Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.

Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.
Ganap na sabong site. Forums, kaalaman, balita, at iba pa para sa inyong kasiyahan at kapakanan.

Tuesday, September 1, 2009

LLamado Tayo sa Larga: Partylist ng mga sabungero

Larga 22 Aug 23
Llamado Tayo
Rey Bajenting

Party list ng sabungero

Kabilang sa mga nag-apply for accreditation sa Comelec para maging party list at makasali sa nalalapit na eleksyon ay isang samahan ng mga sabungero, ang Alyansa ng mga Sabungero. Pagkalabas nang pagkalabas ng balita na may samahan ng mga sabungero ang nag-file for accreditation agad tayong pinuktati ng mga tanong. Marami ang nagtanong kung may kinalalaman ba ang MANA sa Alyansa ng mga Sabungero. Kasi ang naririnig at nalalaman nila na sa ngayon ay kumikilos para sa mga sabungero ay ang MANA.
Wala pong kinalalaman ang Masang Nagmamanok (MANA) Inc, sa kilos na yan ng Alyansa ng mga Sabungero. Ang totoo ngayon ko lang narinig ang samahang iyan. Hindi rin natin personal na kilala ang kanilang presidente si Nid Anima, bagaman, noong araw, may nababasa akong mga babasahin na isang Nid Anima ang may akda. Malamang iisa ang Nid Anima na ito at ang Nid Anima na nabasa ko. Kung ganun isa si kasamang Nid sa mga taong may pagmamalasakit sa sabong kung gawing batayan ang tagal ng panahon na siya’y naging bahagi ng industriya.
Walang kinalalaman ang MANA sa Alyansa. Ang MANA ay isang non-profit corporation na registered sa Securities and Exchange Commission (SEC) na ang layunin ay ang itaguyod ang kapakanan ng mga karaniwang sabungero. Ganito rin siguro ang layunin ng Alyansa. Pero hindi nag apply para maging partylist ang MANA. Sa ngayon ang tunututukan muna natin ay ang pagtatag ng mga kooperatiba upang makatulong sa kabuhayan ng mga pangkaraniwang nagmamanok. Hindi lang ang mga sabungero kundi pati na ang mga naghahapbuhay sa ibang poultry industry; ang mga native chicken raiser at mga magsasaka nay may mga alagang manok sa bukid. Kalaunan siguro ay magtatag tayo ng foundation.
Subalit hindi taliwas o makakasama sa layunin ng MANA kung ang mga nagmamanok ay magkakaroon ng kinatawan sa kongreso. Personally, para sakin. Dapat lang talagang magkaroon ng kinatawan ang mga sabungero at ibang nagmamanok. Ang sabong ay isang malaking industriya ngunit, tama si kasamang Nid, kulang ang mga pinaiiral na batas na mag regulate dito. Ang sabong ay bahagi ng kultura, ngunit lumilitaw na parang kulang ang proteksyon na bibibigay ng batas. Sa sabong, marami ang naghahanapbuhay ngunit sila’y hindi protektado ng ating Labor Code.
Sa obserbasyon na ang mga sabungero ay hindi dapat magkaroon ng kinatawan sa partylist system dahil tayo’y hindi marginal sector ay mali. Oo ang mga malalaking breeders at mga tahor hindi marginal. Pero tayong mga maliit na sabungero, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan bilang kristo, sentenciador, kasador, manggagamot, gate keepers at iba pa ay higit pa sa marginal.
Ngunit iba-iba ang pananaw. Hindi lang kasi tayo ang membro ng lipunan. Marami sa ating mga kapatid na iba naman ang turing nila sa sabong. Kaya respituhin din natin. At the end of the day, nasa Comelec ang pagpasya. Nawa’y makalusot ang petisyon ng Alyansa at nang makatulong naman tayo sa pagkumpanya. Kung hindi naman igalang natin ang pasya, at ang pananaw ng iba. Magpatuloy lang tayo sa ating ginagawa. Ang MANA ay magseserbisyo sa karaniwang sabungero pamamagitan ng pamahagi ng kaalaman, pagtatag ng mga kooperatiba, pamigay ng materyales at iba pa. Patuloy lang tayong magbasa ng Larga, ng tilaok.blogspot.com, mag email sa mba1220bemin@yahoo.com at magtext satin. Hindi po tayo magsasawa sa pagtugon sa inyong mga katanungan hanggat kaya. Kasi may pagkakataon na di talaga natin maubos pagsagot lahat dahil may panahon na talagang maramirami at magkasabay pa. Kaya pinipili natin ang mga mahahalaga. At saka wag naman sana yong mga tanong na ang sagot ay sobrang haba na hindi magkasya sa text. Sa email kahit mahaba pwede.

