Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.

Dito na tayo sa bagong site ng MANA. Please click image below now.
Ganap na sabong site. Forums, kaalaman, balita, at iba pa para sa inyong kasiyahan at kapakanan.

Tuesday, September 1, 2009

LLamado Tayo sa Larga: Nakababahala

Larga 20 Aug 9
Llamado Tayo
Rey Bajenting

Nakababahala
Last Wednesday, August 5, the late president Cory Aquino was laid to rest. Yes her body was laid to rest. Not her legacy. Her passing on rekindled the Filipinos’ fervor and love for freedom, and democracy. Her death, the wake and the funeral were reminiscent of 26 years ago, when President Cory’s husband, Ninoy was shot at the tarmac right upon his return to the country after an exile in the US. When Ninoy died in 1983, I was an aspiring reporter in a local daily in Cebu. Three years after when Marcos was deposed in the bloodless Edsa revolution of 1986, I was then editor of the same paper and had the satisfaction of writing the headline: Marcos No More!
Hence, I had the opportunity to be part of those tumultuous and fateful three years of our history.
Last Wednesday there was the crowd. Though less in number compared to Ninoy’s and lacking the hatred we harbored in 1986, still it was enough to shake awake those among us who were seemingly asleep unawares of what have been going on around us. Clearly it showed that Filipinos are relatively silent today compared to 26 years ago, but it doesn’t mean that today we value freedom and democracy less. The big difference was in 1986, we were then out to regain freedom and democracy deprived us for years. Now, we were just beginning to realize we might or were about to lose them again.
Yes, last Wednesday a message was clear; a statement was delivered: “President Cory paalam. But your legacy, we will protect forever.”

Protect sabong
Now talking of protecting legacy. Ang sabong ay maituturing rin na isang legasiyang namana natin sa ating mga ninuno na dapat ding ipaglaban kung ang paguusapan ay ang mga magandang mukha ng sabong.
Halimbawa, noong kapanahunan ng mga Romans, Greeks at mga mananadata sa Uropa, ang manok na naglalaban ay ginagawang tularan ng mga sundalo. Hinahalintulad ng mga hari at heneral ang tapang ng manok sa tapang na dapat taglay ng mga sundalo sa pakipaglaban para sa kanilang lupang hinirang. Ang manok kasi ay naglalaban para sino ang kilalaning hari ng isang teritoryo. Ipaglalaban ng isang manok hanggang kamatayan ang kanyang karapatan na mamuno at malayang mabuhay sa kanyang teritoryo.
Ang sabong dito sa Pilipinas ay nagsilbeng hanapbuhay sa marami sa atin. Ilang kabataan na kaya ang nakapagtapos sa pagaaral bunga ng kinikita ng magulang sa pagmamanok o paghahanap buhay sa sabungan. Halimbawa ang mga kristos, mananari, kasador, sentensyador, handlers, manggagamot at iba pa. Nandyan din ang mga nagbebenta ng manok panabong; ang mga maliliit na bredeers na nagpapalahi ng iilang piraso ngunit ng mga ito ay sapat na masagot ang pang matrikula at pambaon ng mga anak.
Isa pang mahalagang bagay na matutunan sa pagmamanok ay ang honesty. Sa sabungan libu-libong piso ang nagpapalitan ng kamay kahit walang papeles na pinirmahan. Ganun din ang sipag. Hindi maari na ang isang nagaalaga ng manok ay hindi masipag dahil nangangailangan ang manok ng sapat na panahon. Kailangan pang napakaaga ng gising dahil napakaagang gumising ng manok. Sa sabong matututo rin tayo sa pagtiwala sa kapwa at paano maging mapagkatiwalaan. Kung bibili tayo ng manok wala tayong magawa kundi paniwalaan ang sinasabi ng nagpalahi. Kaya di maari kung wala tayong tiwala sa nagpalahi. Ang nagpapalahi naman ay hindi maaring panay lang bola, dahil tiyak mabubuko rin at hindi na kailan man mapagkatiwalaan muli. Napakaganda ng isang kalakalan na nababatay sa tiwala. Di po ba? Sa sabong lang natin ito mararanasan. Subukan nating makig deal sa bangko o sa ibang kalakal di pa ang daming credit investigation, pagsisiyasat sa iyong katauhan at saka pirmahan.
Ito ang sabong para sa ating mga Pilipino. Isport, kabuhayan, industriya at mana ng ating kultura. Ngayon nais itong gawing labag sa batas ng mga kilusan tulad ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA). Nagawa nila ito sa ibang bansa. Nagawa nilang gawing labag sa batas ang pagsasabong maging sa Estados Unidos kung saan napakamaimpluwensiya ng mga mananabong noon. Ngayon wala na silang magagawa dahil labag na ito sa batas. Nais ng Peta at iba pang katulad na kilusan na gawin din ito dito sa atin—ang maging ilegal ang sabong.
Nakababahala ito mga kamana. At ang mas nakababahala pa ay ang ating mistulang pagkawalang bahala. Nakakatakot ang ating pagkawalang takot.
Ikwento ko dito ang kwento ng isang Amerikanong breeder: “There were 63 of us, and we were raided by more than 500 policemen, including state troopers.”
Ito po ang sabi ni Jim Clem, may-ari ng partner farm ng RB Sugbo sa Oregon ang Colt Security Gamefarm. Bakit daw ganoon na lang ang galit ng gobyerno sa kanila mga sabungero doon.
Sagot po natin: “dahil sa propaganda ng PETA.”
Ang sama kasi ng pagkapinta ng PETA sa sabong. Pinalabas nila na ang sabong ay salot sa lipunan at pinupugaran ng mga kriminal. Ganito rin ang gusto nilang ipapalabas dito sa atin. Pero iba ang approach nila. Kung napansin po natin hindi muna nila diretsahang inaatake ang sabong. Minsan lang noong nakaraang taon ay nagpicket sila sa world slasher. Hindi na nila inulit.
Subliminal muna ang ginagawa nila. Pinapasukan nila ng anti sabong ang mga script sa mga palabas sa sine at telebisyon. Minamanipula nila ang media at ang pagiisip ng kabataan.
Nag change strategy sila. Bagaman pina-igting nila ang kanilang kampanya dito sa Asia at sa Pilipinas, na kitang-kita sa pagkuha nila ng mga Pilipino celebrities bilang model sa kanilang mga advertisements, tulad nila Diether Ocampo, Yasmin Kurdi at Isabel Roces, hindi diretsahan nag pagatake nila sa sabong.
Sa tingin natin, sinasakyan muna nila ang ating pagiging kampante na hindi kailan man mangyari sa Pilipinas ang nangyari sa sabong sa ibang bansa.
Sinasakyan nila ang paniniwala ang mga sabungero sa “false security” o huwad na katatagan ng kalagayan ng sabong.
Hinahayaan nilang manatiling walang malay ang karamihan ng mga sabungero sa kanilang balak. Ito ngayon ang hangad ng Masang Nagmamanok (MANA), ang gisingin ang sambayanang sabungero sa nakakatakot na katotohanan.
Ako po’y natatakot sa ating pagkawala pang takot.

