalo ng sinasanay na manok, mararama natin ang tindi at diin ng palo. At dahil kontrolado natin ang catch cock o dummy cock maari natin itong iposisyon kung saan mapapaunlad natin ang liksi ng manok na sinasanay.
Sa pag hand spar, magingat na tama lang ang layo ng manok na pinapalo sa pumapalo. Dapat tama lang na maabot ito ng palo na naka stretch ang paa ng manok na sinasanay. Kung sobra ang lapit masasanay ang manok sa short punching. At delikado pang magkatamo ng injury ang muscles ng manok na sinanasanay. Huwag naman sobra ang layo at di makapatama ang manok. Huwag sanayin ang manok na pumalo na di makatama dahil magiisip ito na walang mangyayari kahit pumalo siya dahil hindi naman makakaabot. Magkakaroon ito ng pagiisip at makaugalian na basta lilipad lang ngunit hindi papalo ng matindi.
Rotation
Ang rotation ay ang paglipatlipat ng kinalalagyan. Ang manok ay mas alerto at aktibo kung bagong lagay sa isang lugar. Pag tumagal ang manok sa isang lugar nagiging kampante ito at di na masyadong gumagalaw, kaya ilipat natin sa ibang lugar upang maging aktibo na naman ito at patuloy na maehersisyo.
Halimbawa 9am ilipat ang manok galing sa cord papuntang fly pen. Sa tanghali ilagay sa scratch box ng 5-10 minutes. Pagkatapos ilipat sa ibang pen. 3pm ibalik sa cord at doon na pakainin at pagpalipasin ng gabi.
Tandaan lang na sa pagrotation itaon na sa mga oras na mainit ang sikat ng araw tulad ng tanghali, ang manok ay nasa covered pen o sa lugar na malamig at may lilim.
Kung tayo’y may pasok at hindi natin magawa ang ganito, ang gawin natin ay arawan ang paglipat. Sa pen sa araw na ito, ilipat sa cord kinabukasan, at, sa ibang lugar sa susunod na araw.

