Tuesday, September 1, 2009
LLamado Tayo sa Larga: Taglugon na
Llamado Tayo
Rey Bajenting
Taglugon na
Ano daw ang dapat gawin sa manok na naglulugon. Ito ang katanungan na malimit nating natatanggap ngayon. Oo dahil panahon na ngayon ng taglugon.
Tandaan po atin natin na ang manok na naglulugon ay nasa stressful na sitwasyon. Wala ito sa pinakakundisyon na pangangatawan. Kaya hindi na ito dapat ilaban. Ngunit hindi ibig sabihin na dahil hindi na ito ilalaban ay hahayaan na lang ito sa isang sulok at pababayaan na lang. Kailangan parin ng pagaaruga ang manok na naglugon. Huwag lang natin palaging hawakhawakan at himashimasin. Masakit ang paglugon lalo na’t sa panahon na tumutubo ng ang bagong balahibo. Hayaan natin sa cord ang manok. Sa may lilim at damuhan.
Kailangan din ng sustansya ang manok sa panahong ito. Ang balahibo ay binubuo ng mga protena kaya sa panahon na tumutubo ang balahibo ay mas nangangailangan ang manok ng pakain na may taglay na mataas na antas ng protena. Maaring conditioning pellets parin ang gamitin natin o kaya ang ating nakasanayang maintenance ration ay dagdagan natin ng kunting protein expander pellets. Halimbawa walong kilo ng ating maintenance feed haluan natin ng dalawang kilo ng protein expander pellet. Sa atin sa RB Sugbo ang maintenance feed natin ay 70% pigeon pellets special o kayay maintenance pellets na may 18% crude protein contents at 30% ordinary concentrate. Ang halong ito ay may halos 17% CP. Sa panahon na tumutubo na ang balahibo ng manok ay dinadagdagan natin ang CP sa ting pakain pamamagitan ng pagdagdag ng protein expander. Kahit 10 o 20% lang ang protein expander sa ating halo ay sapat na.
Ang bitamina naman na dapat ibigay sa panahong ito ay yong ihahalo lang sa tubig. Wag yong sinusubo pa o iturok dahil hindi nga maigeng hawakhawakan natin ang manok na naglulugon.
May mga nagtatanong paano daw na mas bumilis ang paglugon. Ganito po ang gawin natin: sa unang yugto ng paglulugon, sa paglaglagan ng balahibo, ibaba natin ang CP sa ating pakain. Damihan ang grains at kuntian ang pellets sa pakain. Sa panahon naman na maugumpisa nang tumubo ang bagong balahibo, taasan natin ang protena sa pakain. Ngayon na natin haluan ng protein expander pellets ang pakain.
Mana Cooperative
Si kamanang Marlon Mabingnay, ang ating kasama sa RB Sugbo at Masang Nagmamanok (MANA) sa pamamahagi ng technical na kaalaman sa pagmamanok ay kasama narin natin ngayon sa mga magasin na Pit Games at Llamado. Masayang ibinalita ni kamanang Marlon satin na kagagaling lang nila ng Bacolod upang kumuha ng mga litrato sa mga farms doon. Excited si kamanang Marlon na ang mga farms na dati’y nababasa lang niya ay ngayon napuntahan na niya at nakakausap na niya ang mga idolo natin tulad ni Mayor Juancho Aguirre at Lance dela Torre. Siguro sa susunod na labas ng Llamado Tayo ay ipakwento natin kay kamanang Marlon ang kanyang karanasan sa una niyang pagbyahe bilang staff ng Pit Games at Llamado.
Tiyak na balang araw ay makapupunta rin si kamanang Marlon ng Cebu. Mga farms naman ng mga kamana natin sa Cebu at mga kasama natin sa CVBA ang makikita ni kamanang Marlon. Sana’y magkataon sa paderby ng MANA sa Dec 3 sa Talisay Tourist Sports Complex.