MANACO
Kaugnay sa ating pagtatag ng mga kooperatiba, ang unang paderby ng Mana Chicken Raisers Cooperative (Manaco) ay gaganapin sa Dec. 3 sa Talisay Tourist Sports Complex. Ang lahat na sasali sa derby na ito ay may free shares sa kooperatiba. 3 cocks ang paderbing ito at maliban sa regular na champions’ at insurance prizes may kill quick award at fastest kill prizes pa. Ang Talisay Tourist Sports Complex ay isa sa mga pinakamagarang sabungan sa buong mundo at ito ang homecourt ng Central Visayas Gamefowl Breeders Association (CVBA) ang GBA kung saan kasapi tayo at marami sa ating mga kamana sa Visayas.
Ang Manaco ang ang kooperatiba na mamahala sa gamefowl dispersal program ng MANA sa Cebu at ng All-Purpose Chicken (APC) technology.

Urban conditioning
May isa po tayong kamana na nagtanong kung ang pagalaga ng manok ay magkatulad lang o ganun parin kahit na ang kanyang lugar ay nasa Metro Manila. Dahil sabi nya karamihan daw ng mga manukan na nababasa at napapanood niya ay nasa probinsiya at malalawak na lupain ang kinalalagyan. Karamihan din daw sa mga tips sa pagalaga na manok panabong na narinig at natutunan niya ay mas angkop at bagay kung ang iyong lugar ay malawak.
Si kamana Gener Figuracion ang nagtanong. Bago lang siyang kamana na nagparehistro pamamagitan ng pag email. Nabasa niya rin daw sa tilaok.blogspot.com ang iba’t-ibang libreng babasahin na pinaminigay ng MANA at RB Sugbo ngunit wala daw doon ang kanyang hinahanap—ang pagalaga ng manok kung ikaw ay nasa lungsod.
Napakagandang punto. Oo nga di gaanong tinatalakay ang aspetong ito. Karamihan ay pinapalagay na natin na ang nagmamanok ay nasa isang angkop na lugar. Subalit napakarami sa ating mga kamana ang nasa lungsod at may tinale. Nakikita pa nga natin ang iba ay nasa tabi ng daan ang manok nila. Ang iba ay nasa bubungan pa.
Tayo sa MANA ay natatalakay natin yan. May ilang seminars na si Dra. Nieva Arieta at ang inyong lingkod ay nagsasalita hinggil sa tinatawag natin na urban chicken raising. May mga naisulat narin tayo hinggil sa paksang ito noong ang Llamado Tayo ay nasa ibang pahayagan pa. Ngunit alam natin na marami pa ang hjindi nakabasa at nakaalm nito kaa nagpapasalamt tayo kay kamana Gener na naitanong nya at nang matalakay natin muli.
Ito po ang urban game chicken raising. Para po ito sa ating mga kamana na sa lungsod nakatira ngunit nagaalaga parin at nagpapalahi ng mga manok pansabong.
Hindi po kasi tularan ang kapaligiran sa lungsod para sa manok. Ang manok ay ibon. Gusto nito ang nasa bulubundukin, maraming punong kahoy at medyo malamig at tahimik na lugar. Sa lungsod ay mainit, walang gaanong punongkahoy at maingay. Kaya malayo sa paging tularan o ideal ang ganitong sitwasyon para sa manok.