Ang Iba’t Ibang Pasilidad
Sa pagkundisyon ng manok ay may iba’t-ibang pasilidad at gamit na kinakailangan. Sa sistema natin ng rotation exercises kinakailangan natin, maliban sa cord, ang iba’t-ibang mga uri ng conditioning pens. Ang conditioning pens ay yong mga ginagamit sa pagkundisyon. Mayroon din kasing mga breeding pens ang ginagamit sa pagpapalahi; at may mga growing pens, ang kinakailangan sa brooding at pagpalaki ng mga sisiw sa hindi pa pawalan sa pagalaan.
Ang ating mga conditioning pens ay hinati natin sa dalawang uri—ang exercise pens at ang rest pens. Ang exercise pens ay para sa pag-ehersisyo ng manok. Ang rest pens ay para sa pagpapahinga ng manok.
Ang ating mga exercise pens ay: ang big pen, fly pen, scratch pen, running pen, at scratch box. Ang mga rest pens naman ay ang multipurpose pen, pointing pen, limber pen, at ang stall o kulungan.
Big pen
Big, kaya medyo malaki ang pen na ito dahil dito ay sinasamahan nating ng inahin ang ating kinukundisyon. Mas malaki mas maige. Kung wala tayong gaanong lugar mga 10 feet by 10 feet ay pupwede na. Para tipid, fish net lang at kawayan ang materyales na gamitin.
Fly pen
Karamihan sa mga flypen ay may sukat na 4 feet by 8 feet. Ang hapunan ay hindi bababa sa 6 feet ang taas mula sa lupa. Dapat ay loose soil o buhangin ang flooring ng fly pen para hindi masakit sa paa ng manok sa pag lipad-baba nito. May mga paraan upang mainganyo ang manok sa paglipad-baba. Sa atin naglalagay tayo ng mga hens sa kulungan pagitan ng dalawang fly pen. Ang isang kulungan ng hen an nasa ibabaw at makikita ng manok kung ito’y nasa lupa. Sa pagnanais na makapiling ang inahin lilipad ang manok papuntang itaas. Pagdating nito sa itaas hindi na nito makikita ang hen. Ngunit may isang hen naman na nasa kulungan sa ibaba na kitang-kita. Bababa naman ang manok. Paulit ulit niya itong gagawin bago ito mahapo at sumuko. Pag-nagpahinga na ang manok pwede na nating ilipat sa ibang pen nang magamit naman ng ibang manok ang fly pen.
Ang fly pen ay pwede ring gawing scratch pens dahil loose soil o kaya buhangin ang flooring nito.
Scratch pen
May dalawang uri ng scratch pen ang RB Sugbo. Ang heavy scratching pen at ang light scratching pen. Tulad ng fly pen, ang flooring ng heavy scratching pen ay loose soil at buhangin. Kaya nga ang fly pen ay maari ring gawing heavy scratching pen. Ang light scratching pen ay tuyong dahon ng saging ang laman para magaan kaskasin ng manok at mabilis. May flooring ito na plywood bago lagyan ng tuyong dahon. Tinatawag din itong scratch box. Maiengayo ang manok sa pagkaskas sa scratch pen pamamagitan ng pauntiunting pag hagis ng pakain sa loob ng pen. Crackerd yellow corn ang pinakamaigeng gamitin. Una, dahil sa taglay nitong enerhiya na maaring pangpalit agad sa enerhiya na magagamit ng manok sa pagehersisyo. Pangalawa mas madali itong makita ng manok dahil sa matingkad na kulay.
