Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.

Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.
Ganap na sabong site. Forums, kaalaman, balita, at iba pa para sa inyong kasiyahan at kapakanan.

Tuesday, September 1, 2009

Llamado Tayo sa Larga: Tilaok mas pinaganda

Larga 19 Aug 2
Llamado Tayo
Rey Bajenting

Tilaok.blogspot.com mas pinaganda

Agusto na. Taglugon na. Stag season narin.
Sa ganitong panahon ng taglugon wag po nating pabayaan ang ating mga tinali na naglulugon. Kahit na ba hindi pa natin ito mailaban, kailangan paring bigyan ng masustansyang pakain. Ang totoo mas nangangailangan ng sustansya ang manok na naglulugon dahil ang tumutubong balahibo ay nangangailangan ng sustansya.
Sa atin namang mga kasama at kamana na naglalaban sa stag derby, pagtuunan po natin ng nakakaibang pansin ang mga stag. Hindi basta-basta ang paghanda ng stag. Yon na nga nasabi natin sa pamhplet “ Mga Ideya sa paghanda ng Stag” na kailangang isiksik sa loob ng tatlong buwan ang sanay mangyayari sa dalawang taon kung ang stag ay pagugulangin muna bago ilaban.
Yong mga nag request ng babasahin hinggil sa paghanda ng stag, available na po ang pamphlet nating ito sa tilaok.blogspot.com, ang official internet site ng MANA. Bumisita po tayo sa tilaok. Mas pinaganda ang blog natin at pinarami ang mga mababasa natin roon. Bukod sa orihinal na page ng tilaok.blogspot.com may pahina na hinggil sa RB Sugbo; may pahina hinggil sa mga libreng pamhlet, aklat at mga babasahin; at may pahina na tinatawag na tilaok interactive. Dito pwede tayong mag talakayan. Mayroon ding pitak doon na pinamagatang “Anong Say Nyo Mang Ento?”
Si Mang Ento ay isang matanda at bihasang sabungero na sasagot sa inyong mga katanungan. Ito po ang unang katanungan at sagot ni Mang Ento na nabasa natin doon:
Me tanong ako Mang Ento matanda na kayo. Naniniwala kayo sa mga pamahiin ng mga matatandang sabungero.Totoo po ba na may kaliskis na swak na swak sa panalo?


Sagot:

Kamana anon,
: Ano kamo iho, matanda na ako? Ang pagtanda guni-guni lang. You know. . . matter does age, but age does not matter, as long as nothing is the matter with. . . your matter.
Naniniwala ba ako sa kaliskis? Siyempre naman, of course, naniniwala ako sa kaliskis. In English that’s economy of the scales. But it depends, depende parin sa kaliskis ng kalaban.
Halimbawa, for example, lamang ka sa panalo kung ang kaliskis ng manok mo ay kaliskis ng isang manok na may edad na dalawa o tatlong taon., at ang kaliskis ng kalaban ay kaliskis ng isang manok na sampung buwan palang. Kung ganito, malamang mananalo ang manok mo. Remind yourself that.
Kung ang ibig mong sabihin kung naniniwala ako na isang uri ng kaliskis, tulad halimbawa ng tres y media, ay lamang na lamang sa panalo, Oh no… hindi ako naniniwala. Kung totoo pa yan nagsisilipan na sana tayo sa ulutan kung ano ang kaliskis ng mga manok. Sa ulutan tinataya natin ang laki, ang edad ang uri, ang tangkad ng manok. Ngunit di naman natin tinitingnan kung ano ang kaliskis ng manok. Samakatuwid hindi totoo na may kinalalaman ito sa pagpanalo ng isang manok. In short, scales do not matter.
Sa edad kong ito, ang pinaniniwalaan ko lang sa pagmamanok ay yong mga bagay na masusuportahan ng siyensya o mapapaliwanag. Bakit lamang sa panalo ang manok na mas malaki? Dahil ang malaki ay mas malakas kaysa maliit. Bakit lamang sa panalo ang cock laban sa stag? Dahil ang mas matandang manok ay mas malakas, matapang, matibay at magulang. Bakit lamang sa panalo ang texas laban sa native? Dahil ang texas ay gawang panglaban sa gradas, habang ang native ay para gawing panglaban sa gutom.
Eh kung tanungin kaya tayo kung bakit lamang ang manok na may kaliskis na tres y media, ano ang isagot natin? Sabihin na lang natin, kasi, you know. . . it’s according to them people of the old.
Bisitahin po natin at tanungin si Mang Ento. Nakakaaliw po.

