Sunday, November 1, 2009
Llamado Tayo: Sa sabong hindi sugal ang mahalaga
Sa sabong hindi sugal ang mahalaga
Kamana natalo kami sa laban, pero ito ang talo na nakita’t narinig mo sa mga tao yong paghanga nila sa ginawa ng manok. Extreme performance! Talo man ay panalo naman sa paghanga. Kilikili lang ang tama ng manok isa lang. Naranasan ko na ang Mana way of conditioning and still learning. Salamat kamana, wala kang masabi talaga. Hanggang ngayon masaya pa ako. Talo na masaya pa. ( Dhong Palermo 001693)
Matagal na itong text nato ni kamana Dhong. Ilathala natin ulit dahil angkop itong kasagutan sa mga natanggap nating mga tanong kamakailan. Marami kasi ang mga nagsasabi na nararanasan nila ang ganito.
Talagang ganyan mga kamana, may talo may panalo. Ang mahalaga ay kuntento tayo sa kilos ng manok at masaya ka kahit talo. Maganda ang attitude na yan kamana.
Mangyayari lang ang ganyan na dahil sa performance ng manok, masaya tayo kahit talo, kung, ang ating pusta ay hindi masyadong mabigat para sa atin.
Yan ang sinasabi natin palagi kamana na hindi dapat pumusta ng halaga na kung matalo ay siguradong malungkot tayo, kundi man aburido.
Magtipid sa gastos, dahandahan sa pagpusta. Hindi na maging kasiyasiya ang sabong kung ito’y makaapekto na sa bulsa.
At saka, upang maipakita natin sa buong mundo na sa sabong, hindi ang pagsugal ang mahalaga. Napakarami pang magagandang aspeto ng sabong o pagmamanok. Ito ang dapat nating ipakita--ang magandang mukha ng pagmamanok.
Sir gud day. Maganda ang nilaro ng manok ko kahapon. Salamat sa mga tips na nabasa ko.
Ito pa isa. Di mo nasabi kamana kung nanalo o natalo. Ang sabi mo lang dito ay magaling ang nilaro ng manok mo. Siguro, tulad ni kamanang Dhong, ang performance ang mahalaga sa iyo.
Mga kontra sabong: “Back off”
Naguumpisa na ang 10-stag Bakbakan derby baka manggulo na naman ang Peta. Dapat nakahanda taayo para harapin sila.
Maaring mangyari yan tulad ng ginawa nila sa world slasher. Sige lang kamana kung gagawin nila yan, kundi man tayo makapag-react agad-agad, sisikapin ng Mana na magsagawa din ng sariling kontra-pagkilos.
Kaya ngayon palang ay may babala na tayo sa kanila:
“ Back off.”
Congratulations kina kamana Jeff at Loreto sa matagumpay nilang pamamahala sa pasabong natin sa Pasay noong Oct. 21. Bahagi po yon ng regular na pasabong ng MANA bawat pangatlong Miyerkules ng buwan simula noong Enero. Ang unang walong pasabong ay ang Pasay chapter ang namahala. Mula naman noong September, ang Mana Luzon na ang namahala.
Ang regular natin na sponsor sa mga nakaraang mga pasabong natin sa Pasay ay ang Excellence Poultry and Livestock Specialist at ang B-meg/ Derby Ace. Ngayon ay di na natin matiyak dahil sa pagkakaalam natin ay ang Sagupaan Super feeds na ang magkakaroon ng lock out rights sa Pasay Cockpit. Hindi naman po lingid sa kaalaman ng mga kamana natin na ang Sagupaan ay nakatulong din sa MANA. Ang totoo ang Sagupaan ang unang kumpaniya na tumulong sa Mana. Kung wala pa kayong kopya ng pinakabagong labas ng Global Cockfights Live magazine, maghanap po kayo at mababasa ninyo doon kung paano nakapagsimula ang MANA sa tulong ng Sagupaan.
Of course po, napakalaki din ng tulong ng iba pa nating kaibigan sa industriya. Tulad ng Excellence, Bmeg at Secret Weapon. Nagpasasalamat tayo sa kanilang lahat.
Huwag din nating kalimutan ang pasabong ng MANA Cavite sa December 15 sa Arcontica Coliseum. May mga magagandang proyekto rin doon sila kamanang Gani Dominguez.
Tulad ng nasabi natin sa mga nakaraang labas ng pitak na ito, ang MANA ay tututok sa mga proyekto na makakapagbigay ng direktang benepisyo sa mga karaniwang sabungero. Kabilang dito ay ang gamefowl dispersal at technology transfer programs.Dito napakalaki ng maitutulong ng mga kaibigan nating mga kumpaniya. Gagawin natin ang programang ito dahil alam natin na ang isa sa dahilan kung bakit mahihirapan ang karaniwang sabungero na makapagumpisa sa kanilang pagpapalahi ay ang kamahalan ng breeding materials. Kaya sa ilalim ng programang ito mabibili ng mga kamana natin ang mga materyales sa napakamurang halaga o kay'y libre pa kung may mag sponsor.