Ang heavy scratching pen ay para pageensayo sa mga kalamnan ng hita at paa. Dahil mabigat ang loose soil o buhangin, gagamit ng lakas ang manok sa pagkaskas. Mapapaunlad nito ang slow twitch muscles. Ang light scratrching pen ay para pag develop sa fast twitch muscles. Upang maiwasan ang muscle bound gamitin ang scratch box pagkatapos ng bawat mabigat na ehersisyo, tulad ng bitaw, kahig at sampi.
Running pen
Ang pen na ito ay para rin sa pagensayo sa paa ng manok. Karamihan sa mga running pens ay may sukat na 2 ½ by 12 feet. Mababa lang ito mga 3 feet lang ang taas. Kalimitan magkatabi ang dalawang running pens. Ang ibang nagkukundisyon parehong tandang ang laman ng magkabilang running pens. Para sa atin mas maige na inahin ang nasa kabilang pen. Mas malikot ang manok kung inahin ang hinahabol. At saka ayaw natin na masanay ang kinukundisyon natin na maging kampante na may kalapit na tandang na walang mangyayari. Baka sa totoong laban hindi ito magingat kahit kalapit na ang kalaban.
Multi purpose pen
Ang multi purpose pen ay isang rest pen. Dito hinahayaan lang natin ang manok kung ano gusto nitong gawin. May hapunan, loose soil, at mga tuyong dahon. Nasa manok lang kung anong nais nitong gawin. Malimit nating ginagamit ito kung palapit na ang laban, tulad ng panahon ng peaking period ng ating conditioning pyramid.
Pointing pen
Ang pointing pen ay kabilang sa ating mga rest pens. Itoy parang maliit na fly pen. Mga 3 feet by 6 feet ang laki at ang hapunan ay nasa taas na 3 feet lang. Medyo mas enclosed ito para limitado ang view ng manok papuntang labas at di gaanong maglilikot. Mas maige kung malayo ito sa kinalalagyan ng maraming manok. Sa sistema kasi natin hindi natin kinukulong ang manok hanggang sa araw ng laban. Itong pointing pen ang magsisilbeng kulungan. Dito nakalagay ang manok sa huling dalawang araw bago ang laban. Dapat malamig at medyo madilim ang kinalalagyan ng pointing pen.
Kulungan at limber pen
Sa araw ng laban ay pinapasok natin sa kulungan ang manok bilang bahagi ng ating pagpatuktok o pointing. Ngunit may mga oras na nilalabas natin ito sa limber pen upang makapag-stretching, mapakain at maobserbahan ang takbo ng pagpapatuktok.
Cord
Itoito ang mga conditioning pens. Ngunit hindi ibig sabihin na kung wala ang mga ito o kaya’y hindi tayo kumpleto ay di na maaring ikundisyon ang manok. Kahit kulang tayo sa kagamitan may paraan pa rin. Ang mga pen ay maaring gamitin sa iba’t-ibang ehersisyo. Halimbawa, ang fly pen ay maaring scratch pen o running pen o multi purpose pen. A limber pen at running pen ay maari gawing pointing pen.
Ang mahalaga ay may cord tayo. Habahabaan lang natin ang ating cord at magagawa na ng manok ang gusto nitong ehersisyo habang ito’y nasa cord. Maglakad, lumipad, o kumakha. Ilipatlipat lang sa iba-ibang cord ang manok para palaging aktibo.
Isang pamamaraan sa pag ehersisyo ng pakpak kung walang flypen ay ang pabalikbalik na pagbaba sa manok sa panahon na hahapon na ito. Paghapon ng manok ay ibaba ulit sa lupa. Lilipad ulit ito pabalik sa hapunan, ibaba na naman. Mga limang beses na ganito ay makakatulong na. Marami pa ring paraan, basta lang nauunawaan natin bakit ang isang bagay ay dapat gawin.


