Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.

Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.
Ganap na sabong site. Forums, kaalaman, balita, at iba pa para sa inyong kasiyahan at kapakanan.

Tuesday, September 1, 2009

LLamado Tayo sa Larga: Congrats kamana Marlon

Larga 21 Aug 16
Llamado Tayo
Rey Bajenting

Congrats kamana Marlon

Congratulations kay kamanang Marlon Mabingnay. Bahagi na po siya ng team Pit Games. Bukod sa kanyang tungkulin sa MANA ay maglilingkod narin siya sa inyo bilang bahagi ng staff ng Pit Games Magazine.
Congratulations din at maraming salamat kay Kamana Marlon at kamana Bong Ferreras sa kanilang napagkasunduan sa programang Isyu at Punto sa radyo DWSS. Ito ang balita ni kamanang Marlon:
“kamana good day po isang mapagpalang umaga po ang aking bati sa inyo at sa inyong buong pamilya,maging sa lahat po ng ating mga kamana.. Naging matagumpay po ang ating guesting sa isang radio station na maririnig every saturday from 10am-12pm sa ISYU at PUNTO DWSS 1494 Khz. Tayo po ay nagpapasalamat ng malaki at taos puso sa mga tao sa likod po nito sa kanilang pag imbita sa grupo ng MANA sa kanilang radio program na ang topic po ay ang ating kinagigiliwan at itinuturing na pamana ng ating ninuno at kasaysayan ang SABONG..bilang kinatawan po ng MANA ating pong panarinig sa kanila ang maganda at pangunahing layunin ng ating grupo isa na po dito ang matulungan ang maliit na sabungero o tinatawag na backbone ng sabong at ipaglaban ang sabong sa lahat na gustong magpabagsak at alisin ang sabong sa ating bansa tulad ng ginawa ng grupong ito sa U.S. ang grupo po na aking binabanggit ay walang iba kundi ang PETA (people of the ethical treatment of animals).sa loob po ng isang oras na binigay satin ay napakagandang move po ito para sa lhat,at isa po talaga sa ikinatutuwa ng mga program host na sina Mr.Joy Navarro at Mr.Dennis Barrios ay ang malamang may ganito po palang grupo na handang tumulong sa masang sabungero at ipagtanggol ang SABONG.
“Kanila rin pong nalaman na hindi lang po dito nagtatapos ang pagtulong ng Mana, nilahad din po natin ang mga project mula Luzon,Visayas at Mindanao at ang patuloy na pagdami ng mga gustong mag pa member at yong tinatawag nating text at email brigade at sa tilaok.blogspot.com.
Sa susunod ay baka ang grupo naman ng PETA ang syang guest at inaayos na rin po nila ang paghaharap ng grupo po natin ang MANA at PETA sa isang forum na gaganapin sa danara hotel kasama ang mga LIGA ng mga broadcaster ng PILIPINAS..sa lahat po ng ating kamana suportahan po natin ang magaganap na forum na ito..pinasasalamatan din po natin ng malaki kamana si kamanang BONG FERRERAS siya po ang gumawa ng paraan para eguest ang MANA sa radio program den tuloy tuloy na po yon at sa lahat po ng nakinig na kamana thank you po dami po kasing txt n pumasok habang tyo po ay nka air..”

Klase-klaseng katanungan
Arawaraw ay marami tayong natatanggap na tanong pamamagitan ng text. At, ngayon pati na sa email sa mba1220bemin@yahoo.com. Ipagpaumanhin nyo po at hindi lahat ay nasasagot natin. Binibigyan natin prioridad ang mga tanong na mahahalaga lalo na kung galing sa ating mga kamana at may nakalagay na initials at mana number.
May mga katanungan naman na talagang hindi natin masasagot, kabilang dito ang mga katulad ng sumusunod:

Saan po ang derby ngayon?( RTH 008681)
Arawaraw po ay may derby. Sa dami ng sabungan sa buong bansa ilang derby kaya ang nagaganap arawaraw. Kaya lang hindi lahat ay alam natin. At saka di ko alam kamana kung saan lugar kayo interesado na may derby.

Kamana ano bang breed ang power cock? Gusto ko power cock malakas pumalo. (Aug 12, 2009).
Mahirap ito masagot. May mga linyada na kilala sa pagiging power o malakas tulad ng mga hatch, iilan sa mga greys. Ngunit hindi parin natin masabi. Kasi may mga hatch na kulang rin sa power. May mga manok naman na may power kahit sa mga bloodline na hindi kilala sa pagiging power tulad ng kelso, brownreds at roundheads.