Ang paderbing ito ay upang mapaunlad ang MANA Chicken Raisers Cooperative. (MANACO). Ang MANACO ay siyang nagtutulak ng All-Purpose Chicken (APC) Technology ng RB Sugbo upang ito’y gamitin ng ating mga chicken farmers sa countryside. Pinaghalo po itong gamefowl technology at native chicken raising technology. Inaasahan na tataas ang kikitain ng mga chicken raiser pag APC ang gamit nila. Madali itong matutunan. Ang kailangan lang ay a lugar na pagalaan ng mga manok at ang special strain ng gamefowl ang “Zugbu.”
Ang lahat ng sasali sa paderby sa Dec 3 ang may option na maging membro ng MANACO at magkakaroon ng libreng “capital” o tawagin nating shares of stock kung ito’y isa pang korporasyon.
Mga katanungan
Tanong: Ok lng po bng ipares ang inahin ko sa kanyang pamangkin? Sir hindi po bam ka apekto sa genes ng aking mga sisiw dahil ang brodcock ko anak ng kaptid ng inhin ko? Gus2 ko i2ng mga lahi na ito dahil madlas manalo, hindi ba ito makapek2 sa kanilang winning %?
Ang pamamaraang ito sa pagpapalahi ay isang uri ng inbreeding, bagaman hindi gaano ang tindi. Ok lang ito. Lalo na kung sadyang inbred ang gusto mong ipalabas.
Ang inbreeding ay ang pagpapalahi ng magkamag-anak. Ibig sabihin ay ang tat-yaw at ang inahin ay may magkaparehong ninuno sa loob ng 4-6 henerasyon o salinlahi.
Ginagawa ang inbreeding upang maisapuro ang mga katangian na ibig nating isalin sa susunod na henerasyon. Ito ang tinatawag na “to purify”.
Ang pagpurify ng mga magagaling na katangian upang ang mga itoy mas madaling maisalin sa mga sumusunod na henerasyon, ay ang layunin ng pag in-breeding.
Subalit, may malaking posibilidad din na sa halip na ang mga positibong katangian o kakayahan, ang mga negatibo ang mapurified. Kapag ito ang mangyari ay masama ang epekto ng inbreeding. Ito ngayon ang tinatawag na “inbreeding depression”.
Kaya ang sagot sa katanungan ng nagtext sa akin kung di ba makakaapekto ang kanyang pagpares ng tiyahin at pamangkin ay oo, makakaapekto. Ang epekto ay maaaring mas makabubuti sa kanyang nagpapanalo nang lahi, o maaari ding makasasama.
Ganyan lang naman talaga ang pagpapalahi. May grasya, may disgrasya.
Kamana magandang morning po. Maari po bang malaman ang feeding program nyo sa mga sisiw. May mga feeding program naman po ako ng mga programa ng iba’t-ibang kompanya, tulad ng naisulat mo minsan. Nais lang po namin kamana na malaman ang sa iyo at nang makumpara namin.
Kamana, ayos naman yang mga feeding program mga iba’t-ibang kumpaniya ng feeds at gamot. Pinag-aralan nila ng husto yan at saka sa totoo mas capable silang makapag-aral ng husto kaysa atin.
Kung pagmasdan natin maige, halos magkapareha lang ang kanilang mga programa. Magkaiba lang ang pangalan ng pakain o gamot. Ito ang tinatawag na brand names. Dahil nga may kanya-kanya silang produkto.
Ngunit kung tingnan natin ang generic names ng mga pakain at gamot na ito, halos magkaprehas lang.
Ang ating programa ay halos katulad lang din ng sa kanila. Kaya lang libre tayong gumamit ng kahit anong brand sa pakain at gamot at libre din nating ituro ang mga ito dahil hindi tayo konektado sa alin man sa mga kumpaniya. Ang mas nagustuhan natin ay siyang ating ginagamit.