Pagpatuktok: Stress Management
Ang pagpatuktok ay ang salitang inampon ng RB Sugbo Gamefowl Technology upang isalin sa Pilipino ang salitang Inglis na pointing. Ang ibig kasing sabihin ng mga Amerikano sa paggamit ng salitang pointing kung ang manok ang pagusapan ay “peaking.” Ang pagdala sa manok sa peak ng kakayahan. Ito ang hangad natin sa pagpatuktok, ang marating ng manok ang tugatog o tuktok ng kakayahang pisikal at mental sa mismo oras ng laban. Ang pagpatuktok, ay isa sa mga aspeto ng pagkundisyon na pinagaralan natin ng husto. Ito ang huling yugto, kung magkamali tayo dito, maaring maging pinal na ito. Maaring wala nang panahon upang ituwid ano man ang pagkakamaling iyon.
Ayon sa nakasanayang katuturan o depinesyon, ang pagpatuktok ay ang pagpapahinga, pagkontrola ng tubig sa katawan ng manok at timbang, at carboloading. Sa atin, sa RB Sugbo Gamefowl Technology ang ating makabagong palagay ay na ang pagpatuktok ay simpleng stress management lang.
Sa ating conditioning pyramid, ang pagpatuktok ay sa araw ng laban lang. Ngunit ang proseso ng stress management at energy priming any nagsimula ilang araw bago ang araw ng laban, na sakop sa tinatawag natin na peaking period.
Stress management
Ang makabagong konseptong ito ng RB Sugbo ay nakasalalay sa prinsipyo na ang stress ay mitsa ng pag bugso ng adrenaline o ang tinatawag na adrenaline rush. Ang adrenaline ay isang hormone sa katawan. Ang pagbugso nito ay bahagi ng natural defense mechanism ng katawan sa gitna ng panganib.
Sa panahon na gumagana ang adrenaline, ang tao o hayop ay mas matapang, malakas at mabilis kaysa pangkaraniwan. Tayo sa panahon na may sunog, halimbawa, ay mabubuhat natin ang mabigat na bagay. Kapag hinahabol tayo ng itak, ang tulin natin tumakbo. Ang mga sundalo pag nakarinig ng putok ay makararama ng nakaiibang katapangan.
Paglipas naman ng adrenaline rush, ang pagkahapo ang papalit. Ito ang sanhi ng pagiging “off” ng manok. Kaya ang layunin sa pag pamamahala natin sa stress, ay hindi ang pagiwas nito, dahil sa sabungan, sa dami ng tao, ingay at nakakaaibang kapaligiran, hindi maiiwasan na makakaranas ng stress ang manok. Ang gusto natin ay ang itaon ang stress at pagbugso ng adrenaline sa panahon ng paglalaban.
Hindi natin maiiwasan ang stress. Gamitin nalang natin.
Quick energy loading, hindi basta carboloading
Sa panahon ng adrenaline rush, ang katawan ay mangangailangan ng sapat na enerhiya upang suportahan ang pangangailangan na maging malakas at mabilis. At, dahil biglaan ang pagbugso ng adrenaline kailangan ang instant energy. Kaya tulad ng nasabi natin sa naunang kabanata, ATP-CP quick energy pathway ang ating pagtuunan ng pansin. Ang kailangan ng manok ay pakain na may mataas na antas ng glycemic index. Kailangan din ang suplemento ng creatine, glucose at ribose.
Isang bagay na mapait siguro lunukin ng maraming nagmamanok at mga nagtuturo ng pointing sa mga cocking schools, academy, magazine at telebisyon ay ang katotohanan na ang carboloading o glycogen loading ay hindi kinakailangan sa uri ng sabong natin dito sa Pilipinas. Ang nangangailangan ng carboloading ay ang mga atleta na sa endurance na kumpetisyon lumalaban tulad ng triathon, marathon at long distance cycling. Sa sabong , saglit lang tapos ang laban.
Ang kailangan ng manok ay hindi ang maraming glycogen sa atay kung hindi ang glucose sa dugo na agad agad magagamit. Dapat, mga pakain na mataas ang glycemic index (GI). Ibig sabihin,mga pagkain na madaling magpatataas ng sugar level sa dugo, kahit na madali rin ang pagbaba nito dahil, yon na nga, madali lang matapos ang labanan ng manok. Halimbawa may mga uri ng bigas na mataas ang GI tulad ng sticky rice at parboiled rice. Sa mga prutas naman ang patatas, kamote, watermelon at kalabasa. Mataas rin ang GI ng mga cornflakes, popped corn, at rice krispies. Kung gagamit ng mais ang fine corn ang pinakamaige. Katuwang sa pagbigay ng mga high glycemic na pakain ay ang pag suplemento ng creatine at ribose, dahil sa mga katwiran na natalakay na natin sa naunang kabanata.
May mga pagkain na mayaman man sa enerhiya ay hindi mataas ang glycemic index. Karamihan ay yong mataas ang fiber content tulad ng whole corn at ibang grains na may balat pa, at mga prutas tulad ng saging at mansanans. Matagal tagal bago mapataas ng mga pagkaing ito ang sugar level sa dugo. ngunit mas mahabahabang panahon naman ang lilipas bago bababa ulit ang sugar sa dugo. Sa matagalan na kumpetisyon magagamit ito ng husto kasi magsisilbeng time-released energy ito.Ang mga ito ang ginagamit sa pag-carboload, na para sa atin ay hindi naman kinakailangan ng manok.
Ang tinutukoy natin ay ang nakasanayang pamamaraan ng pag-carboloading na tinuturo ng iba. Ang pamamaraan na magbibigay ng mas mataas na bahagdan ng carbohydrate simula tatlo o dalawang araw pa bago ang laban. Sa pagaaral natin hindi na kailangan ito, lalo na’t kung ang sistema ay tulad din ng tinuturo ng iba na umpisahan ang keeping o pagpahinga sa manok sa loob ng kulungan dalawang araw bago ang laban. Sa ganitong sistema sa pagpapahinga, hindi na gaanong gumagamit ng enerhiya ang manok kaya hindi na ito magkakailangan ng naraming carbohydrate.
Tayo nga, hindi na tayo nagka-carboload, kahit na ang sistema ng ating pagpapahinga ay ang tinatawag nating “active rest.” Hindi natin pinapasok ng matagal ang manok sa kulungan, maliban lang sa araw ng laban. Kung paminsanminsan ay pinapasok natin sa kulungan ito ay upang ang manok ay masanay at di manibago pagdating sa araw ng laban.
Ang RB Sugbo ay dati ring nagka-carboload. Ginawa din natin ito, at hindi naman kasamaan ang naging resulta. Ngunit sa ating pagpapatuloy na pagsisiyasat at pag esperimento ay natukoy natin ano ang talagang dapat. Hindi naman nakakasama ang carboloading, ang sinasabi lang natin ay hindi na kailangan. Ang kailangan ay ang pagtiyak lang na may sapat na glucose sa dugo at creatine at ribose sa kalamnan sa araw ng laban.