Nasa Visayas naka-sentro ang programang ito. Ngunit ang mga kamana natin sa Luzon ay pwede ring maka avail sa dispersal. Mag text lang kay kamanang Jun Santos 0908-895-9623. At manatiling nakatutok dito sa Larga at sa tilaok.blogspot.com.
Hindi lang mga materyales ang ipamahagi natin, pati na rin kaalaman. Ito ang technology transfer aspect ng programa na ito ng MANA. Libre po nating ibinibigay ito. Hindi lang pamamagitan ng mga seminars at training, at sa pagsagot sa inyong mga katanungan kundi pati na rin sa mga libreng babasahin na matutunghayan ninyo sa tilaok.blogspot.com. Mas makakasiya kasi ang pagfsasabong kung alam natin kung paano ito tamang gawin. Hindi rin masasayang ang ating pagod, panahon at pera.
Nutrition program
Ngayon, bilang pamamahagi natin ng mahalagang kaalaman, ilathala natin dito ang feeding program ng RB Sugbo mula day 1 hanggang sa maintenance stage. Maguumpisa na kasi ang breeding season kaya dapat alam natin paano ang pagpakain ng sisiw hanggang ito'y mag binatilyo.
Tulad ng nasabi natin, ang ating programa ay halos parehas lang sa mga programa ng iba’t-ibang kumpaniya ng feeds at gamot.
Kunti lang ang kaibahan. Kalimitan ang mga kaibahang ito ay dahil sa una, gusto rin nating makatipid, at pangalawa, dahil hindi tayo konektado sa alin mang mga kumpaniya, tayo’y malayang gumamit ng kahit alin sa mga available na brands. Kung alin ang mas nagustuhan natin, batay na rin sa economic consideration na magtipid, doon tayo.Isa pang kaibahan ay ang pagbigay natin ng pro-biotics. Bigyan natin ng pansin ang aspetong ito sa ating pagpapakain.
Ito ang ating feeding program:
Unang araw—tubig lang na may kunting asukal, May sustansya pa ang sisiw na galing sa nakuha nito sa itlog.
Pangalawang araw- umpisahan na nating magbigay ng chick booster. 21-22% ang crude protein ng chick booster. Maari na rin nating haluan ng MVE o multivitamins with electrolytes ang tubig.
Pangatlo at pang-apat na araw- chick booster at MVE pa rin.
6th- 7th day—puro chick booster pa rin. Ang hinahalo natin sa tubig sa mga araw na ito ay pro-biotics. Yong lactobacillus.
Kung napapansin nyo sa unang linggo ay di pa tayo nagbibigay ng anti-biotics. Ang punto natin dito ay di pa kailangan dahil ang sisiw ay mayroon pa sa tinatawag na natural immunity at ito’y magtatagal hanggang dalawang linggo.
Kaya sa unang linggo, sa halip na gamitan natin ng anti-biotics na maari pang makamamatay pati sa mga good bacteria, ang ginagawa natin ay ang mas palakasin pa ang kanilang immune system pamamagitan ng pagbigay ng bitamina, mineral, at pag-introduce ng pro-biotics sa kanilang sistema..
Ang pro-biotics ay ang pag-paparami ng mga good bacteria upang maging panlaban sa bad bacteria. Kung mas malakas ang good bacteria kaysa bad bacteria sa katawan, ito ay magiging malusog at ligtas sa sakit.
Ang paggamit ng pro-biotics ay isa sa mga kaibahan ng sistema ng RB Sugbo sa mga nutrition programs ng mga kumpaniya.
2nd week
8-14th day—Puro chick booster pa rin ang ating pakain. Dito ay nagbibigay na tayo ng anti-biotics. Ang ginagamit natin ay tetracycline lang muna o ang mga variants nito. Sa days 8, 9 and 10 natin ito binibigay. Sa days 11 at 13 pro-biotics na naman tayo. MVE sa days 12 at 14. Bale sa unang 3 araw ng linggo anti-biotic at sa susunod na 4 na araw alternate natin ang pro-biotic at MVE.
Tantyahin lang natin na ang tubig na may gamot ay mauubos nila sa buong araw. Sa gabi po plain water ang binibigay natin. Sa umaga na natin palitan uli ng may gamot. Ito ang ating sistema palage.
Sa panahong ito may ilaw pa ang brooder kaya 24 hrs dapat na may pakain at tubig ang mga sisiw. Nagsisimula nang dumami ang balahibo ng sisiw sa pangalawang linggo kaya magingat na tayo na di sobra ang temperatura sa loob ng brooder.
Kapag ang mga sisiw ay nasa dulo na ng brooder, sa pinakamalayo sa ilaw, ibig sabihin sombra ang init. Palitan natin ang bombelya ng mas maliit na watts o kaya iangat natin ang ilaw ng kaunti.
Kapag ang sisiw naman ay nasa malapit sa ilaw, ibig sabihin kulang ang temperatura.
3rd week. Days 15-21
Sa first half po ng linggong ito ay puro chick booster pa rin ang pakain natin. Simula sa day 19 dahan dahan nating hinahaluan ng corn grits para unti-unting bumaba ang antas ng protein at ang halaga ng ating pakain. Umpisa na tayong magtipid.