Itaguyod ang kapakanan ng masang sabungero
Itaguyod natin ang kapakanan ng kapwa masang nagmamanok. At ipaglaban ang sabong. Ito ang simulain ng Masang Nagmamanok (Mana). Gawin po natin ito.
Dahil alam natin na ang karaniwang sabungero ang tunay na gulugod ng industriya ng sabong. At, tiyak, pagdating ng panahon, ang masang nagmamanok ang payak na sabungero tulad ni Juan, Pedro at Pablo, ang malalagay sa harapan sa pakikipagdigma upang ipaglaban ang sabong.
Ang kapalaran ng sabong sa ibat-ibang lugar ng mundo ay kung saan ito’y naging labag sa batas, ay bunsod sa tinatawag na numbers game. Ang mga argumento sa magkabilang panig ay patas lang, dahil depende ito sa punto de vista ng nakikinig. Ngunit ang dahilan bakit sa maraming bansa ay natatalo ang sabong, ay ang takot ng mga politiko na matalo sa eleksyon.
Sa mga bansa kung saan popular ang mga animal protection movement, tiyak walang panalo ang sabong. Dito sa Pilipinas medyo mahihirapan sila dahil sa dami ng mga sabungero. Ngunit hindi tayo dapat maging kampante na nakasandal sa sinasabing dami na yan. Marupok ang dami natin kung walang pagkakaisa at pagpupunyagi.
Marunong ang kalaban. Magulang na rin sila sa ganitong uri ng labanan. Gamit nila lahat dahil may pundo sila. Ang People of the Ethical Treatment of Animals (PETA) ay may annual budget na 30 million US dollars. Isa lang ang PETA sa maraming katulad na organization.
Dahil sa kanilang pundo ang mga organisasyon na ito ay makakagamit ng public relations, advertisements, propaganda, information at education program, political lobbying, at social positioning. Nakababayad sila ng mga mamahaling modelo, ang iba ay naghuhubad pa sa ngalan ng animal rights. Pinagaralan nila ang mga mensahe na dapat iparating sa bawat target public. Samantalang, sa kabilang panig, tayo ay hindi pa organisado na makipag digma sa kanila.
Hindi pa nga natin damdam ang panganib. Kampante pa tayo na hindi kailan man mangyayari sa Pilipinas ang nangyari sa Europa, North at South America at sa maraming bansa sa Asia. Katulad din nito ang pagiisip ng mga Amerikano may ilang taon lang ang nakalipas. May panahon pa nga na napaka-importante ng mga tao na naugnay sa sabong sa Amerika. Mga politiko, huwes at maging si Presidente Abraham Lincoln.
Ngunit tingnan ngayon ano ang nangyari sa sabong sa Estados Unidos. Labag na sa batas.
O baka nga lang na ang ilan sa atin ay walang paki kung ano man ang mangyari sa sabong? Kaya hindi nababahala.
Baka nga. Dahil kung ikaw ay isang sugarol, kung mawala ang sabong, marami pang sugal. Kung ikaw ay nagnenegosyo sa sabong, marami pang negosyo na maaring pasukin kahit wala na ang sabong. Kung kasiyahan lang ang habol mo sa sabong, maraming ibang kasiyahan.
Ang talagang makipaglaban ng patayan para sa sabong ay tayo na ang tingin sa sabong ay bahagi ng buhay Pilipino, bilang bahagi ng ating kultura na namana natin sa mga kanunuan; bilang industriya na naging kabuhayan ng maraming mahihirap; at bilang isang tradisyon na makapagdulot ng magagandang asal at aral sa buhay.
Ito ang ispirito ng Mana, mga kamana.