Makabagong Pamamaraan
Ng RB Sugbo sa Pagkundisyon

Ang pamamaraan ng RB Sugbo sa pagkundisyon ng manok panabong ay medyo naiiba sa nakasanayan ng maraming sabungero. Ang sa atin ay hindi 14, 21 o 28-day keep tulad ng sa marami. Sa iba ay may kalendaryo kung saan nakalagay anu-ano ang mga gawain sa bawat araw mula day 1 hanggang araw ng laban.
Ang ganitong pamamaraan ay magandang tingnan sa programa ngunit sa praktikal magkakaproblema dahil sa kawalan ng flexibility. Hindi lahat ng manok ay magkatulad ng reaksyon. Maaring ang iba ay mapaaga ang pag-peak, samantalang ang iba naman ay wala pa sa tuktok pagdating ng araw ng laban.
Ang sa atin ay parang hagdanan. Ang lahat ng manok ay dadaan sa unang baitang, ang “foundation stage” kung kailan inaayos natin ang mga kakulangan ng manok sa pisikal, mental at nutrisyunal na aspeto. Inaayos muna natin ang pangangatawan, ang kundisyon ng mga kalamnan at ang pokus ng manok sa pakikipaglaban. Sa puntong ito pinaiiral natin ang tibay at lakas ng manok.
Walang takdang bilang ng araw sa pagpananatili ng manok sa stage na ito. Kung sa ibang pamamaraan, kalendaryo ang nagdidikta, sa atin, ang aktwal na kundisyon ng manok ang makapagsasabi kung ang manok ay kailangan pang manatili sa baitang na ito o aakyat na sa susunod.
Ang pangalawang baitang ay ang “battle-ready stage.” Dito ang pakain at pagsasanay ay nakatuon sa pagpairal ng bilis, liksi, at ang kakayahang makahugot ng quick energy na kakailanganin sa laban. Dito ang mga manok ay para nang boy scout na laging handa. Kung may nalalapit na laban, pagpipilian natin ang mga boy scout kung alinalin ang mga pinakahanda. Ang mga ito ang iakyat sa susunod na baitang, ang “peaking period.”
Ang peaking phase ay ang huling isang linggo bago ang laban. Kasunod nito ay ang pangapat na stage, ang”pagpatuktok” o “pointing.” Ito ay sa araw ng laban.
Sa sistemang ito ang kundisyon ng manok ang masusunod hindi ang bilang ng araw. Ang sistema nating ito ay tinatawag natin na “conditioning pyramid.”