May manok na 2x winner ako kamana, pwede ba gawing brudcock? Ano ang magandang e-blend dito, sweater ito?( RGM 001477)
Napakahirap sagutin ang mga tanong na tulad nito. Iwasan nyo pong magtanong ng ganito malamang di natin ito masagot.
Sa unang nyong tanong di ko po masabi. Ni di ko pa nakita ang manok na tinutukoy. Hindi ko masabi kung ayos gawing brudcock o hindi.
Sa pangalawang tanong naman, palagi po natin itong sinasabi, hindi po natin dapat ibatay sa pangalan ng lahi ang pagpili ng pangasta. Dapat masuri nating mabuti ang mga indibidwal na katangian ng manok maging ano man ang pangalan ng lahi nito.

Gusto kong pong malaman kung paano ang pagkundisyon ng manok.
Hindi rin po ito masasagot sa text lang. Mahaba po. At saka mahirap ang proseso ng pag-aaral ng pagkundisyon. Sa kalaunan ay matututunan natin ito sa pagbabasa, pagmamasid, at kung maari, may makapagturo sa atin ng personal.
Marami na ngayong mga seminar, palabas sa mga aklat, artikulo at pitak kung saan makakakuha kayo ng mga kaalaman sa pagmamanok.
Halimbawa, sa pagkundisyon may Manwal ng Mana sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon. Tayo po ang may akda sa manwal na ito. Tungkol naman sa pagpalahi nandyan ang Lihim sa Pagbuo ng Sariling Linyada ni Dr Andrew Bunan. Para naman sa papapalahi at pagkundiyon may aklat sila Dr. Bunan, Dr. Ayong Lorenzo at Mr. Manny Berbano, ang Mula Itlog Hanggang Sabungan.
Dito sa Llamado Tayo ay nagbibigay din tayo ng payo at namamahagi ng kaalamang sa pagmamanok.

3. Paano malalaman ang bloodline ng manok batay sa anyo lang?
Napakahirap po. Kamakailan lang kasi na may iilan nang breeders na nagsisikap na maka breed true-to-type. Ibig sabihin na uniporme ang hitsura ng kanilang palahi.
Bihira po ito. Halimbawa ang kelso ay iba-iba. May kelso na straight comb, may kelso na peacomb. May kelso na white leg, may kelso na yellow leg. Ganoon din po ang ibang lahi, iba-ibang ang anyo.


Ito namang mga ito ay halimbawa ng magandang tanong na pwedeng mapulutan ng kaalaman.

Kamana maari pa bang lumakas ang palo ng manok? Mahina kasi pumalo ang manok ko pero maganda ang katawan. Maganda naman ang pakain. (Aug 12 2009)
Ang lakas kamana ay nasa genes o likas sa manok. Pinaiiral lang ito ng ayos na pagpapalaki at pinaiigting ng tamang pagkundisyon. Ngunit, kung walang lakas ang manok hindi na ito mapapalakas ng kahit anong uri ng pagkundisyopn at anong dami ng gamot na ibibigay.

Gud pm kamana. Ask ko lang kung paano po makilala ang lalaki sa babae pag one day old palang ang sisiw? (Aug 12, 2009)
May paraan kamana. Ngunit ang mga bihasa lang ang marunong. Mayroon ding aparatus pero mahal at ang mga malalaking farm lang, karamihan yong mga hatchery ng layers o leghorn, ang mayroon para malaman agad nila alin ang ibebenta at palakihin alin ang gawing day old chicks na pulutan.

Kamana ask ko lang po ano po ang sabi nila na mental training ng manok? Paano po ginagawa yon? (Aug 12, 2009)
Mental training? Yon siguro paghanda ng manok mentally o psychologically. Halimbawa ang pagsanay sa ingay sa sabungan, Pagsanay sa maraming tao at iba’t ibang kulay. Pagsama ng inahin sa inahandang manok. Ito ay upang ihanda ang manok sa mga nakakaibang pangyayari na mararanasan ng manok sa araw ng laban. Ang pagsama naman ng inahin ay upang gumanda ang well being ng manok. Maganda kasi ang feeling natin pag may chicks.