MANA komite sa NCR at Calabarzon
Kasunod po ng pagkarehistro ng Masang Nagmamanok (MANA) sa Securities and Exchange Commission, ay ang pag-organisa natin ng mga committes na titingin sa mga kaganapan ng mga chapters. Kabilang sa mga komiting ito ay ang Metro Coordinating Committee na mamahala sa mga chapters sa National Capital Region at Calabarzon. Si kamana Col. Restituto Corpuz ng Rizal ang chairman ng komiting ito. Si kamana Gani Dominguez naman ng Cavite ang vice chairman at business manager. Kabilang sa mga membro ay si kamana Anthony Espinosa ng Pasay, kamana Ed Genova at Mhon Dayao ng Taguig at kamana Army Celis ng Quezon. Mayroon pang iba na kukumbidahan nina kamana Tito at Gani.
Good luck at maraming salamat sa inyo mga kamana sa nasabing komite. Malaki ang magagawa nyo para sa MANA. Tandaan natin na ang MANA ay ideya, adhikain, simulain. Hindi ito tao o iilang tao lang. Ang MANA ay pagkakaisa ng napakarami upang itaguyod ang kapakanan ng ordinaryong sabungero, na siyang gulugod ng industriya; at ang ipaglaban ang sabong bilang isport, hanapbuhay, industriya at mana ng ating kultura. Pamamagitan lang ng pagkakaisa at pagtutulungan natin matupad ang ating mga layunin.
Muli pong nagpasasalamat ang MANA sa pahayagang Larga. Maraming nagparehisro sa ating samahan pamamagitan ng pag text at email dahil nabasa nila ito dito sa Llamado Tayo sa Larga.
Inuulit din po natin na mas maige kung sa pagparehistro ninyo ay ibigay nyo ang inyong email ad dahil may mga babasahin at mga kaganapan na regular na ini-email natin ng libre sa mga kamana na nakapagbigay na ng email ad. Maramirami na rin po ang email ad na naipon natin. Mag email lang tayo sa mba1220bemin@yahoo.com.