Conditioning Pyramid
Sa pagkukundisyon ay may iba’t-ibang yugto o stages. Hindi kasi mangyayaring sa lahat na panahon ay na sa peak o tuktok ng kakayahang pisikal ang isang manok o atleta. Kailangan ay may periodization.
Sa RB Sugbo ang mga periods o yugto sa pagkundisyon ng manok panabong ay: 1) foundation stage, 2) battle-ready stage, 3) peaking period, at, 4) pagpatuktok o pointing.
Sa bawat yugto mayroon tayong layunin, o mga nais nating magawa. Ibaiba ang pakain at saka ehersisyo.
Foundation stage
Ito ang pinakapundasyon. Sa yugtong ito natin inaayos ang ano mang kakulangan mayroon ang manok sa kundisyong mental, pisikal at nutrisyunal. Dito pinapaganda natin ang katawan; pinauunlad ang kalamnan o muscles, at sinisiguro natin na wasto na ang pokus ng manok sa pakikipaglaban.
Medyo high-protein ang pakain sa foundation period. Lakas, tibay at resistensiya ang gusto nating ipairal ng husto sa yugtong ito.
Ang mga ehersisyo dito ay running pens na malakilaki na may kasamang inahin; fly at scratch pen; hand spar; at bitaw. Ang rotation o paglipat ng manok ng lugar ay sa bawat dalawa o tatlong araw.
Battle-ready stage
Pagnaisayos na ang pangangatawan at ang pisikal at mental na kundisyon ng manok, ito’y maari nang iangat sa susunod na yugto, ang battle-ready stage.
Hindi natin masasabi kung ilang araw o linggo bago ang isang manok ay maiangat sa susunod na baitang. Dahil nga sa sistema natin, hindi ang bilang ng araw, tulad ng 14 o 21 days, ang masusunod, kung hindi ang aktwal na kundisyon at kahandaan ng manok.
Ang mga manok lang na nakapasa na sa foundation stage ang maaring ilipat sa battle-ready stage. Dito ang ating layunin ay ang mapairal ang bilis at liksi, at ang mapaunlad ang kakayahan ng manok sa mga high-intensity quick exercises o mabigat ngunit madalian na ehersisyo. Yan kasi ang malimit na kakailanganin ng manok sa tunay na laban. Sa tunay na laban kailangan ang bilis at lakas ngunit kalimitan sa loob lang ng maikling sandali. Ang isang round sa boksing na tatlong minuto ay katumbas na ng napakahabang labanan sa sabong. Sa manok, ilang saglit lang tapos ang laban.
Sa battle-ready stage, ang rotation o paglipat ng manok sa ibang kalalagyan ay ginagawa ilang beses sa loob ng isang araw. Kinakahig at sinasampi na ang mga ito. Malimit na ang paggamit ng scratch box. Mas binibigyan na natin ng mas malaking kahalagahan ang sampi, hand spar at ang pagbitaw sa yugtong ito.
Dahil mas marami at mas intense na ang ehersisyo sa battle-ready stage, ang pakain natin ngayon ay may mas mataas nang bahagdan ng carbohydrate kaysa pakain sa foundation stage.
Peaking period.
Tuwing may palapit na laban, tayo’y nagpipili sa mga manok na nasa battle-ready stage at ang mga sa palagay natin pinakahanda, yong sa tingin natin ay madaling i-kundisyon para sa araw ng laban, ang inaakyat natin sa susunod na baitang, ang peaking period. Ito ay sa huling linggo bago ang laban.
Sa puntong ito, dahandahan na nating pinapahinga ang manok. Ang prosesong ito ay tinatawag natin na active rest dahil may mga gawain at ehersisyo pa rin, yon lang hindi na nga gaanong mabigat at marami dahil nais nating iwasan ang mga injury sa kalamnan at mga ugat na maaring hindi natin mapansin. Nais din nating makaipon ang manok ng sapat na enerhiya na magagamit sa laban.
Dito rin natin ilapat ang mga orihinal na konsepto ng RB Sugbo sa stress management, blood conditioning, at quick energy loading.
Higit-kumulang ang pakain sa yugtong ito ay katulad ng sa battle-ready stage ngunit nagbibigay na tayo ng angkop na suplemento tulad ng Sagupaan b50/2 Forte o kaya’y Complexor para sa bcomplex at iron; Respigen 15 para sa b15; Voltplex para sa creatine; at Reload Plus para sa ribose.
Pagpatuktok o pointing
Ito ang huling yugto. Pinipili natin alin sa mga manok na nasa peaking period ang ating ilalaban at ipatuktok sa araw ng laban. Ang hangad natin ngayon ay walang iba kung hindi ang maabot ng manok ang tuktok ng kakayahang pisikal at mental sa oras mismo ng laban.
Dito nakasalalay ang lahat. Kung magkamali tayo sa panahong ito, maaring masayang lang ang lahat nating pinagpaguran. Sisikapin nating maabot ang ating layunin pamamagitan na pahinga, stress management, at quick energy boosting. Sa puntong ito, hindi lang ang kaalaman sa pagpatuktok ang kailangan kung di pati na ang kaalaman sa pagkilala kung ang manok ay nasa tuktok na.