Sa day 19 haluan ng 10% corn grits Sa day 20 ay 20% sa day 21 ay 30% na ang corn grits. At upang mas makatipid pa dahan dahan din nating hinahaluan ang chick booster ng bsc o broiler starter crumbles. Ganoon din po ang sistema. 10%,20% at 30%.
Sa makatuwid pagdating ng Day 21 ang ating halo ay 40% chick booster, 30% bsc at 30% corn grits. Malaki po ang matipid natin dito. At hindi naman gaanong bababa ang CP natin dahil ang bsc ay may 22%-23% crude protein din tulad ng chick booster.
Nasa 18% to 19% pa rin ang CP ng halo na ito. Sapat na ito. Para sa atin sa unang dalawa o tatlong linggo lang kinakailangan ng sisiw ang napakataas na protein.
Ang supplement po natin sa linggo ito ay katulad ng sa 2nd week. 3 days anti-biotic, Tapos alternate ang probiotic, at vitamins and electrolites sa nalalabing 4 na araw. TMPS o cotrimazine na ang anti biotic natin sa linggong ito. Ganoon pa rin plain water sa gabi.
4th week
Sa linggong ito ay patuloy nating pini-phase out ang chick booster. May ibang programa na stag developer ang dahan dahan nilang pinapalit. Ngunit batay sa ating karanasan, malalaki pa ang micro-pellets tulad ng stag developer para sa mga mag-iisang buwan palang na sisiw.
Sa atin dahan dahan nating wina-wala ang chick booster ngunit ang pinapalit natin ay bsc, at baby stag developer o kaya’y jr starter na parehong crumbles. May corn grits pa rin pero yong medyo malalaki na ang butil.
Ang mangyayari pagkatapos ng linggong ito ang pakain natin ay 30% corn, 30% bsc at 40% jr starter o baby stag developer.
Sa unang buwan po ay ad libitum ang pakain natin. Walang limit, hanggang sawa. At dahil may ilaw pa ang brooder, ibig sabihin 24 hours may pakain ang mga sisiw.
Ang ating suplemento ay ganoon parin. Ngunit ang ating anti- biotic ay yong mas marami ng sulfaquinoxaline. Ibababa na kasi natin ang mga sisiw galing brooder na may sahig papuntang brooder o pen na nasa lupa. Ang pen na nasa lupa ay linalagyan natin ng rice hull para mas malinis at mas masaya ang mga sisiw sa pagkakha. Nakakatulong din ang rice hull sa pag-bigay ng init sa gabi.
Ang sulfaquinoxaline ang panlaban natin sa coccidiosis na malimit umatake sa sisiw na bagong baba sa lupa. Ipagpatuloy pa rin natin ang pro-biotic. Pag may sobrang pro-biotic o lactobacillus mixture ay sa loob ng pen itapon. Ang probiotic ay makakatulong sa paglaban ng bad bacteria na nasa lupa. Ito din po ang ginagamit nating preventive disinfectant ng lupa. Ayaw nating gumamit ng chemicals, maliban lang kung talagang emergency at kailangan na malinis agad-agad ang lupa.
Mabilis ang bisa ng chemical laban sa mga mikrobyo. Pero di naman ito makakabuti sa lupa in the long run. Samantala, ang organic at probiotic na sistema ay nangangailangan ng mas mahabang panahon upang gumana. Ngunit wala itong masamang epekto sa lupa. Sa kalaunan mas maka benepisyo pa ang lupa na patuloy na ginagamitan nito.
Ganoon din po sa katawan. Kung kailangan ang immediate na gamutan, anti-biotic po ang ating kinakailangan. Pero may risk ito. Dahil mamatay pati ang good bacteria at hihina ang immune system ng katawan. At saka ang patuloy ng paggamit ng isang uri ng anti-biotic at maaring ma-immune ang mikrobyo at wala nang bisa ito laban sa sakit.
Kaya nga ang sabi nila, dahil sa patuloy nating paggamit ng anti-biotic, ang mga bacteria daw ngayon ay nakasakay sa tangke at ang mga air-borne virus ay nakasakay sa eroplano.
Ituloy natin ito sa mga susunod na linggo.
Welcome. To read the articles, please click post link or month, then subsequent post link.
-
▼
2009
(71)
-
▼
November
(9)
- MANALU sets feeding of street children
- Gamefowl's natural biorhythm: A study by RB Sugbo ...
- Probiotics for chickens
- Llamado Tayo: Sugbo Agro
- Llamado Tayo: Malungkot na pangyayari
- Llamado Tayo: Ang Lemon
- Llamado Tayo: Iba ang Pinoy
- Llamado Tayo: Sa sabong hindi sugal ang mahalaga
- Llamado Tayo: 3 cocks sa Baras, Rizal
-
▼
November
(9)
Ponkan broodcock
Another ponkan
Mana: Dami at Pagkakaisa
Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.
2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.
3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.
4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.
Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.