Kaya lang may ibang bagay din tayong kinukunsidera. Tulad ng availability ng partikular na brand sa lugar natin. Paminsan-minsan ay may kaibigan tayo sa isang kumpaniya na maaring maka-influence sa atin. Okey lang ito kung talaga namang pupwede ang produkto nya. May pagkakataon din na ma-influence tayo sa commercials at advertisement.
Ngunit isa sa mga pinakamahalagang kunsiderasyon ng RB Sugbo ay ang pagtipid.
Para sa kumpletong feeding program natin ay magbasa sa tilaok.blogspot.com sa internet. Doon makikita nyo ang mga libreng babasahin na maari ninyong hingiin galing sa MANA. Libre po walang bayad. Bahagi po ng serbisyo ng Masang nagmamnok ang mamahagi ng kaalaman sa mga nagmamanok na nangangailangan nito.
Kamana, pwede po bang malaman ang iba’t ibang breeds ng manok na sikat dito sa Pilipinas?
May iba’t-ibang uri ng lahi ng mga manok panabong. Napakarami na ng mga linyada at lahi ang nabuo. Iilan lang ang maaari nating talakayin ditto at baka kapusin tayo hindi lamang sa espasyo kundi pati sa panahon.
Ang mga sumusunod ay yon lamang mga lahi na tanyag dito sa atin at kasalukuyang ginagamit ng maraming nagpapalahi. Nawa’y maging gabay ito sa inyo na gustong pasukin ang larangan ng pagpapalahi.
Hatch: Pula; berde o asul ang paa; straight o peacomb. Matibay, matapang at malakas.
Sweater: Pula; dilaw ang paa; peacomb. Agresibo, malakas, mabilis.
Lemon: Pula; dilaw ang paa; straightcomb (maliban sa Lemon 84 na peacomb at may berde ang paa). Matalino, abang at angat. Magaling puma-a.
Roundhead: Pula; puti o dilaw ang paa; peacomb. Mabilis, mautak at mataas ang lipad.
Kelso: Pula; puti o dilaw ang paa; straight o peacomb. Kalimitan ay katulad ng roundhead. Mabilis,mautak at mataas ang lipad.
Claret: Pula; puti ang paa; straightcomb. Mabilis, mautak, angat. Magaling puma-a.
Grey; Talisayin; puti, dilaw, berde, asul o itim ang paa; straight o peacomb. Katulad ng hatch,tibay, tapang at lakas ang puhunan. Subalit may mga bagong greys ngayon tulad ng Aguirre grey na mataas na rin ang lipad at mautak.
Brownhead at Black: Alimbuyugin o itim; itim ang paa; itim ang mata; straight o peacomb. Mapa sa ere man o sa lupa ang mga brownhead at black ay mabilis at maliksi. Karamihan sa mga ito’y agresibo at dinadaan ang laban sa paramihan ng palo.
Ang mga impormasyong ito’y maaari nating gawing gabay sa pagpapalahi.
Halimbawa ang hatch, sweater at grey na parehong malalakas ay dapat ipares sa mga mabibilis at mauutak gaya ng lemon, roundhead, kelso, at claret.
Ang blacks naman ay pwede sasweater, hatch, greys at samga mauutak na roundheads, kelso at clarets.
Maaari rin ninyong paghaluin ang 3 o 4 na linyada. Ito ang tinatawag na 3-way at 4-way crosses.
Ngunit ang pinakamahalaga ay huwag natin ibatay sa pangalan ng lahi ang ating pagpapalahi. Kailangan tingnan nating maige ang indibidwal ng katangian ng manok o pamilya na ating gagamitin.
(Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman magbasa sa blog natin tilaok.blogspot.com. Para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagmamanok o kaya’y sa MANA mag-text: 0927-995-4876 o 0908-980-8154 o mag-email: mba1220bemin@yahoo.com)
Welcome. To read the articles, please click post link or month, then subsequent post link.
Ponkan broodcock
Another ponkan
Mana: Dami at Pagkakaisa
Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.
Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong.
Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.
Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:
1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.
2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.
3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.
4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.
Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.
Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying
Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.
Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.