May mga palatandaan kung ang manok ay nasa tuktok na. Una ay ang ipot. May apat na klaseng ipot. Ang intestinal dropping. Ang buong ipot na berde at may halong puti. Ibig sabihin nito may laman pa ang bituka ng manok. Ang pangalawa ay ang cecal dropping. Malapot na kulay tsokolate. Ang pangatlo ay ang urate dropping. Puti na parang bula ng sorbetes. Paliit ng paliit ito. At pag maliit na ito, masasabi na ang manok ay nasa tuktok. Ang pangapat na uri ng ipot ay ang moisture dropping. Ito’y parang malagkit na likido na kulay puti. Sa umpisa kung maliit pa ito ay maituturing na nasa kundisyon pa ang manok. Ngunit, ang moisture dropping ay palaki ng palaki at ito’y senyales na di maglaon ay mag off na o lalampas na ang manok sa tuktok.
Isa pang senyales ng magandang kundisyon ay ang ayos ng manok. Ang manok na maganda ang pagpatuktok ay alerto ngunit mahinahon. Hindi magalaw ngunit matalas ang mga mata at pandinig. Sa ganitong sitwasyon kinakailangan ang matinding stress management. Ang manok na nasa ganitong kalagayan ay malapit nang umandar ang adrenaline. Sa kunting pagkabigla, pagkagulat at pagkagitla ito’y maaring maging sanhi ng adrenaline rush na mauuwi sa maaga at di napapanahon na pagtuktok. May pagkakataon na ang ganitong kundisyon ay makikita o nahahalata sa pag-head knocking ng manok o ang panginginig o pagpagpag ng ulo. Ito ang tinatawag natin sa Inglis na “at the edge.” Dapat i-hold ang manok na ganito at itaon ang pagbugso ng adrenaline sa oras ng laban sa itaas ng gradas o rueda.
Ang nakakaibang kapaligiran sa luob ng gradas, ang dami ng tao at tindi ng ingay ay ang maging mitsa ng pagandar ng adrenaline. Makakatulong din ang wastong pag-heating ng manok sa gradas bago bitawan.
Tulad ng sa ibang aspeto ng pagmamanok sentido komon pa rin ang dapat pairalin sa pagpatuktok.
Sa konsepto natin na stress management, tandaan na ang ano mang maaring maging sanhi ng stress tulad ng gutom, pagkauhaw, pagkagitla, pagkagalit ay maari ring maging sanhi ng pagbugso ng adrenaline at bunsod nito ay ang maaga at di napapanahon na pagtuktok ng manok. Iwasan ito. Dahil paglipas ng adrenaline rush, pagkahapo ang papalit. “Off” na ang manok.
Transition phase
Sa labas ng ating conditioning pyramid ay may transition phase. Bago ipasok sa unang baitang ang manok ay purgahin, paliguan ng antimite shampoo, at i-bacterial flushing. Gawin din natin dito ang iba pang gawain tulad ng pagputol ng tahid, paggupit, o ano pa.
Kung ang isang manok ay magtagal sa foundation period ng mahigit isang buwan, ulitin ang cleansing process, ang purga, ligo at flushing bago iakyat sa battle-ready stage.
Sa panahon ng transition period mas maige kung samahan ng inahin ang manok sa loob ng dalawa o tatlong araw.
Gawin din ang transition phase sa mga manok na nakapasok na sa peaking period ngunit hindi nailaban para makapag unwind. Kung ituloytuloy kasi nating ang pagkundisyon sa mga manok baka mag peak ito na hindi napapanahon..

Ponkan broodcock

Ponkan broodcock
One of the ponkan broodcocks being readied by RB Sugbo for the incoming breeding season. RB Sugbo is among the gamefowl farms very much involved in the Masang Nagmamanok (MANA) Inc. nationwide gamefowl dispersal program.

Another ponkan

Another ponkan
Another ponkan broodcock in the trio pen.

Mana: Dami at Pagkakaisa

Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.

Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan. Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.

Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.

Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:

1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.

2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.

3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.

4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.

Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito, noon, ay arawaraw na lumalabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications. (Ngayon mababasa ang Llamado Tayo sa dyaryong Larga Weekly.)

Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.

Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.