Pero hindi ito sapat na dahilan upang hindi tayo makapag-enjoy sa larong sabong kung nanaisin natin. Payo lang po natin, na unang-una ilagay natin sa isip na lugi tayo kung ang makalaban ng ating manok ay yong laki sa bundok o sa mga magagandang
farm. Kaya wag tayong magpusta ng malaki. Pagmalaki na kasi ang pusta natin ang makakalaban natin ay ang mga magagaling na nagmamanok. Atsaka, hindi naman talaga maige ang nagpupusta ng malaki sa manok. Dahil sa halip na ito’y isang libangan lang o hanapbuhay, ito’y magiging isang sugal.
Linawin po natin na ang pamamaran natin sa urban na pagmamanok ay para lang umangat ng kunti ang kalagayan ng ating mga manok. Hindi kailan man ito maging kapalit ng tularan na kapaligiran at pagaalaga.
Kung may isang bagay na medyo pabor sa manok na laki sa lungsod ay ang kasanayan nito sa init, ingay at sa maraming tao na siyang palaging sitwasyon sa sabungan. Hindi ito madaling manibago. Alam natin na ma-stressed ang manok pag naninibago sa kapaligiran.
Ngunit pagdating sa pangangatawan, lakas ng mga internal organs, pagpaunlad ng mga kalamnan at kaisipan, malayong-malayo ang manok na laking siyudad sa laking probinsiya. Sa manok mas maige ang prom-di.
Mabuti-buti na lang at dahil sa sandata na kinakabit natin dito sa sabong sa Pilipinas ang labanan ay madaling matapos. Kung tulad pa sa Amerika na patibayan at pataasan ng resistensiya, walang kalabanlaban ang manok na laki sa lungsod. Dito sa atin may tsamba pa.
Upang maiangat natin ng kunti ang kalagayan ng manok natin sa lungsod, isaisahin natin sa pagtalakay ano ang mga kinakailangan ng manok na wala sa kalagayan nito sa lungsod. Una presko na hangin para sa paghinga. Ibig sabihin oxygen. Ang paghinga ng manok ay apat hanggang limang beses na mas mabilis kaysa tao. Samakatuwid mas malaki ang papel na ginagampanan ng hangin sa sistema ng katawan ng manok. Mas kailangan nila ang magandang kalidad ng hangin na malanghap at mahinga.
Kaya hanggat maari sa lugar na may punongkahoy ilagay ang manok. Kung ang hayop ay lumalanghap ng oxygen at nagpapalabas ng nakakalason na carbondioxide, ang halaman naman ang naglilinis pamamagitan ng pag langhap ng carbon dioxide at pagpalabas ng oxygen. Kung walang mga punongkahoy magtanim tayo o kaya’y maglagay ng halaman malapit sa mga kinalalagyan ng manok. Katabi ng kulungan nila, o sa cord.
Pangalawa ang manok ay nagangailangan ng greens sa pakain tulad ng gulay, damo mga prutas. Mahirap ito mahanap sa mga kinalalagyan ng manok sa lungsod. Kaya magsuplemento tayo sa ating pakain. May mga rejek na na gulay at prutas sa palengke Mura na alng ang mga ito. Minsa’y mahihingi pa natin. Kahit paano’y may sustansiya parin ang mga ito na makatulong sa pangangatawan ng ating manok.
Ang manok ay nangangailangan din ng mineral na wala sa lansangan. Sa bundok masustansya ang lupain. Kaya nakakakuha ng mineral ang manok. Sa lungsod dapat lang talaga na magbigay tayo ng mineral suplement. Ang mga MVE, multi vitamins and electrolites ay may mineral. Mayroon ding concentrated mineral drop pangmanok na mabibili sa merkado.
Sa mga malalawak na manukan, ang manok ay napapagala, makakatakbotakbo at lipadlipad. Kung di man sa mahahabang cord ito nakatali. Kaya naehersisyo ng husto. Sa lungsod hindi ito magawa ng manok. Kaya dapat na tulungan natin. I-ehersisyo natin ng kunti. Palipadliparin din natin pamamagitan ng paghagis sa ere. Ikahig at isampi natin. I-handspar at patakbotakbuhin pamamagitan ng pagpahabol ng catch cock.
Ang mga ito ay iilan sa mga dapat antin tandaan. Mga kaibahan ng manok na nasa malawak na kinalalagyan at sa manok na nasa lansangan lang. Kaya gawan natin ng paraan.
May artikulo tayo na makakatulong na isinulat natin sa Llamado magazine. Ito ay ang Boy Scout Keep. Medyo angkop yon sa mga nagmamanok sa lungsod at mga may pasok at walang caretaker ng kanilang manok. Kung di nyo pa ito nabasa ay pwede kayong mag request sa mba1220bemin@yahoo.com at i-email namin sa inyo ang nasabing artikulo. Libre po.
(Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman magbasa sa blog natin tilaok.blogspot.com. Para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagmamanok o kaya’y sa MANA mag-text: 0927-995-4876 o 0908-980-8154 o mag-email: mba1220bemin@yahoo.com)

Ponkan broodcock

Ponkan broodcock
One of the ponkan broodcocks being readied by RB Sugbo for the incoming breeding season. RB Sugbo is among the gamefowl farms very much involved in the Masang Nagmamanok (MANA) Inc. nationwide gamefowl dispersal program.

Another ponkan

Another ponkan
Another ponkan broodcock in the trio pen.

Mana: Dami at Pagkakaisa

Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.

Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan. Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.

Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.

Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:

1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.

2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.

3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.

4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.

Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito, noon, ay arawaraw na lumalabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications. (Ngayon mababasa ang Llamado Tayo sa dyaryong Larga Weekly.)

Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.

Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.