Para sa mga karagdaganag kaalaman sa pagmamanok at mga kaganapan patuloy po tayong magbasa sa tilaok.blogspot.com na mas pinaganda na nina kamana Joe Claudio ng MANA coordinating center. Patuloy din po nating ipagbigay alam sa mga kaibigan at kakilala ang hinggil sa MANA at ng tilaok. Ang hindi pa nakapagbigay ng kanilang email ad, kung maari ay i-email nyo sa mba1220bemin@yahoo.com upang masali kayo sa listahan ng pinadadalhan ng libreng kopya ng tilaok newsletter at ng mga babasahin ng RB Sugbo at MANA.
Patuloy po ang pasabong ng Pasay-Taguig chapter bawat ikatlong Miyerkules ng buwan. Binabati at pinasasalamatan natin si kamanang Benjamin Santiago sa kanyang walang sawang pagsuporta sa pasabong sa Pasay. Sila kamanang Ed Genova, Jun Dimaculangan, ang tropa ni kamanang Gani Dominguez ng MANA Cavite, kamana Army Celis at iba pang patuloy na nakikiisa kay kamana Anthony Erspinosa sa ating pasabong sa Pasay.
Maliban sa monthly pasabong ng Pasay-Taguig chapter may pasabong din ang MANA Cavite. Ang sunod na pasabong ng MANA Cavite ay sa Oct. 15. Sa pagkakataong ito sa Arcontica Col sa Dasmarinas ito gaganapin. Simula sa Agusto may serye ng pasabong naman ang MANA Cebu. Tulad po ng Excellence Poultry and Livestock specialist, ang Bmeg ay nakipagsunduan narin sa MANA na magtulungan para itaguyod ang kapakanan ng masang sabungero.
(Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman magbasa sa blog natin tilaok.blogspot.com. Para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagmamanok o kaya’y sa MANA mag-text: 0927-995-4876 o 0908-980-8154 o mag-email: mba1220bemin@yahoo.com)

Ponkan broodcock

Ponkan broodcock
One of the ponkan broodcocks being readied by RB Sugbo for the incoming breeding season. RB Sugbo is among the gamefowl farms very much involved in the Masang Nagmamanok (MANA) Inc. nationwide gamefowl dispersal program.

Another ponkan

Another ponkan
Another ponkan broodcock in the trio pen.

Mana: Dami at Pagkakaisa

Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit na mapagkakitaan.

Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong. Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan. Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.

Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby, ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng sabong.

Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok), isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero. Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:

1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit na sabungero, partikular na, ang mga naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa darating na panahon, ang mga handlers, mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad ng insurance, pension at iba pa.

2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At, sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng angkop na materyales sa pagpapalahi at paglalaban.

3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari kamakailan lang sa Estados Unidos, at ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay, industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na mana.

4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.

Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga masang sabungero. Ang pitak na ito, noon, ay arawaraw na lumalabas sa pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications. (Ngayon mababasa ang Llamado Tayo sa dyaryong Larga Weekly.)

Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di nagtagal marami ang sumapi sa MANA.

Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga kumpaniya tulad ng Excellence Poultry & Livestock Specialist, Bmeg-Derby Ace, Sagupaan, Secret Weapon, at Thunderbird.