Kamana wala pang definite date ang ating seminar? Dadalo po ako kamana. Marami akong natutunan sa manwal ngunit mas lalo akong nauuhaw sa impormasyon. Gusto ko pang madagdagan ang aking kaalaman. ( RD 0-00812)
Tama ka kamana patuloy tayong mag-aral. The more we learn, the more we want to learn. Kalaunan kamana, maisip mo na may mas magaling ka pang paraan sa paggawa ng isang bagay kaysa nabasa mo sa Manwal.
Kaya isa sa ating layunin ay ang maragdagan pa ang ating kaalaman, pamamagitan sa pagtalakay sa mga bagay na inyong naisip pagkatapos nyo nabasa ang Manwal. Magmonitor tayo sa blog natin tilaok.blogspot.com, marami tayong matutunan doon. Marami na rin tayong mga bagong tagapagsubaybay doon.
Kung patuloy tayong magaral, di magtatagal ang mga baguhan sa atin ay magiging bihasa, at ang mga bihasa na ay magiging dalubhasa. Nasa pagunawa ang susi.
Ganito kasi;
Rules should be mastered and understood. Breaking a rule you have mastered is innovation. Breaking a rule you have never understood is ignorance.
Kung iibahin mo ang paggawa sa isang bagay na lubos mo nang nauunawaan, ang tawag nito’y inobasyon o pagbabago. Kung iniba mo ang isang bagay na wala kang kaalamalam, ang tawag nito’y kamangmangan.
Ang ibig po natin sabihin ay dapat pag-aralan at intindihin ang lahat na gagawin natin na may kaugnayan sa pagmamanok. Hindi sapat na alam natin kung ano ang dapat gawin. Kailangan na naintindihan natin kung bakit ito dapat gawin.
Hindi lang ano ang gagawin, dapat alamin natin kung bakit. Marami sa ating mga kapatid na sabungero ay agad na ginagaya ng iba. Lalo na kung nakita nilang nanalo ang kanilang ginagaya.
Delikado po ito dahil may mga pagkakataon na hindi tugma sa ating sitwasyon ang nakita nating ginawa ng iba. Halimbawa ay nangyari sa isang kaibigan na sumali ng derby at habang naghihintay sa kanyang laban ay nakita niyang ang katabing handler ay nagbigay ng puti ng itlog at saka mansanas sa manok.
Nanalo ang manok na ito. Kaya ginaya ng kaibigan natin ang pagbigay ng puti ng itlog at mansanas sa manok. Ang hindi niya alam ay ang manok na nanalo ay tuyo na ang katawan kaya binigyan ng itlog at mansanas. Samantalang ang manok ng kaibigan natin ay sobra ang body moisture. Ang nangyari’y natalo ang manok ng kaibigan natin, nakamulta pa siya dahil na bad weight ang manok niya.
Hindi sapat na alam natin na may mga fly pens, scratch boxes, pointing pens, at iba pa. Dapat ay alam natin kung ano ang layunin natin sa pagggamit ng mga ito. Hindi sapat na lama natin na may pellets, concentrate, at iba pang pakain. Dapat alam natin kung bakit ito ipinapakain sa manok.

Tanong ko lang po anuano ba ang mga palatandaan ng manok na nakapoint o pa-point na? Baguhan lang po ako( rgm 007042 )
May mga palatandaan kamana, tulad ng talas ng paningin at pakiramdam, ang pagkatiklop ng pakpak, pulang mata at mukha, alerto ngunit mahinahon, konting pagkintab ng balahibo, head knocking at iba pa.
Subalit, kung kayo’y baguhan mahihirapan kayong mapansin ang mga palatandaang ito. Payo ko pag-aralan nyo muna ang ibang aspeto ng pagmamanok bago ang pointing. Kalaunan, ay maging bihasa tayo sa aspetong ito at madali nalang natin mapansin ang mga palatandaan kung ang isang manok ay pointed o off ba.

(Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman magbasa sa blog natin tilaok.blogspot.com. Para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagmamanok o kaya’y sa MANA mag-text: 0927-995-4876 o 0908-980-8154 o mag-email: mba1220bemin@yahoo.com)

Ponkan broodcock

Ponkan broodcock
One of the ponkan broodcocks being readied by RB Sugbo for the incoming breeding season. RB Sugbo is among the gamefowl farms very much involved in the Masang Nagmamanok (MANA) Inc. nationwide gamefowl dispersal program.

Another ponkan

Another ponkan
Another ponkan broodcock in the trio pen.

Mana: Dami at Pagkakaisa

Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.

Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan. Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.

Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.

Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:

1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.

2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.

3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.

4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.

Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito, noon, ay arawaraw na lumalabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications. (Ngayon mababasa ang Llamado Tayo sa dyaryong Larga Weekly.)

Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.

Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.