Pagsasanay na Angkop sa Pilipino Knife
Dekada 60 nang magsimulang nagsidatingan sa bansa ang mga manok Amerikano. Malaki ang lamang ng mga Texas sa abilidad, tapang at lakas kung ihambing sa mga native tinale kaya nagpapanalo ang mga ito. Hindi naman nagpahuli ang iba pang may kayang sabungero kayo dumami ng dumami ang mga imported na manok.
Bunsod ng pagdami ng mga manok Amerikano, ay nainpluwensiyahan din ang ating pagpapakain at pagaalaga ng manok tinale. Sinunod ng mga sabungerong Pilipino ang natutunan nila sa mga Amerikano nagmamanok. Ngunit hindi pala dapat. Napakalaki ng kaibahan sa uri ng laban sa Amerika sa ating nakasanayan dito. Doon magtatagal ang labanan dahil gaff o kaya’y short knife ang kinakabit sa manok. Dito ginagamit natin ay ang Pilipino slasher knife. Napakadali matapos ang labanan dito sa atin.
Kaya iba ang nararapat na ehersisyo sa manok para sa Pilipino knife sa manok na para sa gaff o kaya’y short knife. Para sa atin ang mga maiinam na ehersisyo ay ang kahig, sampi, handspar, bitaw, at ang rotation o paglipatlipat sa manok sa iba’t-ibang kinalalagyan ilang beses sa bawat araw.
Bitaw
Ito ang pinakamalapit sa katotohanan. Tari na lang ang kulang at ang bitaw ay aktwal na labanan na talaga. Sa bitaw ay masasanay ng husto ang manok sa mga dapat gawin sa aktwal na labanan sa sabungan. Regular na ibitaw ang manok. Kahit dalawa o tatlong beses bawat linggo. Huwag lang tagalan. Ilang hatawan lang awat agad.
Palaging dalawang rounds ang pagbitaw natin. Sa unang round dalawa o tatlong paluan lang awat na. Ipahinga muna natin ng mga 30-45 segundo at ibitaw ulit. Sa pangalawang pagbitaw hinahayaan natin sila hanggang apat o limang hatawan bago awatin.
Isang bagay lang ang bantayan, awatin agad pag may alin man sa dalawang manok ang maka billhold o tuka-kapit. Una dahil maaring makasira ito sa kanilang balahibo. Pangalawa, ayaw natin masanay ang manok sa pag tuka-kapit, yong bang tumutuka at kumakapit muna sa kalaban bago pumalo. Ang magaling na manok ay pumapalo na walang billhold. Ang billhold ay isa sa mga negtive traits na natalakay natin sa naunang kabanata sa pagpili.
Ang distansya sa pagbitaw ay depende sa sidhi ng pocus ng manok sa pakikigpalaban. May mga manok na kulang pa sa pagnanasang lumaban, malimit mauunahan ang mga ito. Kaya dapat pagganito, malapitan muna ang pagbitaw. Mga isang metro lang ang layo sa umpisa para agad-agad na magkapaluan at madala ang manok na kulang sa pocus dahil mauunahan ito. Palayo ng palayo ang pagbitaw habang patindi naman ang kanilang pocus sa pakikipaglaban.
Ang kakulangan sa pocos ay nangyayari sa mga stags, mga manok na bagong natapos sa paglugon at yong kagagaling lang sa cord area ng malalaking farm. Dahil ang mga ito ay kulang sa bitaw. Ang ganitong problema ay kasali sa mga inaayos natin sa foundation stage ng ating conditioning pyramid na tatalakayuin natin sa kabanata 6 ng bahaging ito.
Kahig at sampi
Sa pagkakahig ay naiensayo maige ang paa ng manok. Samantalang sa sampi nasasanay ang manok sa pagpatama sa kalaban.
Maganda kung sa madaling araw natin gawin ang pagkahig at sampi. Kailangan natin ang lugar na may ilaw. Una palakad-lakarin muna ang mga manok. Tapos, ikahig ang dalawang manok ng mga 45-60 seconds at isampi dalawang beses.
Sa sampi, dahil hawak ng handler ang buntot habang nagsasalpukan sa ere, makokontrola ng handler ang tamang layo. Dapat malayolayo para magsusumikap ang mga manok na maabot ang isa’t-isa at mapapaunlad ang kanilang reach. Huwag naman sobra ang layo na hindi na makapatama ang manok.
Handspar
Ang handspar o catch cock ay isa ring magandang paraan sa pagsasanay sa manok sa pagpatama sa kalaban. Sa handspar dahil hawak natin ang manok o dummy na pinapalo ng sinasanay na manok, mararama natin ang tindi at diin ng palo. At dahil kontrolado natin ang catch cock o dummy cock maari natin itong iposisyon kung saan mapapaunlad natin ang liksi ng manok na sinasanay.
Sa pag hand spar, magingat na tama lang ang layo ng manok na pinapalo sa pumapalo. Dapat tama lang na maabot ito ng palo na naka stretch ang paa ng manok na sinasanay. Kung sobra ang lapit masasanay ang manok sa short punching. At delikado pang magkatamo ng injury ang muscles ng manok na sinanasanay. Huwag naman sobra ang layo at di makapatama ang manok. Huwag sanayin ang manok na pumalo na di makatama dahil magiisip ito na walang mangyayari kahit pumalo siya dahil hindi naman makakaabot. Magkakaroon ito ng pagiisip at makaugalian na basta lilipad lang ngunit hindi papalo ng matindi.
Rotation
Ang rotation ay ang paglipatlipat ng kinalalagyan. Ang manok ay mas alerto at aktibo kung bagong lagay sa isang lugar. Pag tumagal ang manok sa isang lugar nagiging kampante ito at di na masyadong gumagalaw, kaya ilipat natin sa ibang lugar upang maging aktibo na naman ito at patuloy na maehersisyo.
Halimbawa 9am ilipat ang manok galing sa cord papuntang fly pen. Sa tanghali ilagay sa scratch box ng 5-10 minutes. Pagkatapos ilipat sa ibang pen. 3pm ibalik sa cord at doon na pakainin at pagpalipasin ng gabi.
Tandaan lang na sa pagrotation itaon na sa mga oras na mainit ang sikat ng araw tulad ng tanghali, ang manok ay nasa covered pen o sa lugar na malamig at may lilim.
Kung tayo’y may pasok at hindi natin magawa ang ganito, ang gawin natin ay arawan ang paglipat. Sa pen sa araw na ito, ilipat sa cord kinabukasan, at, sa ibang lugar sa susunod na araw.
. (Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman magbasa sa blog natin tilaok.blogspot.com. Para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagmamanok o kaya’y sa MANA mag-text: 0927-995-4876 o 0908-980-8154 o mag-email: mba1220bemin@yahoo.com)

Ponkan broodcock

Ponkan broodcock
One of the ponkan broodcocks being readied by RB Sugbo for the incoming breeding season. RB Sugbo is among the gamefowl farms very much involved in the Masang Nagmamanok (MANA) Inc. nationwide gamefowl dispersal program.

Another ponkan

Another ponkan
Another ponkan broodcock in the trio pen.

Mana: Dami at Pagkakaisa

Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.

Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan. Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.

Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.

Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:

1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.

2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.

3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.

4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.

Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito, noon, ay arawaraw na lumalabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications. (Ngayon mababasa ang Llamado Tayo sa dyaryong Larga Weekly.)

Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.

Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.